Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may nakadagan sa likuran ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at kinusot-kusot pa ito bago tinignan kung sino ang nakahiga sa likod ko. Nakadapa kasi akong natulog kaya malaya niyang naihiga ang sarili niya sa aking likuran.
"Umalis ka nga riyan..." mahinang ungot ko at bahagyang ginalaw ang aking balikat para tanggalin ang nakapatong niyang baba. Hindi niya ako pinansin tsaka ngumuso na parang bata bago umiling at inayos ang kanyang pagkakahiga sa aking likuran. "Jake, ang bigat mo umalis ka dyan." Mariing utos ko pero nanatili pa rin siya na nasa ganong posisyon dahilan para mapapikit ako sa inis.
"Isa..." pagbibilang ko pero tila hindi man lang siya natinag. "Dalawa... Jake, ang bigat mo umalis ka na dyan..." naiinis na sinabi ko at pinagpapadyak padyak ang mga paa na nasa dulo ng kama. "Tatlo... Jake!" Naramdaman ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat senyas na pinipigilan niya ang kanyang sarili na h'wag matawa.
"Sinabi ng bumaba ka dyan!" Inis na inis kong asik sa kanya at sinubukang kapain ang kamay nito para sana ibalibag siya pero agad ring natigilan nang may makapa akong iba!
Naramdaman kong natigilan din siya sa ginawa ko at parang biglang nanigas ang buo niyang katawan ng dahil sa magkahalong gulat at hiya. Rinig na rinig ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso niya at ang ilang beses na nitong paglunok.
"S-shan..." uutal-utal niyang tawag. "Y-your hand," pigil hiningang turo niya sa kamay kong nasa gano'ng posisyon pa rin.
Kaagad ko namang tinanggal ang kamay ko doon tsaka walang pasabing tumayo dahilan para mahulog siya sa kama na naglikha ng malakas na ingay. Habol ko ang aking hininga nang makaupo ako ng maayos sa dulo ng aking kama at tinignan siya na parang hindi parin makapaniwala sa nangyari habang titig na titig doon sa bagay na nahawakan ko!
"Sorry, hindi ko sinasadya," paghingi ko agad ng tawad at inayos ang pagkakaupo sa dulo ng kama tsaka nagkunwaring walang nangyari. Pinilit ko na lamang pakalmahin ang aking sarili dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko na mababago ang nangyari kanina.
Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat at napapantiskulang tinignan ako na mukhang hindi pa rin makapaniwala. Maya-maya lang ay nakita ko siya na kinukusot-kusot ang kanyang mata bago ngumuso. Napansin ko ring pumula ang pisnge niya kaya nagtataka akong tumingin kay Jake.
"Anong nangyayari sayo?" Kunot-noong tanong ko rito habang nakatingin sa kanya na patuloy paring kinukusoy ang namumulang mata. Huminga ito ng ilang beses tsaka napalunok bago ako nagawang tinignan.
"I'm not a virgin anymore," exaggerated niyang sinabi na unti-unting tumutulo ang luha animo'y napakasakit ng nangyari sa kanya. "Kasalanan mo'to!" Inis na pagpapatuloy nito at dinuro ang pagmumukha ko. Wala sa sariling napaturo ako sa sarili ko para siguraduhin ang tinutukoy niya.
"Ako?" Inosenteng tanong ko at tinuro ulit ang sarili.
"Oo, ikaw! Hindi na ako virgin!" Naiinis na sinabi niya tsaka pinagpapadyak padyak ang kanyang paa sa sahig na parang isang bata.
"Bakit ako? Tsaka anong hindi ka na virgin? Pinagsasabi mo?" Iritang bwelta ko na salubong na salubong na ang mga kilay.
Ano ba'ng pinagsasabi nito.
"Hinawakan mo ako kaya dapat panagutan mo ako!" Inis at nakanguso niyang sambit. Huminga pa siya ng malalim tsaka marahas itong pinakawalan habang nanliliksik ang mga matang tumingin sa gawi ko.
"Binuntis ba kita? Ha? Bwiset!" Singhal ko at tumayo para pumunta sa kanya.
Nang nakita niya akong papunta ako sa gawi niya ay agad nitong tinakpan ang sarili na para bang ano mang oras ay gagalawin ko siya. Nandidiri naman akong napatingin sa kanya tsaka sinuyod ang kanyang kabuoan bago siya tinignan ng diretso sa mata.
"Kahit na ikaw na lang ang lalaking nabubuhay ay hinding-hindi kita papatulan! Naiintindihan mo? At! Hindi ka mabubuntis dahil unang-una sa lahat ay wala kang matres at pangalawa ay dahil sa lalaki ka! Bobo mag-isip ka muna!" Asik ko sa pagmumukha niya at habol-hiningang dinuro siya.
Halatang nagulat naman ito sa sinabi ko na para bang ngayon niya lang napagtanto na lalaki pala siya at wala siyang matres. Inis na napasabunot ako sa aking buhok tsaka walang pasabing dumiretso sa banyo para maligo at magbihis.
Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang nakaupo na sa aking kama at wala sa sariling napatitig sa kawalan habang nilalaro-laro ang kanyang pang-ibabang labi gamit ang kanyang mga daliri. Napansin niya siguro ang presensya ko kaya agad niya akong tinignan bago pilit na ngumiti. Inirapan ko siya tsaka nagsuklay ng buhok.
"Hindi pala talaga nabubuntis ang mga lalaki hehehe," inosenteng sambit niya at napipilitang tumawa bago napapahiyang yumuko sa paanan habang kinukutkot ang mga daliri.
Sarkastiko ko naman siyang inismiran na para bang ganon nalang siya kabobo na pati iyon ay hindi niya pa alam.
"Pero! Hindi parin makatarungan iyong ginawa mo!" Dagdag niya pa at umayos sa pagkakaupo bago ako hinarap at tinignan ng masama dahilan para mapairap ako.
"Ano bang pinunta mo dito?" pag-iiba ko nalang sa usapan.
Agad naman kumunot ang kanyang noo na tila nakalimutan kung ano nga ba ang kanyang ipinunta rito tsaka nilagay ang dalawang daliri sa baba animo'y inaalala kung ano ba dapat ang sasabihin niya ngayon. Maya-maya pa ay pumitik siya sa hangin tsaka nakangiting tumingin sa gawi ko.
"Sabi ng tatay mo ay pupuntahan daw natin si Mr. Hans." Imporma nito at tumayo tsaka pinagpag ang damit bago pumunta sa drawer ko, kung nasaan ang mga baril ko. "Pahiram muna." Paalam nito nang makita kung gaano kasama ang tingin ko sa kanya. Agad na inilagay niya ito sa kanyang black coat.
Wala na akong nagawa kundi ang pahiramin siya ng baril. Kinuha ko na rin ang handgun na gagamitin ko at nilagay sa secret pocket nitong leather jacket na suot ko.
"Saan daw natin kikitain si Mr. Hans?" Tanong ko nang nagsimula na siyang magmaneho.
"Wolf Gang fine dining restaurant." Kibit-balikat nitong tugon at inikot ang manibela para magpark ng maayos. Kunot-noo ko naman siyang tinignan ng dahil doon.
"Bakit?" Taka kong tanong habang tinatanggal ang seatbelt.
"Doon niya gusto makipagkita e," simpleng sagot niya at bumababa na ng kotse tsaka naunang maglakad papasok sa restaurant. Napairap naman ako at agad na bumababa ng kotse tsaka siya sinundan.
Pagkapasok namin ay agad kaming sinalubong ng babae nakasuot ng uniporme na naaayon sa trabaho nito.
"Good morning, Maam/Sir. Any reservation, Maam/Sir?" Nakangiting bungad niya sa amin habang may hawak-hawak papel.
"Under the name of Mr. Hans." Ngiting sagot rin ni Jake na may kasama pang kindat dahilan para pamulahan ng pisnge ang babae at napapahiyang bumaling sa reservation list na hawak niya.
Maya-maya pa ay iginaya niya na kami papunta sa VIP room. Tahimik naman kaming sumunod sa kanya.
Pagkapasok namin sa room na iyon ay bumungad sa amin ang binatang lalaki na naka-suot ng puting polo na prenteng nakaupo sa upuan habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. Napansin niya ang presensya namin kaya agad niyang binaling ang tingin sa amin tsaka nakangiting tumayo bago sinenyasan kami na maupo. Agad naman akong umupo sa upuan na nasa harapan niya at pinagkrus ang mga braso tsaka siya tinignan. Sumunod rin si Jake at umupo sa tabi ko at hinarap si Mr. Hans habang tina-tap niya ang kanyang mga daliri sa lamesa.
"So ahm... What do you want to eat?" Naiilang na tanong niya dahil kanina pa namin pinagmamasdan at tinitignan ang mga kilos nito.
"Anything," kibit balikat kong tugon bago pinalibot ang paningin sa loob ng silid. Napansin kong natigilan sa pagta-tap ng mga daliri si Jake at biglang napatingin sa akin na salubong ang mga kilay tsaka lumapit sa tenga ko at bumulong.
"Bakit anything? Baka mamaya iyong pinakabaratong pagkain ang ipakain niya sa atin sayang libre pa naman 'to." Nanghihinayang niyang bulong at ngumuso pa bago napailing-iling na parang dismayadong-dismayado sa akin.
Narinig namin ang marahang pagtawa ni Mr. Hans kaya agad nabaling ang atensyon namin sa kanya, nagtataka. Nang nakita niyang nakatingin kami sa kanya ay kaagad siyang umayos sa pagkakaupo tsaka sapilitang umubo bago sinandal ang kanyang siko sa lamesa at hinarap kami nang may ngiti sa labi.
"Don't worry, I'll order their most expensive food." Sabi niya at nakangiting tumingin sa gawi ko. Inismiran naman siya ni Jake na para bang iyon dapat ang gawin niya bago bumalik sa pagkakasandal sa upuan.
Nag-order na si Mr. Hans at maya-maya pa ay dumating na ito. Nagsalubong ang aking kilay nang makita kung gaano karaming pagkain na inihahain nila. Punong puno na ang table namin ng iba't ibang pagkain na hindi ko alam ang mga pangalan. Pagkatapos nilang ilagay lahat ng pagkain ay hindi ako makapaniwalang tumingin sa gawi ni Mr. Hans na prente lang na nakaupo sa upuan niya na parang ganon nalang kadali para sa kanya ang magwaldas ng pera tsaka ko binaling ang tingin ko kay Jake na kanina pa lamutak nang lamutak, ni hindi man lang kami inayang kumain. Naramdaman niya siguro ang tingin ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sa akin at inosente akong tinignan na may halong pagtatanong. Nakita kong nakakalat ang sauce sa gilid ng kanyang labi pero halatang hindi man lang niya iyon napansin dahil patuloy parin siyang kumakain kapagkuwan ay isinubo ng buo ang isang slice ng cake dahilan para mapasapo ako sa aking noo at mapailing.
Ngumiti siya nang makita ang reaksyon ko bago binalik ulit ang atensyon sa pagkain. Pinili kong hindi nalang siya pansinin at kausapin nalang si Mr. Hans.
"Five billion," panimula ko na tinutukoy ang presyo ng droga na bibilhin niya. Sumubo ako ng isang slice ng cake habang hinihintay ang sagot niya.
Tumango siya bago kinuha ang cheke sa kanyang bodyguard. Nilagyan niya iyon ng presyo at pinirmahan tsaka ito inabot sa akin. Kinuha ko naman agad iyon at nakitang sobra ng isang milyon ang nilagay niya. Hindi ko na iyon pinansin at nilagay na ito sa bulsa ng jacket.
"Sasabihin ko lang sayo na hindi ako nangungutang at mas lalong hindi ako nanghihingi sayo ng isang milyong tip kaya wag mong hintayin ang pasasalamat ko dahil hindi iyon lalabas sa bibig ko. " Tuloy-tuloy at walang emosyong paalala ko sa kanya bago sinubo ang panghuling slice ng steak na nasa plato ko. Nabulunan naman kaagad si Jake ng dahil sa sinabi ko tsaka ako dahan dahang tinignan na para bang ganon na lang kalaki ang isang milyon para sa kanya.
Mukhang pera talaga.
Natatawang napailing-iling si Mr. Hans at inayos ang necktie bago ako hinarap.
"You're cool." Ngising anito dahilan para mapairap ako.
"Kailangan na naming umalis," tanging sagot ko at bahagyang iniyuko ang ulo bilang paggalang tsaka hinila ang kwelyo ni Jake na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa isang milyon na natanggap mula sa lalaking iyon.
Muntik pa siyang masubsob dahil sa biglaang paghila ko pero hindi ko na iyon pinansin at nagtuloy tuloy lang paglalakad habang hawak hawak ang kwelyo niya. Napapatingin na ang ibang mga tao munit hindi ko man lang sila tinapunan ng isang tingin.
Pagkarating namin sa tapat ng sasakyan ay habol niya ang sariling hininga at pinatong ang dalawang kamay sa tuhod at huminga ng malalim bago umubo animoy nasasakal. Tinignan niya ako ng masama bago ako tinuro.
"Hindi ko pa nga nauubos iyong juice tapos bigla ka na lang nanghihila!" Reklamo niya at nagpapadyak na parang bata.
Hindi ko siya pinansin at akmang papasok na sa loob ng sasakyan nang magsalita ulit siya.
"Hoy nasaan na iyong isang milyon? Wag kang madamot ha! Nandoon din ako kaya dapat lang na may pera ako na galing dyan sa isang milyon na binigay niya!" Ungot nito. Salubong na salubong ang mga kilay at mabibigat hiningang pinamewangan ako. Hinarap ko siya at tinaasan ng isang kilay.
"Five hundred thousand sayo," tugon ko na agad naman niyang tinanggihan na may kasama pang iling.
"Anong five hundred thousand? Ang liit naman nyon!" Lukot na lukot na ang mukha niya at mukhang ayaw pa tanggapin ang five hundred thousand.
"Kalahating milyon, ayos na ba iyon?" Nakataas kilay kong suhestiyon dahilan para magliwanag ang mukha niya at sunod sunod na tumango na may kasama pang palakpak.
"Kaya kita gusto e!" Nakangising sinabi nito na patuloy parin sa pagtango animo'y proud na proud sa ginawa kong desisyon. Napa-face palm nalang ako ng dahil doon at umirap. Pumasok na ako sa kotse. Ganon din ang ginawa niya bago kinabit ang seatbelt.
"Punta tayo sa hometown namin!" masayang pag-aaya niya nang paandarin ang kotse. Tinignan ko lang siya kapagkuwan ay tumango na lang rin at nanatiling tahimik sa buong byahe.
"Dito na iyon!" Imporma nito pagkalipas ng ilang oras. Awtomatiko naman akong napatingin sa labas ng bintana at tanaw mula rito ang mga taong paroo't parito. Mga sigawan ng mga nagbebenta ng kung ano-ano at mga batang tumatakbo at naglalaro sa gitna ng kalye. Masyado ring maraming tao na nagsisiksikan sa daan. Taka akong tumingin sa kanya nang makitang tinatanggal niya lahat ng alahas niyang suot.
"Iba ata itong napuntahan mo," kunot noong baling ko sa kanya dahil noong mga bata pa kami ay nagpunta na ako rito at hindi naman ganito ang itsura nito at tsaka... DIVISORIA? Sa divisoria na ba nakatira ang mga kapatid at ina niya? Natawa naman siya sa sinabi ko bago ako hinarap.
"Nasa dulo pa ang bahay namin, market day kasi ngayon kaya ganyan karami ang tao. Lalakarin na lang natin iyon dahil halata namang hindi kakasya diyan ang kotse." pailing-iling na sinabi niya.
Tumango naman ako at agad na tinanggal lahat ng alahas na suot ko pati na rin ang wallet ko ay iniwan ko na rin sa kotse. Tanging cellphone lang ang dala ko at baril na nasa loob parin ng jacket. Nagulat ako nang pagkalabas ko ng kotse ay bigla niyang hinuli ang aking palapulsuhan tsaka ito hinawakan.
"Mawawala ka kapag hindi kita hinawakan," anito at pinagsiklop ang aming kamay. Hindi na ako umangal bago nagpahila at sumunod sa kanya.
Nakikipagsiksikan kami sa mga nagraragsaang mga tao, ang ilan ay papunta sa direksyon na pinupuntahan namin at ang iba naman ay papunta sa kabilang direksyon. Siksikan kung dumaan ang mga tao at may mangilan-ngilan pang nanunulak sa likod mo.
"Excuse me po," sabi ni Jake doon sa ale na nakaharang sa harapan namin para makadaan kami. Akmang hihilahin ako ni Jake para makausad sa nilalakaran namin nang bigla kong tinanggal ang kamay niya sa akin bago sinundan iyong lalaki.
Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano dinukot ng binatilyo ang wallet nung ale na nasa harapan namin. Walang kahirap hirap niyang kinuha iyon mula sa nakabukas na bag ng ale na halatang hindi niya napansin. Tanging ako lang ang nakakita sa nangyari kaya agad kong hinabol iyong lalaking may suot na itim na kalo.
Dumaan siya sa may gulayan at basta nalang sinipa ang dalawang basket na may lamang repolyo at kalabasa upang harangan ako bago tinapon ang ratan na silya sa akin. Kaagad naman akong nakailag sa mga bagay na tinatapon niya at ininda ang lahat ng paninging nakatuon sa aming dalawa. Gulat at natatakot nila kaming sinusundan ng tingin. Lumiko siya sa may isdaan at akmang itatapon ang isdang nadukot nito ngunit naunahan ko siya at agad na kinuha ang timba ng tubig na pinanghugasan ng isda tsaka ito buong lakas na tinapon sa kanya dahilan para mabasa siya. Hindi pa ako nakontento sa ginawa ko kaya kinuha ko iyong malaking isda na nakita ko at inasinta iyon sa ulo niya na agad namang tumama dahilan para mawalan ito ng balanse.
Halatang natigilan siya sa ginawa ko pero nagpatuloy parin siya sa pagtakbo bago lumiko sa may makitid na daan hanggang sa makarating siya sa dulo at huminto sa pagtakbo dahil sa pader na nasa harapan nito. Napabuga siya ng malalim na hininga at inis na sinabunutan ang kanyang sarili tsaka sinipa ang pader bago humarap sa akin na habol habol ang hininga. Matalim ko siyang tinitigan tsaka dahan dahang naglakad papalapit sa gawi niya dahilan para mapaatras siya at mapasandal sa pader.
"Leche ka, pinahirapan mo pa ako." Kalmado ngunit inis na sinabi ko habang pilit na kinukuha ang wallet na hawak hawak niya. "Kasing baho ng isda ang pag-uugali mo." Dagdag ko pa tsaka inipit ang butas ng aking ilong para hindi ko malanghap ang amoy ng isda.
"Sa susunod galing-galingan mo ang pagnanakaw wala ka pa sa kalingkingan ko tandaan mo iyan!" Asik ko at sinampal sa pisnge niya ang wallet na siyang ikinagulat nito. Hindi ko iyon pinansin at binuksan sa harapan niya ang pitaka para tignan kung ilang halaga ang nandoon. Inismiran ko siya nang makitang isang daan lang ang halaga nun.
"Isang daan? Talaga? Pati pera ng ale ninakaw mo pa?" Hindi makapaniwala kong singhal sa kanya na kanina pa nangangatog ang mga tuhod ng dahil sa kaba at takot. Hindi agad siya nakasagot at yumuko nalang animo'y nagpapaawa.
"Wag mo ako daanin sa ganyang galawan dahil sinasabi ko sayo hinding hindi ako maaawa sa mga katulad mo." Mariing sinabi ko at hinila ang kwelyo niya palabas sa lugar na iyon bago bumalik sa lugar kung saan ko iniwan si Jake.
Gulat siya nang makita ako pero mas lalo pang nagulat nang makitang may hawak hawak ako na lalaki sa kwelyo. Napahawak pa siya sa bibig niya sabay panlalaki ng mata at nanginginig na tinuro ang lalaking nasa tabi ko.
OA talaga
"Anong nangyari dyan?" Tanong niya at tinuro ang katabi ko, akmang lalapit pero agad ring lumayo dahil sa amoy nito. "Nakipaglanguyan ka ba sa mga isda, dong?" Takang tanong nito at nandidiring tinignan ang kasama ko tsaka tinakpan ang ilong.
"Hawakan mo 'to," utos ko at iiling na sana siya nang magsalita ako. "Wag ka ng magsalita dahil napipikon na ako," asar kong dagdag at nanliliksik ang mga matang tinignan siya.
Dali-dali naman siyang tumango tsaka hinawakan iyong lalaki sa laylayan ng kanyang damit gamit ang hintuturo at hinlalaki.
"Kapag nakawala iyan ikaw ang ipapakulong ko. Naiintindihan mo?" Kalmadong sinabi ko sa kanya bago pinuntahan iyong ale na kanina pa panay ang halungkat sa sariling bag, halatang nawawalan ng gamit. Inabot ko sa kanya ang wallet niya dahilan para gulat siyang napatingin sa gawi ko.
"Bakit na sayo ito, iha?" Takang tanong niya habang inaabot ang wallet sa kamay ko.
"Ayon po ang magnanakaw," nakangiting sinabi ko na lang at bahagyang tinuro iyong lalaking hawak hawak ni Jake.
Inayos niya muna ang kanyang salamin tsaka sinundan ng tingin ang lalaking tinuro ko. Maya-maya pa ay biglang nagsalubong ang mga kilay nito. Inis na inis siyang bumuga ng marahas na hininga tsaka tinaas ang tungkod na dala at mabilis munit pakuba-kubang naglakad palapit sa gawi ni Jake at basta nalang niya itong pinalo gamit ang kanyang tungkod.
"Sus maryosep kang lalaking ka walang hiya ka isang daan na nga lang ang pera ko nanakawin mo pa! Jusko kang bata ka!" Naiinis at nagpupuyos sa galit nitong hiyaw habang patuloy na hinahampas ng tungkod si Jake.
Walang nagawa si Jake kundi ang ngumuso at sanggain ang mga hampas sa kanya kaya agad akong tumakbo sa gawi nila bago inawat iyong ale.
"Nay, siya po iyong magnanakaw." Nahihiyang sinabi ko at bahagyang tinuro iyong lalaking hawak ni Jake. Sinundan naman niya ito ng tingin at basta nalang niya sinungalngal iyong bunganga ng lalaki gamit ang kanyang tungkod dahilan para magulat kami.
"Nay, tama na po. Dadalhin nalang po namin siya sa pulis," kalmadong awat ko sa kanya. Huminga naman ito ng malalim tsaka tinignan ng masama iyong lalaki at inambahan pa ulit ng tungkod bago umalis at nag hair-flip.
"What the freaking fuck!" Hindi makapaniwalang usal ni Jake nang makita kung gaano kataray nung ale at napahinga ng malalim.
Hindi ko iyon pinansin at sinabi sa kanya na dalhin namin sa malapit na police station itong lalaki na hawak niya.
Pagkapasok namin sa Police Station ay agad kaming dumiretso sa pulis na may kausap na lalaki. Halatang abala ito at may importanteng pinag-uusapan. Hinila ko ang binatilyo bago ito sapilitang pinaupo sa upuang nasa harapan ng desk table dahilan para mahinto ito sa pag-uusap at gulat na napatingin sa amin. Agad umalingawngaw sa buong station ang mabahong amoy ng isda dahilan para takpan ng mga pulis ang kanilang ilong. Maya-maya pa ay napansin ko ang mga titig ng lalaking kausap ng pulis kaya tinignan ko ito at bahagyang nagulat nang makita ang lalaking nakabanggaan ko sa may exit ng CR.
"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong niya at tinuro pa ako, maya maya lang ay napabuga siya ng malalim na hininga tsaka namewang. Hindi ko na lang siya pinansin bago binaling ang paningin sa pulis na nasa likod niya.
"Nagnakaw ng wallet iyan. Kayo na bahala." Makiling sinabi ko na tinanguan naman ng pulis. Akmang magsasalita na ito nang biglang sumingit iyong lalaking kanina pa nakatingin sa akin.
"Nahuli mo iyan?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya at tinuro iyong magnanakaw tsaka tinakpan ang sariling ilong dahil sa lansa ng amoy. Hindi ko siya sinagot at tinaasan lang ng kilay. "You're cool." Nakangising dagdag pa nito animoy manghang-mangha sa ginawa ko. Inismiran ko siya bago tumingin ulit sa gawi ng pulis.
"Kayo na bahala dyan." At tinapik ng dalawang beses ang lamesa ng pulis tsaka walang pasabing naglakad paalis. Sumunod naman kaagad si Jake hanggang sa makalabas na kami sa Police Station.
"Kilala mo iyon?" Pang-uusisa nito at huminto sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako at tignan siya.
Kibit-balikat lang ang sinagot ko at maglalakad na sana nang biglang tumunog ang aking telepono. Agad ko naman itong sinagot tsaka bahagyang lumayo kay Jake.
"Yes~" naputol ang mga sasabihin ko nang inunahan niya akong magsalita.
"Formality." Paalala nito kasabay ng pagtikhim sa kabilang linya. Napaubo naman ako ng dahil doon bago nagsalita.
"Yes boss?" Pormal na bungad ko at umayos sa pagkakatayo.
"We have a meeting. Now." Maawtoridad at baritonong boses na imporma nito at biglaang binaba ang tawag. Pabuntong-hininga naman akong napalingon kay Jake at sinenyasan siya.
"Meeting," saad ko na agad naman niyang nakuha. Tumango siya bago naunang maglakad papunta sa sasakyan. Sumunod lang ako sa kanya sa paglalakad bago kami dumiretso sa Rickage Hideout.
Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa Rickage hideout habang si Jake naman ay nahuhuli dahil inaamoy-amoy pa nito ang sarili bagay na ikinabagal ng lakad nito. Hindi na kami natuloy kanina sa dapat naming puntahan dahil sa biglaang meeting na inanunsyo ni boss. Sinabi sa akin ni Jake na sa susunod na lang daw namin dadalawin ang pamilya niya kaya pumayag na lang ako roon. Wala kasi kaming ibang pagpipilian kundi ang sundin ang utos ng aming boss. Hindi rin naman namin magawang suwayin ang lahat ng utos nito dahil sa takot at respeto namin sa kanya. Nasa labas pa lang kami ng meeting room ay rinig na rinig ko na ang bangayan at sigawan nila Elton dahilan para mapangiwi ako. Pagkapasok namin sa loob ng meeting room ay tila parang may anghel na dumaan sa harapan nila dahil sa biglaang pagtigil nito sa ginagawa upang tignan kami ni Jake. Nakakunot ang mga noo at nandidiring nakatingin sila sa amin kasabay ng pagtakip nila sa sa
Kusang naglalakad ang aking mga paa na para bang may sarili itong utak. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga ito dahil nanghihina ako sa mga nangyari kanina, ni hindi nga ako makapaniwala na nagawa kong pagsalitaan ng ganon ang aking ama. Nagsisisi ako sa hindi malaman na dahilan at nahihiya dahil sa mga sinabi kong siguradong makakasakit sa damdamin niya. Patuloy parin na umaagos ang luha ko hanggang sa maupo ako sa bench at yumuko sa sahig. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang maalala na naman ang eksenang ginawa ko kanina dahilan para mas lalong bumilis ang agos ng mga luhang namumuo sa aking mata pababa sa magkabila kong pisnge. Agad kong pinunasan gamit ang likod ng aking kamay ang mainit na likidong na patuloy na rumaragsa sa aking pisnge. Pagkatapos ko itong punasan ay tinungkod ko ang dalawa kong kamay sa upuan ng bench tsaka nanatiling nakayuko upang pakalmahin muna ang sarili. Humugot ako ng malalim na h
Maaga akong nagising kinabukasan para mag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa condo na aking lilipatan. Inutusan ako ni dad na lumipat roon sa tapat ng village ng mga Villiancio para mas mabantayan ko raw siya ng mabuti. Hindi ko na siya tinanong at kinwestyon ang suhestiyon niya dahil nahihiya pa rin ako sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa. Patapos na akong mag-impake ng mga damit nang maalala ko ang nangyari kagabi sa amusement park. (Flashback) "Ihahatid na kita," alok niya nang huminto kami sa parking lot. Agad akong umiling sa sinabi niya. "Umuwi ka na. Kaya ko ang sarili ko." Tanggi ko at sinenyasan siyang pumasok na sa kotse niya pero hindi siya sumunod sa halip na umalis ay pumunta ito sa passenger's seat door tsaka ito binuksan para ayain akong pumasok sa kotse niya. "Ihahatid na kita. Delikado na lalo pa't magmamadaling araw na." Giit niya at
Nilinisan ko ang buo kong condo nang sa gayon ay maaliwalas itong tignan. Bukod sa wala ako gagawin ngayon ay gusto ko munang aliwin ang sarili sa paglilinis. Pagkatapos kong linisin ang buong condo ay agad akong dumiretso sa kwarto para linisin ang mga baril kong nakapatong sa ibabaw ng kama. Hindi ako mahilig pumatay ng tao pero mahilig akong humawak ng baril. Ito lang ang nagiging kakampi ko sa tuwing ako'y nasa binggit ng kamatayan kung kaya't lagi ko itong inaalagaan at nililinisan. Pagkatapos linisan ito ay nagbihis na rin ako ng damit para bumaba ng condo building tsaka dumiretso sa grocery store, kung saan kami magkikita."Pinagloloko ata ako ng lalaking iyon," bulong ko sa aking sarili bago tumayo at bumili ng cup noodles para dahil naramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan. Patapos na ako sa pagkain nang bigla ko siyang natanaw na naglalakad sa harapan ko suot-suot ang isang pormal na kasuotan animo'y pinaghandaan ang pagkikita namin.
Nanghihina kong sinandal ang aking balikat sa driver's seat habang tinatanaw ang guard na nagbabantay sa entrance ng condo building. Hindi ko alam kung papano ako papasok doon na ganito ang itsura. Nababalutan ng sarili kong dugo ang puting damit na sinuot ko habang ang leather jacket ko naman ay tinanggal ko at nilagay sa passenger seat dahil sa bahagyang pagkakaipit nito sa aking sugat. Habol hininga kong sinandal ang ulo ko sa upuan tsaka tumingala sa ere para pakalmahin ang sarili. Patuloy at walang humpay na umaagos ang dugo mula sa aking balikat na mabilis kumakalat sa suot kong damit. Ilang minuto pa ang tinagal ko sa loob ng kotse bago ko naalala ang extra tshirt na nasa backseat. Nanghihina man ay dahan-dahan akong dumungaw mula sa driver's seat tsaka nahihirapang inabot ang damit na nakasabit sa sandalan ng back seat. Magbibihis na lang ako ng damit nang sa gayon ay hindi ako makaagaw ng atensyon ng iba. Pagkatapos kong magbihis ng damit ay sinuot ko na rin a
Maaga akong nagising kinabukasan para ihanda ang mga dadalhin ko papuntang hideout. Plano ko silang kausapin lahat at bukod doon ay may bagay rin akong nais ibigay sa kanila. Pagkatapos kong ilagay ang lahat ng kakailanganin sa back compartment ay agad akong dumiretso sa driver's seat habang dina-dial ang numero ni Samer."Jusko Shan, ang aga-aga nambubulabog ka na!" Inis man ngunit puyat na puyat niyang bungad."Rickage hideout. Now." Mabilis kong utos tsaka agad na pinatay ang tawag nang sa gayon ay hindi na makapagreklamo.Kinabig ko ang manobela tsaka nagsimulang magmaneho patungo sa hideout namin. Hindi ko na kailangan pang tawagin ang iba kong mga kagrupo dahil sa oras na mahatid ko kay Samer ang mga impormasyon o balita ay agad niya ring pinapaalam sa lahat.Nag-park muna ako ng kotse sa parking lot ng aming hideout bago tinanggal ang seatbelt upang abutin ang baril na nasa dashboard tsaka nag
Naalimpungatan ako ng dahil sa ingay na nanggagaling sa telepono ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking tsaka humikab habang sinusundan ng tingin ang maingay kong telepono na nakapatong sa ibabaw ng bed side table. Akmang babangon na nang mapagtanto kong katabi ko pala si Ricko. Maingat akong bumangon nang hindi nagigising si Ricko tsaka inabot ang teleponong kanina pa tunog nang tunog. "Hmm?" Inaantok kong bungad kay Samer habang nakapikit ang mga mata. "Baka nakakalimutan mo na may pupuntahan tayo ngayon." Mataray niyang tugon. "Bilisan mo na dyan kanina pa kita tinatawagan," dagdag niya nang hindi ko man lang siya sinagot. Humikab pa muna ako bago kumuha ng unan para doon ihiga si Ricko tsaka dahan dahang kinalas ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Nakita ko ang paggalaw ng balikat niya kapagkuwan ay kinusot-kusot nito ang mga mata gamit ang likod ng kamay tsaka pupungay pungay na tumingin sa gawi ko. Agad nagsa
Nagising ako kinabukasan nang maramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para lamang makita na hindi pamilyar ang silid na tinulugan ko. Minsan ko pang nilibot ang aking paningin sa kabuoan ng silid tsaka doon lamang pumroseso sa utak ko ang mga nangyari. Agad akong napabalikwas ng bangon kasabay ng pagsakit ng ulo ko ng dahil sa epekto ng alak. Sinapo ko ang aking sentido bago salubong ang mga kilay na pinalibot ulit ang paningin sa silid kung nasaan ako. Mula sa kama ay agad bumungad sa akin ang napakalaking itim na tv screen at sa taas naman nito ay isang hugis kahon na orasan. Binaling ko ang mga mata ko sa kanang bahagi ng silid at agad nakita ang balcony na may nakabukas na glass wall dahilan para sumayaw-sayaw ang puting kurtina ng dahil sa hangin na pumapasok rito. Sa labas ng balcony ay may naka-display na dalawang magkatabing ball chair at sa kabilang bahagi nito ay may malaking plastik na hal