[RANN]
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Damon nang ngumisi ako nang malaki sa harap niya. Pagod na hinilot niya ang mga sentido saka bumaling sa akin. "What now?"
Tumikhim muna ako bago ko inilabas ang lunch box na dala-dala ko nang magpunta ako sa opisina niya. Dahil nga sa ginagawa niyang harapang pag-iwas sa akin ay ako na mismo ang gumagawa ng paraan para makita siya. Hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya inaamin sa sarili niyang mahal niya rin ako. Desisyon ba masyado? Halos dalawang linggo ko na itong ginagawa at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko mula sa kaniya.
"Niluto ko ito para sa iyo." Inilapag ko sa mesa niya ang niluto kong dinuguang baboy, tinitigan niya ng ilang saglit iyon bago nagsalubong ang mga kilay niya da
[RANN] Dumaan pa ang ilang araw na paghabol ko sa kaniya. Halos umiling na nga lang rin si Spyru habang pinapanood kaming dalawa ng kakambal niya. "Hindi ka ba napapagod?" tanong niya nang madatnan niya na naman akong nasa opisina ni Damon. Dumakong muli ang palad ko sa tiyan ko. Habang tumatagal ang araw ay lalo ring lumalaki ang tiyan ko. Kaunti na lang at mahahalata nang buntis ako. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Damon ito. "Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Damon," panimula ko saka nag-angat ng tingin at sinalubong ang tingin ni Spyru. "Pero hindi ako susuko hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko mula sa kaniya."Ngumisi naman nang malawak si Spyru at naglakad papalapit sa akin. "You really never fail to amaze me, Rann." Yumuko siya sa tapat ko. Suot pa rin ang ngisi niyang nakakainis titigan. "Why don't you use your child to win him back? Kating-kati na ako actually na sabihin sa kaniyang buntis ka sa kaniya." Agad
[RANN] Pareho kaming hindi umiimik ni Damon nang makarating na kaming parking lot. Kita ko pa rin ang pamumula ng mukha niya, marahil ay sa kahihiyan dahil maraming empleyado ang nanunuod sa amin kaninang nang sipain kami palabas ni Spyru. Kahit na naiinis ako sa katarantaduhan ni Spyru ay nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya kahit papaano. Binigyan niya lang naman ako ng rason para makasama ang masungit kong asawa. "So? Uuwi na ba tayo?" tanong niya. Ngumisi lang ako saka siya tinitigan sa mga mata. Nag-iwas naman siya ng tingin, maya-maya pa ay narinig kong kumukulo na ang sikmura naming pareho. Natigilan siya nang bahagya, namumula na namang muli ang buong mukha niya. "That d*mn bastard. Ni hindi niya man lang tayo pinakain muna bago palayasin sa mismong opisina ko." Ungot niya pero tinawanan ko na lang siya. "Kumain na lang tayo sa labas? Tapos pasyal tayo." "No.""Eeehh, sige na kasi? Please?" pangungulit ko. Bumuntong hininga naman siya saka ako tinignang muli. "Fine," talo
[RANN] "Mamahalin mo pa kaya ako kung alam mo kung sino talaga ako?"Tinitigan kong maigi ang mga mata niya, naroon ang sakit at lungkot. Mga bagay na hindi ko inaakalang makikita ko sa perpektk niyang mukha. Marahan kong inangat ang mga kamay ko ay hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Sinalubong kong muli ang mga mata niya at saka ako ngumiti. "Oo naman, hinding-hindi kita pakakawalan kahit na sekretong drug lord ka pala." Umikot bigla ang mga mata ni Damon, natawa naman ako dahil sa naging reaksyon niya. "At saan mo naman nakuha iyan?" Natatawang tanong niya. "Sabi mo kasi eh, kung alam ko kung sino ka talaga, mamahalin pa ba kita?" pag-uulit ko sa tanong niya. Ngumisi ako ng malawak at saka hinila ang mukha niya palapit sa akin. Doon naglapat ang mga labi namin, pero saglit lang iyon dahil mas gusto kong titigan ang mukha niya ngayon. "Mamahalin kita kahit na anong mangyari."Tahimik lang siya, sa mga mata ko lang rin nakatitig. Maya-maya pa ay dahan-dahan na siyang ngumiti at
[RANN] "Damon…" Hindi siya umiimik, ilang beses ko nang tinatawag ang pangalan niya pero hindi pa rin siya gumigising. Nakangusong ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya habang pinapakinggan ang pintig ng puso niya. Magmula nang magka ayos kami at malaman niyang buntis ako ay halos hindi na nga siya umalis ng bahay, todo bantay siya sa akin. Binibigay niya lahat ng kailangan ko, sinusunod ang lahat ng gusto ko. Dumating na rin sa puntong si Tanya na mismo ang nagpresintang bumalik na lang ng mansion dahil nga sa hindi na ako halos maiwan ng asawa ko rito sa bahay niya. Marahan kong inangat ang kamay ko at sinusundot-sundot ang pisngi ni Damon habang mahimbing lang siyang natutulog ngayon. Alas tres na ng madaling araw, pero hindi ko maiwasang hindi maghanap ng makakain ng mga ganitong oras, kita ko rin namang napupuyat si Damon sa ganitong sitwasyon namin, pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Umangat ako ng kaunto at saka ko siya hinalikan sa pisngi, marahan at magaan lang.
[RANN] Dumating si Damon ilang saglit matapos ang naging usapan namin ni Spyru, sinamaan niya muna ng tingin ang kakambal niya bago niya ako hinalikan sa pisngi. "You're crying? Did you guys fight again?" Pinunasan niya ang hinlalaki niya ang mga mata ko bago niya ako muling hinalikan sa pisngi, umiling lang ako bilang sagot at saka niyakap ang braso niya. "Don't you think mas maganda kung babalik muna kayo ng mansion?" Biglang tanong ni Spyru nang mailapag niya ang mga pagkaing pinahanda sa kaniya ni Damon. Nagtinginan naman kaming dalawa ni Damon sa sinabi niya. "Bakit naman? Maayos naman ang buhay namin dito sa Manila ah?" Umirap lang si Spyru saka umupo sa sofa at tinitigan akong maigi. "Now that you're pregnant, it is better kung manantili ka sa mansion. Para kung sakali mang hindi ka maasikaso ni Damon ay naroon sina Gael, Mirae, Sebastian at Tanya na mag aasikaso sa iyo," pahayag niya. Bumaling rin ang tingin niya kay Damon na tahimik lang na nasa tabi ko. "They're also par
[NATHAN] "So? Ayos na ulit silang mag-asawa?" Nakangising tanong ni Rain habang pareho naming pinapanood mula sa labas sina Rann at Damon. Hindi ko maiwasang umirap dahil sa kinikilos ng animal na iyon. Halata naman kasing wala siyang pakialam kay Rann bago niya nalaman na nabuntis niya ang asawa niya. "So etsepwera ka na ulit?" Natatawa niyang sambit pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Shut up Rain. Mas gwapo naman ako sa kaniya ng di hamak," pagmamaktol ko. Hindi ko talaga alam kung bakut ganito na lang ako mag react sa nakikita ko ngayon, pero isa lamg ang alam ko…ayokong nakikitang masaya ang lalaking iyon kasama si Rann. "Awe, don't be stingy Nathan. Kung gusto mo talaga siya, bakit mo siya tunulungang makabalik sa asawa niya?" Panunuya ni Rain. Nilingon ko naman siya nang sabihin niya iyon. Bakit nga ba?"Kung talagang gusto mo siya, dapat hinayaan mo silang masira. Dapat gumawa ka ng paraan para lalo silang magkasira–" agad niyang itinikom ang bibig niya nang samaan ko si
[RANN] "Uwaaah! Welcome back ma'am Rann!" Napangito ako sa sigaw ni Mirai nang makababa ako ng kotse, agad niya akong nilundag at saka niyakap ng mahigpit. "Oi, Mirai. Sinabi na nga ni Master Spyru na umayos ka ng kilos eh." Inis na saad ni Gael pero nakipag fistbump naman siya sa akin nang makalapit siya sa pwesto namin. Masaya ko naman silang binalingan at saka. Abot tenga ang ngiting binati. "Kamusta kayo rito? Na miss ko kayo ng sobra," saad ko. Nagtinginan naman silang dalawa saka sabay na ngumiti. "Akin na mga gamit mo ma'am Rann. Nakapag handa naman na si Sebastian doon sa loob eh. Kakain na lang tayo." Kinuha ni Gael ang mga gamit na dala ko habang si Mirai nama ay inaalalayan akong makapasok ng mansion. Agad namang may malaking itim na asong tumakbo palapit sa akin. Ang makintab nitong buhok at malaking katawan, agad na nagliwanag ang mga mata ko at sinalubong siya ng yakap. Sabik naman siyang pinaghahalikan ako. "Cerbe! Na miss din kita!" madrama kong sigaw at saka siya
[DAMON] "Ne, Paion." Agad akong nilingon ng kapatid ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "Kailan mo masasabing…nagmamahal ka na nga?" Ilang saglit niya lang akong tinitigan bago sumilay ng isang nakakalokong ngisi mula sa kaniyang nakakairitang mukha. "Heh? Bakit? Umiibig na ba ang aking mahal na kapatid?" batid ang panunukso sa boses niya na lalong ikinairita ng buo kong pagkatao. Ibinaba niya ang librong hawak niya saka ako nginisihan. "Sino ang malas na nilalang na ito? Kilala ba namin? Mas mababa ba sa atin? Succubus? Imp?" Sunod-sunod na tanong niya. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko saka inis na sinara ang aklat na binabasa ko. "Nagtatanong lang ako, pwede ba? Hindi ko kasi maintindihan ang kwentong binabasa ko. Saad ng babaeng bida rito ay ramdam niyang mahal siya ng lalaki, pero hindi naman alam ng lalaki kung mahal nga niya yung babae o hindi–" tumawa lang siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ay, patawad. Hindi ko kasi alam na ganiyan ka pala mahumaling sa