Maaga akong nagising kinabukasan para ihanda ang mga dadalhin ko papuntang hideout. Plano ko silang kausapin lahat at bukod doon ay may bagay rin akong nais ibigay sa kanila. Pagkatapos kong ilagay ang lahat ng kakailanganin sa back compartment ay agad akong dumiretso sa driver's seat habang dina-dial ang numero ni Samer."Jusko Shan, ang aga-aga nambubulabog ka na!" Inis man ngunit puyat na puyat niyang bungad."Rickage hideout. Now." Mabilis kong utos tsaka agad na pinatay ang tawag nang sa gayon ay hindi na makapagreklamo.Kinabig ko ang manobela tsaka nagsimulang magmaneho patungo sa hideout namin. Hindi ko na kailangan pang tawagin ang iba kong mga kagrupo dahil sa oras na mahatid ko kay Samer ang mga impormasyon o balita ay agad niya ring pinapaalam sa lahat.Nag-park muna ako ng kotse sa parking lot ng aming hideout bago tinanggal ang seatbelt upang abutin ang baril na nasa dashboard tsaka nag
Naalimpungatan ako ng dahil sa ingay na nanggagaling sa telepono ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking tsaka humikab habang sinusundan ng tingin ang maingay kong telepono na nakapatong sa ibabaw ng bed side table. Akmang babangon na nang mapagtanto kong katabi ko pala si Ricko. Maingat akong bumangon nang hindi nagigising si Ricko tsaka inabot ang teleponong kanina pa tunog nang tunog. "Hmm?" Inaantok kong bungad kay Samer habang nakapikit ang mga mata. "Baka nakakalimutan mo na may pupuntahan tayo ngayon." Mataray niyang tugon. "Bilisan mo na dyan kanina pa kita tinatawagan," dagdag niya nang hindi ko man lang siya sinagot. Humikab pa muna ako bago kumuha ng unan para doon ihiga si Ricko tsaka dahan dahang kinalas ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Nakita ko ang paggalaw ng balikat niya kapagkuwan ay kinusot-kusot nito ang mga mata gamit ang likod ng kamay tsaka pupungay pungay na tumingin sa gawi ko. Agad nagsa
Nagising ako kinabukasan nang maramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para lamang makita na hindi pamilyar ang silid na tinulugan ko. Minsan ko pang nilibot ang aking paningin sa kabuoan ng silid tsaka doon lamang pumroseso sa utak ko ang mga nangyari. Agad akong napabalikwas ng bangon kasabay ng pagsakit ng ulo ko ng dahil sa epekto ng alak. Sinapo ko ang aking sentido bago salubong ang mga kilay na pinalibot ulit ang paningin sa silid kung nasaan ako. Mula sa kama ay agad bumungad sa akin ang napakalaking itim na tv screen at sa taas naman nito ay isang hugis kahon na orasan. Binaling ko ang mga mata ko sa kanang bahagi ng silid at agad nakita ang balcony na may nakabukas na glass wall dahilan para sumayaw-sayaw ang puting kurtina ng dahil sa hangin na pumapasok rito. Sa labas ng balcony ay may naka-display na dalawang magkatabing ball chair at sa kabilang bahagi nito ay may malaking plastik na hal
"Kailangan ba talagang gawin 'to?" Inip kong tanong habang nakataas ang baba at nakapikit ang mga mata. Ramdam ko naman na tumigil si Samer sa ginagawa niya para tignan ako."Shan, alam kong maganda ka na pero kailangan mo pa rin ito. At kung pwede ba h'wag kang makulit hindi tayo matatapos rito," pagkatapos sabihin niyon ay nagpatuloy na siya sa pagma-make-up sa akin. Napapabuntong hininga kong pinagkrus ang aking mga braso at hinintay na matapos siya."Aray! Ano ba!" Reklamo ko nang hinila ni Kitty ang ilang hibla ng buhok ko sa may bandang tainga. Sinamaan ko siya ng paningin."Sorry naman po! Ang likot kasi," inis na aniya na mukhang sinadya pang hilahin ng ganon kalakas ang buhok ko."Ang aarte niyo naman kasi e. Hindi naman talaga 'to kailangan." Naiinis kong reklamo at iminulat ang mga mata para lamang makita ang masasamang tingin nina Samer at Kitty."Oh ayan tapos na! Magbih
"Hi po! Good evening po sa inyong lahat!" Masiglang bati ni Ricko nang magkaroon siya ng pagkakataon na magbigay ng speech sa harap. Lahat ay napangiti sa kanya bago siya binati pabalik.Tinignan ko si Drex bago ulit tumingin sa kapatid ko tsaka na naman ibabalik ang paningin kay Drex. Sinisiguro kong hindi niya masasaktan ang kapatid ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya kanina nang tignan niya ang kapatid ko na para bang may balak siya rito, pero kahit na nagbibiro lang siya ay kailangan ko pa ring masigurado ang kaligtasan ni Ricko. Mas mabuti na kung handa."I am Shan Ericko Heirera, twenty years old, the third born child of Shane Gonzales Heirera and Erick Heirera." Ngiting pagpapakilala niya animo'y nasa unang pasukan ng klase para ipakilala ang sarili. Kumaway siya sa lahat ng bisita dahilan para matuwa at magtawanan ang mga ito sa kanya. "Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong okasyon tapos hindi man lang sinabi ni ate
Pinarada ko ang kotse sa garahe ng mansion tsaka hinihingal na sinandal ang katawan sa driver's seat habang sapo-sapo ng kanang kamay ang kaliwang braso. Habang nagmamaneho ay hindi maawat ang magkahalong kirot, sakit at hapdi na nararamdaman ko dulot ng sugat na natamo pero hindi ko pinakita at pinahalata para hindi na mag-aalala si Ricko. Nababalutan ng sariwang dugo ang suot kong damit na patuloy na umaagos pababa sa kamay ko. Tatayo na sana ako para buksan ang pintuan ng sasakyan nang bigla itong bumukas at bumungad sa harap ko si Ricko na nag-aalalang tumingin sa akin matapos makita ang aking kalagayan. Hindi ko na napansin ang paglabas niya ng kotse dahil mas nakapukos ang atensyon ko sa ibang bagay.Mabilis niyang inakbay ang isa kong kamay sa balikat niya nang makababa ako sa kotse tsaka ako inakay papunta sa front door ng mansion hanggang sa salas bago inupo sa long sofa. Nagulat at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin nang pum
Nagising ako kinabukasan nang makarinig ng sunod-sunod na yabag papunta sa kwarto ko. Natitigilan akong luminga-linga sa buong silid tsaka pinakiramdaman ang paligid. Kung tutuusin ay hindi ito mapapansin ng kung sino-sino lang dahil maingat, magaan at tahimik ang bawat pag-apak niya sa sahig na para bang normal na sa kanya ang gawain na ito. Normal ang paglalakad niya pero hindi gaya ng normal na tao. Para sa akin madali ko ng makilatis ang intensyon ng tao sa pamamaraan palang ng paglalakad nila at ang isang 'to ay parang walang pakialam at normal lamang na naglalakad papuntang kwarto ko. Biglang bumukas ang pintuan ng silid at lumuwa roon si Jake na naka-chinos at gray chunky cardigan. Kaswal niyang sinara pabalik ang pintuan at naglakad papalapit sa kama ko habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng suot na chinos. Inismiran ko siya nang makitang nakangisi siya tsaka walang pasabing tumayo para pumunta sa banyo at maligo. Wala na
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naglalakad ng walang destinasyon. Pumoproseso ang mga paa ko pero blangko ang utak ko. Nakamulat at gising ako pero pinapanalangin ko na sana nasa mahabang panaginip na lang ako. Ayaw kong dumating ang panahon na kasal na ako sa ibang lalaki na hindi ko man lang minahal. Oo minahal ko si Jake pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.Habang naglalakad ay napahinto ako nang makita ang karatula na nagsasabing bus station ito papunta sa condo. Napapabuntong-hininga akong naglakad sa bakanteng upuan para hintayin ang bus upang makauwi na ako.Patuloy kong inuntog-untog ang sariling ulo sa pader habang blangko at wala sa sariling tumulala sa kawalan. Pinakawalan ko ang malalim na hininga tsaka inis na sinabunutan ang sarili at padabog na sinipa ang batong nasa gilid ng aking paa. Wala sa sariling pinasadahan ko ng paningin ang mga taong gaya ko rin na naghihintay sa bus nang biglan