Share

Kabanata 01:

"Mr. Samson will be having an underground transaction. South, 8:00 PM." Utos ni daddy habang nags-scan ng kanyang mga papeles. Tumango lang ako bago nagpaalam na aalis na. Kakatapos ko lang ideliver ang mga droga na pinapadala ni daddy sa China at ngayon meron na naman akong dapat patumbahing tao. Dumiretso ako sa salas at umupo sa long sofa bago hinayaan ang sariling magpahinga. Sinandal ko ang aking likod sa sandalan ng sofa tsaka blangkong napatitig sa kawalan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong wala sa sarili nang biglang umuga ang sofa at umupo roon si Mommy.

"Are you okay anak?" Malumanay ngunit nag-aalalang tanong ni Mommy at bahagyang minasahe ang aking palad upang makuha ang atensyon ko. Agad naman akong bumaling sa kanya tsaka ngumiti.

"Oo naman, Mom." Nakangiting sagot ko at nakakagat-labing tumingin sa kanya para pigilan ang aking emosyon.

"Pwede ka namang humindi sa mga utos ng Daddy mo, anak." Suhestiyon niya na agad ko namang inilingan.

Matagal na akong pinagsasabihan ni Mommy na kapag hindi ko na raw kaya ang pinapagawa ni Daddy ay 'wag ko ng ipilit na gawin. Sa tuwing nakikita niya akong mag-isa ay lagi niya akong dinadaluhan para sabihing hindi ko obligasyon na sumunod sa lahat ng iniuutos ni Dad. Pero alinman sa mga sinabi niya ay hindi ko pinakinggan dahil may parte sa puso ko na gustong mapahanga si Dad sa mga kaya kong gawin. Gusto kong ipakita sa kanya na lahat ng iuutos niya ay magagawa ko ng tama.

"Nasaan sila kuya, mom?" Pag-iiba ko ng tanong para malihis ang pinag-uusapan namin. Nagtataka rin naman ako kasi sobrang aga pa pero hindi ko man lang sila nakita rito sa salas.

"Ang aga-aga miss mo na agad kami," biglang singit ni kuya Ray at Ricko sa aming pinag-uusapan na nakangiting naglalakad papunta sa amin. Agad naman akong tumayo para yakapin silang dalawa.

"Saan ba kayo nanggaling?" Tanong ko matapos ang yakapan namin at maupo sa sofa.

"May ini-utos si dad," simpleng sagot naman ni kuya na tinanguan ko lang tsaka ako bumaling sa bunso naming kapatid na si Ricko.

"Dyan lang nagpapahangin," kunyaring tugon niya na palinga-linga pa sa kung saan-saan para lang maiwasan ang masasama kong tingin. "Come on lil' sis nag-aaral ako ng maayos." Dagdag nito nang kurutin ko siya sa kanyang tagiliran dahilan para mapairap ako.

"Huwag mo akong ma lil' sis lil' sis dyan at baka masapak kita," naiiritang kong banta sa kanya bago umayos sa pagkakaupo. Umayos na rin ito sa pagkakaupo sa tabi ko tsaka inilapit ang sarili sa akin para isandal ang noo sa aking balikat.

"Halika nga rito," maya-maya'y utos ni kuya nang makitang nakasandal sa akin si Ricko. Tinapik nito ang sariling hita para doon ako pa-upuin. Ngiting tumayo at umupo naman ako sa mga hita ni kuya na animo'y apat na taong gulang palang ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganon din ang ginawa niya habang marahan na sinusuklayan ang aking buhok gamit ang kanyang kamay. 

"Sali rin ako," nakabusangot na sinabi ni Ricko na bigla nalang isiniksik ang kanyang sarili sa gitna naming dalawa ni kuya. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap kay kuya dahilan para hindi niya masiksik ang sarili niya sa pagitan namin.

"Bawal ang ampon dito," pang-aasar ko sa kanya tsaka siya sinenyasan na umalis. Umiling naman kaagad si Ricko at sinubukan ulit na tanggalin ang pagkakayakap ko kay kuya.

"Hindi naman ako ampon ah!" Nakangusong tugon niya gamit ang matatalim niyang mata animoy matitinag ako ng dahil do'n.

"Hindi mo talaga malalaman na ampon ka dahil bata ka pa lang nung pinulot ka ni mommy sa basurahan…" pagpapatuloy ko sa pang-aasar at pinilit na paseryosohin ang mukha. Mas lalong humaba ang nguso niya tsaka kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang luhang unti-unti nang kumakawala.

"Hindi ako ampon! Diba kuya!?" Nakangusong baling niya kay kuya na kanina pa palihim na natatawa.

"Ampon ka raw. Pasensya na at ngayon lang namin nasabi…" pangsasakay nito at pilit na pinalungkot ang ekspresyon na siyang sunod-sunod na ikinailing ni Ricko animoy hindi matanggap ang katotohanan.

"Damn! Baby, he's about to cry." Mahinang bulong ni kuya sa akin.

Nginisihan ko lang siya bago bumaling kay Ricko na halatang pinipigilan ang sarili na h'wag umiyak. Natatawang sinenyasan ko siya na lumapit sa akin pero hindi niya ginawa, mas lalo lang itong lumayo habang patuloy parin sa pag-nguso.

"Halika na, binibiro ka lang naman nyan." Pangsusuyo ni kuya nang makita ayaw sumunod ni Ricko sa akin bago inabot ang kamay nito tsaka dahan-dahang hinila paupo sa kabila niyang hita.

"Nagbibiro lang naman ako," kagat-labi kong sinabi sa kanya at pilit na pinipigilan ang pagtawa. Bigla nalang siyang naiyak at mamula-mula ang ilong na kinukusot ang dalawang mata bago ulit ngumuso.

"Tignan mo umiyak tuloy!" Sita ni kuya sa akin na hindi ko pinansin.

"Halika na kasi. Kiss mo si ate." Turo ko sa pisnge ko na agad naman niyang sinunod tsaka nagpatuloy ulit sa pag nguso. "Kiss mo si kuya," utos ko at tinuro rin ang pisnge niya na agad naman niyang sinunod. "Bati na tayo ha?" Paglalambing ko pa sa kanya tsaka siya natatawang niyakap. Napipilitan naman itong tumango bago ako niyakap ng mahigpit.

"You looked cute!" Rinig naming tili ni Mommy sa kabilang sofa na hindi namin napansin na kanina pa pala nagmamasid sa aming tatlo.

Nag-uusap kami ng kung ano-ano nang bigla kong marinig ang baritonong boses ni Dad habang papaba ng hagdanan.

"You should be preparing by now, Shan." Matigas at maawtoridad nitong paalala na tuluyan nang nakarating sa salas

Natutuliro at kinakabahan naman akong napatayo mula sa pagkakaupo bago yumuko bilang paggalang.

"Y-yes dad." Aligaga kong tugon at lakad-takbong dumiretso sa aking kwarto para ihanda ang aking mga kakailanganin.

Patapos na ako sa pag-aayos nang biglang pumasok si kuya at Ricko sa kwarto ko.

"Kami nalang gagawa niyan lil' sis," Malumanay na suhestiyon ni kuya gamit ang kanyang maingat na tinig.

"Ako na."  Pagtanggi ko tsaka nagpatuloy sa paghahanda. Tinignan lang ako ng mga kapatid ko nang may bahid ng awa sa kanilang mga mata kaya agad akong tumigil sa ginagawa ko upang samaan sila ng tingin.

"Huwag niyo nga akong tignan ng ganyan." Utos ko sa kanila bago tinapos ang aking inaayos.

Sabay silang napabuntong-hininga bago ako binigyan ng mahigpit na yakap dahilan para tumigil ako sa aking ginagawa. Pakiramdam ko ay bigla nalang gumaan ang aking pakiramdam matapos nila akong yakapin.

"Ilang tao pa ba ang kailangan kong patayin para mapahanga ko siya," wala sa sarili kong usal. Mas lalo nilang hinigpitan ang kanilang pagkakayap sa akin. Huminga ako ng malalim bago pinalis ang kakaonting butil ng luha na nasa aking pisnge tsaka sila hinarap nang nakangiti.

"Una na ako." Pilit-ngiting paalam ko at tinapik sila sa kanilang mga balikat bago ako lumabas sa aking kwarto gamit ang aking bintana para mas mapadali ang pagbaba ko papuntang gate, ang dami pa kasing pasikot-sikot nitong bahay namin. Nang makasakay na ako sa kotse ko ay agad ko na itong pinaharurot sa isang kilalang mall para doon pumwesto at patayin si Mr. Samson.

Kasalukuyan akong nasa rooftop, pahirapan pa talagang makaakyat dito dahil maraming sagabal sa dadaanan ko kaya pinatulog ko muna sila sandali.

Inilabas ko ang aking sniper bago ito ina-ssemble at nilagyan ng silencer. Ang hirap hirap ng posisyon ko ngayon dahil hindi ko mawari kung ano ba ang itatawag ko dito. Nakadapang nakahiga ako likod ng mga box habang tinatanaw ang bulto ni Mr. Samson mula dito sa kinatatayuan ko.

"Patawad…" mahina at nagsisisi kong bulong sa aking sarili bago kinalabit ang gatilyo at pinakawalan ang tatlong sunod-sunod na bala sa kanyang ulo.

Nakita ko kung paano magsigawan ang mga tao nang makarinig ng putok ng baril tsaka ito natatarantang nagtatatakbo palayo. Nang tignan ko si Mr. Samson ay nakita ko kung paano nito nabitawan ang hawak nitong magazine. Awtomatiko itong napasapo sa kanyang ulo para kapain ang tama niya. Kaagad na kumalat ang dugo niya mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang katawan. Bumagsak ang walay malay niyang katawan sa sahig dahilan para makuha niya ang atensyon ng ibang tao samantalang agad ko namang iniligpit ang aking mga gamit tsaka buong lakas na tinalon ang building na'to papunta sa kabilang building. Nilingon ko muna sandali kung ano na ang nangyayari doon para lamang makita ang mga pulis at bodyguards na nakakalat sa pinwestuhan ko kanina.

Binalewala ko iyon bago tinalon ang isang lumang convenient store at bumaba mula sa likuran nito kung saan nakaparada ang aking kotse. Tumambay pa muna ako ng ilang sandali sa loob ng aking kotse dahil nakita ko ang sunod-sunod na police car na papunta sa insidenteng pinangyarihan.

Paniguradong mabubulgar lahat ng mga masasamang pinanggagawa ni Mr. Samson ng dahil dito at nasisiguro kong nagsasaya na naman si Daddy dahil mababawasan ang kanyang mga kalaban sa pag transport ng droga at mga kotseng ninanakaw.

Nang masiguro kong maayos na ay tsaka ko na pinaharurot ang aking sasakyan papunta sa Ynera training grounds.

Pagkarating ko sa Ynera Grounds ay sumalubong sa akin ang masayang mukha ni Jake.

"Kamusta ang mission ng baby ko?" Malambing na tanong nito nang makaupo ako dito sa sofa ng training grounds. Kakaiba ang training grounds namin dahil para na rin siyang tahanan, may kusina, sala, mga kwarto at arcade.

Inirapan ko lang siya tsaka nagpatuloy sa pagtatanggal ng aking itim na botas bago ko hinayaan ang aking sarili na tumihaya sa sofa.

"Sungit mo naman," komento niya bago inangat ang ulo ko at ipinahiga ako sa kanyang mga hita. Hinayaan kong ganon ang posisyon namin dahil wala namang malisya ito sa'kin. Gamit ang kanyang mga daliri, ay marahan niyang sinusuklayan ang aking buhok na tila parang hinehele ako nito.

"Shan…" maya-maya'y tawag niya sa gitna ng mahabang katahimikan.

"Hmm?" Ungot ko habang nakapikit ang mga mata, dinadama ang sarap dulot ng ginagawa niya. Naramdaman kong huminga siya ng malalim bago ito dahan dahang pinakawalan, maya-maya naman ay uubo siya na parang pinapatigas niya ang mga salitang dapat niya sabihin. "Ano?" tanong ko nang hindi man lang siya nagsalita.

"Ahm... Nothing." Iling niya tsaka pilit na ngumiti. Tumango nalang ako at pinikit ulit ang mga mata hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok at makatulog sa mga hita niya.

"I want you to be the husband of my daughter." Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong usapan.

"Kapag nasa tamang edad na kami pakakasalan ko siya, Sir." Magalang na tugon naman ni Jake.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata tsaka natanaw si Jake at Dad na nag-uusap. Bumangon ako mula sa pagkakahiga bago sila hinarap.

"My baby's awake," malambing na sinabi ni Jake tsaka pinisil ang aking pisnge, inirapan ko siya at umalis sa harapan nila ng walang paalam.

Wala naman na akong pakialam kapag ikinasal ako ni Dad kay Jake dahil alam ko namang mabait na tao si Jake. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig nang bigla nalang pumasok si Dad sa kusina bago naupo sa high chair.

"I have a request," panimula ni Daddy. Hinayaan ko lang siyang tapusin ang kanyang mga sasabihin. "Keep an eye to police officer Zach Kaeius Villiancio, our other transactions are not successful because of him, so be a spy." Paliwanag ni daddy at walang sabi-sabing iniwan ako sa loob ng kusina.

Natigil ako sa paglaghok ng tubig tsaka napatitig sa inupuan niyang silya habang pinoproseso sa utak ko ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Pinakawalan ko ang malalim na buntong hininga para pakalmahin ang aking sarili.

"Magiging spy ka lang Shan. Huwag kang mag-alala hindi ka na papatay ng tao." Pagpapakalma ko sa aking sarili bago tinungo ang kwarto ko dito sa training grounds.

Kabisado ko na ito dahil simula nung nag pitong taong gulang na ako ay dito na ako nakatira sa training grounds. Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong humiga sa aking malambot na kama at pinatuloy ang aking naudlot na tulog kanina.

"Wake up sleepyhead!" Nagising ako kinabukasan sa biglaang sigaw sa aking tainga. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay agad bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ricko nang malapitan dahilan para sampalin ko siya ng mahina.

"Aray ko!" Daing nito na bahagyang hinimas-himas ang pisnge. Hindi naman masakit iyon ah! Ang arte talaga.

"Bakit ka ba nandito?" Mahinang tanong ko tsaka bumangon at nag-inat ng katawan.

"Alam kong namimiss mo kami kaya binisita ka namin rito." Nakangising tugon niya at tinaas baba pa ang kilay. Hindi ko siya pinansin at agad na dumiretso sa banyo para maligo at magbihis ng damit. Pagkalabas ko galing sa banyo ay sumalubong sa akin si Ricko na pinapakialaman ang iba't ibang uri ng baril ko.

"Sinong nagsabi sayo na pwede ka ng humawak ng baril?" Mataray kong tanong at agad inagaw sa kanya ang hawak niyang baril para ibalik sa drawer.

"Gusto kong itry," Pagpipilit niya tsaka sinubukan ulit na kunin ang baril sa drawer pero pinigilan ko siya.

"Delikado iyan!" Asik ko at iniwas ang kamay niya sa drawer.

"Mag-iingat naman ako eh!"

"Hindi ko sinabing mag-iingat ka sa mga baril, ang sinabi ko ay delikadong humawak ng baril!" Mariing paliwanag ko sa kanya pero tila hindi man lang niya naiintindihan ang mga sinabi ko.

"Bakit ka pa humahawak ng baril kung alam mong delikado pala? Ang daya mo naman! Sige na, ateee!" Parang batang ungot nito at sinubukan ulit na kunin ang baril. Hindi na ako nakapagtiis at agad na lang na sinipa ang kamay niya dahilan para mapadaing siya sa sakit.

"Aray ko!" Maiyak-iyak niyang reklamo. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos sa aking sarili.

"Tara na," baling ko sa kanya nang matapos na ako. Nakita ko naman siyang nakahawak parin sa kanang kamay niya na medyo namumula. Bahagya akong natawa ng dahil doon.

"Sabi ko naman kasi sayo na wag na wag kang hahawak ng baril," nakangisi kong sinabi tsaka pi-nat ang ulo niya. "Tara na," dagdag ko pa at inakbay ang aking kamay sa kanyang balikat, wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin.

"Bakit ganyan ang itsura nyan?" Nagtatakang tanong ni kuya sabay nguso sa kasama ko.

"Pinakialaman niya ang baril ko, kaya ayan." Kibit-balikat kong tugon tsaka umupo sa tabi ni kuya, sumunod naman agad sa tabi ko si Ricko.

"Tandaan mo iyong sinabi ko sayo." Banta ni kuya kay Jake na nasa harapan namin, napairap na lang ako ng dahil doon.

"Bakit ba kayo nandito?" Tanong ko para maiba ang usapan.

"Tara may pupuntahan tayo," sagot ni kuya kaya agad na kaming tumayo at iniwan si Jake sa may sala.

"Hoy bata bilisan mo dyan!" Sigaw ko kay Ricko dahil ang bagal bagal mag lakad.

"Anong bata ang pinagsasabi mo dyan!? Hindi na ako bata! Mas matangkad pa nga ako sayo eh!"

"Talagang sumasagot ka pa ah!" Banta ko.

"Nyenyenye" at tsaka siya naunang naglakad at sumunod kay kuya...

*/Mall

"Ano bang gagawin natin dito sa mall?" nagtatakang tanong ko habang pinapalibot ang paningin ko sa nagraragsaang mga tao.

"Sasakay tayo ng ferris wheel," sarkastikong tugon ni Ricko na may kasamang irap. Hindi ko nalang siya pinansin at binaling ang tingin kay kuya na nasa tabi ko rin.

"Bibili tayo ng damit mo" sagot ni kuya at pumasok na sa isang mamahalin na store.

"Marami naman na akong damit sa bahay ah," nakakunot-noong angal ko.

"Iyon bang kabinet mo na purong itim lang ang laman?" Pilosopong sagot na naman ni Ricko dahilan para mapatingin ako sa kanya at samaan siya ng tingin.

"Kanina mo pa ako binabara," Sagot ko at inambahan siya ng suntok, binelatan lang naman niya ako kaya pinabayaan ko nalang ito.

"Sir, how may I help you?" Magalang na tanong nung saleslady kay kuya.

"Lahat ng dress na kakasya sa kanya ay bibilhin ko na." Tugon niya na agad ko namang sinimangutan. Ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay iyong makukulay na mga damit at dress pero wala naman na akong magagawa dahil binili niya na lahat.

Nakasimangot lang ako nang makalabas na kami sa store na iyon, si kuya at Ricko ang nagbitbit sa lahat ng shopping bags at pinapagitnaan pa nila ako animo'y pinoprotektahan sa masasamang tao.

Ugok sila dapat ang matakot sa'kin!

"Tara kain na muna tayo!" Suhestiyon ni Ricko na agad naman naming tinanguan.

"Ako na oorder" presinta ni kuya kaya naman pinabitbit niya lahat ng dala niya kay Ricko habang ako naman ay naghahanap ng mau-upuan namin. Napansin ko ang bakanteng lamesa na kulang ng isang upuan kaya naman walang pasabi kong hinugot ang isang upuan mula sa harap ng isang lalaki na busy kaka-cellphone. Gulat naman siyang napatingin sa akin pero hindi ko nalang pinansin iyon.

"Sorry na," malambing na pagsuyo ko kay Ricko nang maka-upo na kami. "Sinabi ko naman kasi sayo na huwag kang hahawak ng baril." Dagdag na bulong ko sa kanya at ngumiti ng matamis. Yinakap niya lang ako bilang tugon kaya naman niyakap ko rin siya pabalik.

"Sorry na ha?" Mahinang dagdag ko ulit tsaka ginulo ang kanyang buhok. Alam ko naman kasi na masakit talaga iyong ginawa ko sadyang natawa lang ako sa kanya kaya siguro siya nagalit.

"Bati na ba kayo?" Bungad ni kuya dala-dala ang mga pagkaing inorder bago naupo sa harap namin. Sabay naman kaming ngumiti at tumango bago nagsimulang kumain.

"Tsibugan na!" Masayang sigaw ni Ricko dahilan para makuha nito ang atensyon ng mga taong nakapalibot sa amin. Sabay kaming nagtinginan ni kuya at napailing bago humingi ng paumanhin sa mga naabala. Aksidente namang napatingin ako doon sa lalaki na ninakawan ko ng upuan na hindi ko namamalayang kanina pa pala nakatingin sa amin animoy isa kaming kriminal.

Hoy, ako lang ang kriminal wag mong idamay mga kapatid ko!

Hindi ko nalang siya pinansin at sumabay na sa mga kapatid kong kumain.

"Ang sarap!" Natutuwang komento ni Ricko nang matapos na kaming kumain. Sumandal ito sa upuan niya sabay himas sa kanyang tiyan.

"Manahimik ka nga, nakakahiya." Sita ni kuya pero hindi siya nito pinansin. Tumayo naman ako para magpaalam na pupunta muna sa palikuran.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa palikuran ng mga babae ay bumungad sa akin ang tipikal na mga ginagawa ng mga babae. Ang iba ay nasa harap ng kanya-kanyang salamin at naglalagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha, ang iba naman ay nag-aayos ng buhok at ang iba naman ay kumukuha ng sariling picture sa salamin, kumbaga mirror shot kung tatawagin. Nagdire-diretso nalang ako sa dapat kong gawin bago naghugas ng kamay at lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay saktong may papalabas rin na lalaki galing sa cr ng mga lalaki nang magkabanggaan kami nito dahilan para mahulog ang kanyang mga hawak-hawak na papel sa sahig. Tinignan ko lang ito at nalamang siya pala iyong lalaki kanina na kinuhanan ko ng upuan ng walang paalam. Gulat itong napatingin sa akin tila hindi makapaniwalang nagkabungguan kami. Hindi ko pinansin ang gulat na bumalatay sa mga mata niya bago tinapunan ng paningin ang mga papel at gamit niyang nahulog sa sahig tsaka ito tinalikuran.

"Hindi mo ba ako tutulungan?" Hindi makapaniwalang tanong niya dahilan para tumigil ako sa paglalakad upang tignan siya.

"Baka kako gusto mo akong tulungan ligpitin itong mga gamit ko?" Ulit na tanong nito nang makitang nakatingin lang ako sa kanya sabay nguso sa gamit niya na nakakalat sa sahig. Hindi ko siya pinansin at walang pasabing tinalikuran siya.

Kaya na niya iyon bakit pa ba siya nagpapatulong, ano siya lumpo?tanong ko sa aking sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit ang tagal mo?" Bungad ni kuya nang makalabas na ako doon. Nagkibit-balikat ako bilang tugon bago sila binalingan ng tingin. Napansin ko na wala na silang dala-dalang shopping bags, malamang ay pinakuha na ni kuya sa mga bodyguards ni daddy.

"Tara sa game zone!" Excited at biglaang pang-aaya ni Ricko. Wala na kaming nagawa dahil pilit niya kaming hinila papunta doon sa game zone na tinatawag niya.

"Doon tayo," turo niya sa may mga baril na laruan nang matapos namin papalitan ng tokens ang pera.

Merong nakadisplay na parang dart board doon sa itinuro ni Ricko ngunit ang gagamitin namin pang tira ay pellet gun, medyo malayo ang dart board mula dito sa kinatatayuan namin kaya imposibleng maka bulls eye agad kapag hindi mo pa napag-aaralan kung paano umasinta ng maayos. Si Ricko ang naunang tumira at agad na sumimangot nang nakitang hindi man lang pumasok ang bala sa dart board dahilan para matawa kami ni kuya. Si kuya naman ang sumunod kay Ricko pero muntikan lang na natamaan ni kuya ang bulls eye kaya napakamot nalang siya sa kanyang batok. Akala ko ay aalis na kami pero bigla nalang ako hinatak pabalik ni Ricko dahilan para mapabalik din ako sa dati kong pwesto.

"Ikaw na naman, ate…" aniya habang hawak hawak ang isa kong braso. Agad naman akong umiling dahilan para sumimangot siya. "Sige na please…" pangungulit niya pa sabay pa-cute. Natawa ako ng dahil doon kaya tumango nalang ako bago kinuha ang pellet gun.

Wala sana akong balak na maglaro pero talagang makulit itong si Ricko kaya pinagbigyan ko na. Tinignan ko lang saglit ang dart board bago kinalabit ang gatilyo na agad namang tumama sa bulls eye.

"Sana totoong baril nalang ginamit mo ate!" wala sa sariling sigaw ni Ricko dahilan para pandilatan ko siya ng mata, mabuti nalang at walang nakarinig dahil ang ingay dito sa game zone. Kinuha naman kaagad niya iyong prize ko na malaking stitch at tsaka inihagis hagis ito sa ere animo'y isang sanggol.

"Tumigil ka nga, para kang bata, eh bente anyos ka na" natatawa kong sinabi sa kanya dahil mukha talaga siyang bata kung umasta.

Natatawa nalang kaming napailing ni kuya nang hindi niya man lang ako pinansin at nagpatuloy ulit sa ibang laro na dala-dala ang malaking stitch. Agad naman akong inakbayan ni kuya habang nakabuntot lang lang kay Ricko. Maya-maya pa ay napagod na rin siya kakalaro kaya napagdesisyonan na naming umuwi na at magpahinga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status