Habang naglalakad ay napahinto ako nang makita ang karatula na nagsasabing bus station ito papunta sa condo. Napapabuntong-hininga akong naglakad sa bakanteng upuan para hintayin ang bus upang makauwi na ako.
Patuloy kong inuntog-untog ang sariling ulo sa pader habang blangko at wala sa sariling tumulala sa kawalan. Pinakawalan ko ang malalim na hininga tsaka inis na sinabunutan ang sarili at padabog na sinipa ang batong nasa gilid ng aking paa. Wala sa sariling pinasadahan ko ng paningin ang mga taong gaya ko rin na naghihintay sa bus nang biglan
Author's Pov: "Kumain ka na ba?" tanong ulit ni Zach kay Shan na kanina pa tulala at blangko ang ekspresyong nakatingin sa labas ng bintana habang siya naman ay nagmamaneho. Kanina pa napapansin ni Zach na mukhang may malalim na iniisip ang kanyang kasama na kahit presensya nito ay nakalimutan na niya. Hindi maintindihan ng binata kung bakit bigla na lang naging tahimik si Shan. Oo't alam na niya na talagang tahimik si Shan pero mukhang hindi siya mapakali sa paraan ng pagiging tahimik ng kanyang kasama, parang may nagsasabi at bumabagabag sa kanyang isipan na tanongin si Shan. Pulis siya at alam niya ang takbo ng utak ng mga tao dahil sa dami ba naman ng nakakasalamuha niya, pero si Shan ay talagang kakaiba para sa kanya kaya mas nagiging interesado siya rito, hindi lamang sa pisikal na anyo nito kundi sa buong pagkatao at takbo ng buhay nito. Hininto ni Zach ang sasakyan sa tabi ng kalsada nang hind
Okyupado pa rin ang utak ko hanggang sa maayos at mapalitan ko ang nasirang gulong. Hindi ko maisip na kung sakaling hindi duwag na tauhan ang pinadala ni Mr. Drex para sundan ako ay maaaring madamay rito si Zach. Ayaw ko na ng mga taong nadadamay sa gulo ko, lalo pa't inosente.Pagkatapos kong ilagay ang nasirang gulong sa back compartment ay dire-diretso na akong pumasok sa sasakyan ni Zach tsaka agad na pinakiramdaman ang balang nahablot ko kanina sa gulong. Pasimple akong napairap nang mapagtantong hand gun ang ginamit nilang baril dahilan para sarkastiko akong mapangisi. Naputol lamang iyon nang biglang sumunod na pumasok si Zach sabay kabit ng kanyang seatbelt bago humarap sa akin na may nagtatanong na tingin."How did that happen?" Kunot na kunot ang noong tanong niya kasabay ng pagsalubong ng kanyang makakapal na kilay. Nag-iwas naman ako ng tingin nang hindi ko makayanang tagalan ang kanyang paningin. Tumatagos sa kaibuturan ko ang kanyang paningin na pa
Tanghaling tapat na nung magising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa aking telepono. Kanina pa ito ring nang ring pero hindi ko pinapansin dahil antok na antok pa ako. Maghahating gabi na nung makauwi kami ni Zach kagabi kaya eto ako at tulog pa. Masaya ako dahil nailabas ko na ang mga sama ng loob ko at nagpapasalamat lang ako dahil hindi niya ako hinusgahan. Pupungay-pungay ang mga mata akong bumangon sa kama tsaka dahan-dahang inabot ang aking telepono sa bedside table bago tinignan kung sino iyong caller. Dad calling… Nang mabasa ko ang pangalan niya sa caller's ID ay bigla na lang akong nagising sa antok. Bumabalik sa alaala ko ang nangyari noong nakaraang araw. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano ko siya kinausap ng walang galang. Inilingan ko ang aking mga iniisip tsaka dali-daling sinagot ang tawag. "Shan, what were you doing? I've been calling you th
Mag-isa akong nakatayo habang taimtim na pinagmamasdan ang payapang karagatan. Malamig ang simoy ng hangin kung kaya't yakap-yakap ko ang aking sarili. Dito kami huling nagsama matapos ang mga nangyari. Napag-isipan kong bumalik dito para alalahanin ang mga masasayang nangyari dito sa amin. Saksi ang karagatan na'to kung paano namin nailabas ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Nakita ng karagatan na ito kung paano ko pinatay ang lalaking gustong pumatay kay Zach. Narinig ng karagatang ito ang mga hikbi, singhot at pag-iyak ko nung oras na inilalabas ko ang sama ng aking kalooban.Naging malaking parte ng buhay ko si Zach. Hindi ko iyon pwedeng itapon at ibalewala na lang. Gusto kong makilala niya ang tunay na ako, gusto kong malaman niya ang buhay na meron ako at gusto kong malaman niya ang mga bagay na kinalakihan ko. Lahat ng 'yan ay gusto kong malaman niya, pero kapalit nun ay ang magpakilala sa kanya. Magpakilala kung sino ba talaga ako.
Author's Pov:(Flashback)"Who killed my father?" walang kaemo-emosyong tanong ni Margou sa matangkad na lalaking nasa harapan niya. "Erick Heirera, boss." anito na bahagyang nakayukod. Kaagad na nagtaas ng paningin si Margou sa lalaking kaharap niya. Kunot na kunot ang kanyang noo. "Who is that?" salubong ang mga kilay niyang tanong na may halong pagtataka. Hindi niya pa naririnig ang pangalang iyan. Kataka-taka lang na isipin na sa ilang taon niyang paghahanap e wala siyang narinig na ganyang pangalan.Matagal na niyang hinahanap ang walang awang pumaslang sa ama niya. Hindi niya alam kung sino yung mga armadong lalaking basta na lang na pumasok sa bahay nila kahit na hating-gabi na. Mahimbing silang natutulog nang bigla na lang nilang hinila ang kanyang ama tsaka walang awa na binaril sa ulo ng dalawang beses. Kitang-kita ni Margou kung
Author's Pov:"The bidding is about to close in one minute." Anunsyo ng EMCEE sa lahat ng illegal business men na nakaupo sa loob ng main hall. Agad na umalingawngaw ang mga bulungan sa buong silid matapos iyong inanunsyo. Kanina pa sila nagsisimula at unang bagsakan pa lang ng pera ay talaga malulula ka na sa presyo."Patapos na ang auction akala ko ba pupunta sila rito?" Nagtataka man ay nag-aalalang bulong ni Samer kay Margou nang malaman na malapit ng matapos ang auction pero ni isa sa plinano nila ay walang natupad.Hindi siya sinagot ni Margou at pinasadahan ng paningin ng dalaga ang mga taong nakaupo sa kanya-kanyang silya bago napatingin sa isang sulok, nakakapagduda lang kasi kanina pa sila naroon pero wala man lang silang sinasabi. Bahagyang nanliit ang mga mata ni Margou matapos mapagmasdan ang grupong iyon. Inginuso ni Margou ang gawing iyon dahilan para tumingin rin si Samer sa tinitignan niya. Kumuno
Author's Pov:"Nasaan na 'yong dalawang iyon?" Naiinis na tanong ni Samer kina Margou nang mapagtantong si Jake at Shan na lang ang wala. Kasalukuyan silang lumalabas sa loob ng building habang mabilis na tumatakbo papunta sa sasakyan nila. Nagplanta ng bomba sina Margou sa bawat sulok ng main hall at iisang minuto na lang ay sasabog na ito. Lahat sila ay nagmamadali sa takot na baka maabutan sila ng bomba. Mabilis na sumakay silang lahat sa van na nakaparada at hihingal-hingal na naupo sa kanya-kanyang silya."Nakita ko sina Jake at Shan na magkasama kanina," si Vince ang sumagot habang hinihingal na pinahinga ang sarili. Huminga pa muna ito ng malalim bago pinapatuloy ang pagsasalita, "Isasabay raw ni Jake si Shan sa kanya." dagdag niya at tinignan si Samer na nakaupo sa first cab.Hindi na nagtanong pa si Samer at tumango na lamang tsaka inabot ang isang bote ng mineral na nasa kanyang harapan bago ito sunod-su
"I'm sorry..." mangiyak-ngiyak na ulit ko habang nakatingin sa mga mata niyang walang kaemo-emosyon. Iyong mga matang tila wala siyang pakialam kahit pa na lumuhod at maglupasay ako sa harapan niya, kahit pa umiyak at sumuka ako ng dugo. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Hindi ako sanay na ganito siya. Parang dinudurog at winawasak ng paulit-ulit ang puso ko. Pinupunit at tinatapakan ng ilang beses. Kumikirot at sumasakit sa malalamig niyang salita. Gusto ko siyang kwestiyonin at komprontahin kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Kung bakit nag-iba ang pakikitungo niya, pero sa tuwing sumasagi sa aking isipan na hindi naman ako ganoon kahalaga sa kanya, awtomatikong umaatras ang dila ko kasabay ng pagkawala ng konting pag-asa sa puso ko. Naiinis ako sa kanya dahil nagawa niya akong ganitohin. Naiinis ako sa kanya dahil sinasaktan niya ako ng ganito. Naiinis ako sa kanya dahil sinanay niya akong siya ang pahinga ko tapos ngayon ay bigl
Zach's Pov: I suddenly remember what my Ate said before she left us, "You shouldn't hurt your woman, Zach. Women are the most precious thing in the world. They may be complicated, but trust me they can change your life in the most unexpected way." she said while holding the chopsticks, eating some ramyeon directly on our pot. I smiled before nodding at what she have said. I'm so glad that I have a sister like her. She guides me in many ways. She helps me when I'm down. She teaches me how to love and treat a girl nicely, that's why when I met Shaneylhey, I did my very best just for me to deserve her. Shaneylhey is the most adorable woman that I met even though she's scary at some times. I couldn't deny how she changed my doomed life after my Ate died. She helped me stand on my own and to be strong, facing all my fears and weaknesses. She changed me, and I want to do something for her in return. She deserves the world more than anything.
Author's Pov:"Maganda gabi sayo, Drex." Kaswal na pagbati ni Nick kay Drex habang patuloy na naglalakad. Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan upang harapin silang lahat.Nakita ni Nick nang sabay-sabay siyang nilingon ng lahat na ngayo'y gulat na gulat at hindi makapaniwala. Nakaawang ang kanilang mga labi at nanlalaki ang mga mata, nagtataka kung papaano nakarating rito si Nick, maliban na lamang kay Shan na mukha hindi man lang nagulat nang makita siya."Nick," wala sa sariling bulong ni Margou na hindi pa rin mawala ang pagkagitla matapos makita si Nick. Nakaawang ang mga labi ni Margou tila hindi makapaniwala ngunit labis na namangha sa hindi malaman na dahilan bago napailing-iling na lamang sa sarili. Nakalimutan niyang nasa likod lang pala nila ang control room, kung nasaan si Nick."Kamusta ka na?" Pagsasalita pa ni Nick at huminto ng ilang dipa ang layo mula sa kanila. "Patay na ba yan?" Nguso niya sa duguang tauhan ni Drex na
Author's PovKalangitang walang bituin at buwan, kalangitang nababalutan ng kadiliman ay siyang kalangitang masasaksihan ang kasamaan. Mag-aala una na ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Shan. Kanina ay sapilitan silang hinila ng mga tauhan ni Mr. Drex patungong rooftop habang si Shan ay nakatulala lamang sa kawalan at hindi pa rin tuluyang naproproseso sa utak na kasama niya ngayon si Zach.Gulat na gulat siya nang makita ang binata kanina, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling mapahamak ito. Hindi niya alam kung anong gagawin kung sakaling madamay ito sa gulo niya. Unti-unting namumuo ang malamig na pawis ni Shan sa kanyang noo dulot ng matinding kaba kasabay ng panlalamig ng buong katawan dahil sa takot at pangamba. Nangangamba siya na baka mapahamak si Zach, natatakot siya na baka madamay ito sa gulo niya, kinakabahan siya sa mga posibleng mangyari lalo pa't dinala sila ni Drex sa rooftop. Hindi niya mawari kung anong
Margou's Pov: Kasalukuyan akong nakaupo sa back seat ng kotse ni Drex habang nakikipagplastikan sa kanya. Kanina pa ito nagsasalita at mukhang hindi pa gustong tumigil kakachika sa akin. "You need to kill Shan as soon as possible," biglang utos ni Drex sa akin. Agad na tumaas ang isa kong kilay. Sino siya para utos-utosan ako? Hibang ba siya? "Copy boss," irap kong tugon bago sumandal sa upuan tsaka luminga-linga sa labas ng bintana. Kanina ko pa kino-kontak 'yong bwiset na Yhurlo na iyon pero ni hindi man lang napag-isipang sagutin ang mga tawag ko. Alam ba niyang maaaring pumalpak ang plano namin pag nagkataong hindi ito nagtugma sa planong ginawa ni Shan? Naku! Ako talaga ang naiirita sa lalaking yan. Habang pa
Author's PovMaagang naglakbay sina Shan at Yhurlo sa isang madilim at masukal na daanan patungong hideout ni Mr. Drex. Naglalakihang mga puno at nakakatakot na mga mababangis na hayop ang kanilang nadaanan. Mga tunog ng kuliglig na siyang umaalingawngaw sa buong paligid at mga alitaptap na malayang nakakapaglipad sa ere na siyang nagbibigay ng konting liwanag sa kanilang tinatahak na destinasyon. Malalakas ang paghampas ng malalim na tubig na nanggagaling mula sa ilog na iilang kilometro lamang ang layo sa kinaroroonan ng teritoryo ni Mr. Drex. Kanina pa naglalakad sina Shan at Yhurlo na patuloy lamang na sinusunod ang ingay na nagmumula sa malawak na ilog, wala silang eksaktong destinasyon at naglalakad ng walang kasiguraduhan. Maya-maya pa ay natanaw na ng dalaga ang napakalaki at napakataas na gusaling nakikita niya mula sa kanilang nilalakaran. Mabilis niyang hinila si Yhurlo para pilitin itong maglakad dahil kanina pa ito hapong-hapo at pagod na pagod sa paglalakad. Wal
Author's PovAbalang-abala si Yhurlo sa paghahanda ng kanyang mga kagamitang maaari nilang gamitin laban kay Mr. Drex. Lahat ng sa tingin niya ay importante ay inilalagay niya na lang sa loob ng bag kahit pa hindi iyon ang sinabi sa kanya ng dalaga.Habang nag-iimpake ay biglang napaisip si Yhurlo. Hindi pa rin siya makapaniwala nang malaman na kung hindi niya sasamahan si Shan ay mag-isa lamang itong haharap kay Mr. Drex upang patayin at tapusin raw ang kaguluhan na dinulot nito. Kaguluhang matagal ng gustong takasan ni Shan, kaguluhang ayaw niyang patagalin at panatilihin sa kanyang buhay.Alam ni Yhurlo kung gaano kadelikado at kapanganib na makaharap ang taong iyon dahil minsan na niyang nasaksihan ang barilan sa pagitan ni Shan at Mr. Drex nung panahong nagdidiwang ang dalaga ng kanyang selebrasyon, kaya nang hingan siya ni Shan ng tulong ay agad niya itong tinanggap nang walang pag-alinlangan. Ayaw
Kasalukuyan akong nakatayo sa malaking salamin na nasa harapan ko. Masinsinan kong pinagmamasdan ang bawat detalye ng aking pagkatao hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa matang nagsisilbing repleksyon ko. Tinitigan ko ang sarili kong mga mata sa pamamagitan ng salamin animo'y ito lamang ang paraan para mas lalo kong kilalanin ang sarili. Pakiramdam ko'y hindi ko ata tunay na kilala ang pagkatao ko dahil bukod sa hindi ko magawang sundin ang mga ninanais ang aking puso ay hindi ko rin magawang ipakita sa iba kung sino talaga ako. Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa aking repleksyon hanggang sa magpakawala ako ng isang malalim na hininga bago pinasadahan ng paningin ang damit na suot ko. Isang flanelle bishop sleeve at skinny fit jeans na bumabalandra sa mahaba at maliit kong mga binti ang naisipan kong isuot ngayon. Hindi na ako ganoong nag-ayos dahil wala rin naman talaga akong intensyon na pumunta sa aming tahanan. Pagkatapos kong magsuklay a
Gulong-gulo na ang aking isipan. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa sunod-sunod na nangyayari lalo na nitong mga nakaraang araw. Parang kailan lang noong magkakilala kami ni Zach, hanggang sa ngayo'y napalapit na ang kalooban ko sa kanya nang hindi ko man lang namamalayan. Parang kailan lang nang halos gawin ni Mr. Drex ang lahat para lamang patayin ako at heto siya't nag-utos muli ng mga taong sa tingin niyang magpapadali sa buhay ko. Parang kailan lang nang dumating sina Margou sa aming samahan para traydurin at lokohin kami. Para saktan ang puso ko at patayin ang ama ko. Pero kahit na gano'n sila, hindi ko naman magawang magalit at kwestiyonin ang mga naging desisyon nila dahil kung ako ang nasa posisyon nila'y tiyak na gagawin ko rin ang ginagawa nila ngayon. Nagkakabuhol-buhol na ang mga pangyayari sa aking isipan lalo na nang maalala ko na naman ang kasamaan na ginawa ng aking ama. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magagalit at kung k
Nanghihina at wala sa sariling isinandal ko ang aking katawan sa back seat at napahinga ng malalim na hininga matapos makitang tuluyan nang nakapasok si Zach sa loob ng Police Station. Humugot ako ang ng malalim na hininga tsaka ito inipon sa loob ng aking bibig at pinalobo ang pisnge. Iiling-iling kong pinakawalan ang hiningang naipon sa aking bibig tsaka hinayaan ang sarili na tumulala sa kawalan. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Kung dapat ko bang patuloy na sundin lahat ng iniuutos ni Dad, o panahon na para itama ko ang lahat ng pagkakamaling nagawa namin para matapos na ang lahat ng ito? May parte sa akin na gusto ng isuko ang sarili sa mga pulis nang sa gayon ay hindi na madamay pa ang iba ngunit may malaking parte rin sa'king kaloob-looban na kapag ginawa ko iyon ay tiyak na mas magiging magulo lamang ang lahat. Inis na sinabunutan ko ang aking sarili tsaka mahinang iniuntog-untog ang likod ng u