Share

Sweet Chaos Of Love (Duology 01)
Sweet Chaos Of Love (Duology 01)
Author: EljayTheMilk

Prologue:

(Seven year's old)

"Close your fist tighter, Shan!" Sigaw ni daddy sa labas ng training grounds na mariing nakatingin sa aking pakikipaglaban sa isa sa mga binatang bodyguards niya. Agad ko namang kinuyom ang aking mga kamao at inayos ang pagkakatindig sa harap ng aking kalaban. 

Inambahan niya ako ng suntok na agad ko namang naiwasan at hinawakan ang kanyang kanang kamay sabay na pinaikot siya patalikod at binigyan ng isang malakas na sipa sa uluhan dahilan para mawalan siya ng balanse. Dali-dali akong pumunta sa harapan niya upang sipain siya sa kanyang tiyan na siyang nakapagpaluhod sa kanya, hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil nang nakaluhod ang isang tuhod niya sa lupa, ay agad-agad kong pinatigas ang aking dalawang kamao tsaka nagpakawala ng ilang suntok sa kanyang mukha bago tinira ang kanyang batok dahilan para mawalan ito ng malay. 

Habol-hininga at naliligo sa pawis akong napaupo sa lupa dala ng pagod. Kaagad na pumasok sa training grounds ang ibang bodyguards ni daddy para kunin ang huling nakalaban ko sa araw na ito. Tatlo ang nakalaban ko at lahat sila ay nawalan ng malay hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa dahil sinusunod ko lang naman ang utos ni daddy. 

"Your strength wasn't still enough. Tomorrow morning you're still going to train here at exactly 4:00 AM."  Pinal na sinabi niya bago ako talikuran at iwan sa training grounds. Tumayo naman ako para mag umpisa ulit sa pag-eensayo. 

Simula nong tumuntong ako sa edad na pito, ay agad akong tinuruan ni daddy kung paano makipaglaban, walong buwan narin akong nag-eensayo pero parang hindi parin sapat sa kanya ang lakas at kakayahan ko kaya hanggang ngayon ay ang Ynera training grounds pa rin ang aking naging pansamantalang tahanan. 

(Nine year's old)

Kasalukuyan kong pinagpa-praktisan ang kutsilyong hawak-hawak ko habang hinihintay na dumating ang aking mga magiging kalaban sa loob ng training grounds na ito. Dalawang binata ang makaka-kalaban ko sa isang round kaya naman ay matinding pokus at ensayo ang aking ginawa. Narinig ko ang pagbukas ng pinto dahilan para mapalingon ako doon at nakita si daddy na may kasamang apat na lalaki. Iyong dalawa ay ang aking magiging kalaban at iyong dalawa naman ay taganood na rin sa aming laban. 

"I hope you're stronger now," malamig at walang emosyon na sinabi ni daddy bago lumabas sa training grounds at doon nanood sa pagitan ng salamin na nakaharang. 

Hindi ko na pinansin si daddy at ipinosisyon na lang ang aking sarili. Pinalibutan naman ako ng dalawa kong kalaban, ang isa ay nasa aking harapan at ang isa ay nasa aking likuran. Pinapakiramdaman ko silang dalawa habang mahigpit na hinahawakan ang aking kutsilyo. Akmang susugurin ako nung nasa aking likuran nang bigla akong tumalon patalikod upang mapantayan ang kanyang mukha bago pinakawalan ang isang malakas na sipa. Kaagad ko itong napatumba bago bumaling sa isa pang kalaban na susugod rin sana sa akin, nang sa di-inaasahan ay bigla kong tinapakan ang ulo ng natumbang kalaban at doon kumuha ng lakas para tumalon at sipain rin ng malakas sa kanyang ulo. Napatumba ko silang dalawa ngunit agad ring nakatayo at sinubukang kunin ang hawak kong matalim na kutsilyo. Hindi ko sila binigyan ng pagkakataong lumapit sa akin. Bigla kong inihagis ang hawak kong kutsilyo sa ere at pumunta sa likod ng isa kong kalaban bago ito sinalo at isinaksak sa kanyang balikat hudyat na iisa nalang ang aking kalaban. Naramdaman kong papalapit na ang aking isa pang kalaban kaya walang anoma'y hinugot ko ang kutsilyo sa kanyang balikat at saktong paghagis ko ng kutsilyo sa kanya ay tumama rin ito sa kanyang balikat na naging sanhi ng pagkapanalo ko. 

Hingal na hingal at hapong-hapo sa pagod akong nakatingin sa dalawang kalaban kong duguan na inaalalayan ng dalawang kasama ni daddy kanina. 

"Still not enough. You need to impress me, Shan."  Komento ni daddy na dali-dali ko namang tinanguan. Hindi na nagsalita ulit si daddy at agad na lumabas ng training grounds kasama ang dalawang kalaban ko na duguan.

Sinadya ko talagang sa balikat lang ipatama ang kutsilyo dahil ayaw kong pumatay ng tao sa ganito kamurang edad. Alam ko na kaya totoong kutsilyo ang ipinagamit ni daddy sa akin para patayin ko ang dalawa kong kalaban, pero hindi iyon ang ginawa ko kaya hindi nanaman siya humanga. 

Tumingin ako sa aking dalawang kamay na nababalot ng dugo ng aking mga naging kalaban at tsaka ako binalot ng kung ano mang konsensya dahil sa aking maling ginawa. Alam kong mali pero pinili ko paring gawin para mapahanga ko ang aking ama. 

(15 year's old)

"You should shoot that three bullets in the bulls eye." Utos ni daddy habang nakatayo sa tabi ko, agad naman akong tumango at kinuha ang headphone at inilagay sa aking tainga bago sinuot ang black gloves at agad na kinuha ang baril na nasa aking harapan. Sunod ko naman itong nilagyan ng tatlong bala bago ipinosisyon ang aking katawan at dalawang kamay.

Tinignan ko ng maayos ang bulls eye bago inasinta ito at pinakawalan ng sunod-sunod ang tatlong bala. Pagkatapos no'n ay agad ko namang tinanggal ang headphone at gloves bago tinignan ang aking tira. Tatlong bala ang ipinutok ko pero iisang butas lang ang makikita, malamang ay naasinta ko ito ng maayos kaya ganon ang resulta. 

Binalingan ko si daddy at tumango-tango naman siya. 

"Next, shoot the head." Sabi ni daddy na bahagyang nakaturo sa target. 

Tumango naman ako kaagad at bumalik sa aking pwesto bago ko ipinosisyon ang aking sarili at itinutok ito sa ulo ng pigyura. Tatlong bala ang aking pinakawalan at nung tinignan ko ito ay ganon ulit ang resulta, isang butas lang ang makikita sa may bandang ulo dahilan para tanguan ulit ako ni daddy.

"This time, pull the trigger on the pelvis." Nanghahamong utos niya na agad ko namang sinunod. 

Ipinosisyon ko ulit ang aking sarili at pinakawalan ang tatlong bala bago tinignan kung tumama ba ito sa tamang direksyon. Nakita kong sapul na sapul ulit ang aking pagkaka-asinta dahilan para mapangiti ako. 

"Good. Continue your practice until 10:00 PM." Komento niya at wala man lang pasabi na tinalikuran ako bago dire-diretsong lumabas ng training grounds.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang blangkong nakatingin sa pintuang nilabasan niya.

Wala akong nakikitang paghanga sa bawat reaksyon niya kanina, pinanghihinaan na ako ng loob pero hindi pwede.

Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin para mapahanga ko si dad, pero hinding-hindi ako susuko dahil ipinangako ko sa aking sarili na susundin ko lahat ng utos niya, madali man ito o mahirap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status