[RANN]
"Sign this paper and you'll be legalized as Rann Donovan." Napatitig nalang ako sa papel na nakalahad sa harapan ko. Hindi ko maiwasang kabahan nang madinig kong nagsalita ang lalaking nasa harap ko habang nakaturo sa papel na nakalahad sa mesang namamagitan sa aming dalawa.
Ilang segundo pa akong nakatitig lang sa papel nang madinig ko nanamang magsalita siya.
"What's wrong?" Tanong niya, doon lang ako nagtaas ng tingin sa kaniyang mukha. Halatado ang iritasyon sa mukha niya at pagka-inip. Lalo akong kinakabahan. Hindi dahil sa iritasyong nakaukit sa mukha niya kundi sa unang sinabi niya. Ang tanging salitang naintindihan ko lang mula sa kaniya ay ang pangalan ko at ang salitang "Donovan" na kung hindi ako nagkakamali ay kaniyang apelyido.
"P-po?" Tanong ko, hindi sigurado kung tama ba ang naging desisyon kong sumagot ng patanong. Ilang segundo niya lang akong tinitigan at saka napabuntong hininga. Sumandal siya sa upuan niya at hinimas ang sentido niya.
"Umamin ka nga, hindi ka ba marunong magbasa?" Napayuko akong muli sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya napatango nalang ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko. Narinig ko nanaman siyang huminga ng malalim at saka tumayo sa kinauupuan niya. Naglakad siya palapit sa akin at saka pumwesto sa bandang likuran ko.
Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman kong nagdikit ang aming mga katawan. Dama ko ang pag hinga niya sa leeg ko at wala sa huwisyong napatitig na lang ako sa ginagawa niyang pag-gabay sa kamay ko habang may hawak na panulat. Pagkatapos ng ilang segundo ay nakita ko na lang na may dalawang salita nang naka sulat sa isang blangkong papel kung saan naka patong ang mga kamay namin.
"This is your name," saad niya habang nakaturo sa unang salita na agad ko namang nakilala. Iyon nga ang pangalang itinuro sa akin ng aking tatang. Dahan dahan namang lumipat ang daliri niya at pumatong sa pangalawang salita na nasa tabi ng pangalan ko. "And this is my family name. Magiging iyo na rin iyan kapag pinirmahan mo ang papel na pinapakita ko kanina." Sumandal siya sa mesa at saka naka pamulsa na tinitigan akong muli.
Tinitigan kong muli ang dalawang salita at saka ako nag taas ng tingin at sinalubong ang kaniyang mga mata
"Magiging legal na asawa mo na ako kapag pinirmahan ko ito?" Tanong ko habang nakaturo sa papel. Ngumiti naman siya sa akin at saka hinaplos ang buhok ko. Marahan niyang hinagod ang mahahabang hibla nito gamit ang mga mahahaba niyang daliri at saka masuyong inilapat sa kaniyang ilong, animo'y inaamoy ang bawat hibla nito. Hindi ko naman maiwasang pamulahan dahil sa ginagawa niya.
"Indeed. Kaya ano pang hinihintay mo? Pirmahan mo na iyan. I figured you also don't know how to write kaya gayahin mo nalang iyang naka sulat sa isang papel. Dalian mo at nang maipasa na ito sa bayan." Ang kaninang mapag larong tono niya ay biglang napalitan ng pagmamadali.
Hindi ko siya maintindihan, literal. Halos kalahati ata ng sinabi niya ay hindi pumasok sa isip ko dahil hindi ako pamilyar sa salitang ginamit niya pero pinilit kong makasabay, ayaw ko lang na mapahiya pa nang lalo.
Nakakahiya mang sabihin, inabot ako ng siyam-siyam dahil lang sa pagsusulat ng pangalan ko. Nang matapos ko iyon ay agad niya hinablot ang papel at nakangiting tinitigan ito. Kita pa ang kinang sa mga mata niya at saka muling bumaling sa akin. Ginulo niya ang buhok ko at saka mahinang tumawa. Kapag kuwan ay hinawakan niya ang kamay ko at saka ako tinitigan gamit ang matalim niyang paningin.
"That's my girl. Welcome to the Donovan family, Mrs. Rann Donovan," anunsyo niya at saka hinalikan ang likod ng palad ko.
"Wag na tayong mag-aksaya pa ng oras, let's do our thing," saad niya na ikinakunot ng noo ko. Bahagyang tumagilid ang ulo ko na tila ba nagtatanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Mukhang napansin niya naman ito at agad na napatawa ng bahagya at saka muling ginulo ang buhok ko.
"Ipakikilala na kita sa mga tao dito sa mansion natin." Hindi maintindihan, pero may parte sa akin na nais ngumiti dahil sa init na pinaparamdam niya sa akin. Agad niya akong hinila palabas ng silid niya at saka namin tinahak ang mataas at engrandeng hagdanan. Huminto kami sa itaas ng huling limang baitang ng hagdan at saka siya pinitik ang kaniyang mga daliri, dahilan para lumingon sa kinaroroonan namin ang mga taong nasa pinaka baba ng hagdan.
"Everyone! Heads up here!" Eto nanaman siya sa salita niyang hindi ko maintindihan. Lumingon sa kaniya ang dalawang kasambahay niya ay dalawang lalaking kasama ng mga ito. Ito ang ika-lawang pagkakataon na nakita ko ang apat na tao sa mansion na ito maliban kay Damon simula nang makarating ako rito. Tinititigan lang nila ako at hindi nagsasalita. Dinig ko namang tumikhim ng bahagya si Damon at saka hinawakan ang kamay ko.
"Starting this day, parte na siya ng pamilya natin. Welcome your newest member of our family, Rann Donovan." Iniangat niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Ngumisi lang siya sa akin at saka dahan dahang inilabas ang isang makinang na singsing mula sa kaniyang bulsa. Unti unting nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ito.
"Mukhang mas mahal pa ito kaysa sa buhay ko!," gulat kong saad habang nakatitig lang sa singsing na unti unti niyang pinapasok sa palasinsingang daliri ko. Pagkatapos niyang mailagay ito ay hinila niya ang kamay ko malapit sa labi niya at saka niya tila ba masuyong hinalikan ang singsing na nasa daliri ko. Nahigit kong muli ang aking hininga dahil sa ginawa niya.
"Ito ang senaryong ilang beses kong pinangarap kasama ang lalaking minahal ko." Napangiwi nalang ako nang maalala ko ang kamalasang sinapit ko dahil sa katangahan ko. Hindi ko lubos maisip na magkakaroon rin ako ng asawa ng ganoon kabilis. "Kung sana lang ikaw ang kasama kong nag-aanunsyo ng ating pagiging mag-asawa at hindi ang lalaking ito." Halos masampal ko nanaman ang sarili kong labi nang maisip ko nanaman ang bagay na dapat ay kalimutan nalang.
Tinignan niya ako at saka siya muling ngumiti at iniharap akong muli sa madlang naroon.
"My wife."
[RANN]"CERBE! WAG MONG HABULIN ANG MGA MANOK! GUSTO MO BANG TULUYAN KA NANG KATAYIN NI SEBASTIAN!?" Nakatitig lang ako sa kisame ng silid kung saan ako dapat na matulog ngayon. Malawak ang kama, malambot at komportableng higaan. Sino man ang mahiga rito ay tiyak na magiging masarap ang tulog na makukuha dahil sa kakaibang lambot ng kama."Ibang-iba sa papag na higaan ko noon sa kubo ni tatang," bulong ko sa isip ko at saka kinapa ang espasyo sa tabi ko. Dama ko pa ang natitirang init nito, patunay na mayroon pang natulog dito maliban sa akin kagabi. "Ibang-iba rin ito sa dati kong kama sa casa." Napabuntong hininga nalang ako at agad nang bumangon mula sa kama, inayos ko muna ang roba na ibinigay sa akin ni Da
[RANN]Isang linggo na simula nang dumating si Spyru dito at isang linggo na rin simula nang mamalagi ako sa mansion na ito. Sa loob ng isang linggong iyon ay walang awang pinahirapan ako ni Tanya sa mga leksyon na tinuturo niya sa akin at sa iba pang mga gawain ng isang may-bahay. Isang linggo na rin simula nung huling pag-uusap namin ni Damon at talagang matapos noon ay hindi na niya ako muli pang pinansin, maliban na lang kung may gusto siyang ipagawa sa akin.Magdadapit hapon na ay nandito parin ako sa tabing sapa sa likod ng mansion. Hindi ako makapaniwalang may ganitong tanawin sa likurang bahagi ng mansion. Tahimik ang paligid at sariwa ang hanging nalalanghap ko. Malayong malayo sa moderno at puno na pulusyong kapaligiran ng siyudad na pinanggalingan ko.Tahimik ko lang
[RANN]"At ayan." Pinunasan ko ang pawis na namuo sa leeg at noo ko gamit ang apron na pinahiram sa akin ni Sebastian matapos kong ihain sa mesa ang mga pagkaing pinaghirapan kong lutuin. Sinilip ko ang reaksyon ni Sebastian na kanina pa pinapanood ang bawat kilos ko. Nakatitig lang siya sa mesa, sa pagkaing inihain ko habang nakapamewang pa."Ayos na ba? Mukha na bang karapat-dapat na kainin?" tanong ko habang pinapanood ang expresyon sa mukha niya. Naningkit ng bahagya ang kaniyang mga mata at saka tumango tango na para bang may naisip na hindi ko mawari kung ano."This is the first time na may naghanda ng almusal for Master, " anas niya at saka ako nilingon. "Well, let's just hope na kainin niya nga ang inihanda mo." Nakangisi na siya habang sin
[SPYRU]"Damon! Tignan mo! Naisulat ko na ng buo ang mga pangalan ng mga tao dito sa mansion!" Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilag ko nang marinig ko ang boses ng aking hipag habang tuwang-tuwa na ipinapakita kay Damon ang papel na sinulatan niya ng mga pangalan naming lahat na naririto sa mansion. Inayos naman ni Damon ang salamin niya at saka tinignan ang papel. Nangunot pa ang noo nito habang nakatingin sa papel na binigay ng kaniyang asawa."Heh? Not bad. Maayos rin ang hand writing mo," sambit ng kapatid ko at saka binigyan ang asawa niya ng head pat. Awtomatikong gumulong ang mga mata ko sa senaryong nakikita ko sa h
[RANN]"Inilabas na ang picture ng limang taong di umano ay nawawala matapos huling makita sa ibaba ng bundok ng sitio Las Flores. Hinihinalang ang mga ito ay illegal hikers at--""Rann." Nilingon ko ang boses ng tumawag sa akin at nakita kong nakatayo si Damon sa likuran ko habang dala ang mga pinamili naming mga "stocks" daw para sa mansion. Hindi naman dapat kami ang mamimili nito pero si Damon na mismo ang nag-ayang kami ang bumili kaya sumunod na lang ako.Ayos lang sana kung kami lang eh, kaso may damuhong nagpupumilit na sumama. "Now now, stop glaring at me like you're going to eat me alive, I know I'm a complete snack but you're not my type so pass." Nakangising sambit nitong si Spyru habang umaarte lang pinapaalis ako gamit ang kamay niya. Aba, awtomatikong gumulong ang
[RANN]"Ayan, okay ka na?" nakangiti kong tanong saka ko hinalikan si Cerbe sa pisngi. Lalo namang inilapit ni Cerbe ang mukha niya sa akin, animo'y humihingi pa ng isa pang halik kaya ginawa ko. Hinimas-himas ko rin ang kaniyang mabuhok na leeg. Ang ganda ng kaniyang kulay, matingkad ito kapag nasisinagan ng araw, mahahaba rin ito at malambot sa kamay. Niyakap ko siyang muli, buti na lang talaga at tanggap ako ni Cerbe dito sa mansion. "Kung iisipin mo Cerbe, unti-unting nagbabago ang pakikitungo sa akin rito nina Tanya at Sebastian hindi ba?" tanong ko kay Cerbe, umungol lang siya saka inilapit ang mukha niya sa pisngi ko at sinimulan akong dilaan roon. Natawa naman ako sa ginagawa niya."Ibig kong sabihin, sila Mirai at Gael ay mabilis akong natanggap. Mababait sila sa akin, ikaw rin. Maamo ka sa akin kahit na isang beses pa lang tayong nag
[RANN] "You guys sure took your time eh?" Kusang gumulong ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Spyru nang makapasok kami sa bahay nila dito sa Maynila. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na sinundan si Damon nang maglakad siya papasok at naupo sa isang malaking sofa. "Hey! Don't just ignore me!" singhal ni Spyru sa aming dalawa habang nakapamewang pa. Umirap lang si Damon at saka bumuntong hininga. "Not now bro. I'm dead tired, " mahina at walamg buhay na sagot ni Damon. Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Spyru saka humalukipkip sa harapan namin. Maski ako ay walang lakas na makupag argumento sa kaniya dahil sa haba ng naging biyahe namin. Gabi na rin kasi nang makarating kami ng Maynila at isama mo pa ang nakakairitang traffic sa daan papunta sa address nina Damon. Nagpatuloy lang sa panenermon sa amin ni Spyru, palibhasa ay nauna siyang bumalik rito kesa sa amin ni Damon kaya ganun na lamg kalakas ang loob niyang sermunan kami. Bumuntong hininga naman si Damon
[RANN] "Oya? Rann, anong ginagawa mo dito?" bungad sa akin ni Spyru nang nakasalubong namin siya sa lobby ng kumpanya nila ni Damon. Mahigpit ang hawak ko sa bag na lalagyan ng lunchbox ni Damon nang malipat doon ang tingin ni Spyru. "Ahm, hahatiran ko lang sana ng tanghalian si Damon?" patanong kong sagot, tinaasan naman niya ako ng kaliwang kilay at saka tumingin sa likod ko kung nasaan si Yohan na sumusipol sipol pa habang umiiwas ng tingin kay Spyru. "Nasa meeting pa lang si Damon, pwede mo siyang hintayin na lang sa loob ng opisina niya," saad ni Spyru saka sumenyas kay Yohan. Agad namang tumalima si Yohan at inaya na ako sa elevator papuntang opisina ni Damon pero bago pa man ako sumunod kay Yohan ay nilingon ko ulit si Spyru saka inabot sa kaniya ang isang mas maliit na lunch box. "Oh ayan, para hindi ka mainggit. Ginawan na rin kita," sambit ko saka ako nagmamadaling umalis. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya dahil alam kong puro lang naman kabulastu