Share

Kabanata 05:

Maaga akong nagising kinabukasan para mag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa condo na aking lilipatan. Inutusan ako ni dad na lumipat roon sa tapat ng village ng mga Villiancio para mas mabantayan ko raw siya ng mabuti. Hindi ko na siya tinanong at kinwestyon ang suhestiyon niya dahil nahihiya pa rin ako sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa. Patapos na akong mag-impake ng mga damit nang maalala ko ang nangyari kagabi sa amusement park.

(Flashback)

"Ihahatid na kita," alok niya nang huminto kami sa parking lot. Agad akong umiling sa sinabi niya.

"Umuwi ka na. Kaya ko ang sarili ko." Tanggi ko at sinenyasan siyang pumasok na sa kotse niya pero hindi siya sumunod sa halip na umalis ay pumunta ito sa passenger's seat door tsaka ito binuksan para ayain akong pumasok sa kotse niya.

"Ihahatid na kita. Delikado na lalo pa't magmamadaling araw na." Giit niya at inumwestra ang nakabukas na pintuan. Umiling ako bilang pagtanggi bago lumayo sa kanya agad niya akong sinamaan ng tingin na awtomatiko ko namang ginantihan. Ilang minuto pa kaming nagtitigan hanggang sa inauna itong umiwas ng tingin tsaka napapabuntong hiningang sumuko sa titigan namin.

"Kaya kong umuwi mag-isa kaya umuwi ka na dahil gabi na." Walang emosyon kong sinabi bago tumingin sa kawalan tsaka pinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng aking pantalon. Napahinga siya ng malalim dahil sa katigasan ng aking ulo bago sinirado ang pintuan at iiling-iling na naglakad sa gawi ko.

"Delikado nga kasi... Paano kapag may mga masasamang loob ang lumapit sayo at kunin ka nalang bigla tapos kinabukasan mababalitaan ko nalang na nawawala ka na?" Naghuhumirintado at hindi mapakaling aniya na kunot na kunot ang noo at salubong ang mga kilay. Umirap ako para tignan siya at akmang magsasalita nang mapansin ang matinding pag-aalala sa kanyang mata. Awtomatiko akong napaiwas ng tingin nang maramdaman ang biglaang pagbilis ng kabog ng aking puso kasabay ng kakaibang paghalukay ng aking tiyan. "Sumabay ka na sakin." Mariing utos niya na para bang obligasyon kong sumunod sa kanya.

"Umuwi ka na dahil nagpasundo na ako sa driver ng daddy ko." Buwelta ko at nanatiling nakatayo.

Napahawak siya sa kanyang batok tila nawawalan na ng pasensiya bago tumingala sa ere para humugot ng malalim na hininga at nakapamewang na hinarap ako.

"Hihintayin ko ang driver ng daddy mo," tugon nito at tumayo rin sa tabi ko. Agad kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya.

"Sinabi ng h'wag mo na akong hintayin e." Inis kong asik na ngayo'y hindi na maipinta ang mukha. "Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo? Hindi mo ba naiintindihan na kaya ko ang sarili ko?" Inis kong singhal tsaka napabuga ng marahas na hininga. Nagugulat at nanlalaki ang mga matang lumingon ito sa akin na may bahid ng pangungusap at pag-aalala sa mata.

"Makinig ka sa akin, okay?" Marahang pakiusap nito at sinubukang pakalmahin ang sarili. "Delikado na ang magpagala-gala ngayon na mag-isa lalo na't babae ka pa." Malumanay man ay bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya na para bang nangyari na ang ganitong eksena sa buhay niya.

"Hindi ako marunong makinig kaya umuwi ka na at iwan mo na ako rito. Gabi na at ikaw dapat ang mag-ingat sa ating dalawa." Mariing sinabi ko sa paraang maiintindihan nito.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Hindi na napigilang tanong nito kasabay ng pagsalubong ng kanyang mga kilay.

"Bakit ang tigas rin ng ulo mo?" Inis na tanong ko rin pabalik sa kanya dahilan para matigilan siya. Umayos ako sa pagkakatayo tsaka siya naiinis na hinarap bago nagsalita. "Kung nag-aalala ka sa akin, wala akong pakialam, kung mapano man ako rito, ay wala ka na ring pakialam. Hindi mo obligasyong iligtas ako, okay? Una sa lahat kaya ko ang sarili ko at pangalawa ay hinding-hindi ako makikinig sayo. Hindi porket nakita mo akong umiiyak kanina ay mahina na ang tingin mo sakin. Hindi porket nalapitan mo ako ng ganon kanina ay kailangan mo ng mag-alala sa akin." Mahaba kong paliwanag tsaka napabuga ng malalim na hininga animo'y pinapahaba ang pasensiya. Napapahiya itong yumuko sa sahig bago hinawakan ang sariling kamay kasabay ng pagtikhim nito.

"Hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala. Kung sino man ang dapat na mas mag-ingat sa ating dalawa ay ikaw yon! Hindi ko kailangan ng proteksyon mo dahil kaya ko ang sarili ko at alam kong magiging ligtas ako sa pag-uwi ko." Dagdag ko pa at binuksan ang van na nakaparada na sa harapan namin. "Narito na ang sundo ko kaya mas mabuting umuwi ka na rin. Kalimutan mong nagkausap tayo ng ganito." Huli kong sinabi bago sinirado ang pintuan ng van na agad humarurot paalis.

Aksidenteng dumapo ang mga mata ko sa side mirror ng van dahilan upang masaksihan ng mga mata ko ang panghihina niya tsaka dahan-dahan at wala sa sariling napaluhod sa sahig habang nakayuko sa sariling paanan. Napapabuntong hininga naman akong napapailing ng dahil doon.

Hindi ko intensyong saktan ang damdamin niya pero parang nasaktan siya sa mga sinabi ko.

Naiinis lang kasi ako sa sarili ko dahil nag-aalala ako sa kanya. Pinapauna ko siyang umuwi para masigurado kong ligtas siya kaya ganon nalang ang reaksyon at kilos ko nang pinipilit niya akong paunahing umuwi.

"Tigas kasi ng ulo bwiset." Inis kong bulong sa sarili bago sinandal ang likuran sa upuan tsaka pinanatiling tahimik ang sarili.

(End of flashback)

Pagkatapos kong ilagay ang mga damit sa maleta ay agad akong pumihit pababa sa sala. Naabutan ko si mommy na nagkakapeng nakaharap sa malaking tv screen samantalang si kuya naman pupungay-pungay ang mga matang nakatutok sa telebisyon habang hawak sa kabilang kamay ang remote. Awtomatikong naramdaman nila ang aking presensya dahilan upang sabay itong tumingin sa akin.

"Where are you going, anak?" Kunot-noong tanong ni mommy nang mapansin ang dalawang maletang dala ko.

"Saan ka pupunta lil' sis?" Sunod na tanong ni kuya at humarap sa gawi ko.

"Lalayas ka ba ate?" Takang singit ni Ricko na may dala-dalang baso ng gatas sa kaliwang kamay.

Engot! Kung lalayas man ako ay hindi na dapat ako magpapaalam sa inyo.

Nanatili lamang ako na tahimik na nakatingin sa kanilang tatlo at hindi na nag-abala pang sagutin ang mga tanong nila. Samantalang si Ricko naman ay mabilis na naglakad papunta sa akin tsaka ako nakangusong hinarap.

"Dito ka lang, ate." Nakangusong pakiusap nito, hindi mawari ang dapat na gawin.

"Huwag ka ngang OA. Pinapalipat lang ako ni dad ng titirhan kasi meron nanaman siyang pinapamanmanan sa akin." Malumanay kong sinabi at binitawan ang hawak na maleta upang mahagkan siya. Mabilis naman nitong tinugon ang yakap ko na hindi alintana ang baso ng gatas na hawak nito. Maya-maya pa'y binaon ni Ricko ang kanyang mukha sa aking balikat upang hindi ko siya makita.

"Babalik nga ako," paninigurado ko at bahagyang sinilip ang kanyang mukhang nakabaon sa aking balikat.

"Baka pagbalik mo nasa kabaong ka na," pagbibiro niya ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang seryoso nitong tinig bagay na siyang ikinatigil ko.

"Malakas ako no!" Pagyayabang ko pa tsaka mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya upang iparamdam kung gaano ko siya kamahal ng sobra pa sa buhay ko.

"Mag-iingat ka anak ha," bilin ni mommy at nakisali na rin sa yakapan namin. Sinulyapan ko si kuya na nakangiting nakatingin sa akin bago pumunta sa amin upang makiyakap na rin.

Ilang minuto kaming nagyakapan tsaka naisipang humiwalay na sa isa't-isa at akmang bibitbitin na ang mga maleta nang mapansing palihim na umiiyak si Ricko na mahigpit na hawak ang baso ng gatas.

"Bakit ka ba umiiyak?" Natatawa kong tanong. "Sanay na sanay na ako sa ganito kaya wag kang mag-alala." Paninigurado ko pa.

"Iyon na nga! Sanay na sanay ka na sa mga ganito-ganyan kaya wala ng makakapagpigil sayo! Paano nalang kapag nasa kabaong ka na pagbalik mo? Kami ang hindi sanay sa ganito!" Pagmamaktol niya na hindi na halos maipinta ang mukha dahil sa pagkadi-gusto.

"Ricko!" Saway ni kuya sa salitang lumabas sa bibig niya. Hindi siya sinagot ni Ricko dahilan upang lumingon ito sa akin para bigyan ng magaang halik ang tuktok ng ulo ko. "Be safe, okay?" Nakangiting aniya matapos ako yakapin ulit. Tinanguan ko si kuya bago nilingon si Ricko para magpaalam sa kanya.

"Mag-iingat naman ako e." Malambing na baling ko kay Ricko na hindi na mawaglit ang pagkakanguso tsaka ito masuyong niyakap. Ganito talaga parati ito si Ricko sa tuwing aalis ako ng bahay ng dahil sa mga mission ko, pero wala na siyang magagawa dahil utos ito ni daddy at ayaw ko naman madismaya si daddy sa akin.

"Promise mo 'yan ah!" Parang bata niyang sinabi na tinanguan agad kong tinanguan. Dinampian ko ng magaan na halik ang kanyang sintido bago kinuha ang mga maleta.

"Alis na ako." Paalam ko at naglakad dire-diretsong naglakad papuntang garahe. Nilagay ko ang aking mga maleta sa back compartment tsaka sumakay sa kotse at mabilis na pinuntahan ang address na binigay ni Daddy.

Pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng condominium building ay agad akong namangha nang dahil sa laki nito, katapat lang ng condominium building na ito ang Berage Village Entrance kung saan nakatira ang mga Villiancio.

Pabuntong hininga akong bumaba ng aking kotse bago kinuha ang lahat ng mga gamit at diretsong nagtungo sa loob ng condo. Nang malagay ko na lahat ng maletang dala ko sa loob ay agad akong bumaba ng gusali para bumili ng pagkain sa grocery store na malapit sa condo building na ito.

"Magkano lahat?" Tanong ko sa cashier nang matapos niyang i-punch lahat ng pinamili ko.

"104.00 pesos po, maam." Magalang nitong sagot na titig na titig pa rin sa mukha ko. Titig na titig ito sa akin animo'y manghang-manghang makita ako sa harapan niya.

Hindi ko na iyon pinansin at nagbayad na lang bago lumabas ng grocery store at maupo sa upuang nakaprovide sa mga customers nila. Isang malaking chichirya at malamig na softdrinks ang binili ko na siyang magiging almusal ko ngayong araw. Hindi ako marunong magluto kaya heto ako at nagtitiis sa ganitong pagkain.

Huling nguya ko na sa aking pagkain nang maramdaman ang mabagal na pagtapik sa aking balikat na siyang ikinatigil ko. Kunot noo akong lumingon sa aking likuran at napagtantong siya yong lalaking nakasama ko sa amusement park.

"H'wag ka muna umalis." Nakangiting aniya nang makitang balak ko ng umalis. Nagtataka man ay sumunod parin ako sa sinabi niya tsaka siya pinanood na kunin ang sariling lunchbox sa bag at bahagyang tinulak ito palapit sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nakalimutan na niya iyong sinabi ko kagabi, pero mas mabuti na iyon dahil mukhang mas bumait siya ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay, nagtatanong kung anong gagawin ko sa lunchbox niya.

"Sayo na iyang pagkain ko," Nakangiti paring aniya bago buksan ang lunchbox at mas lalong ipinalapit sa akin. Salubong ang mga kilay ko siyang tinignan bagay na ikinatawa nito.

"Walang lason iyan ah," pagtatanggol nito sa sarili kasabay ng sunod-sunod na pag-iling. Inismiran ko siya dahil sa sinabi niyang 'yon at pailing-iling rin na tinanggap ang alok niya. Gutom na gutom na rin kasi talaga ako kaya hindi ko na magawang tanggihan pa ang pagmamagandang loob niya.

"About doon sa nangyari kagabi," maya-maya'y pagsasalita nito at nahihiyang tinignan ako. Huminto muna ako sa pagnguya para hintayin ang mga sasabihin niya. "Pasensya ka na, hindi kasi talaga ako mapakali kapag umuwi kang mag-isa." Nakayukong dugtong niya at napakamot pa sa batok.

"Sa susunod kasi h'wag na h'wag mo akong uutusan at pagsasabihan sa mga dapat kong gawin." Prangkang asik ko bago pinagpatuloy ang pagkain. Agad na kumunot ang noo nito at awtomatikong napatingin sa akin.

"Bakit ba ayaw na ayaw mong utusan o pagsabihan kita? Ganyan ka na ba kabilib sa sarili mo at wala ka ng oras makinig sa mga sasabihin ng iba?" Medyo asar niyang buwelta habang salubong na salubong ang mga kilay.

"Sino ka ba?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

"Sino ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya pabalik bago tinuro ang sarili. Kusang kumawala ang pag-irap ko bago nagsalita ulit.

"Hindi ikaw ang tatay ko kaya hinding-hindi kita susundin." Ngiwing puna ko sa mga sinabi niya tsaka sinubo ang kanin kapagkuwan ay napangisi. "Unless gusto mong maging sugar daddy ko?" pagbibiro ko na mas lalong pinalapad ang pagkakangisi upang asarin siya.

"Sugar daddy? Itong mukhang 'to gagawin mo lang na sugar daddy?" Napapantiskulang tanong at naiinsultong tinignan ako. Mabibigat ang kanyang paghinga at ilang beses na kumurap tsaka ako magka-krus ang mga brasong tinignan ang mga mata ko gamit ang nakakahalina nitong mga mata na parang tumatagos sa buong kaluluwa ko.

"Well, if that's the case then I don't mind if I'm your sugar daddy. " Biglaang bawi niya sa mga sinabi kanina tsaka nagpakawala ng malalim na hininga animo'y naubusan ng lakas matapos sabihin yon. Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang mga braso nang tuluyang mapakalma ang sarili bago ako tinignan ng punong-puno ng determinasyon sa mata dahilan para muntik na akong mabulunan sa pagkaing kinakain ko at bahagyang mahulog sa kinauupuan ko. Napaubo ako ng ilang beses bago uminom ng tubig para tanggalin ang bumabara sa aking lalamunan.

"Ano kamo?" Biglaan at nanlalaking mga matang sigaw ko na siyang ikinagulat ng mga taong nakapaligid sa amin.

"Papayag na ako maging sugar daddy mo." Ulit niya pa at tumango-tango sa sarili animo'y tama ang ginawang desisyon.

"Gag*!" Malutong kong mura na nandidiri siyang pinasadahan ng paningin. "Hinding-hindi ko papatulan ang mga ganyang klaseng itsura! Tss, asa ka!" Diring sinabi ko bago binalik sa kanya ang lunchbox na wala ng laman. Halatang nainsulto siya sa sinabi ko kasabay ng pagngiwi niya na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko

"Kung makapag-insulto ka akala mo maganda ka! Bakit maganda ka ba?" Buwelta nito at tinaasan ako ng kilay.

"Maganda naman talaga ako ah!" Pagyayabang ko at taas noong tinignan siya. Agad niyang sinipat ang kabuoan ko bago huminto ang mga mata sa mapupula kong labi dahilan para tumaas ang gilid ng kanyang labi.

"Maganda nga," pilyong sinabi nito at nakangising akong kinindatan. Mabilis kong tinapon sa mukha niya ang lunchbox bagay na ikinatawa nito.

"Tumahimik ka na nga!" Naasar kong singhal sa mukha nito tsaka tinapon ang kutsara sa kanya na agad naman nitong nasalo. Natatawa niya akong tinignan hanggang sa huminto nang aksidenteng dumapo ang mga mata niya sa mukha ko tsaka nakangiting hinuli ang kamay ko bago ito dahan-dahang nilagay sa tapad ng dibdib niya. 

"Maganda ka naman talaga ah," ngiting komento nito at taimtim na pinagmasdan ang kabuoan ng mukha ko. Awtomatikong namula ang aking pisnge kasabay ng pagbilis ng kabog ng aking dibdib dahilan upang umiwas ako ng tingin sa kanya.

"D-dyan ka na nga!" Inis kunwaring sinabi ko at padabog na tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin tsaka walang lingon-lingong umalis sa harapan niya. Hindi nakatakas sa pandinig ko at mga tawa nito habang naglalakad ako palayo sa gawi niya. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa kanya ay narinig ko siyang sumigaw.

"Ano bang pangalan mo?" Patanong na sigaw niya sa likuran ko na batid ko'y hindi pa rin matanggal ang ngisi sa mga labi. Napairap ako tsaka huminto sa paglalakad bago siya walang lingong sinagot.

"Shan," mahinang bulong ko sa hangin at napapikit sa hiya.

"Ano?" Tanong nito nang hindi narinig ang sinabi ko.

"Shan! Bingi ka ba?" Inis kong sigaw at padabog na pumasok sa condo building dahilan para lumakas ang tawa niya na para bang natutuwang makitang naiinis ako. Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang pumasok sa loob ng condo.

Pagkapasok ko sa condo ko ay mabilis kong inayos ang aking mga gamit bago napag-desisyonang libutin ang buong condo. Medyo malaki-laki kasi ito, pero mas malaki parin talaga ang kwarto ko. Habang nililibot ko ang condo, doon ko lang napansin na wala ito masyadong laman. Dumapo ang mata ko sa sala at nakita ang isang kayumangging sofa na hindi gaanong kahabaan na may nag-iisang coffee table sa harap nito. Nakadisplay rin rito ang napakalaking tv screen. Sa kusina naman ay may isang refrigerator, isang malaking round table na naglalaman ng apat na silya. Malaking cabinet at drawer tsaka mga utensils na maaaring magamit sa pagluluto. Hindi na ako nagulat nang buksan ko ang refrigerator at makitang may laman. Punong-puno ng iba't-ibang klase ng prutas, gulay at pagkain. Napabuntong hininga na lang ako nang mapagtanto kung saan nanggagaling ang mga perang ginagastos namin tsaka inilingan ang sarili.

Dahil wala pa namang ini-uutos si dad, ay napag-desisyonan ko na lang muna na magpraktis sa pagluluto sa pamamagitan ng youtube.

"Asintadong-asintado ang target pero hindi marunong magluto," natatawang bulong ko sa sarili habang hirap na sinusunod ang bawat utos ng kusinerang nasa screen. Ilang oras akong naghirap sa paghihiwa ng kung ano-anong gulay bagay na ikinailing ko. Pagkalipas ng mahabang minuto ay natapos ko na itong lutuin at paghaluin kaya naman ay agad ko itong tinikman.

"Pwe!" Nandidiring dura ko sa pagkaing niluto tsaka natatawang tinignan ang adobo. Itatapon ko nalang siguro ito dahil talagang hindi masarap, bukod sa maalat ay medyo hilaw-hilaw rin ang karne.

"Ano ba naman 'to," pagka-usap ko sa aking sarili bago inilagay sa tupperware ang nilutong adobo at lumabas ng condo para itapon ito sa basurahan.

Itatapon ko na sana itong adobo sa tabing basurahan ng grocery store nang namataan ko siyang nakaupo pa rin sa silyang kinauupuan niya kanina.  Mabilis akong lumapit sa kanya at naisipang ibigay nalang ito.

Nang makalapit ay agad kong tinapik ang balikat niya dahilan upang gulat akong lingonin nito. Hindi ko pinansin ang kanyang reaksyon tsaka inabot sa kanya ang hawak-hawak na tupperware na may lamang maalat at hilaw na adobong karne. Masama na kung masama, pero mukhang hindi naman ito basta-basta nagagalit kapag pinagtripan mo.

"Pambawi ko sayo," kaswal kong alok nang inabot ko ito sa kanya. Agad naman siyang napangiti ng dahil doon.

"Hindi ko alam na mabait ka pala." Pambubuyo niya at ngumisi. Inirapan ko siya at akmang tatalikuran nang biglang hinawakan niya ang aking kamay at sinabing panoorin ko raw siya na kainin ang niluto ko. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

"Panigurado akong masarap 'to." Masayang komento nito habang binubuksan ang takip ng tupperware tsaka inamoy ang aroma nito. Simple akong napatawa ng dahil do'n.

Abot langit ang kanyang ngiti habang isinusubo sa bibig ang pagkaing niluto ko pero agad na naglaho ang ngiting iyon nang matikman nito ang adobo. Pinipigilan niya ang sarili na h'wag ngumiwi sa tuwing nilulunok ang karne upang hindi ako mainsulto. Maya-maya pa ay hindi na nito nakayanan at napahawak ito ng mahigpit sa gilid ng lamesa tsaka mariing pinikit ang mga mata habang hirap na hirap na nilulunok ang hilaw na karne. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo kasabay ng pagpula ng kanyang ilong.

Gustong-gusto kong matawa sa itsura niya nang sapilitan nitong kinakain ang adobong niluto ko.

"Itapon mo nalang kung ayaw mo." Suhestiyon ko na agad naman niyang inilingan bago mabilis na sinubo ang panghuling karne.

"Masarap nga e," pilit ngiting tugon niya na nauwi sa pagngiwi. Ngiwing tinanguan ko siya bago tumingin sa kanya para magpaalam.

"Alis na ako." Paalam ko at hindi na hinintay ang mga sasabihin niya dahil kailangan kong sagutin ang tawag ni Dad sa akin. Pilit ngiting tinanguan niya lang ako bago ko siya tuluyang tinalikuran para sagutin ang tawag.

"Bantayan mo iyang Villiancio na iyan dahil may transaction na naman ako sa Laguna baka bigla nalang yan susulpot dito." Imporma ni Dad sa kabilang linya.

"Yes dad." pormal na sagot ko at tumikhim para linisin ang bumabara sa lalamunan. "Dad, about what happened yesterday," kinakabahan at nag-aalangang kong panimula. Narinig ko ang pagtikhim nito sa kabilang linya dahilan para mas lalo akong kabahan. "I'm s-sorry f-for my violent reaction. I w-was just t-too shock on your sudden decision," Pagpapatuloy ko tsaka mariing pinikit ang mga mata nang marinig ko ang sapilitang pag-ubo niya.

"It's okay, dear." Mahinang tugon niya na mukhang ayaw pang iparinig sa akin tsaka walang pasabing pinutol ang linya. Awtomatikong napabuga ako ng malalim na hininga at napagdesisyonang bumalik sa lalaking nakaupo pa rin sa silya.

"May kilala ka bang Villiancio dito?" Kaswal at walang paliguy-ligoy kong tanong nang humarap sa kanya. Itatanong ko lang naman sa kanya dahil paniguradong taga dito siya. Gulat na gulat itong napatingin sa akin ngunit agad ring nag-iba ang ekspresyon matapos akong pagmasdan.

"Wala e," kibit-balikat niyang tugon tsaka sumandal sa kanyang kinauupuan at pinagkrus ang mga braso. "Bakit?" Dagdag na tanong pa niya. Agad naman akong nag-isip ng idadahilan ko.

"Sinabi kasi ng kaibigan ko na gwapong lalaki iyon, malay mo maka-jowa ko pa pala iyon." Mabilis at hindi nag-iisip kong sagot dahilan upang pasimple kong sitahin ang sarili.

Ano bang pinagsasabi mo, Shan?

Nakita kong sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi bagay na ipinagtaka ko.

"Mamayang gabi magkita ulit tayo dito, ipapakilala ko siya sayo." Nakangisi pa ring sinabi niya sabay kindat. Nandidiri at nauumay ko siyang tinignan at umirap sa kawalan.

"At bakit naman ako maniniwala sayo?" Nakakrus ang mga braso kong tanong.

"Gwapo ako e," kibit balikat nitong tugon na para bang nasagot niyon ang tanong ko. Sarkastiko naman akong napangisi na para bang nakakatawa ang sinabi niya bago walang pasabing umalis sa harapan niya.

"Baliw ata iyong lalaking iyon." Iiling-iling kong bulong sa sarili habang naglalakad palayo sa kanya.

"Hoy naririnig kita, Shan!" Natatawang sigaw niya sa likuran ko. Napairap na lang ako nang dahil doon.

Bahala siya dyan kung anong isipin niya. Ang kailangan ko lang ngayon ay ang makilala ang lalaking iyon nang sa gayo'y matapos na ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status