Patuloy parin na umaagos ang luha ko hanggang sa maupo ako sa bench at yumuko sa sahig. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang maalala na naman ang eksenang ginawa ko kanina dahilan para mas lalong bumilis ang agos ng mga luhang namumuo sa aking mata pababa sa magkabila kong pisnge. Agad kong pinunasan gamit ang likod ng aking kamay ang mainit na likidong na patuloy na rumaragsa sa aking pisnge. Pagkatapos ko itong punasan ay tinungkod ko ang dalawa kong kamay sa upuan ng bench tsaka nanatiling nakayuko upang pakalmahin muna ang sarili. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka ito dahan-dahan na pinnakawalan bago mariing pinikit ang mga mata kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamao. Nanatili akong nakayuko sa aking paanan nang biglang umalingawngaw sa pandinig ko ang isang malinaw at nakakahaling baritonong boses na nanggagaling sa taong nakatayo sa harapan ko.
"Lift your head, baby, don't be scared… Of the things that could go wrong along the way…" rinig ko ng pagkanta ng kung sino dahilan para itaas ko ang aking ulo at tumingin sa gawi niya. Nang makita ko kung sino siya ay agad ulit akong nagbaba ng tingin tsaka pasimpleng pinunasan ang natitirang luha bago tumingin ulit sa kanya habang patuloy na dinadama ang nakakahele nitong tinig.
"You'll get by with a smile… You can't win at everything but you can try..." pagpapatuloy niya sa kanta habang nakangiti, sinenyasan niya pa ako na ngumiti dahilan para mapairap ako at umiwas ulit ng tingin dahil sa kakaibang naramdaman. Natawa naman siya sa reaksyon ko pero pinagpatuloy pa rin ang pagkanta.
Nakikinig lang ako sa kanta niya habang nakatingin sa kabuoan ng kanyang mukha. Hindi ko maitatangging gumaan ang loob ko sa kantang iyon na para bang nabawasan nito ang bigat na nakadagan sa puso ko. Wala sa sarili akong napangiti nang matapos na niya ang kanta.
"Corny mo," ngiting komento ko at sumandal sa bench tsaka pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Natawa naman siya sa sinabi ko at umupo rin sa tabi ko bago huminga ng malalim at tumingin sa kawalan tsaka nanatiling tahimik.
"Bakit ka pa nandito? Gabi na o'." Maya-maya'y aniya at tinuro ang kalangitan na punong-puno ng mga talang nagbibigay liwanag sa mundo.
Nagkibit balikat lang ako bago tumingin sa gawi niya kapagkuwa'y napakunot noo nang mapagtanto kung bakit nga ba siya nandito. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay lumingon siya sa akin at ngumiti ng matamis.
"Cute mo!" Biglang sinabi nito at pinisil ang aking pisnge. Tinampal ko ang kanyang kamay dahilan para mapahawak siya doon ng dahil sa sakit.
"Araaay! Semento ba iyang kamay mo?" Biro niya pa tsaka tinignan ang kamay ko at pabirong pinisil ito. Gulat at nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya tila hindi makapaniwala sa kanyang ginawa.
"Ano ba?" Asik ko at padarag na tinanggal ang kamay niya sa kamay ko ngunit hindi siya natinag sa sinabi ko at kinuha ulit ang kamay ko bago ito pinisil kapagkuwan ay pinagsiklop niya ito tsaka nakangiting tumingin sa akin.
"I'll just hold your hands 'till you feel better." Nakangiting aniya na mas lalo pang pinagsiklop ang aming mga kamay bago nito pinatong ang isa niya pang kamay para pagitnaan ang kamay kong nakakulong sa dalawa niya palad. Napakaliit tignan ng mga kamay ko sa tuwing nalalapit ito sa kanya.
Parang may humaplos sa puso ko nang nakangiting ginawa niya iyon. Kumirot ang aking puso kasabay ng pagbilis ng kabog nito. Parang gusto ko nalang ulit umiyak nang umiyak hanggang sa maubos ang luha ko. Gusto kong umiyak sa harapan niya at sabihin lahat ng hinanakit na matagal ko ng tinatago. Gusto kong maging mahina sa harapan niya pero hindi ko magawa. Nag-iwas ako ng tingin tsaka tumikhim nang maramdaman ang mga luhang nagsisimula na namang umagos pababa sa aking pisnge. Sinubukan kong punasan ito gamit ang kabila kong kamay ngunit mas lalo lang akong naiyak lalo na nung mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin na para bang sinasabi niyang okay lang na umiyak ako nang umiyak.
Kusang bumagsak ang sunod-sunod na luhang kanina ko pa gustong pigilan. Ang sakit sakit na ng puso ko. Pakiramdam ko'y dinadaganan ako ng limpak-limpak na problema. Pakiramdam ko'y pasan-pasan ko ang mundo. Pakiramdam ko'y nag-iisa lang ako. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing pakiramdam ko'y nag-iisa lang ako. Alam ko mismo sa sarili ko na hindi ko makakayanang malagpasan ang bigat at sakit na dinadala ko kung palagi ko lamang itong kinikimkim sa sarili upang mapanatilihing matapang tulad ng iniuutos ni dad.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak nang umiyak sa harapan niya hanggang sa makaramdam ng pagod tsaka tumigil na sa pag-iyak. Pinunasan ko ang mga luha ko bago nag-iwas ng tingin sa kanya para tumingin sa kabuoan ng amusement park.
"Mahilig ka ba dun?" Kapagkuwa'y tanong ko bago inginuso ang mga rides sa amusement park.
Ang mga ilaw na kasing liwanag ng mga bituin at ang desenyo ng kabuoan ng parke na kasing ganda ng buwan. Meron ring mga pabentang pagkain sa tabi-tabi tsaka mga magkasintahan na naglalandian sa tabi. Napakasaya at napakaligayang pagmasdan ang amusement park na napupuno ng naglalakasang mga tawa at sigawan ng mga tao. Sinundan niya ang nginuso ko tsaka sandaling natigilan bago dahan dahang tumingin sa gawi ko, namumutla.
"Okay ka lang ba?" Takang kong tanong sa kanya nang mapansin ang namumuong butil ng pawis sa kanyang noo at ang biglaang pagputla ng buo niyang pagkatao. Humugot pa ito ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili.
"Medyo," alanganing ngiti niya at napakamot sa ulo. Huminga na naman ito ng malalim na hininga animo'y napakabigat ng damdaming dinadala.
"Tara, samahan mo ako." Agad na pang-aaya ko. Bigla na lang itong napanganga sa gulat at nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin.
"Ano kasi..." bulong nito habang kinukutkot ang sariling daliri bago namumutlang sinulyapan ang mabilis na pag-ikot ng ferris wheel. Rinig na rinig rin mula rito ang masayang sigawan ng mga nakasakay roon.
"Ano?" Naiinip kong tanong na salubong ang kilay na tumingin sa kanya.
"May gagawin pa kasi ako..." nakatungong sinabi niya tsaka mariing pinikit ang mga mata. Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang kamao animo'y kumukuha ng lakas dito.
Tumango na lang bago sumandal sa bench at tinanaw ang ferris wheel na mabilis na umiikot na parang ilang minuto nalang ay matatanggal na ito.
"Alam mo, matagal ko ng pinangarap na makasakay riyan," malungkot kunwaring pagkukwento ko habang tinatanaw ang ferris wheel tsaka nagpakawala ng malalim na hininga.
"Kailan pa kaya ako makakasakay dyan? Kaya ko namang sumakay mag-isa sa mga ganyan pero gusto ko iyong may kasama ako para masaya," pango-ngonsensya ko pa na mas lalong pinalungkot ang mukha dahilan para mapatingin siya sa akin bago muling nilipat ang paningin sa rides animo'y nagdadalawang-isip kung papayag ba o hindi.
Magsasalita na sana siya nang may biglang huminto na babae sa harapan namin na habol-habol ang sariling hininga. Pinatong nito ang dalawang kamay sa tuhod tsaka masamang tumingin sa katabi ko.
"Where the hell have you been?" Inis na bungad niya habang naghahabol ng hininga. Iritang irita ito sa hindi malaman na dahilan. "Nilibot ko ang lugar na'to tapos nandito ka lang pala?" Dagdag pa niya kasabay ng pagkunot ng noo. Hindi sumagot ang binatang katabi ko at nanatili lang na tahimik. Mukhang nainis ito dahil sa biglaan nitong pagsingit sa usapan namin. Umirap naman iyong babae tsaka nanliliksik ang mga matang tumingin sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Who is she?" Nagtataka at salubong ang mga kilay niyang tanong na nakaturo sa akin tsaka tumayo ng maayos upang ipagkrus ang mga braso. Hindi ulit sumagot yung katabi ko na mas lalong ikinainis ng babae.
Gusto ko tuloy kaltukan 'tong lalaking katabi ko.
"Let's go! I've been searching for you tapos nandito ka lang pala," iritang asik niya bago hinila ang palapulsuhan ng katabi ko tsaka sila sabay na umalis dahilan para maiwan akong mag-isa.
Napapabuntong hininga kong tinanaw ang papalayong bulto nila bago nagtungo sa pila ng ferris wheel at napagdesisyonang sumakay nalang nang mag-isa. Gusto ko talagang sumakay sa ferris wheel at ayos lang naman sa akin kung ako lang mag-isa ang sasakay. Hindi naman talaga ako naghahanap ng makakasama sadyang gusto ko lang asarin yong kasama ko kanina.
Ako na ang susunod sa pila nang makita ko siya sa gilid ko na habol ang sariling hininga tsaka tumingin sa gawi ko na pawis na pawis animo'y sumali sa isang marathon. Taka ko naman siyang tinignan nang mag abot ito ng pera sa akin.
"Aanhin ko 'to?" Kunot noong tanong ko at pinakita sa kanya ang pera na binigay niya. Sumenyas siya at sinabing saglit lang, nagtataka man ay sumunod na lang ako.
Maraming tao ang nakapila kung kaya't inis na inis na ang mga taong nakapila sa likuran ko dahil ang tagal tagal ko raw, pati rin ang cashier ay masamang masama nang nakatingin sa akin na para bang gusto akong balatan ng buhay. Hindi ko ito pinansin at prenteng pinagkrus ang braso sa dibdib para mas lalo silang inisin.
Maya-maya pa ay umayos na ng tayo ang binatang kasama ko bago kinuha iyong pera na inabot niya sa akin tsaka bumili ng dalawang ticket.
"Sasakay ka ba?" Kunot noong tanong ko nang nasa entrance na kami. Alanganin naman siyang tumango tsaka pinunasan ang mga namumuong pawis sa noo bago lumunok ng ilang beses.
"Nandito na ako. Ano pa bang magagawa ko?" Pabulong niyang sinabi nang makasakay na kami. Nagsimula ng umikot ang ferris wheel pero mahina pa lamang ito.
Napailing ako sa kanya bago dumungaw sa baba para tignan ang mga taong paroo't parito, nagtatakbuhan at naglalakad. Namangha ako nang nasa tuktok na kami at saglit na huminto dahil may pinasakay na pasahero sa baba. Bahagyang gumegewang gewang ang sinasakyan namin dahilan para sitahin niya ako.
"Wag ka ngang malikot baka mamaya bumaliktad tayo rito!" Inis na sita niya at pinilit ako na paupuin.
Inis ko rin siyang tinignan at umirap ngunit kaagad akong nagulat nang napansin ko kung gaano kaputla ng mukha niya at nanginginig pa ang mga kamay habang pinupunasan ang pawis sa noo at leeg na pasimpleng lumulunok tsaka iniiwasang tumingin sa labas.
"Hoy," mahinang tawag ko at bahagyang binangga ang balikat niya gamit ang balikat ko. Minulat niya ang isang mata at tumingin sa akin saglit tsaka muling pinikit ito.
"Okay ka lang?" Takang tanong ko at sinilip ang mukha niyang nakayuko sa baba. "Namumutla ka o," puna ko bago pilit na tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa kanyang mata.
"Takot ka ba sa matataas?" Kunot noong tanong ko ulit nang hindi man lang siya kumibo.
Walang kagatol-gatol naman itong tumango tsaka kinuyom ang mga kamao animo'y pinapalakas ang loob. Napasinghap ako sa naging sagot niya at inis itong tinignan.
Takot naman pala ito sa matataas e anong ginagawa niya rito?
"Bakit ka naman kasi sumama sa akin? Bakit ka pa sumunod?" Inis na tanong ko bago siya hinarap dahilan para bahagyang gumewang ang sinasakyan namin kaya agad siyang napakapit sa inuupuan niya.
"Gusto mo bang ihulog kita dito? Ha? Bakit ka pa kasi sumakay rito!" Napasabunot ako sa buhok ko tsaka siya tinignan ng masama habang salubong na salubong ang mga kilay. Nag-aalala na ako sa kanya dahil putlang putla na siya at nanginginig na ang katawan ng dahil sa takot at kaba.
"Bakit ka nga kasi sumama sa akin?" Malumanay nang tanong ko ulit at lumuhod sa paanan niya bago sinilip ang kanyang mukhang mangiyak-ngiyak sa takot. Marahan ko ring tinanggal ang buhok niyang nakaharang sa kanyang mukha para kausapin siya ng maayos.
"G-gusto m-mo kasi ng kasama kaya sinamahan k-kita!" Parang batang sagot nito at ngumuso. Nahihiyang umiwas ito ng tingin.
Tumango naman ako at humugot ng malalim na hininga tsaka bumalik sa inupuan ko kanina bago hinawakan ang nanlalamig niyang kamay at pinagsiklop ito. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako at mas lumapit pa sa akin tsaka siniksik ang sarili sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay habang ang ulo naman nito ay nakabaon sa aking leeg. Hindi na siya nagsalita pagkatapos at nanatili nalang na tahimik.
Ako naman ay paminsan-minsang tinitignan ang mga tao sa baba bago titingin sa kalangitan tsaka sisilipin siya kung okay pa ba siya. Nagthu-thumbs-up ito sa tuwing sinisilip ko ang mukha niya para sabihing okay pa siya.
Ilang minuto pa kaming nagpaikot-ikot rito nang pinababa na kami dahil tapos na ang turn namin. Nauna siyang bumaba ng ferris wheel tsaka mabilis na tumakbo papunta sa basurahan at sumuka. Sumunod naman ako sa kanya at tumayo sa tabi niya tsaka pinagkrus ang mga braso bago tinakpan ang ilong ko. Nakatayo lang ako sa kanyang tabi hanggang sa matapos siya tsaka niya nilahad ang kanyang kamay animo'y may hinihingi. Taka naman akong tumingin sa kanya.
"Tubig?" Hinihingal na tanong niya habang nakalahad ang isang palad sa akin at ang isa naman ay nakapatong sa tuhod niya.
"Tubig? Aanhin mo?" Inosenteng tanong ko at bahagyang tinagilid ang ulo. Kumunot naman ang noo nito bago pinunasan ang bibig upang harapin ako.
"Iinomin ko," sarkastikong tugon nito at napailing na parang hindi makapaniwala.
"Bakit sa akin mo hinihingi? Hindi ka ba marunong bumili?" Kunot noong tanong ko bago tinuro iyong tindahan. Napabuga naman siya ng marahas na hininga tsaka namewang.
"Ikaw nga kasi dapat ang bumili ng tubig e. Hindi mo ba alam ang salitang nagmamagandang loob?" Inis at asar na asar niyang tanong.
Umirap ako at bumili nalang ng tubig tsaka bumalik kung nasaan siya bago inabot ang tubig na binili ko. Nang makita niyang inabot ko sa kanya ang tubig ay taka naman siyang napatingin sa akin bago binaba ang paningin sa tubig na binili ko.
"Wag mo sabihing ako dapat ang magbubukas ng bote na'to?" Inis na asik ko nang makita tinignan niya lang iyon.
"Malamang! Nagmamagandang loob nga e!" Pikon na sagot niya na may kasama pag-irap. Inis kong binuksan ang bote tsaka padabog na inabot sa kanya dahilan para tumalsik ang laman nito.
"Napipilitan ka lang ata na bumili ng tubig!" Reklamo niya pa at padarag na tinanggap ang tubig bago nagmumog na masama paring nakatingin sa akin.
Inirapan ko siya at naunang naglakad papunta sa mga nakahilerang mga booths. Agad naman siyang sumunod pagkatapos niyang magmumog at tumabi sa akin. Habang naglalakad ay huminto ito dahilan para huminto rin ako bago tinignan ang tinitignan niya. Nang mamataan ko ang tinitignan niya ay sandali akong natigilan, akmang aalis na nang hinila nito ang aking palapulsuhan at pilit na pinapapunta doon. Nagpumiglas ako pero sadyang mas malakas siya dahilan para sapilitang maupo ako doon sa upuan at sumimangot.
"Ayaw ko nga kasi," ungot ko at akmang tatayo nang hinila na naman niya ako dahilan para maupo ulit ako.
"Sige na. Remembrance." Pagpipilit niya pa at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko para hindi ako makaalis.
"Anong remembrance ka dyan? Bahala ka sa buhay mo! Dinadamay-damay mo pa ako sa kakornihan mo e," reklamo ko at inis na napakamot sa aking noo.
Napanguso naman siya sa sinabi ko kapagkuwan ay inakbay ang braso sa balikat ko tsaka pinindot ang button ng camera dahilan para sunod-sunod itong magflash. Gulat at nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa camera. Tanging ganon lamang ang posisyon ko samantalang nakakapag-posing siya ng maayos. Natatawa siyang napatingin sa reaksyon ko tsaka kinuha ang pictures na lumabas mula roon at ngiting-ngiting tinignan ito. Umirap ako sa kawalan at tinignan ang tatlong litratong hawak niya. Binulsa niya ang dalawang litrato at inabot sa akin ang isa. Wala akong balak na tignan iyon kaya tumayo na ako at naunang naglakad palabas ng booth. Naramdaman kong sumunod siya at agad inakbay ang kanyang braso sa balikat ko dahilan para mapalapit ako sa gawi niya at maamoy ang kanyang pabango.
"Tignan mo oh! Mukha kang tanga dito!" Natatawang turo niya sa litratong hawak nito.
Tinignan ko naman iyon at biglang nagsalubong ang kilay nang makitang nakaakbay siya sa akin habang ang ulo niya ay nakasandal sa gilid ng ulo ko at nakangiting tumingin sa camera. Ako nama'y nakasimangot habang nakakrus ang mga brasong nakatingin sa camera dahilan para magmukha akong masungit sa litratong iyon.
"Itapon mo nga iyan!" Pikong sinabi ko at pinalayo iyong litrato. Agad naman siyang umiling nang umiling tsaka ngumuso na parang bata bago ito nilagay sa bulsa ng pantalon.
"Kung ayaw mo edi sakin nalang." Nakangusong sinabi niya habang nakaakbay parin sa akin at patuloy na naglalakad ng walang direksyon.
Nanahimik na ako tsaka hindi pinapansin ang mga walang kwenta niyang mga istorya at napapailing nalang sa tuwing may dadaan sa gawi tinuturo niya ang bawat game booth upang yayain akong maglaro na agad ko namang tinatanggihan.
"Hoy mag-ingat ka nga!" sita niya doon sa lalaking aksidenteng nabangga ang balikat ko. Kunot noong bumaling ito sa kanya kapagkuwan ay umirap at umalis na parang nairita sa sinabi nito. Kinurot ko naman ang tagiliran niya dahilan para mapa-aray siya.
Pinabayaan ko lamang siyang magkwento ng kahit ano hanggang sa mapahinto kami sa nagbebenta ng cotton candy at sabay na napatingin. Ngayon ko lang ito matitikman kaya hindi na ako magsasayang pa ng pagkakataon upang makakain ng ganyang pagkain. Akmang kukuha na ng pera nang maunahan niya ako at binili ang cotton candy na tinuro ko tsaka ito binigay sa akin. Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at nauna ng maglakad para umupo sa bakanteng bench na nakita ko. Napansin kong hinahanap ako nito sa gitna ng mga taong nakapalibot sa kanya. Alalang-alalang hinahanap ng mga mata niya ang presensya ko na para bang isang batang naiwan ng nanay. Pinagkrus ko ang aking mga binti tsaka natatawa siyang pinagmamasdan habang sinusubo ang cotton candy.
"Hanapin mo nga ako," natatawang bulong ko sa hangin sabay subo sa cotton candy.
Ilang minuto na siyang palinga-linga na hindi na halos maipinta ang mukha at parang malapit ng lumuha dahilan para tumayo ako sa bench upang kawayan siya. Nang dumapo ang mga mata nito sa akin ay biglang lumiwanag ang mukha niya tsaka nagmamadali at mabilis na tumakbo papunta sa gawi ko. Bumalik naman ako sa pagkakaupo habang hinihintay siya.
"Bakit mo ako iniwan doon?" Salubong na salubong ang mga kilay niyang bungad at tumingin sa akin. "Kanina pa kita hinahanap, alam mo ba iyon?" Sunod na sinabi niya at umirap pa bago sumandal sa bench.
"Mukha ka ngang tanga doon e," natatawang sinabi ko at umiling-iling pa sa reaksyon niya sabay subo ng cotton candy. Halatang hindi siya nasiyahan sa sinabi ko dahil sa kakaibang ekspresyon sa mukha nito.
Taka ko siyang tinignan tsaka siya pinagmasdan ngunit agad na nagulat nang lumapit siya sa gawi ko tsaka niyakap ang kaliwa kong braso bago pinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. Kunot noo ko siyang nilingon at bahagyang ginalaw ang balikat para paalisin siya pero tila hindi ito natinag dahil mas lalo siyang yumuko at pinagdiinan ang mukha roon. Nagtataka at naguguluhan man ay sinilip ko ito para lamang malaman na palihim itong umiiyak sa balikat ko.
"Hoy anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ko tsaka bahagyang ginalaw ang aking balikat. Agad naman siyang umiling at nanatili sa ganong posisyon.
"Hoy! Okay ka lang?" Ulit kong tanong at hinawi ang buhok niyang tumatabing sa kanyang mukha. Umiling ulit siya bago niyakap ang sariling braso sa bewang ko dahilan para iakbay ko ang kaliwang braso ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko siyang makalapit sa akin ng ganon na tila may bumubulong sa aking isipan na hayaan lamang siya sa gagawin niya.
Hinayaan kong ganon ang posisyon namin habang marahang sinusuklayan ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri.
Wala akong alam kung bakit bigla nalang siyang umiyak at wala rin akong alam kung bakit pakiramdam ko'y ang bigat bigat ng problemang dinadala niya.
Pabuntong hiningang hinayaan ko siyang umiyak sa mga bisig ko habang marahang sinusuklayan ang kanyang buhok. Naririnig ko ang mahinang paghikbi at pagsinghap niya animo'y pinipigilan ang sarili na huwag umiyak, kapagkuwan ay ikakalas niya ang isang braso mula sa pagkakayakap sa akin para punasan ang luhang patuloy paring kumakawala mula sa kanyang mata. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon nang dahan dahan niyang inangat ang paningin sa akin tsaka nakanguso akong tinignan. Kumikislap ang mga mata niya dahil sa namumuong luha na natatamaan naman ng liwanag na nakapalibot sa amin.
"Huwag mo na ulit gagawin iyon ha," malumanay na aniya habang nakatingin sa mga mata ko at hindi na nag-abala pang punasan ang natitirang luha.
"Ang alin?" Kunot noo kong tanong, hindi alam ang tinutukoy niya.
"Iyon! Iyong bigla ka nalang aalis ng walang paalam!" Inis na sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko at pinatong ang sariling baba sa aking balikat. Taka naman akong tumingin sa kanya.
"Bakit?"
"Anong bakit?" Pabalik na tanong niya na lukot na lukot ang noo animo'y naiinis sa sinasabi ko.
"Bakit kailangan ko pang magpaalam sayo sa tuwing aalis ako?" Medyo irita ko ring tanong sa sinabi niya.
"Delikado! Basta delikado kaya wag kang aalis sa tabi ko ng hindi nagpapaalam!" Pagdadahilan nito. Umirap ako bago nag-iwas ng tingin. Napabuntong hininga siya sa ginawa ko dahilan para maging malumanay na ang kanyang boses.
"H'wag mo na ulit iyong gagawin ha?" Mahina at marahang pakiusap nito na diretsong nakatingin sa mga mata ko. Nakita ko kung paano makiusap ang mga mata niya na para bang sinasabi nitong sumunod na lang ako sa gusto niya.
Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang at makinig sa sinabi niya. Agad naman siyang ngumiti nang makitang tumango ako, kapagkuwan ay dahan dahan niyang kinalas ang pagkakayakap sa bewang ko at inilipat ito sa magkabilang pisnge ko dahilan para mapatingin ako ng diretso sa nakangiti niyang mukha. Parang hindi na siya problemado ngayon at mukhang gumaan na ang hangin na kanina'y tensyonado. Tinititigan niya lang ako ng walang namumutawing salita. Parang hinihigop ako ng kanyang mga mata dahil sa paraan ng pagtitig niya. Hinaplos niya ang pisnge ko gamit ang kanyang hinlalaki. Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha at bumaba ang kabilang palad niya sa aking leeg at pinataas ang baba ko. Sumimangot ako sa ginawa niya at umirap sa hindi malamang dahilan. Natatawang napapailing siya at nanggigigil na pinisil ang tungki ng aking ilong na siyang ikinapula nito.
"Aray!" Reklamo ko at tinanggal ang kamay niya.
Hindi siya nagpatinag. Dahan dahan at maingat niya akong kinulong sa kanyang matitipunong bisig at awtomatikong umalingawngaw ang pabango nito sa aking pan-amoy. Hindi pa siya nakontento roon at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin na para bang pinoprotektahan ako sa kung sino tsaka dahan-dahang dinampian ng mabilis na halik ang tuktok ng ulo ko.
"Wag ka na ulit aalis sa tabi ko ha? Pinag-alala mo ako ng sobra-sobra. Wag mo na gagawin iyon ha?" Malumanay ngunit nangungusap niyang sinabi at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Wala sa sarili naman akong tumango sa sinabi niya tsaka pinatiling ganon ang aming posisyon. Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim animo'y napanatag sa pagpayag ko. Maya-maya pa ay bigla nalang nitong ibinaon ang mukha sa leeg ko at pinagsiksikan ang sarili roon. Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin bago ginantihan ang magaan at mainit niyang yakap. Sinubukan kong silipin ang mukha niya pero mas lalo niya lang idinidiin ang kanyang mukha sa balikat ko sa tuwing gagawin ko iyon.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo at bakit ka nagkakaganyan?" Maya-maya'y hindi napaigilan kong tanong. Umiling siya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin animo'y ayaw akong pakawalan.
"Ayaw ko ng maulit ang nangyari dati," mahinang sagot nito na sa sobrang hina ay muntik ng maging bulong. Hindi na ako nagtanong ulit at nanatiling tahimik hanggang sa magtagal kami ng ilang oras dito sa parke.
Maaga akong nagising kinabukasan para mag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa condo na aking lilipatan. Inutusan ako ni dad na lumipat roon sa tapat ng village ng mga Villiancio para mas mabantayan ko raw siya ng mabuti. Hindi ko na siya tinanong at kinwestyon ang suhestiyon niya dahil nahihiya pa rin ako sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa. Patapos na akong mag-impake ng mga damit nang maalala ko ang nangyari kagabi sa amusement park. (Flashback) "Ihahatid na kita," alok niya nang huminto kami sa parking lot. Agad akong umiling sa sinabi niya. "Umuwi ka na. Kaya ko ang sarili ko." Tanggi ko at sinenyasan siyang pumasok na sa kotse niya pero hindi siya sumunod sa halip na umalis ay pumunta ito sa passenger's seat door tsaka ito binuksan para ayain akong pumasok sa kotse niya. "Ihahatid na kita. Delikado na lalo pa't magmamadaling araw na." Giit niya at
Nilinisan ko ang buo kong condo nang sa gayon ay maaliwalas itong tignan. Bukod sa wala ako gagawin ngayon ay gusto ko munang aliwin ang sarili sa paglilinis. Pagkatapos kong linisin ang buong condo ay agad akong dumiretso sa kwarto para linisin ang mga baril kong nakapatong sa ibabaw ng kama. Hindi ako mahilig pumatay ng tao pero mahilig akong humawak ng baril. Ito lang ang nagiging kakampi ko sa tuwing ako'y nasa binggit ng kamatayan kung kaya't lagi ko itong inaalagaan at nililinisan. Pagkatapos linisan ito ay nagbihis na rin ako ng damit para bumaba ng condo building tsaka dumiretso sa grocery store, kung saan kami magkikita."Pinagloloko ata ako ng lalaking iyon," bulong ko sa aking sarili bago tumayo at bumili ng cup noodles para dahil naramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan. Patapos na ako sa pagkain nang bigla ko siyang natanaw na naglalakad sa harapan ko suot-suot ang isang pormal na kasuotan animo'y pinaghandaan ang pagkikita namin.
Nanghihina kong sinandal ang aking balikat sa driver's seat habang tinatanaw ang guard na nagbabantay sa entrance ng condo building. Hindi ko alam kung papano ako papasok doon na ganito ang itsura. Nababalutan ng sarili kong dugo ang puting damit na sinuot ko habang ang leather jacket ko naman ay tinanggal ko at nilagay sa passenger seat dahil sa bahagyang pagkakaipit nito sa aking sugat. Habol hininga kong sinandal ang ulo ko sa upuan tsaka tumingala sa ere para pakalmahin ang sarili. Patuloy at walang humpay na umaagos ang dugo mula sa aking balikat na mabilis kumakalat sa suot kong damit. Ilang minuto pa ang tinagal ko sa loob ng kotse bago ko naalala ang extra tshirt na nasa backseat. Nanghihina man ay dahan-dahan akong dumungaw mula sa driver's seat tsaka nahihirapang inabot ang damit na nakasabit sa sandalan ng back seat. Magbibihis na lang ako ng damit nang sa gayon ay hindi ako makaagaw ng atensyon ng iba. Pagkatapos kong magbihis ng damit ay sinuot ko na rin a
Maaga akong nagising kinabukasan para ihanda ang mga dadalhin ko papuntang hideout. Plano ko silang kausapin lahat at bukod doon ay may bagay rin akong nais ibigay sa kanila. Pagkatapos kong ilagay ang lahat ng kakailanganin sa back compartment ay agad akong dumiretso sa driver's seat habang dina-dial ang numero ni Samer."Jusko Shan, ang aga-aga nambubulabog ka na!" Inis man ngunit puyat na puyat niyang bungad."Rickage hideout. Now." Mabilis kong utos tsaka agad na pinatay ang tawag nang sa gayon ay hindi na makapagreklamo.Kinabig ko ang manobela tsaka nagsimulang magmaneho patungo sa hideout namin. Hindi ko na kailangan pang tawagin ang iba kong mga kagrupo dahil sa oras na mahatid ko kay Samer ang mga impormasyon o balita ay agad niya ring pinapaalam sa lahat.Nag-park muna ako ng kotse sa parking lot ng aming hideout bago tinanggal ang seatbelt upang abutin ang baril na nasa dashboard tsaka nag
Naalimpungatan ako ng dahil sa ingay na nanggagaling sa telepono ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking tsaka humikab habang sinusundan ng tingin ang maingay kong telepono na nakapatong sa ibabaw ng bed side table. Akmang babangon na nang mapagtanto kong katabi ko pala si Ricko. Maingat akong bumangon nang hindi nagigising si Ricko tsaka inabot ang teleponong kanina pa tunog nang tunog. "Hmm?" Inaantok kong bungad kay Samer habang nakapikit ang mga mata. "Baka nakakalimutan mo na may pupuntahan tayo ngayon." Mataray niyang tugon. "Bilisan mo na dyan kanina pa kita tinatawagan," dagdag niya nang hindi ko man lang siya sinagot. Humikab pa muna ako bago kumuha ng unan para doon ihiga si Ricko tsaka dahan dahang kinalas ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Nakita ko ang paggalaw ng balikat niya kapagkuwan ay kinusot-kusot nito ang mga mata gamit ang likod ng kamay tsaka pupungay pungay na tumingin sa gawi ko. Agad nagsa
Nagising ako kinabukasan nang maramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para lamang makita na hindi pamilyar ang silid na tinulugan ko. Minsan ko pang nilibot ang aking paningin sa kabuoan ng silid tsaka doon lamang pumroseso sa utak ko ang mga nangyari. Agad akong napabalikwas ng bangon kasabay ng pagsakit ng ulo ko ng dahil sa epekto ng alak. Sinapo ko ang aking sentido bago salubong ang mga kilay na pinalibot ulit ang paningin sa silid kung nasaan ako. Mula sa kama ay agad bumungad sa akin ang napakalaking itim na tv screen at sa taas naman nito ay isang hugis kahon na orasan. Binaling ko ang mga mata ko sa kanang bahagi ng silid at agad nakita ang balcony na may nakabukas na glass wall dahilan para sumayaw-sayaw ang puting kurtina ng dahil sa hangin na pumapasok rito. Sa labas ng balcony ay may naka-display na dalawang magkatabing ball chair at sa kabilang bahagi nito ay may malaking plastik na hal
"Kailangan ba talagang gawin 'to?" Inip kong tanong habang nakataas ang baba at nakapikit ang mga mata. Ramdam ko naman na tumigil si Samer sa ginagawa niya para tignan ako."Shan, alam kong maganda ka na pero kailangan mo pa rin ito. At kung pwede ba h'wag kang makulit hindi tayo matatapos rito," pagkatapos sabihin niyon ay nagpatuloy na siya sa pagma-make-up sa akin. Napapabuntong hininga kong pinagkrus ang aking mga braso at hinintay na matapos siya."Aray! Ano ba!" Reklamo ko nang hinila ni Kitty ang ilang hibla ng buhok ko sa may bandang tainga. Sinamaan ko siya ng paningin."Sorry naman po! Ang likot kasi," inis na aniya na mukhang sinadya pang hilahin ng ganon kalakas ang buhok ko."Ang aarte niyo naman kasi e. Hindi naman talaga 'to kailangan." Naiinis kong reklamo at iminulat ang mga mata para lamang makita ang masasamang tingin nina Samer at Kitty."Oh ayan tapos na! Magbih
"Hi po! Good evening po sa inyong lahat!" Masiglang bati ni Ricko nang magkaroon siya ng pagkakataon na magbigay ng speech sa harap. Lahat ay napangiti sa kanya bago siya binati pabalik.Tinignan ko si Drex bago ulit tumingin sa kapatid ko tsaka na naman ibabalik ang paningin kay Drex. Sinisiguro kong hindi niya masasaktan ang kapatid ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya kanina nang tignan niya ang kapatid ko na para bang may balak siya rito, pero kahit na nagbibiro lang siya ay kailangan ko pa ring masigurado ang kaligtasan ni Ricko. Mas mabuti na kung handa."I am Shan Ericko Heirera, twenty years old, the third born child of Shane Gonzales Heirera and Erick Heirera." Ngiting pagpapakilala niya animo'y nasa unang pasukan ng klase para ipakilala ang sarili. Kumaway siya sa lahat ng bisita dahilan para matuwa at magtawanan ang mga ito sa kanya. "Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong okasyon tapos hindi man lang sinabi ni ate
Zach's Pov: I suddenly remember what my Ate said before she left us, "You shouldn't hurt your woman, Zach. Women are the most precious thing in the world. They may be complicated, but trust me they can change your life in the most unexpected way." she said while holding the chopsticks, eating some ramyeon directly on our pot. I smiled before nodding at what she have said. I'm so glad that I have a sister like her. She guides me in many ways. She helps me when I'm down. She teaches me how to love and treat a girl nicely, that's why when I met Shaneylhey, I did my very best just for me to deserve her. Shaneylhey is the most adorable woman that I met even though she's scary at some times. I couldn't deny how she changed my doomed life after my Ate died. She helped me stand on my own and to be strong, facing all my fears and weaknesses. She changed me, and I want to do something for her in return. She deserves the world more than anything.
Author's Pov:"Maganda gabi sayo, Drex." Kaswal na pagbati ni Nick kay Drex habang patuloy na naglalakad. Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan upang harapin silang lahat.Nakita ni Nick nang sabay-sabay siyang nilingon ng lahat na ngayo'y gulat na gulat at hindi makapaniwala. Nakaawang ang kanilang mga labi at nanlalaki ang mga mata, nagtataka kung papaano nakarating rito si Nick, maliban na lamang kay Shan na mukha hindi man lang nagulat nang makita siya."Nick," wala sa sariling bulong ni Margou na hindi pa rin mawala ang pagkagitla matapos makita si Nick. Nakaawang ang mga labi ni Margou tila hindi makapaniwala ngunit labis na namangha sa hindi malaman na dahilan bago napailing-iling na lamang sa sarili. Nakalimutan niyang nasa likod lang pala nila ang control room, kung nasaan si Nick."Kamusta ka na?" Pagsasalita pa ni Nick at huminto ng ilang dipa ang layo mula sa kanila. "Patay na ba yan?" Nguso niya sa duguang tauhan ni Drex na
Author's PovKalangitang walang bituin at buwan, kalangitang nababalutan ng kadiliman ay siyang kalangitang masasaksihan ang kasamaan. Mag-aala una na ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Shan. Kanina ay sapilitan silang hinila ng mga tauhan ni Mr. Drex patungong rooftop habang si Shan ay nakatulala lamang sa kawalan at hindi pa rin tuluyang naproproseso sa utak na kasama niya ngayon si Zach.Gulat na gulat siya nang makita ang binata kanina, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling mapahamak ito. Hindi niya alam kung anong gagawin kung sakaling madamay ito sa gulo niya. Unti-unting namumuo ang malamig na pawis ni Shan sa kanyang noo dulot ng matinding kaba kasabay ng panlalamig ng buong katawan dahil sa takot at pangamba. Nangangamba siya na baka mapahamak si Zach, natatakot siya na baka madamay ito sa gulo niya, kinakabahan siya sa mga posibleng mangyari lalo pa't dinala sila ni Drex sa rooftop. Hindi niya mawari kung anong
Margou's Pov: Kasalukuyan akong nakaupo sa back seat ng kotse ni Drex habang nakikipagplastikan sa kanya. Kanina pa ito nagsasalita at mukhang hindi pa gustong tumigil kakachika sa akin. "You need to kill Shan as soon as possible," biglang utos ni Drex sa akin. Agad na tumaas ang isa kong kilay. Sino siya para utos-utosan ako? Hibang ba siya? "Copy boss," irap kong tugon bago sumandal sa upuan tsaka luminga-linga sa labas ng bintana. Kanina ko pa kino-kontak 'yong bwiset na Yhurlo na iyon pero ni hindi man lang napag-isipang sagutin ang mga tawag ko. Alam ba niyang maaaring pumalpak ang plano namin pag nagkataong hindi ito nagtugma sa planong ginawa ni Shan? Naku! Ako talaga ang naiirita sa lalaking yan. Habang pa
Author's PovMaagang naglakbay sina Shan at Yhurlo sa isang madilim at masukal na daanan patungong hideout ni Mr. Drex. Naglalakihang mga puno at nakakatakot na mga mababangis na hayop ang kanilang nadaanan. Mga tunog ng kuliglig na siyang umaalingawngaw sa buong paligid at mga alitaptap na malayang nakakapaglipad sa ere na siyang nagbibigay ng konting liwanag sa kanilang tinatahak na destinasyon. Malalakas ang paghampas ng malalim na tubig na nanggagaling mula sa ilog na iilang kilometro lamang ang layo sa kinaroroonan ng teritoryo ni Mr. Drex. Kanina pa naglalakad sina Shan at Yhurlo na patuloy lamang na sinusunod ang ingay na nagmumula sa malawak na ilog, wala silang eksaktong destinasyon at naglalakad ng walang kasiguraduhan. Maya-maya pa ay natanaw na ng dalaga ang napakalaki at napakataas na gusaling nakikita niya mula sa kanilang nilalakaran. Mabilis niyang hinila si Yhurlo para pilitin itong maglakad dahil kanina pa ito hapong-hapo at pagod na pagod sa paglalakad. Wal
Author's PovAbalang-abala si Yhurlo sa paghahanda ng kanyang mga kagamitang maaari nilang gamitin laban kay Mr. Drex. Lahat ng sa tingin niya ay importante ay inilalagay niya na lang sa loob ng bag kahit pa hindi iyon ang sinabi sa kanya ng dalaga.Habang nag-iimpake ay biglang napaisip si Yhurlo. Hindi pa rin siya makapaniwala nang malaman na kung hindi niya sasamahan si Shan ay mag-isa lamang itong haharap kay Mr. Drex upang patayin at tapusin raw ang kaguluhan na dinulot nito. Kaguluhang matagal ng gustong takasan ni Shan, kaguluhang ayaw niyang patagalin at panatilihin sa kanyang buhay.Alam ni Yhurlo kung gaano kadelikado at kapanganib na makaharap ang taong iyon dahil minsan na niyang nasaksihan ang barilan sa pagitan ni Shan at Mr. Drex nung panahong nagdidiwang ang dalaga ng kanyang selebrasyon, kaya nang hingan siya ni Shan ng tulong ay agad niya itong tinanggap nang walang pag-alinlangan. Ayaw
Kasalukuyan akong nakatayo sa malaking salamin na nasa harapan ko. Masinsinan kong pinagmamasdan ang bawat detalye ng aking pagkatao hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa matang nagsisilbing repleksyon ko. Tinitigan ko ang sarili kong mga mata sa pamamagitan ng salamin animo'y ito lamang ang paraan para mas lalo kong kilalanin ang sarili. Pakiramdam ko'y hindi ko ata tunay na kilala ang pagkatao ko dahil bukod sa hindi ko magawang sundin ang mga ninanais ang aking puso ay hindi ko rin magawang ipakita sa iba kung sino talaga ako. Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa aking repleksyon hanggang sa magpakawala ako ng isang malalim na hininga bago pinasadahan ng paningin ang damit na suot ko. Isang flanelle bishop sleeve at skinny fit jeans na bumabalandra sa mahaba at maliit kong mga binti ang naisipan kong isuot ngayon. Hindi na ako ganoong nag-ayos dahil wala rin naman talaga akong intensyon na pumunta sa aming tahanan. Pagkatapos kong magsuklay a
Gulong-gulo na ang aking isipan. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa sunod-sunod na nangyayari lalo na nitong mga nakaraang araw. Parang kailan lang noong magkakilala kami ni Zach, hanggang sa ngayo'y napalapit na ang kalooban ko sa kanya nang hindi ko man lang namamalayan. Parang kailan lang nang halos gawin ni Mr. Drex ang lahat para lamang patayin ako at heto siya't nag-utos muli ng mga taong sa tingin niyang magpapadali sa buhay ko. Parang kailan lang nang dumating sina Margou sa aming samahan para traydurin at lokohin kami. Para saktan ang puso ko at patayin ang ama ko. Pero kahit na gano'n sila, hindi ko naman magawang magalit at kwestiyonin ang mga naging desisyon nila dahil kung ako ang nasa posisyon nila'y tiyak na gagawin ko rin ang ginagawa nila ngayon. Nagkakabuhol-buhol na ang mga pangyayari sa aking isipan lalo na nang maalala ko na naman ang kasamaan na ginawa ng aking ama. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magagalit at kung k
Nanghihina at wala sa sariling isinandal ko ang aking katawan sa back seat at napahinga ng malalim na hininga matapos makitang tuluyan nang nakapasok si Zach sa loob ng Police Station. Humugot ako ang ng malalim na hininga tsaka ito inipon sa loob ng aking bibig at pinalobo ang pisnge. Iiling-iling kong pinakawalan ang hiningang naipon sa aking bibig tsaka hinayaan ang sarili na tumulala sa kawalan. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Kung dapat ko bang patuloy na sundin lahat ng iniuutos ni Dad, o panahon na para itama ko ang lahat ng pagkakamaling nagawa namin para matapos na ang lahat ng ito? May parte sa akin na gusto ng isuko ang sarili sa mga pulis nang sa gayon ay hindi na madamay pa ang iba ngunit may malaking parte rin sa'king kaloob-looban na kapag ginawa ko iyon ay tiyak na mas magiging magulo lamang ang lahat. Inis na sinabunutan ko ang aking sarili tsaka mahinang iniuntog-untog ang likod ng u