Share

Kabanata 03:

Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa Rickage hideout habang si Jake naman ay nahuhuli dahil inaamoy-amoy pa nito ang sarili bagay na ikinabagal ng lakad nito. Hindi na kami natuloy kanina sa dapat naming puntahan dahil sa biglaang meeting na inanunsyo ni boss. Sinabi sa akin ni Jake na sa susunod na lang daw namin dadalawin ang pamilya niya kaya pumayag na lang ako roon. Wala kasi kaming ibang pagpipilian kundi ang sundin ang utos ng aming boss. Hindi rin naman namin magawang suwayin ang lahat ng utos nito dahil sa takot at respeto namin sa kanya. Nasa labas pa lang kami ng meeting room ay rinig na rinig ko na ang bangayan at sigawan nila Elton dahilan para mapangiwi ako.

Pagkapasok namin sa loob ng meeting room ay tila parang may anghel na dumaan sa harapan nila dahil sa biglaang pagtigil nito sa ginagawa upang tignan kami ni Jake. Nakakunot ang mga noo at nandidiring nakatingin sila sa amin kasabay ng pagtakip nila sa sariling ilong.

"Bwiset ang baho tangina naman!" Reklamo ni Elton na hindi na maipinta ang mukha ng dahil sa amoy na dala namin. Tinakpan rin nito ang ilong gamit ang isang kamay habang ang isang kamay ay pinagbubugaw ang hangin na dumaan sa gawi niya para hindi maamoy ang malansang amoy ng isdang nakakapit sa damit namin ni Jake.

"Puking*na Shan magbihis nga kayo ng damit!" Iritang sinabi ni Samer habang patuloy na lumalabas ang iba't-ibang mura mula sa kanyang bibig. Kumuha ito ng extra t-shirt na nasa bag ni Sofilia bago ito ibinigay sa amin para makapagbihis ng damit. Sabay kaming nagtungo ni Jake sa magkaibang palikuran para magbihis ng simpleng t-shirt na inabot ni Samer. Pagkatapos naming magpalit ng damit ay kaagad akong naupo sa tabi ni Samer habang si Jake naman ay umupo sa tabi ni Elton para makipagbangayan.

"Ang iingay niyo!" Iritang sigaw ni Samer sa kanila at asar na sumandal sa sariling silya dahilan para matigilan silang lahat bago lumingon kay Samer.

Ang akala ko ay hihinto na sila sa pagsasalita pero parang wala silang narinig at nagpatuloy ulit sa pagsisigawan at pag-aasaran sa isa't-isa. Maya-maya pa ay biglang nagsalita ulit si Samer para magtanong.

"Ano ba kasi ang pagme-meetingan?" Lukot na mukha niyang tanong sa akin na ipinagkibit-balikat ko lamang.

Napa-tss naman siya bago tinuon muli ang atensyon sa notebook na palaging dala-dala.

"Ano? Suntukan tayo?" Maya-maya'y rinig kong mayabang na hamon ni Elton kay Jake at malakas na hinampas ang lamesa gamit ang sariling kamao. Kusa akong napairap matapos makita ang eksenang iyon. Mayabang rin na tumayo si Jake tsaka hinampas rin ang lamesa gamit ang sariling kamao tsaka nakataas noong tinignan si Elton.

"Ano ha? Ano?" Nanghahamong tinig ni Jake na bahagyang binabangga ang sariling balikat sa balikat ni Elton habang diretsong nakatingin sa mata ng isa't-isa. Ganon rin ang ginawa ni Elton at mas nilakasan pa ang pagtama ng kanilang balikat.

"Fight! Sige go!" Natatawang kantyaw ni Sofilia na kanina pa nakatingin sa kanila. Nilagay niya ang dalawang palad sa gilid ng bibig kapagkuwa'y hahampasin rin ang lamesa gamit ang kanyang kamay.

"Ano na? Wala ka pala eh! Ano? Ha?" Mayabang ulit na panghahamon ni Elton gamit ang mga matatalim nitong mata.

Ano? Ano!? Ha!?

Tuwing magsusuntukan kuno sila ay 'yan lang naman ang nangyayari. Tsk! Puro banggaan lang ng balikat ang palaging nangyayari dahil alam kong hindi nila kayang saktan ang isa't-isa dahil bff raw sila.

Natigil lang ito sa paglolokohan nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad roon si boss na may kasamang dalawang babae at tatlong lalaki. Biglang natahimik ang lahat at sinusundan lamang ng paningin sina boss na maglakad papunta sa harapan. Ang kaninang naglolokohang mga mukha nina Jake ay napalitan ng pagtataka at pagtatanong dahil sa mga kasama ni boss. Madalang lang ang mga nakakapasok na outsider sa hideout namin kaya nagtataka kami kung bakit may kasama siya ngayon na hindi namin kilala. Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang hangin sa loob ng silid na'to.

"Who are they? Why did they even get here, boss?" Kunot-noo at seryosong tanong ni Aaron na natigil rin sa pagbabasa dahil sa biglaang pag-eeksena ni boss. Tumango naman ang iba kong kasamahan bilang pagsang-ayon sa tanong ni Aaron.

"Diba bawal ang mga malalandi dito? E' bakit nandito iyan?" Biglaang pagtataray ni Samer tsaka naiinis na tinuro iyong babaeng mukhang kasing taray niya rin. Tinaasan lang siya nito ng kilay at umirap dahilan para irapan rin siya ni Samer.

"Samer, tumahimik ka nga." Mahinang sita ni Cassie bago tumingin doon sa babaeng tinarayan ni Samer para humingi ng paumanhin na para bang siya pa ang may kasalanan. Binalik ni Cassie ang mga mata niya kay Samer para pigilan ito at pakalmahin. Hindi siya nito pinansin at sumandal na lang sa upuan bago pinagkrus ang mga braso.

"I have an announcement to make!" Singit ni boss nang mapansin ang mabigat na tensyong bumubuo sa loob ng silid. Agad namang tumahimik ang lahat tsaka seryosong pinakinggan ang mga sasabihin pa nito. Tumikhim pa muna siya bago humarap sa amin tsaka tinuro ang mga kasama niya at nagsalita. "These are the new members of Rickage." Saad nito bago tinignan isa-isa ang mga sinabi niyang bagong miyembro ng Rickage.

Agad na natigilan ang mga kasama ko tsaka sabay-sabay at nanlaki ang mga mata ng dahil sa pagkagulat tsaka nakaawang ang mga labing napatingin kay boss. Kumunot naman ang noo ng iba kasabay ng pagsalubong ng mga kilay animoy hindi maintindihan ang daloy ng utak ng boss namin. Lahat sila ay parang naging problemado dahil sa hindi inaasahang pangyayari samantalang ako nama'y prenteng nakaupo lamang sa sariling silya at isa-isang pinagmamasdan ang nasabing new members.

"What the fuck?" Hindi makapaniwala at wala sa sariling usal ni Aaron na mukhang ngayon lang naproseso sa utak nito ang mga sinabi ni boss. Inis nitong tinignan ang mga bagong miyembro na nakatayo lamang sa harapan namin.

"Boss bakit naman tayo kukuha ng bagong miyembro e nagagawa naman namin lahat ng maayos ang lahat ng inuutos niyo," agad na tanggi ni Samer sa sinabi ni boss bago tumayo para inis na duruin sa mukha ang babaeng nakatarayan niya kanina.  "Ikaw! Alam mo naman sigurong bawal ang mga malalandi rito kaya bakit ka pa nandito ha? Sinusundan mo ba akong bruha ka?" Nanggigigil at hindi na nakapagtimping tanong niya sa dalaga na parang konting konti nalang ay masasabunutan na niya ito sa inis. "Hindi namin kailangan ng bagong miyembro, boss!" Giit pa nito at sinamaan muli ng paningin ang dalaga dahilan para ismiran siya nito.

"Wag kang matakot sa akin dahil hindi naman ako nangangagat, Samer Kale." Kalmado man ngunit bakas ang inis sa boses niyang sinabi.

Nagulat kaming lahat sa pagbanggit niya sa buong pangalan ni Samer na pati si boss ay nagulat tsaka tinignan siya nito ng may halong pagtataka at pagtatanong sa mga mata. Palihim naman siyang siniko ng katabi niyang babae pero hindi niya ito pinansin. Ngumiti siya sa amin, iyong ngiting nakakaasar na pati ako ay naaasar na rin.

"Magkaklase kami dati kaya kilala ko siya." Paliwanag niya pa bago napilitang ngumiti.

Bakit parang may masama akong kutob sa mga 'to!

Palihim kong sinulyapan si Aaron na halatang hindi rin sang-ayon sa desisyon ni boss ngunit nanatili na lang na tahimik dahil pati siya ay walang karapatan na kwestiyonin ito.

"Enough!" Pagpipigil niya sa amin nang makitang humahaba na ang usapan. "Please introduce yourselves and your positions," baling ni boss sa kanila na agad naman nilang tinanguan.

"I'm Margou Acain, the plan maker and the assasin of the group." Ngising pagpapakilala niya tsaka tinitigan ng matagal si Samer bago nakangiting tumingin sa aming lahat. Tumango naman sila Elton at sunod na nagpakilala iyong babaeng katabi niya.

"Hi! I'm Kitty Arceo, the sniper!" Tuwang pagpapakilala niya at kumaway sa aming lahat animo'y kaclose na niya kami. Isa-isa niya kaming tinignan para ngitian ngunit hindi nakatakas sa aking paningin kung paano tumagal ang mga mata niya kay Aaron dahilan para mapatingin rin sa kanya si Aaron. Nagulat pa ito nang bigla siyang kindatan ni Kitty. Nandidiri at naiinis siyang tinignan ni Aaron tsaka siya nito inirapan na siyang ikinatawa ni Kitty na ikinatawa na rin nila Sofilia.

Sunod namang nagpakilala iyong lalaki na kanina pa hindi maputol ang ngiti. Halatang walang problema sa buhay.

"Hey yow wassup mga pare!" Magiliw na sigaw niya at tumalon-talon pa sabay taas ng kamay niya sa ere na para bang sinasabi niyang tumalon rin kami.

Natatawa namang tumayo sila Jake, Elton at Sofilia tsaka nakisabay sa kanyang talon animo'y sayang-saya sa nangyayari. Napairap ako ng dahil doon bago ibinaling ulit ang atensyon sa harapan. Paniguradong magkakasundo 'tong mga 'to.

"I'm Vincent Blanche, Vince for short. Your handsome assasin at your service!" Bibong pagpapakilala nito at sumaludo pa kila Jake bago nakangiting tumingin sa amin.

"Wassup pare!" Tuwang-tuwang bati rin ni Elton na sinundan naman ng bati nila Jake at Sofilia. Si Cassie naman ay nahihiyang tinanguan niya lang si Vince bago umayos sa pagkakaupo at yumuko. Sunod namang nagpakilala iyong katabi niya na blangko ang ekspresyon sa mukha.

"Ako si Nick Hervosa, ang taga-defuse ng bomba." Maikli at seryoso niyang pagpapakilala bago umayos sa pagkakatayo at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Kung gaano kaingay at ka-hyper ni Vince ay siya ring ka-seryoso at ka-tahimik ni Nick. Huli namang nagpakilala iyong katabi ni Nick.

"Ako si Justine Lee, the fighter of the group." Nakangiting saad nito at bahagyang yumuko. Tumango lang kami bago ibinaling ang tingin kay boss na kanina pa nakatayo sa di kalayuan habang pinagmamasdan kami.

"Shan, introduce your team." Utos niya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. Agad naman akong tumayo at pinakilala ang mga kasama ko.

Aaron Estn- The sniper of the group. He doesn't talk that much and loves to read books. He is also good at suggesting plans.

Elton Mat Manuel- He's also the sniper of the group. Unlike Aaron, Elton is noisy and annoying at the same time.

Jake Manuel- The one who defuses the bombs. He and Elton are not sibling's. He is also noisy and annoying at the same time.

Samer Kale- The one who makes the plan, defuses the bombs and hacks the cctv footages. She doesn't like nonsense suggestions and also hates flirts, tho I don't know the reason why she hates flirts.

Sofilia Galecia- The assasin of the group. She's babbly and easy to vibe kind-of-girl.

Cassie Estn- She's also the assasin of the group but unlike Sofilia, Cassie is a shy type person and she barely talk to others. Cassie Estn and Aaron Estn are twins.

Shaneylhey Rica Heirera- The leader, plan maker, assasin, sniper of the group. In short over-all type of girl.

Matapos kong ipakilala ang aking mga teammates ay agad na sinabi ni boss na maupo na kaming lahat at makinig sa kanya dahil may sasabihin pa siyang iba. Mabilis naman na naglakad si Vince papunta sa gawi nila Jake, si Kitty ay pumunta sa gawi nila Sofilia, si Nick at Justine naman ay sa gawi ni Aaron at si Margou naman ay sa tabi ko. Ayaw raw kasi katabi ni Samer si Margou at ayaw rin katabi ni Margou si Samer kaya ako nalang ang nag-adjust at pinili na mapagitnaan ng dalawang mataray.

Nang makitang nakaupo na ang lahat ay diretsong pumunta si boss sa dulo ng lamesa at wala sa sariling napahilot sa sariling sentido bago bumuga ng marahas na hininga animo'y naiingayan sa tatlong lalaking magkakatabi. Tumikhim pa muna siya para makuha ang atensyon naming lahat bago nagsalita.

"Shan, bukas na bukas ay lilipat ka sa condo na malapit sa village ng mga Villiancio habang ang mga kasamahan mo naman ay magpre-prepare sa celebration na magaganap." Balita niya sa aming lahat gamit ang walang emosyon nitong ekspresyon.

Nakakunot noo at naguguluhan naman kaming tumingin sa kanya. Alam ko na na babantayan ko si Mr. Villiancio, ang hindi ko lang alam ay may selebrasyon palang magaganap.

"What do you mean, boss?" Naguguluhang tanong ni Samer na nasa tabi ko na salubong ang mga kilay.

"Birthday niyo ba bukas?" Takang tanong rin ni Vince sa amin tsaka tinignan sila Jake na katabi niya lang rin.

Nang walang sumagot sa tanong niya ay bigla siyang tumayo kasabay ng pagpalakpak bago kami tinignan ng may nanunuksong tingin. Hindi nalang namin siya pinansin at binaling ulit ang buong atensyon kay boss na mukhang kanina pa nagtitimpi sa kaingayan niya.

"Habang nagpre-prepare sa darating na selebrasyon, ikaw naman Shan ay babantayan mo si Mr. Villiancio." Pagpapatuloy niya at akmang magsadalita ulit ngunit natigilan nang magtaas ng kamay si Aaron at salubong ang mga kilay na tumingin kay boss.

"Welcome party ba iyan sa mga bagong miyembro natin?" Sarkastiko at naaasar niyang ngisi bago pinasadahan ng paningin ang mga bagong miyembro ng Rickage. Nang walang sumagot ay nagsalita ulit siya. "Kung welcome party iyan para sa kanila..." sinadya nitong putulin ang kanyang mga sasabihin para sumandal sa kanyang upuan at ipagkrus ang mga braso. "I'm sorry to say this, boss but I won't attend that freaking party." Ngiwing dagdag niya bago bumalik sa pagbabasa ng libro.

Rinig ko naman ang mahina ngunit sarkastikong pagtawa ni Samer sa tabi ko dahilan para lingonin siya. Hindi niya ako pinansin at nanatili lang na nakatingin sa kawalan habang pailing-iling na natatawa sa sitwasyon.

"This is not a welcome party. This celebration is for Shan." Tugon ni boss bago huminga ng malalim tsaka ito dahan dahang pinakawalan. Gulat naman akong napatingin sa kanya at wala sa sariling napaturo sa aking sarili na agad naman nitong tinanguan.

"For me?" Hindi makapaniwalang tanong ko pa na nanlalaki ang mga mata dulot ng pagkagulat.

"Ikaw na ang mamamahala sa Rickage at sa lahat ng ari-arian ng Rickage. In short, you are now the boss." Nakangiting imporma niya at patango-tango pa animo'y natutuwa sa mga nangyayari. "Pero sa ngayon ay ako muna ang magiging boss niyo hanggang sa matapos ang selebrasyon na gaganapin." Ngising dagdag niya pa.

Pakiramdam ko ay bigla na lamang akong nanigas sa aking kinauupuan tsaka ilang beses na napakurap at sunod-sunod na napalunok. Nagsimula ng pumawis ang aking noo ng dahil sa kaba at nanlalamig ang mga kamay sa hindi mawari na dahilan. Hindi pa masyadong pumu-proseso sa aking isipan ang lahat ngunit pakiramdam ko ay mawawala na ako sa aking sarili. Nanghihinang napasandal ako sa sandalan ng aking silya at napayuko tsaka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"No. Dad, I d-don't w-want..." hindi ko na natuloy ang aking mga nais kong sabihin dahil sa pagbabara ng aking lalamunan. Lumunok pa ako ng ilang beses bago dahan dahang inangat ang tingin sa aking ama na nakangisi pa rin hanggang ngayon. Napansin ko naman ang aking mga kasamahan na nakatuon ang paningin sa akin pero alinman roon ay hindi ko pinansin. Ang mga nagtatakang tingin ng mga bagong kasamahan namin at ang mga nag-aalalang tingin ng dati kong kasamahan. "D-dad, please..." pakiusap ko at sunod-sunod na umiling habang nakatingin sa mga mata niya. Agad namang umasim ang mukha niya nang makita akong umiling dahilan upang maging blangko ang kanyang ekspresyon.

"Nakapagdesisyon na ako kaya wala ka ng magagawa. Sa Biyernes ora mismo ang selebrasyon at kailangan niyo na iyong paghandaan." Pinal na sinabi niya bago nag sindi ng sigarilyo. Agad naman akong umiling sa sinabi niya tsaka tumayo at hinarap siya.

"Dad, diba sinabi mo na sa susunod na taon pa ito mangyayari?" Hindi makapaniwala at nakapagtimpi kong tanong. Buong lakas ko siya hinarap at pinanatiling matapang ang panlabas na ekspresyon. Sarkastikong inismiran niya ako at umiling-iling na para bang nakakatawa ang sinabi ko. Bigla akong nainis nang dahil do'n dahilan para tumayo ako para malakas na sipain ang aking upuan para may mapagbuntuan ako ng galit. Awtomatikong umalingawngaw sa buong silid ang malakas na pagbugsok ng upuan sa sahig. Gulat at agad naalarma ang mga kasamahan ko matapos masaksihan ang eksenang iyon. Hindi ko sila pinansin tsaka dire-diretsong pumunta sa gawi niya na prente pang naka-upo habang nakapandekwatro.

"Dad, please. Ayaw ko nito! Iba nalang ipagawa mo," puno ng pagsusumamo kong sinabi at napakagat labing yumuko sa sahig dahil sa nararamdaman kong unti-unting pamumuo ng aking luha.

Hindi ko kaya ang gusto niyang ipagawa sa akin.

"A-ayaw ko nito, Dad. Please pagbigyan niyo naman po ako kahit isang beses lang?" Mahinang pakiusap ko tsaka tumingin sa gawi niya na nasa ganong posisyon pa rin. Tila hindi man lang natinag sa biglaang pagbugsok ng aking damdamin. Sinisikap kong panatilihing matigas at polido ang mga salitang lumalabas sa aking bibig para ipakitang malakas ako pero tila binabasag iyon ng dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Dahan-dahan akong humugot ng hininga para pakalmahin ang aking sarili.

"No. Hindi kita pagbibigyan sa gusto mo. Ito ang makakabuti sayo, Shan kaya sundin mo nalang ang utos ko." Malamig at maawtoridad na tugon nito dahilan upang mapasinghap ako at nainis sa kanya.

Nawawala na ako sa sarili ko dahil sa mga sinasabi niya at gustong gusto ko na siyang suntukin pero hindi ko magawa!

"Makakabuti sa akin o makakabuti sayo!?" Asik ko at sarkastikong napangiti sa kawalan. Pikon na pikon na ako sa mga nangyayari dahil alam kong sa huli ay siya parin ang masusunod.

"Kung alam ko lang na ito pala sa tingin mo ang makakabuti sa akin, dapat pala'y matagal na kitang hindi sinusunod! Sana dati palang ay hindi na ako nagpa-alipin sayo! At sana," huminto muna ako sa pagsasalita tsaka huminga ng malalim at mariing pinikit ang mga mata para hugutin ang lakas na sabihin ang mga gusto kong sabihin sa kanya.

"Sana hindi nalang kita naging ama!" Buong lakas na sigaw ko at dinuro siya dahilan para magulat ito kasabay ng pagdampi ng malapad at magaspang nitong palad sa aking pisnge na siyang ikinagulat ko. Agad na umalingawngaw sa buong silid ang malakas na tunog ng sampal niya sa aking pisnge. Naramdaman kong namula ito at nag-iwan ng malaking marka sa mukha ko. Biglang natauhan at nagising ang diwa ko at nanatiling nakatulala sa kawalan.

Ito ang unang beses niya akong pinagbuhatan ng kamay.

Nasasaktan at nahihiya ako dahil lahat mismo ng nasa loob ng silid na ito ay nasaksihan kung paano ako pinahiya at sinaktan ng aking ama. Hindi ko mawari kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Dapat ba akong magpasalamat sa sampal niya dahil natauhan ako? O dapat ba akong umiyak dahil unang beses niya itong ginawa?

Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Jake habang naaawang nakatingin sa akin na halatang kanina pa ako gustong puntahan pero pinipigilan lamang ang sarili upang hindi na madamay pa. Malulutong na mura ang unang lumabas sa kanilang mga bibig animoy ito lamang ang paraan para maipaliwanag kung gaano kasakit ang sampal na iyon.

"How dare you! Don't you ever talk to me like that! I raised you like my own child yet you don't treat me as your real father? Stop this nonsense and do what I say!" Nanggigigil at nangangalaiti sa galit nitong bulyaw tsaka ako dinuro ng isang beses bago inis na naglakad palabas ng silid at padabog na sinarado ang pintuan dahilan upang mariin kong ipikit ang aking mga mata at pagsisihan ang mga salitang nasabi ko.

Nang makaalis na siya sa silid ay mabilis akong dinaluhan ni Jake at agad na inalalayan ang dalawa kong siko tsaka ako pinipilit na paupuin. Nagpumiglas ako at pinilit na tumayo sa upuan dahilan para padarag kong tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa akin at tinignan siya ng masama. Nasaktan siya sa ginawa ko at gulat na napatingin sa akin. Hindi ko yon pinansin at tumayo nalang. Akmang aalis na nang hawakan niya na naman ang aking palapulsuhan.

"Saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong niya na pinipilit na pigilan ang pag-alis ko.

Hindi ko siya sinagot at tinanggal ang nakahawak niyang kamay sa akin tsaka tumalikod. Agad naman niyang hinarang ang aking dadaanan at pilit na hinihila pabalik sa pwesto ko kanina. Lahat ng kasama namin ay nakaabang lamang sa mga mangyayari na kahit si Elton at Vince ay biglang sumeryoso ang ekspresyon sa mukha, halatang nag-aalala. Mahigpit na hinawakan ni Jake ang kamay ko ngunit patuloy parin ako sa pagpupumiglas.

"Ano ba!" Inis na bulyaw ko dahilan para matigilan siya at gulat na napatingin sa akin. "Pwede ba? Pabayaan mo muna ako! Pwede bang kahit isang minuto lang ay hayaan niyo muna ako sa mga gusto kong gawin? Lahat na lang ba talaga ay kailangan kong sundin? Ha? Napapagod din ako!" Naiiyak na sinabi ko at nangiginig na tinuro ang aking sarili. Naramdaman ko naman ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa kamay ko dahilan para tanggalin ko iyon. "N-napapagod d-din ako. T-tao ako, h-hindi h-hayop! Wag niyo naman sana ako tratuhin ng ganito! Nakakapagod na! Kung t-tratuhin niyo ako ay p-para niyo na akong alipin," mangiyak-ngiyak na dagdag ko habang nanginginig ang mga labi dahil sa mga luhang pinipigilan kong kumawala.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa itaas para pigilan ang pagdaloy ng mga luha tsaka pinikit ang mga mata at dahan dahang pinakawalan ang hininga. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para mapigilan ang mga hikbing gustong kumawala.

Naramdaman kong natigilan si Jake at nanigas sa kanyang kinatatayuan dahilan para makaalis na ako palayo nang walang humahabol sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang na mapag-isa at gawin ang gusto kong gawin kahit ngayon lang.

Kahit ngayon lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status