[SPYRU]
"Damon! Tignan mo! Naisulat ko na ng buo ang mga pangalan ng mga tao dito sa mansion!" Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilag ko nang marinig ko ang boses ng aking hipag habang tuwang-tuwa na ipinapakita kay Damon ang papel na sinulatan niya ng mga pangalan naming lahat na naririto sa mansion. Inayos naman ni Damon ang salamin niya at saka tinignan ang papel. Nangunot pa ang noo nito habang nakatingin sa papel na binigay ng kaniyang asawa.
"Heh? Not bad. Maayos rin ang hand writing mo," sambit ng kapatid ko at saka binigyan ang asawa niya ng head pat. Awtomatikong gumulong ang mga mata ko sa senaryong nakikita ko sa harapan ko. Hindi ko alam pero talagang hindi ko gusto ang nararamdaman ko patungkol sa babaeng inuwi ng kakambal ko sa mansion.
"Mabilis ka naman pa lang matuto eh. Eto naman, subukan mong i-solve ang mga math equation na ito. Simple lang iyan, ipakita mo sa akin mamaya kapag tapos ka na. Okay?" Napa iling ako. Ibang-iba ang tono niya habang kinakausap niya ang mortal na ito. Hindi ko tuloy ma-ikalma ang sarili ko na isipin kung ano ang nangyari sa bayan nang lumabas silang dalawa kahapon. Ilang saglit ko pa silang pinanood saka ako umirap at nagpasya na lang na lumabas ng salas. Nangingilabot ako sa nakikita kong acting ng damuho kong kapatid.
"Hindi ko lubos maisip na nag-uwi talaga siya ng babae. Oo, alam kong matagal nang narito ang mortal na iyon pero hindi ko pa rin kayang ikalma ang sarili ko, " yamot na sambit ni Tanya habang marahas na pinag bubunot ang mga kawawang damo na nasa hardin ng manaion namin. Bumuntong hininga muna ako at saka naupo sa gazebo ng hardin. "It's no use acting like that Tanya. You know my brother, once na nag decide siya, gagawin niya talaga and hindi niya an lang iisipin kung maganda ba ang magiging dulot non o hindi, " yamot ko ring sambit habang nakahalukipkip pa.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. Kung minsan talaga ay hindi ko maisip na isa siyang servant sa pamilya namin. I mean, back in Erebus, palaging ang nakatatandang kapatid lang namin ang kasa-kasama niya. Kaya siguro malakas ang loob niyang singhalan kami ni Damon kahit na parehas kaming mas mataas sa kaniya.
"Bakit kasi hindi mo siya kinausap ng masinsinan? Alam mo namang hindi tayo maaring tumanggap ng mga kagaya ni Rann dito sa bundok, lalo na dito sa mansion--"
"That's my brother's decision, Tanya. Like what he told me, irespeto na lang natin ang desisyon niya para walang away. Alam mo namang hindi nagpapatalo sa argumento ang isang iyon." Sabay na gumulong ang mga mata namin ni Tanya matapos kong sabihin iyon.
"Bakit hindi niyo na lang muna tingnan kung maganda ba ang idudulot ng mortal na iyon kay Master Damon bago kayo magmukmok d'yan?" Sabay kaming napatingin ni Tanya sa nagsalita, si Sebastian na may hawak na tray, mukhang dinalhan niya kami ng merienda dito. Ngumiti siya sa aming dalawa at saka marahang inilapag ang tray ng pagkain sa harapan ko.
"Anong ibig mong sabihin, Seb? Mortal ang babaeng iyon. She's a complete stranger to us. How can we--"
"Just take a look, " saad ni Sebastian at saka iginiya ang kamay niya sa gawi nila Damon at Rann na nasa kabilang bahagi na pala ng hardin. Kung titignan ay para silang may sariling mundo, mundo na walang ibang laman bukod sa kanila kung hindi katahimikan at matitingkad na kulay.
Muli ko nanamang naramdaman ang hindi kaaya ayang pakiramdam na nasa kaibuturan ng aking puso. Hindi ko maiwasang kabahan habang pinapanood silang mag-asawa. Kita ang ginagawang korona na Rann gamit ang mga pinitas niyang mga bulaklak mula sa mga tanim ni Gael. Masuyo lang siyang pinapanood ni Damon. "Look at Master's eyes and expression, mas maamo na ito ng bahagya kesa sa dati, " muling saad ni Sebastian.
"Ang cute kaya nila, " komento naman ni Mirai na nakatitig rin pala sa kanilang dalawa. Para kaming nanunuod ng drama sa hitsura naming ito at hindi ako natutuwa sa isiping iyon. Bitter na kung bitter pero hindi ko gusto ang awrang nararamdaman ko sa babaeng iyon.
Kita pa ang pag senyas ni Rann kay Damon na yumuko siya dahil tapos na ang koronang bulaklak na ginawa niya, lalong nagtaas ang kaliwang kilay ko nang sumunod naman sa kaniya si Damon. Yumuko ito at may papikit pa ng mata.
Gross
"Haaah, iyan ang when, " natatawang komento ni Gael habang nakasandal pa kay Sebastian na siya namang nakangiti sa habang pinapanood ang dalawa. Umirap ako at saka binalingan si Tanya at kita ko ang pagka gulat sa mga mata niya. "He smiled, " mahinang bulong niya pero sapat na para madinig ko. Agad akong lumingon sa gawi nina Damon at kiang kita ko ang pag ngiti ng kapatid ko. Halos hindi ako makapaniwala.
Sa loob lang ng isang gabi, nagawa niyang paamuhin ang literal na demonyo kong kakambal. Sino ka ba talaga Rann? Anong pinakain mo sa kapatid ko at parang bigla siyang umamo sa iyo?
Iyon ang unang pagkakataon na nakita kong muli ang masuyo niyang ngiti, magbuhat nang mawala sa amin ang kapatid namin, hindi na siya muling ngumiti. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Alam kong hindi maganda ang ipinapahiwatig nito pero hindi ko rin magawang hindi pagtuunan ng pansin ang ngiti ng kakambal ko.
"See? What if Rann is the one?" Napalingon ulit kami kay Sebastian. "What do you mean?" I asked. Tinignan niya lang ako at saka ngumiti saka muling ibinaling ang tingin sa mag-asawa. "What if siya na pala ang maghihilom sa puso ni Master Damon? Sa tagal ng panahong nag silbi ako kay Master Damon, ito ang pinaka unang pagkakataong nakita ko siyang ganiyan kakalmado, " sambit niya at masuyong pinanood ng dalawa s di kalayuan. Damon's giving her head pats again.
"Let's give her a chance," malumanay na sambit niyang muli at saka kami tinignan ni Tanya. "Pero--, " hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang awra ni Sebastian. "Hayaan muna natin siyang pasayahin si Master. Gawin natin ang lahat para masigurong hindi masasaktan si Master. At kung sakali mang mangyari nga iyon..." napalunok ako nang unti-unting magbago ang ekspresyon sa mukha ni Sebastian. "Ako mismo ang maghahatid kay Rann sa kabilang buhay. "
**
Piano.
Nilingon ko ang gawi ng mansion, tunog iyon ng grand piano na madalas tugtugin ni Damon sa tuwing bilog ang buwan. Sa tuwing tumutugtog siya nito ay awtomatikong may dugong pipinta nanaman sa mga tuyong dahon ng kagubatang ito. Hindi ko tuloy maiwasang mapa buntong hininga.
"Sigurado ka bang malaki ang makukuha nating premyo kapag may nahuli tayong kung ano man dito?" Tanong ng isang lalaki sa kasama niya. Gumulong na namang muli ang mga mata ko at saka bagot na sumadal sa puno habang nakaupo ako sa sanga nito. Patuloy lang na naglalakad ang mga lalaking ito sa gitna ng gubat, paakyat sa mismong tuktok ng bundok na ito.
"Bakit nga ba natin tinanggap ang misyon na ito? Paano nga kung talagang may mga demonyo nga sa bundok na ito? Anong magiging laban natin sa kanila?" Dinig ko ang bawat pintig ng kanilang mga puso at ang bawat daloy ng kanilang dugo sa kanilang mga ugat. Minasahe ko ang batok ko dahil sa iritasyong nararamdaman ko ngayon. Agad kong binalingan ang mga taong nasa ibaba na mismo ng punong inuupuan ko.
"Aah, ang sabi ko mamamasyal ako ng bayan ngayong gabi, pero ang mga damuhong ito ay ngayong gabi pa napiling magpaka bobo?" Halos mapa iling ako dahil sa mga sinasabi ko. "Si-sinong nariyan!?" gulat na sigaw ng isa sa kanila at itinapat sa punong inuupuan ko ang flashlight niya. "Kung ako sa inyo, uuwi na lang ako. Wala ako sa mood para bigyan kayo ng atensiyon. Uwi!" singhal ko sa kanila, tumapat sa pwesto ko ang flashlight nila at tila ba nagimbal pa sa nakita nila.
"P-pulang mga mata? H-halimaw!" sigaw ng isa sa kanila. Umirap ako sa sigaw niya. "Oh shut up," singhal kong muli at saka tumalon mula sa sangang inuupuan ko kanina lang. Magaan lang ang yabag ng mga paa ko pero kita na ang pagka gimbal sa mga mata ng mga pobreng nilalang na ito. Kitang kita ko ang repleksiyon ko sa mga mata nila, pula nga na naman ang mga mata ko. "Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng kagaya ko?" Nakangisi kong tanong at saka naglakad palapit sa kanila. Lima silang magkakasama at lahat sila ay pawang mga pobreng nilalang na hindi man lang kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
"Su-subukan mong lumapit, papatayin kita!" Banta ng isa sa kanila pero lalo lang lumawak ang ngisi ko. Hindi ko nanaman mapigilan ang inner demon ko. Nagpipilit nanaman itong kumawala. Sumigaw ang lalaki at patakbong sinugod ako. "Wrong move, " bulong ko, sa isang iglap lang ay hawak ko na ang ulo ng lalaking iyon habang ang katawan niya naman ay naiwan lang sa kinatatayuan niya. Kita ang pagka gimbal sa mga mata ng mga natirang lalaki. Hindi mo maiwasang mapangisi dahil sa nakikita kong takot sa mga mata nila. Muling nabubuhay ang pagkauhaw ko sa dugo habang pinapanood ang dugong pumapatak mula sa ulong hawak ko ngayon.
"Mashado na ba tayong naging kampante at hinayaan na may mga damuhong makapasok sa teritoryo natin?" inis na sambit ni Tanya habang hawak ang isang lalaki sa leeg. Kitang kita ang pag liwanag ng kaniyang mga mata, kasabay noon ay ang pag alis ng buhay ng lalaki sa mga mata nito. Nang maging lupaypay na ang biktima niya ay saka niya sininghalan ang tatlo pang natira.
"Master, you're being unfair again. Having fun without us." Umirap ako nang madinig ko ang boses ni Sebastian, kita ang berdeng mga mata niya mula sa dilim. "So? Who's our visitor?" tanong ni Mirai habang bagot na nakatitig sa mga natitirang lalaki sa gitna namin. Inangat ko ang ulong kanina ko pa hawak at saka iniikot ito, nang makita ko ang marka nila sa putol niyang leeg, lalong lumawak ang ngisi ko.
"Hunters."
[RANN]"Inilabas na ang picture ng limang taong di umano ay nawawala matapos huling makita sa ibaba ng bundok ng sitio Las Flores. Hinihinalang ang mga ito ay illegal hikers at--""Rann." Nilingon ko ang boses ng tumawag sa akin at nakita kong nakatayo si Damon sa likuran ko habang dala ang mga pinamili naming mga "stocks" daw para sa mansion. Hindi naman dapat kami ang mamimili nito pero si Damon na mismo ang nag-ayang kami ang bumili kaya sumunod na lang ako.Ayos lang sana kung kami lang eh, kaso may damuhong nagpupumilit na sumama. "Now now, stop glaring at me like you're going to eat me alive, I know I'm a complete snack but you're not my type so pass." Nakangising sambit nitong si Spyru habang umaarte lang pinapaalis ako gamit ang kamay niya. Aba, awtomatikong gumulong ang
[RANN]"Ayan, okay ka na?" nakangiti kong tanong saka ko hinalikan si Cerbe sa pisngi. Lalo namang inilapit ni Cerbe ang mukha niya sa akin, animo'y humihingi pa ng isa pang halik kaya ginawa ko. Hinimas-himas ko rin ang kaniyang mabuhok na leeg. Ang ganda ng kaniyang kulay, matingkad ito kapag nasisinagan ng araw, mahahaba rin ito at malambot sa kamay. Niyakap ko siyang muli, buti na lang talaga at tanggap ako ni Cerbe dito sa mansion. "Kung iisipin mo Cerbe, unti-unting nagbabago ang pakikitungo sa akin rito nina Tanya at Sebastian hindi ba?" tanong ko kay Cerbe, umungol lang siya saka inilapit ang mukha niya sa pisngi ko at sinimulan akong dilaan roon. Natawa naman ako sa ginagawa niya."Ibig kong sabihin, sila Mirai at Gael ay mabilis akong natanggap. Mababait sila sa akin, ikaw rin. Maamo ka sa akin kahit na isang beses pa lang tayong nag
[RANN] "You guys sure took your time eh?" Kusang gumulong ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Spyru nang makapasok kami sa bahay nila dito sa Maynila. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na sinundan si Damon nang maglakad siya papasok at naupo sa isang malaking sofa. "Hey! Don't just ignore me!" singhal ni Spyru sa aming dalawa habang nakapamewang pa. Umirap lang si Damon at saka bumuntong hininga. "Not now bro. I'm dead tired, " mahina at walamg buhay na sagot ni Damon. Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Spyru saka humalukipkip sa harapan namin. Maski ako ay walang lakas na makupag argumento sa kaniya dahil sa haba ng naging biyahe namin. Gabi na rin kasi nang makarating kami ng Maynila at isama mo pa ang nakakairitang traffic sa daan papunta sa address nina Damon. Nagpatuloy lang sa panenermon sa amin ni Spyru, palibhasa ay nauna siyang bumalik rito kesa sa amin ni Damon kaya ganun na lamg kalakas ang loob niyang sermunan kami. Bumuntong hininga naman si Damon
[RANN] "Oya? Rann, anong ginagawa mo dito?" bungad sa akin ni Spyru nang nakasalubong namin siya sa lobby ng kumpanya nila ni Damon. Mahigpit ang hawak ko sa bag na lalagyan ng lunchbox ni Damon nang malipat doon ang tingin ni Spyru. "Ahm, hahatiran ko lang sana ng tanghalian si Damon?" patanong kong sagot, tinaasan naman niya ako ng kaliwang kilay at saka tumingin sa likod ko kung nasaan si Yohan na sumusipol sipol pa habang umiiwas ng tingin kay Spyru. "Nasa meeting pa lang si Damon, pwede mo siyang hintayin na lang sa loob ng opisina niya," saad ni Spyru saka sumenyas kay Yohan. Agad namang tumalima si Yohan at inaya na ako sa elevator papuntang opisina ni Damon pero bago pa man ako sumunod kay Yohan ay nilingon ko ulit si Spyru saka inabot sa kaniya ang isang mas maliit na lunch box. "Oh ayan, para hindi ka mainggit. Ginawan na rin kita," sambit ko saka ako nagmamadaling umalis. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya dahil alam kong puro lang naman kabulastu
[RANN]Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa kotse kahapon. Halos di ko tuloy matignan ng diretso si Damon simula nang makauwi kami galing sa arcade. Hindi ko ring maiwasang damhin ang labi ko dahil pakiramdam ko ay naroon pa rin ang pakiramdam ng labi ni Damon. Muli ko na namang nakagat ang pang-ibabang labi ko at niyakap nang mahigpit ang stuffed toy na ibinigay sa akin ni Damon.Damang-dama ko ang init ng mukha ko dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ay umakyat sa mukha ko lahat ng dugo sa katawan ko. Maski ang tibok ng puso ko ay hindi rin maayos, masyadong mabilis at malakas, ayaw kumalma."Hoy babae! Kanina pa ako nagtatawag dito. Nakikinig ka bang babae ka?" napairap na lang ako dahil sa singhal ni Spyru. Hindi ko na lang siya pinansin at nag patul
[DAMON]"This isn't enough," saad ko habang nakatitig sa bangkay ng isang batang kamamatay lang dahil sa sakit na cancer. Masyadong puro ang kanyang kaluluwa, masyadong maliwanag. Walang ni isang bahid ng kadiliman ang mahihinuha ko mula sa kanyang kaluluwa. Ikatlong kaluluwa na ito ngunit halos hindi ko pa rin maramdamang humuhupa ang gutom ko. Inis kong binalingan ng tingin si Spyru na kaswal lang na nakasandal sa may pinto ng silid."Hindi ka pa rin ba kumakalma?" tanong niya habang nakapamulsa pa ring naka titig sa batang nakahimlay na lang ngayon sa hospital bed nito. Umiling ako at mariing ipinikit ang aking mga mata. Bumuntong hininga muna si Spyru bago ako iginiya palabas ng silid. Nang makalayo kami ng kaunti ay doon ko lang pinitik ang daliri ko at muling nagpatuloy ang kamay ng orasan para sa lahat ng mortal sa paligid namin. Dinig
[RANN] Nang sabihin niyang "spend the whole day with me tomorrow" ay date kaagad ang pumasok sa isip ko. Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil masosolo ko na naman ang asawa ko. Malawak ang ngiti kong pinanood ang tanawin sa bintana ng kotse habang ang asawa ko naman ay nakangiti rin habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Kasalukuyan kaming bumibiyahe pabalik ng probinsiya dahil sabi ni Damon ay gusto niya munang magpahinga kahit na sandali doon. Napangiwi na nga lang ako dahil alam kong gusto niya lang layasan si Spyru na walang ibang ginawa kundi ipilit sa kanya ang mga trabaho niya at si Nathan na walang ibang ginawa kundi ang painitin ang ulo niya. Saglit akong natigilan nang maalala ko na naman si Nathan at iyong pinag-usapan namin na sasamahan ko siya sa isang pagsasalo ngayong araw. Umiling na lang ako, mas mahalaga ang masolo ko ang asawa ko ngayon dahil matagal tagal na rin simula nang ituon lang sa akin ni Damon ang kaniyang atensyon. Mabilis lang naman ang
[RANN]"Welcome back, master Damon, ma'am Rann," nakangiting bati sa amin nina Tanya, Sebastian, Gael at Mirai nang makarating kami ng mansion. Ngumiti ako sa kanila at agad namang lumapit sa akin sina Gael at Mirai para tulungan ako sa mga pinamili kong pagkain. Agad kaming natungo sa kusina para ihanda ang mga pinamili ko at para na rin makipag kwentuhan sa dalawang ito. Hindi man mahalaga na malaman nila ay inaamin ko pa ring sobrang na miss ko ang dalawang ito."Rann, anong ginagawa mo? Hayaan mo na si Mirai na gumawa niyan at magpahinga ka na lang sa kwarto. Alam kong pagod ka sa naging biyahe," sambit ni Damon at saka ako niyakap mula sa likod ko at saka hinalikan ang batok ko. Hindi ko maiwasang mapasinghap sa ginawa niya at kabadong nilingon sina Mirai at Gael na pawang nakatingin lang sa amin na may gulat na ekspresyon. Pareho silang
[RANN]Sa mga sumunod na araw, pansin ko ang pagkabalisa ng asawa ko. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga kakaibang bagay na nasaksihan ko at narito pa rin ang pakiramdam na kailangan ko nang kumilos ng sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi lang si Damon Ang may sikreto dahil maski si Spyru ay iba rin ang kinikilos nitong mga nakaraang araw.“Ma'am Rann? Saan ang lakad mo ngayon? Nakagayak ka ata?” Tanong ni Gael nang mapansing naka pang gayak ako. Ngumiti lang naman ako sa kaniya bago sumagot. “Mamamasyal lang saglit, medyo naiinip na kasi ako dito sa mansion.”Tumango lamang si Gael bago niya nilingon si Damon at Spyru na mukhang seryosong nag-uusap sa garden. “Ikaw lang mag-isa? Hindi mo kasama si Master? Baka mapano ka niyan,” usisa niya bago ibi
[RANN] Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari ang insidente sa gubat. Dahil sa stress na naramdaman ko, minabuti na lang nina Damon na bumalik kami sa mansion. Hindi na umalma si Sypru nang tinignan siya ng masama ni Damon. Sa mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang kumain lang nang kumain, marahil siguro sa pagdadalang tao ko, pero pakiramdam ko ay dumoble Ang gutom ko at halos maya’t-maya ang kain ko, bagay na hindi nakaligtas pang-aasar ni Spyru.“malayo pa ang kabuwanan mo pero bilog na bilog ka na. Baka naman paglabas ng mga pamangkin ko, kasing bilog na sila ng pakwan ah,” nakangising pang-aasar ni Spyru. Inirapan ko na lang siya at hindi na lang pinansin. Masyado na akong immune sa mga pang-aasar niya, kabisado ko na ang bawat paraan para hindi mapikon sa kaniya.“Kamusta naman kayo ni Tanya? Mukhang basted ka na naman ah.” Ngumisi rin ako ng malawa nang makita kong mamula siya sa simpleng pag banggit ko lang ng pangalan ni Tanya. Hindi ako chismosa kagay
[RANN] "To be honest, I really can't understand your cravings. May mga prutas naman tayo sa mansion, bakit pinapahirapan mo kami na manguha ng manga mula sa puno aber?" inis na hinawi ni Spyru ang mga matataas na damong nadadaanan namin. Tumawa na lang ako dahil sa inaakto niya at saka muling ipanatong ang ulo ko sa likod ni Damon. Naka sakay kasi ako ngayon sa likod niya habang siya ay patuloy lang na naglalakad pababa ng bundok. Lahat kami, maliban kay Sebastian ay pababa ngayon ng bundok, naisipan ko kasing gusto kong mamasyal muli sa Las Flores pero ayaw akong payagan nitong asawa ko. Ngayon ko nga lang siya napilit eh, pero dahil nahihilo ako kapag nakasakay ako sa kotse, naisipan kong bumaba kami sa pamamagitan ng daan na nasa gilid nito. Ito iyong daan kung saan maraming mga puno ng prutas na namumunga. Nang madaanan namin ang isang pamilyar na parte ay humigpit ang hawak ko sa balikat ni Damon. Dito rin kasi ang daan na tinahak ko noon para lang makarating sa mansion upang m
[DAMON] "Ne, Paion." Agad akong nilingon ng kapatid ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "Kailan mo masasabing…nagmamahal ka na nga?" Ilang saglit niya lang akong tinitigan bago sumilay ng isang nakakalokong ngisi mula sa kaniyang nakakairitang mukha. "Heh? Bakit? Umiibig na ba ang aking mahal na kapatid?" batid ang panunukso sa boses niya na lalong ikinairita ng buo kong pagkatao. Ibinaba niya ang librong hawak niya saka ako nginisihan. "Sino ang malas na nilalang na ito? Kilala ba namin? Mas mababa ba sa atin? Succubus? Imp?" Sunod-sunod na tanong niya. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko saka inis na sinara ang aklat na binabasa ko. "Nagtatanong lang ako, pwede ba? Hindi ko kasi maintindihan ang kwentong binabasa ko. Saad ng babaeng bida rito ay ramdam niyang mahal siya ng lalaki, pero hindi naman alam ng lalaki kung mahal nga niya yung babae o hindi–" tumawa lang siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ay, patawad. Hindi ko kasi alam na ganiyan ka pala mahumaling sa
[RANN] "Uwaaah! Welcome back ma'am Rann!" Napangito ako sa sigaw ni Mirai nang makababa ako ng kotse, agad niya akong nilundag at saka niyakap ng mahigpit. "Oi, Mirai. Sinabi na nga ni Master Spyru na umayos ka ng kilos eh." Inis na saad ni Gael pero nakipag fistbump naman siya sa akin nang makalapit siya sa pwesto namin. Masaya ko naman silang binalingan at saka. Abot tenga ang ngiting binati. "Kamusta kayo rito? Na miss ko kayo ng sobra," saad ko. Nagtinginan naman silang dalawa saka sabay na ngumiti. "Akin na mga gamit mo ma'am Rann. Nakapag handa naman na si Sebastian doon sa loob eh. Kakain na lang tayo." Kinuha ni Gael ang mga gamit na dala ko habang si Mirai nama ay inaalalayan akong makapasok ng mansion. Agad namang may malaking itim na asong tumakbo palapit sa akin. Ang makintab nitong buhok at malaking katawan, agad na nagliwanag ang mga mata ko at sinalubong siya ng yakap. Sabik naman siyang pinaghahalikan ako. "Cerbe! Na miss din kita!" madrama kong sigaw at saka siya
[NATHAN] "So? Ayos na ulit silang mag-asawa?" Nakangising tanong ni Rain habang pareho naming pinapanood mula sa labas sina Rann at Damon. Hindi ko maiwasang umirap dahil sa kinikilos ng animal na iyon. Halata naman kasing wala siyang pakialam kay Rann bago niya nalaman na nabuntis niya ang asawa niya. "So etsepwera ka na ulit?" Natatawa niyang sambit pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Shut up Rain. Mas gwapo naman ako sa kaniya ng di hamak," pagmamaktol ko. Hindi ko talaga alam kung bakut ganito na lang ako mag react sa nakikita ko ngayon, pero isa lamg ang alam ko…ayokong nakikitang masaya ang lalaking iyon kasama si Rann. "Awe, don't be stingy Nathan. Kung gusto mo talaga siya, bakit mo siya tunulungang makabalik sa asawa niya?" Panunuya ni Rain. Nilingon ko naman siya nang sabihin niya iyon. Bakit nga ba?"Kung talagang gusto mo siya, dapat hinayaan mo silang masira. Dapat gumawa ka ng paraan para lalo silang magkasira–" agad niyang itinikom ang bibig niya nang samaan ko si
[RANN] Dumating si Damon ilang saglit matapos ang naging usapan namin ni Spyru, sinamaan niya muna ng tingin ang kakambal niya bago niya ako hinalikan sa pisngi. "You're crying? Did you guys fight again?" Pinunasan niya ang hinlalaki niya ang mga mata ko bago niya ako muling hinalikan sa pisngi, umiling lang ako bilang sagot at saka niyakap ang braso niya. "Don't you think mas maganda kung babalik muna kayo ng mansion?" Biglang tanong ni Spyru nang mailapag niya ang mga pagkaing pinahanda sa kaniya ni Damon. Nagtinginan naman kaming dalawa ni Damon sa sinabi niya. "Bakit naman? Maayos naman ang buhay namin dito sa Manila ah?" Umirap lang si Spyru saka umupo sa sofa at tinitigan akong maigi. "Now that you're pregnant, it is better kung manantili ka sa mansion. Para kung sakali mang hindi ka maasikaso ni Damon ay naroon sina Gael, Mirae, Sebastian at Tanya na mag aasikaso sa iyo," pahayag niya. Bumaling rin ang tingin niya kay Damon na tahimik lang na nasa tabi ko. "They're also par
[RANN] "Damon…" Hindi siya umiimik, ilang beses ko nang tinatawag ang pangalan niya pero hindi pa rin siya gumigising. Nakangusong ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya habang pinapakinggan ang pintig ng puso niya. Magmula nang magka ayos kami at malaman niyang buntis ako ay halos hindi na nga siya umalis ng bahay, todo bantay siya sa akin. Binibigay niya lahat ng kailangan ko, sinusunod ang lahat ng gusto ko. Dumating na rin sa puntong si Tanya na mismo ang nagpresintang bumalik na lang ng mansion dahil nga sa hindi na ako halos maiwan ng asawa ko rito sa bahay niya. Marahan kong inangat ang kamay ko at sinusundot-sundot ang pisngi ni Damon habang mahimbing lang siyang natutulog ngayon. Alas tres na ng madaling araw, pero hindi ko maiwasang hindi maghanap ng makakain ng mga ganitong oras, kita ko rin namang napupuyat si Damon sa ganitong sitwasyon namin, pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Umangat ako ng kaunto at saka ko siya hinalikan sa pisngi, marahan at magaan lang.
[RANN] "Mamahalin mo pa kaya ako kung alam mo kung sino talaga ako?"Tinitigan kong maigi ang mga mata niya, naroon ang sakit at lungkot. Mga bagay na hindi ko inaakalang makikita ko sa perpektk niyang mukha. Marahan kong inangat ang mga kamay ko ay hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Sinalubong kong muli ang mga mata niya at saka ako ngumiti. "Oo naman, hinding-hindi kita pakakawalan kahit na sekretong drug lord ka pala." Umikot bigla ang mga mata ni Damon, natawa naman ako dahil sa naging reaksyon niya. "At saan mo naman nakuha iyan?" Natatawang tanong niya. "Sabi mo kasi eh, kung alam ko kung sino ka talaga, mamahalin pa ba kita?" pag-uulit ko sa tanong niya. Ngumisi ako ng malawak at saka hinila ang mukha niya palapit sa akin. Doon naglapat ang mga labi namin, pero saglit lang iyon dahil mas gusto kong titigan ang mukha niya ngayon. "Mamahalin kita kahit na anong mangyari."Tahimik lang siya, sa mga mata ko lang rin nakatitig. Maya-maya pa ay dahan-dahan na siyang ngumiti at