(Seven year's old)"Close your fist tighter, Shan!" Sigaw ni daddy sa labas ng training grounds na mariing nakatingin sa aking pakikipaglaban sa isa sa mga binatang bodyguards niya. Agad ko namang kinuyom ang aking mga kamao at inayos ang pagkakatindig sa harap ng aking kalaban. Inambahan niya ako ng suntok na agad ko namang naiwasan at hinawakan ang kanyang kanang kamay sabay na pinaikot siya patalikod at binigyan ng isang malakas na sipa sa uluhan dahilan para mawalan siya ng balanse. Dali-dali akong pumunta sa harapan niya upang sipain siya sa kanyang tiyan na siyang nakapagpaluhod sa kanya, hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil nang nakaluhod ang isang tuhod niya sa lupa, ay agad-agad kong pinatigas ang aking dalawang kamao tsaka nagpakawala ng ilang suntok sa kanyang mukha bago tinira ang kanyang batok dahilan para mawalan ito ng malay. Habol-hininga at naliligo sa pawis akong napaupo sa lupa dala ng pagod. Kaagad n
Read more