Share

Kabanata 31:

Author: EljayTheMilk
last update Huling Na-update: 2021-10-18 06:57:40

Author's Pov

Kalangitang walang bituin at buwan, kalangitang nababalutan ng kadiliman ay siyang kalangitang masasaksihan ang kasamaan. Mag-aala una na ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Shan. Kanina ay sapilitan silang hinila ng mga tauhan ni Mr. Drex patungong rooftop habang si Shan ay nakatulala lamang sa kawalan at hindi pa rin tuluyang naproproseso sa utak na kasama niya ngayon si Zach. 

Gulat na gulat siya nang makita ang binata kanina, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling mapahamak ito. Hindi niya alam kung anong gagawin kung sakaling madamay ito sa gulo niya. Unti-unting namumuo ang malamig na pawis ni Shan sa kanyang noo dulot ng matinding kaba kasabay ng panlalamig ng buong katawan dahil sa takot at pangamba. Nangangamba siya na baka mapahamak si Zach, natatakot siya na baka madamay ito sa gulo niya, kinakabahan siya sa mga posibleng mangyari lalo pa't dinala sila ni Drex sa rooftop. Hindi niya mawari kung anong

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 32:

    Author's Pov:"Maganda gabi sayo, Drex." Kaswal na pagbati ni Nick kay Drex habang patuloy na naglalakad. Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan upang harapin silang lahat.Nakita ni Nick nang sabay-sabay siyang nilingon ng lahat na ngayo'y gulat na gulat at hindi makapaniwala. Nakaawang ang kanilang mga labi at nanlalaki ang mga mata, nagtataka kung papaano nakarating rito si Nick, maliban na lamang kay Shan na mukha hindi man lang nagulat nang makita siya."Nick," wala sa sariling bulong ni Margou na hindi pa rin mawala ang pagkagitla matapos makita si Nick. Nakaawang ang mga labi ni Margou tila hindi makapaniwala ngunit labis na namangha sa hindi malaman na dahilan bago napailing-iling na lamang sa sarili. Nakalimutan niyang nasa likod lang pala nila ang control room, kung nasaan si Nick."Kamusta ka na?" Pagsasalita pa ni Nick at huminto ng ilang dipa ang layo mula sa kanila. "Patay na ba yan?" Nguso niya sa duguang tauhan ni Drex na

    Huling Na-update : 2021-10-19
  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Epilogue:

    Zach's Pov: I suddenly remember what my Ate said before she left us, "You shouldn't hurt your woman, Zach. Women are the most precious thing in the world. They may be complicated, but trust me they can change your life in the most unexpected way." she said while holding the chopsticks, eating some ramyeon directly on our pot. I smiled before nodding at what she have said. I'm so glad that I have a sister like her. She guides me in many ways. She helps me when I'm down. She teaches me how to love and treat a girl nicely, that's why when I met Shaneylhey, I did my very best just for me to deserve her. Shaneylhey is the most adorable woman that I met even though she's scary at some times. I couldn't deny how she changed my doomed life after my Ate died. She helped me stand on my own and to be strong, facing all my fears and weaknesses. She changed me, and I want to do something for her in return. She deserves the world more than anything.

    Huling Na-update : 2021-10-20
  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Prologue:

    (Seven year's old)"Close your fist tighter, Shan!" Sigaw ni daddy sa labas ng training grounds na mariing nakatingin sa aking pakikipaglaban sa isa sa mga binatang bodyguards niya. Agad ko namang kinuyom ang aking mga kamao at inayos ang pagkakatindig sa harap ng aking kalaban. Inambahan niya ako ng suntok na agad ko namang naiwasan at hinawakan ang kanyang kanang kamay sabay na pinaikot siya patalikod at binigyan ng isang malakas na sipa sa uluhan dahilan para mawalan siya ng balanse. Dali-dali akong pumunta sa harapan niya upang sipain siya sa kanyang tiyan na siyang nakapagpaluhod sa kanya, hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil nang nakaluhod ang isang tuhod niya sa lupa, ay agad-agad kong pinatigas ang aking dalawang kamao tsaka nagpakawala ng ilang suntok sa kanyang mukha bago tinira ang kanyang batok dahilan para mawalan ito ng malay. Habol-hininga at naliligo sa pawis akong napaupo sa lupa dala ng pagod. Kaagad n

    Huling Na-update : 2021-08-07
  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 01:

    "Mr. Samson will be having an underground transaction. South, 8:00 PM." Utos ni daddy habang nags-scan ng kanyang mga papeles. Tumango lang ako bago nagpaalam na aalis na. Kakatapos ko lang ideliver ang mga droga na pinapadala ni daddy sa China at ngayon meron na naman akong dapat patumbahing tao. Dumiretso ako sa salas at umupo sa long sofa bago hinayaan ang sariling magpahinga. Sinandal ko ang aking likod sa sandalan ng sofa tsaka blangkong napatitig sa kawalan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong wala sa sarili nang biglang umuga ang sofa at umupo roon si Mommy. "Are you okay anak?" Malumanay ngunit nag-aalalang tanong ni Mommy at bahagyang minasahe ang aking palad upang makuha ang atensyon ko. Agad naman akong bumaling sa kanya tsaka ngumiti. "Oo naman, Mom." Nakangiting sagot ko at nakakagat-lab

    Huling Na-update : 2021-08-07
  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 02:

    Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may nakadagan sa likuran ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at kinusot-kusot pa ito bago tinignan kung sino ang nakahiga sa likod ko. Nakadapa kasi akong natulog kaya malaya niyang naihiga ang sarili niya sa aking likuran. "Umalis ka nga riyan..." mahinang ungot ko at bahagyang ginalaw ang aking balikat para tanggalin ang nakapatong niyang baba. Hindi niya ako pinansin tsaka ngumuso na parang bata bago umiling at inayos ang kanyang pagkakahiga sa aking likuran. "Jake, ang bigat mo umalis ka dyan." Mariing utos ko pero nanatili pa rin siya na nasa ganong posisyon dahilan para mapapikit ako sa inis. "Isa..." pagbibilang ko pero tila hindi man lang siya natinag. "Dalawa... Jake, ang bigat mo umalis ka na dyan..." naiinis na sinabi ko at pinagpapadyak padyak ang mga paa na nasa dulo ng kama. "Tatlo... Jake!" Naramdaman ko ang pagtaa

    Huling Na-update : 2021-08-07
  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 03:

    Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa Rickage hideout habang si Jake naman ay nahuhuli dahil inaamoy-amoy pa nito ang sarili bagay na ikinabagal ng lakad nito. Hindi na kami natuloy kanina sa dapat naming puntahan dahil sa biglaang meeting na inanunsyo ni boss. Sinabi sa akin ni Jake na sa susunod na lang daw namin dadalawin ang pamilya niya kaya pumayag na lang ako roon. Wala kasi kaming ibang pagpipilian kundi ang sundin ang utos ng aming boss. Hindi rin naman namin magawang suwayin ang lahat ng utos nito dahil sa takot at respeto namin sa kanya. Nasa labas pa lang kami ng meeting room ay rinig na rinig ko na ang bangayan at sigawan nila Elton dahilan para mapangiwi ako. Pagkapasok namin sa loob ng meeting room ay tila parang may anghel na dumaan sa harapan nila dahil sa biglaang pagtigil nito sa ginagawa upang tignan kami ni Jake. Nakakunot ang mga noo at nandidiring nakatingin sila sa amin kasabay ng pagtakip nila sa sa

    Huling Na-update : 2021-09-01
  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 04:

    Kusang naglalakad ang aking mga paa na para bang may sarili itong utak. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga ito dahil nanghihina ako sa mga nangyari kanina, ni hindi nga ako makapaniwala na nagawa kong pagsalitaan ng ganon ang aking ama. Nagsisisi ako sa hindi malaman na dahilan at nahihiya dahil sa mga sinabi kong siguradong makakasakit sa damdamin niya. Patuloy parin na umaagos ang luha ko hanggang sa maupo ako sa bench at yumuko sa sahig. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang maalala na naman ang eksenang ginawa ko kanina dahilan para mas lalong bumilis ang agos ng mga luhang namumuo sa aking mata pababa sa magkabila kong pisnge. Agad kong pinunasan gamit ang likod ng aking kamay ang mainit na likidong na patuloy na rumaragsa sa aking pisnge. Pagkatapos ko itong punasan ay tinungkod ko ang dalawa kong kamay sa upuan ng bench tsaka nanatiling nakayuko upang pakalmahin muna ang sarili. Humugot ako ng malalim na h

    Huling Na-update : 2021-09-02
  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 05:

    Maaga akong nagising kinabukasan para mag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa condo na aking lilipatan. Inutusan ako ni dad na lumipat roon sa tapat ng village ng mga Villiancio para mas mabantayan ko raw siya ng mabuti. Hindi ko na siya tinanong at kinwestyon ang suhestiyon niya dahil nahihiya pa rin ako sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa. Patapos na akong mag-impake ng mga damit nang maalala ko ang nangyari kagabi sa amusement park. (Flashback) "Ihahatid na kita," alok niya nang huminto kami sa parking lot. Agad akong umiling sa sinabi niya. "Umuwi ka na. Kaya ko ang sarili ko." Tanggi ko at sinenyasan siyang pumasok na sa kotse niya pero hindi siya sumunod sa halip na umalis ay pumunta ito sa passenger's seat door tsaka ito binuksan para ayain akong pumasok sa kotse niya. "Ihahatid na kita. Delikado na lalo pa't magmamadaling araw na." Giit niya at

    Huling Na-update : 2021-09-04

Pinakabagong kabanata

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Epilogue:

    Zach's Pov: I suddenly remember what my Ate said before she left us, "You shouldn't hurt your woman, Zach. Women are the most precious thing in the world. They may be complicated, but trust me they can change your life in the most unexpected way." she said while holding the chopsticks, eating some ramyeon directly on our pot. I smiled before nodding at what she have said. I'm so glad that I have a sister like her. She guides me in many ways. She helps me when I'm down. She teaches me how to love and treat a girl nicely, that's why when I met Shaneylhey, I did my very best just for me to deserve her. Shaneylhey is the most adorable woman that I met even though she's scary at some times. I couldn't deny how she changed my doomed life after my Ate died. She helped me stand on my own and to be strong, facing all my fears and weaknesses. She changed me, and I want to do something for her in return. She deserves the world more than anything.

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 32:

    Author's Pov:"Maganda gabi sayo, Drex." Kaswal na pagbati ni Nick kay Drex habang patuloy na naglalakad. Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan upang harapin silang lahat.Nakita ni Nick nang sabay-sabay siyang nilingon ng lahat na ngayo'y gulat na gulat at hindi makapaniwala. Nakaawang ang kanilang mga labi at nanlalaki ang mga mata, nagtataka kung papaano nakarating rito si Nick, maliban na lamang kay Shan na mukha hindi man lang nagulat nang makita siya."Nick," wala sa sariling bulong ni Margou na hindi pa rin mawala ang pagkagitla matapos makita si Nick. Nakaawang ang mga labi ni Margou tila hindi makapaniwala ngunit labis na namangha sa hindi malaman na dahilan bago napailing-iling na lamang sa sarili. Nakalimutan niyang nasa likod lang pala nila ang control room, kung nasaan si Nick."Kamusta ka na?" Pagsasalita pa ni Nick at huminto ng ilang dipa ang layo mula sa kanila. "Patay na ba yan?" Nguso niya sa duguang tauhan ni Drex na

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 31:

    Author's PovKalangitang walang bituin at buwan, kalangitang nababalutan ng kadiliman ay siyang kalangitang masasaksihan ang kasamaan. Mag-aala una na ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Shan. Kanina ay sapilitan silang hinila ng mga tauhan ni Mr. Drex patungong rooftop habang si Shan ay nakatulala lamang sa kawalan at hindi pa rin tuluyang naproproseso sa utak na kasama niya ngayon si Zach.Gulat na gulat siya nang makita ang binata kanina, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling mapahamak ito. Hindi niya alam kung anong gagawin kung sakaling madamay ito sa gulo niya. Unti-unting namumuo ang malamig na pawis ni Shan sa kanyang noo dulot ng matinding kaba kasabay ng panlalamig ng buong katawan dahil sa takot at pangamba. Nangangamba siya na baka mapahamak si Zach, natatakot siya na baka madamay ito sa gulo niya, kinakabahan siya sa mga posibleng mangyari lalo pa't dinala sila ni Drex sa rooftop. Hindi niya mawari kung anong

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 30:

    Margou's Pov: Kasalukuyan akong nakaupo sa back seat ng kotse ni Drex habang nakikipagplastikan sa kanya. Kanina pa ito nagsasalita at mukhang hindi pa gustong tumigil kakachika sa akin. "You need to kill Shan as soon as possible," biglang utos ni Drex sa akin. Agad na tumaas ang isa kong kilay. Sino siya para utos-utosan ako? Hibang ba siya? "Copy boss," irap kong tugon bago sumandal sa upuan tsaka luminga-linga sa labas ng bintana. Kanina ko pa kino-kontak 'yong bwiset na Yhurlo na iyon pero ni hindi man lang napag-isipang sagutin ang mga tawag ko. Alam ba niyang maaaring pumalpak ang plano namin pag nagkataong hindi ito nagtugma sa planong ginawa ni Shan? Naku! Ako talaga ang naiirita sa lalaking yan. Habang pa

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 29:

    Author's PovMaagang naglakbay sina Shan at Yhurlo sa isang madilim at masukal na daanan patungong hideout ni Mr. Drex. Naglalakihang mga puno at nakakatakot na mga mababangis na hayop ang kanilang nadaanan. Mga tunog ng kuliglig na siyang umaalingawngaw sa buong paligid at mga alitaptap na malayang nakakapaglipad sa ere na siyang nagbibigay ng konting liwanag sa kanilang tinatahak na destinasyon. Malalakas ang paghampas ng malalim na tubig na nanggagaling mula sa ilog na iilang kilometro lamang ang layo sa kinaroroonan ng teritoryo ni Mr. Drex. Kanina pa naglalakad sina Shan at Yhurlo na patuloy lamang na sinusunod ang ingay na nagmumula sa malawak na ilog, wala silang eksaktong destinasyon at naglalakad ng walang kasiguraduhan. Maya-maya pa ay natanaw na ng dalaga ang napakalaki at napakataas na gusaling nakikita niya mula sa kanilang nilalakaran. Mabilis niyang hinila si Yhurlo para pilitin itong maglakad dahil kanina pa ito hapong-hapo at pagod na pagod sa paglalakad. Wal

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 28:

    Author's PovAbalang-abala si Yhurlo sa paghahanda ng kanyang mga kagamitang maaari nilang gamitin laban kay Mr. Drex. Lahat ng sa tingin niya ay importante ay inilalagay niya na lang sa loob ng bag kahit pa hindi iyon ang sinabi sa kanya ng dalaga.Habang nag-iimpake ay biglang napaisip si Yhurlo. Hindi pa rin siya makapaniwala nang malaman na kung hindi niya sasamahan si Shan ay mag-isa lamang itong haharap kay Mr. Drex upang patayin at tapusin raw ang kaguluhan na dinulot nito. Kaguluhang matagal ng gustong takasan ni Shan, kaguluhang ayaw niyang patagalin at panatilihin sa kanyang buhay.Alam ni Yhurlo kung gaano kadelikado at kapanganib na makaharap ang taong iyon dahil minsan na niyang nasaksihan ang barilan sa pagitan ni Shan at Mr. Drex nung panahong nagdidiwang ang dalaga ng kanyang selebrasyon, kaya nang hingan siya ni Shan ng tulong ay agad niya itong tinanggap nang walang pag-alinlangan. Ayaw

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 27:

    Kasalukuyan akong nakatayo sa malaking salamin na nasa harapan ko. Masinsinan kong pinagmamasdan ang bawat detalye ng aking pagkatao hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa matang nagsisilbing repleksyon ko. Tinitigan ko ang sarili kong mga mata sa pamamagitan ng salamin animo'y ito lamang ang paraan para mas lalo kong kilalanin ang sarili. Pakiramdam ko'y hindi ko ata tunay na kilala ang pagkatao ko dahil bukod sa hindi ko magawang sundin ang mga ninanais ang aking puso ay hindi ko rin magawang ipakita sa iba kung sino talaga ako. Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa aking repleksyon hanggang sa magpakawala ako ng isang malalim na hininga bago pinasadahan ng paningin ang damit na suot ko. Isang flanelle bishop sleeve at skinny fit jeans na bumabalandra sa mahaba at maliit kong mga binti ang naisipan kong isuot ngayon. Hindi na ako ganoong nag-ayos dahil wala rin naman talaga akong intensyon na pumunta sa aming tahanan. Pagkatapos kong magsuklay a

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 26:

    Gulong-gulo na ang aking isipan. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa sunod-sunod na nangyayari lalo na nitong mga nakaraang araw. Parang kailan lang noong magkakilala kami ni Zach, hanggang sa ngayo'y napalapit na ang kalooban ko sa kanya nang hindi ko man lang namamalayan. Parang kailan lang nang halos gawin ni Mr. Drex ang lahat para lamang patayin ako at heto siya't nag-utos muli ng mga taong sa tingin niyang magpapadali sa buhay ko. Parang kailan lang nang dumating sina Margou sa aming samahan para traydurin at lokohin kami. Para saktan ang puso ko at patayin ang ama ko. Pero kahit na gano'n sila, hindi ko naman magawang magalit at kwestiyonin ang mga naging desisyon nila dahil kung ako ang nasa posisyon nila'y tiyak na gagawin ko rin ang ginagawa nila ngayon. Nagkakabuhol-buhol na ang mga pangyayari sa aking isipan lalo na nang maalala ko na naman ang kasamaan na ginawa ng aking ama. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magagalit at kung k

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 25:

    Nanghihina at wala sa sariling isinandal ko ang aking katawan sa back seat at napahinga ng malalim na hininga matapos makitang tuluyan nang nakapasok si Zach sa loob ng Police Station. Humugot ako ang ng malalim na hininga tsaka ito inipon sa loob ng aking bibig at pinalobo ang pisnge. Iiling-iling kong pinakawalan ang hiningang naipon sa aking bibig tsaka hinayaan ang sarili na tumulala sa kawalan. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Kung dapat ko bang patuloy na sundin lahat ng iniuutos ni Dad, o panahon na para itama ko ang lahat ng pagkakamaling nagawa namin para matapos na ang lahat ng ito? May parte sa akin na gusto ng isuko ang sarili sa mga pulis nang sa gayon ay hindi na madamay pa ang iba ngunit may malaking parte rin sa'king kaloob-looban na kapag ginawa ko iyon ay tiyak na mas magiging magulo lamang ang lahat. Inis na sinabunutan ko ang aking sarili tsaka mahinang iniuntog-untog ang likod ng u

DMCA.com Protection Status