Share

CHAPTER 3

[RANN] 

Isang linggo na simula nang dumating si Spyru dito at isang linggo na rin simula nang mamalagi ako sa mansion na ito. Sa loob ng isang linggong iyon ay walang awang pinahirapan ako ni Tanya sa mga leksyon na tinuturo niya sa akin at sa iba pang mga gawain ng isang may-bahay. Isang linggo na rin simula nung huling pag-uusap namin ni Damon at talagang matapos noon ay hindi na niya ako muli pang pinansin, maliban na lang kung may gusto siyang ipagawa sa akin. 

Magdadapit hapon na ay nandito parin ako sa tabing sapa sa likod ng mansion. Hindi ako makapaniwalang may ganitong tanawin sa likurang bahagi ng mansion. Tahimik ang paligid at sariwa ang hanging nalalanghap ko. Malayong malayo sa moderno at puno na pulusyong kapaligiran ng siyudad na pinanggalingan ko. 

Tahimik ko lang na pinag mamasdan ang payapang pag-agos ng tubig sa sapa habang nakasandal ang katawan ko sa nag-iisang puno ng manga na nakatirik sa tabi mismo ng sapa. Ito ang unang beses na hinayaan ako ni Tanya na makapag pahinga muna sa pag-aaral kaya naman sinulit ko na at dito ko ginugol ang aking pag-guhit. Dala ang sketch pad at lapis na ibinigay sa akin ni Damon, sinimulan kong iguhit ang mga imaheng ilang beses ko nang nakikita sa panaginip ko. 

"Is that a demon or an angel?" Napapitlag ako nang may biglang nasalita sa mismong tenga ko. Agad akong napatayo at gamuntikan nang mawalan ng balanse dahil sa biglaang pagtayo ko. Mabuti nalang at mabilis akong nahigit ng lalaking dahilan ng pagka gulat ko. 

"Careful there." Nakahinga ako ng maluwag nang nakatayo ako ng maayos at binitiwan niya na ang braso kong hinila niya kanina. Agad ko siyang tinignan ng masama dahil sa nangyari. Tumawa lang naman siya saka niya itinaas ang dalawang kamay niya, indikasyon na sumusuko siya sa kung ano mang argumento na maaring sambitin ko sa kaniya. 

"Ano bang problema mo? Bakit ka nang-gugulat?" Hindi ko maiwasang mainis sa kaniya. Isang linggo na simula nang ipakilala siya sa akin ni Damon at isang linggo na rin simula nang makaramdam ako ng kakaiba sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ito kagaya ng sa mga taong nagkaka gusto sa iba, iba ang nararamdaman ko dahil sa tuwing nahuhuli kong tinitingnan niya ako ay pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ang buo kong pagkatao. 

Pakiramdam ko ay alam niya kung ano man ang itinatago ko. 

"Spyru…." 

Ngumisi siya saka iniabot sa akin ang sketch pad ko na hindi ko namamalayang nasa kamay na niya pala. Agad ko namang hinablot iyon at niyakap nang mahigpit. "Ano bang kailangan mo?," tanong kong muli sa kaniya. Ngumisi lang siya at saka ako muling tinitigan. 

"I knew it. Sabi ko na nga ba at pamilyar ang mukha mo." Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti at saka nag simula nang maglakad pabalik sa mansion. Hindi ko naman maiwasang hindi mapakali sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang pamilyar ang mukha ko? Nagkita na ba kami noon? 

"Damon's looking for you. Mukhang may pag-uusapan nanaman kayo ng kapatid ko," nakangising sambit niya nang nilingon niya ako ng bahagya. "By the way, fallen angel ba yang dino-drawing mo? It kinda reminds me of someone," saad niya na ikinakunot ng noo ko. 

"Anong pinag sasabi mo?" Iritado kong tanong pero hindi na siya nag salita at nag patuloy na sa paglalakad pabalik ng mansion. Hindi talaga ako mapakali sa tuwing nakikita ko siya. Pakiramdam ko ay hindi rin ako ligtas sa tuwing magkasama kaming dalawa o sa tuwing lalapit man siya sa akin. 

Ilang saglit pa ang hinintay ko bago ako nagdesisyong bumalik ng mansion. 

"So ibig mong sabihin, ngayon mo lang din siya nakilala pero inaya mo na siya kaagad na maging asawa? Are you out of your mind, Damon?" Napa hinto ako sa pinto nang madinig ko ang boses ni Spyru. Mukhang kausap niya si Damon. 

"Ni hindi mo man lang ako kinunsulta? Bigla kang nawala ng Maynila, ni hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, maski email mo ay hindi mo binubuksan. Nagmamakaawa na sa akin ang sekretarya mo na pabalikin ka na ng Maynila dahil tambak na ang mga papeles na kailangan mong ireview at pirmahan doon." Halata ang iritasyon sa boses ni Spyru. Hindi ko tuloy alam kung papasok pa ba ako o hahayaan ko muna silang mag-usap. 

"Kaya ako bumalik dito ay para kumbinsihin kang bumalik at kalimutan na lang ang kung ano mang binabalak mo, pero ano itong nadatnan ko? Asawa? Nag-uwi ka ng isang babaeng hindi mo naman talaga kilala at saka mo ipinakilala kila Tanya bilang asawa mo?" Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Alam kong ako na ang pinag-uusapan nila ngayon. 

"Pagkakataon ko na siguro ito para malaman ang dahilan kung bakit nga ba niya ako inayang maging asawa niya," bulong ko sa sarili ko. Alam kong hindi tama ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko maiwasan ang kuryusidad ko. 

"Just leave me be Spyru. Hayaan mo muna ako dito sa probinsya. Hayaan mo muna akong makapag isip-isip," boses naman ngayon ni Damon ang naririnig ko. Ang malumanay ng boses niya habang kausap niya ang kapatid niya. 

"How? Paano kita hahayaan kung ito nga ang madadatnan ko? Damon alam kong malungkot ka, pero hindi mo naman--"

"SHUT UP!" Halos mapatalon ako sa lakas ng boses ni Damon. Pakiramdam ko ay maski puso ko ay tumalon rin nang marinig ko ang boses niya. Dumagundong ba naman ito sa loob ng buong salas ng mansion. 

"I know what I'm doing okay? Hindi na ako bata na kailangan mong pag sabihan ng tungkol sa mga magiging desisyon ko. Kung talagang mahal mo ako bilang kapatid mo, irerespeto mo ang desisyon ko at susuportahan mo ako!" Napahigpit ang hawak ko sa sketch pad ko at dahan dahang pumasok sa loob ng mansion. Doon lang natigil ang magkapatid sa pag-uusap nila. Tahimik lang kaming tatlo na nandoon pero dama ko ang bigat ng tensyong kanina lang ay namumuo na sa pagitan nilang magkapatid. 

"Tama ba ang desisyon kong pumasok?" Hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko ay hindi maganda ang naging pag pasok ko. Ilang saglit pa ay tumikhim si Damon at saka nagsimula nang maglakad paakyat ng hagdan. Kami na lang tuloy dalawa ni Spyru ang naiwan dito. Tinignan niya ako ng masama at saka inis na nagtungo sa kusina. 

"Ano bang problema ng dalawang yun? Sa isang banda, magkapatid nga sila. Parehas silang madaling mag-iba ng mood" halos mapanguso ako sa naisip ko. Humugot muna ako ng isang buntong hininga bago ako nag desisyong sundan na lang si Damon sa aming silid. 

Madilim ang buong silid nang pumasok ako, at tanging ang ilaw lang na nanggagaling sa tabi ng kama namin ang nag sisilbing ilaw ni Damon. Doon ko siya nakita, nakasandal siya sa "headboard" ng kama at habang suot niya ang roba niya. Suot niya ang salamin niya at mukhang nagbabasa nanaman siya ng libro niya. 

Kinatok ng ng mahina ang pinto at napalingon naman siya sa gawi ko. 

"Ano?," iritado niyang tanong. Napabuntong hininga akong muli at saka naglakad papalapit sa kaniya. Umupo ako sa kama at saka bumuntong hininga. 

"Kung yan lang ang gagawin mo, lumabas ka na lang muna o kaya matulog na lang. Mainit ang ulo ko ngayon kaya wag mo nang isipin pang gumawa ng ikaiinit nito lalo," iritadong sambit niya pero hindi ko na lang iyon pinansin at saka siya nilingon. 

"Mukhang nag-awat kayo kanina ng kapatid mo," panimula ko, sinisilip ko ang magiging reaksiyon niya pero nanatili lang siyang tahimik at salubong ang mga kilay. Bumuntong hininga muna ako bago muling nag salita. "Dinig ko mula kila Gael na may pista raw sa bayan…," huminto muna ako saglit at saka nagdasal na sana ay hindi niya masamain ang sunod kong sasabihin. 

"Nais mo bang mamasyal sa nayon bukas?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status