Share

Lucifer's Downfall
Lucifer's Downfall
Author: MnemosyneMin

SIMULA

Dilim.... 

Ang lahat ay nababalot ng dilim. Mula sa langit na tila ba'y isang entablado kung saan sumasayaw ang kidlat na sinasabayan ng kulog, sa lupa kung saan dama ng kaniyang h***d na mga paa ang mumunting tinik at mga sangang kaniyang naaapakan hanggang sa kapaligirang animo'y nilalamon ang kaniyang kabuuan.

Pagod.... 

Dama na niya ang matinding pagod na gumagapang mula sa kaniyang balikat pababa sa kaniyang paa. Mistulang nagiging pabigat ito upang hindi na siya magpatuloy pa sa pag takbo. 

Takot... 

Sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay, takot ang namutawi sa kaniyang kabuuan habang sinisikap na makalayo sa bingit ng kamatayan. 

Patuloy lang siya sa pagtakbo, hindi na iniinda ang mga matutulis na bagay na kaniyang natatapakan, tanging ang maka-alis lang sa lugar na iyon ang nasa isip niya. 

"Hindi ako mamamatay dito…hindi," mariing anas niya habang pinipilit na hanapin ang mumunting liwanag na maaring maging daan upang mailigtas siya sa kung ano mang humahabol sa kaniya. 

Saglit siyang napatingala nang maramdaman niyang may mga butil ng tubig na unti unting bumabagsak sa kaniyang kabuuan. Napakagat siya sa pang ibabang labi at mas binilisan pa ang kaniyang pag-takbo. 

"Umuulan na?" Mahinang anas niya at agad na nagliwanag ang mga mata niya nang mapansin niya ang isang mansion. 

"Mansion…sa kaloob-looban ng kagubatan?" Hindi na siya nakapag isip pa ng mas malalim at dali-daling tumakbo patungo sa mansion, nagdarasal na sana'y may bukas na pinto o bintana man na maari niyang pasukan upang makapag-tago. Nang makarating siya sa mansion ay kitang-kita niya ang nakaawang na pinto nito sa mismong harap, hindi na siya nagdalawang isip pang pumasok sa loob, agad na nagtago sa pinaka sulok ng pinto. 

Pinakiramdaman niya ang nasa labas, ngunit wala ka nang ibang madidinig pa kundi ang malakas na bugso ng ulan at ang kulog sa kalangitan. Napasandal siya sa pader ng pintuan at napangiwi nang maramdaman niyang kumirot nanamang muli ang kaniyang mga sugat. Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang balikat at dama niya ang walang hupang pag agos ng kaniyang dugo mula sa sugat na natamo niya mula sa humahabol sa kaniya. 

Pilit niyang pinapakalma ang sarili

"Ligtas na ako...hintayin ko nalang na dumating ang umaga, at pagkatapos noon ay makababalik na akong Maynila. Makalalayo na ako mula sa kaniya," mahinang bulong niya sa kaniyang sarili. Doon lang bumigay ang kaniyang mga paa na kanina pa pagod na pagod sa pagtakbo. 

Padausdos siyang napaupo sa sahig habang nakasandal parin sa pader ng pintuan, pilit na hinahabol ang kaniyang hininga. Ilang saglit lang ang naging kapayapaan niya nang may marinig siyang mga yabag ng paa. Sinubukan niyang muling tumayo ngunit mashado nang mahina ang kaniyang katawan, mula sa mga sugat na kaniyang natamo at sa dami ng dugong nawala sa kaniya dahil sa sugat niya sa balikat. 

Maski ang kaniyang mga mata ay nanlalabo na rin dahil sa sobrang pagod. 

Muli niyang sinubukang ayusin ang kaniyang paningin, hanggang sa may maaninag siyang bulto ng aninong naglalakad papalapit sa kaniyang kinaroroonan. 

Wala na siyang ibang magawa dahil sa sobrang pagod kung kaya't napalunok nalang siya at panooring makalapit sa kaniya ang bulto. 

"Oh? Mukhang may bisita ako ngayong gabi?" Tila ba nahigit niya ang kaniyang hininga nang madinig niya ang boses ng bulto.

Malalim...baritono

Nang makalapit na siya sa pwesto nito ay lumuhod siya ng dahan dahan, ang kaniyang pulang mga mata ay ang siyang nagsisilbing gabay sa mukha ng bultong kaniyang kaharap. 

"Nananaginip na ba ako? O mamamatay na ako?" Mahinang tanong ng dalaga sa kaniyang isipan. Hindi na siya makapag isip pa ng tama, maski ang kaniyang paghinga ay hindi na ganoon kalakas. Nahihilo na siya at tila ba ay lalong dumidilim ang kaniyang paningin. 

"Mukhang mamamatay na nga ako," mahinang anas niya at dahan dahang napapikit nang maramdaman niya ang magaspang at malapad na palad ng bulto sa kaniyang pisngi. Dahan-dahan lang ang paghaplos na ginagawa ng bulto sa kaniyang pisngi ngunit dama niya parin ang mahahaba at matutulis nitong mga kuko. 

Inilapit ng bulto ang animo'y muka niya at naramdaman niyang dinidilaan na ng bulto ang kaniyang balikat, kung saan wala paring humpay ang pag agos ng kaniyang dugo. 

Napapikit siyang muli

"Mashadong malalim ang sugat mo,hindi ka na magtatagal. Hmm, narito ka ba para magtago sa gustong manakit sa iyo? O dahil dito mo gustong mamatay?" Wala sa sariling napahawak ang dalaga sa kamay ng bultong nakahawak sa kaniyang pisngi.

"Tell me your wish," masuyong saad ng bulto sa kaniya, muli ay iminulat niya ang kaniyang mga mata at kahit na hindi na ganoon kaayos ang kaniyang paningin ay inilapat niya parin ang mga mata sa bultong nasa harapan niya. 

"I-Iligtas mo'ko" animo'y bulong nalang ang lumabas sa labi ng dalaga. Umubo siya ng dugo at saka mariing ipinikit ang kaniyang mga mata.

Dinig niya ang mahinang pagtawa ng bulto

Bahagya muna itong natawa bago muling nagsalita. "Ano naman ang kapalit? Wala nang libre ngayon sa mundo," saad nito. "Gagawin mo ba ang gusto ko kung ililigtas kita?" Tanong ng bulto na ang mga pulang mga mata ay nakatitig lang sa kaniya. 

"P-pangako, n-nais ko pang mabuhay.. P-pakiusap," pahina na nang pahina ang kaniyang paghinga at halos wala nang boses ang madidinig sa kaniya mga labi. Sa likod ng dilim na bumabalot sa kanilang kapaligiran, ngumisi ang bulto at marahang hinubad ang kaniyang roba na siyang nagtatakip sa kaniyang h***d na katawan.

Kumidlat ng napakalakas, dahilan upang magkaroon ng pagkakataong maaninag ng dalaga ang maputlang balikat ng bultong kaharap niya. Ngunit ang mga sumunod na pangyayari ang siyang naging dahilan para saglit na bumalik sa katinuan niya ang dalaga. 

Dinig na dinig niya ang tunog ng laman na unti unting napupunit, at ang patak ng dugong tumatama sa sahig. 

May kung ano mang lumalabas sa likod ng bulto, mahinang ungol mula sa kaharap niya ay nadidinig niya at hindi nagtagal ay may isang pares ng malalaki at itim na mga pakpak ang lumabas mula sa likod ng bulto. Dama niya ang pagtilamsik ng mga dugong galing sa balat na napunit nito nang bumuka ang mga pakpak ng bulto sa kaniyang likod. 

Muli ay ibinaling ng bulto ang kaniyang paningin sa dalagang kaharap niya. Bagaman dinig ang mahinang paghingal ng bulto ay matalas paring nakatingin ang kaniyang pulang pares ng mga mata sa dalaga

"Isang kasunduan, sa pamamagitan nito'y maililigtas ka," mahinang anas ng bulto

Napalunok ang dalaga, hilong hilo na siya at inaantok na. Alam niyang konti nalang ay babagsak na siya

"Akin ka na pagkatapos ng gabing ito," huling salitang nagmula sa labi ng bulto at saka niya hinila ang mukha ng dalaga papalapit sa kaniya. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cassandra Regara
EHEM DAMON. ANGKININ MO DIN AKO PLES
goodnovel comment avatar
Marieleímon
ganda prologue palang
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status