Home / Romance / Sweet Chaos Of Love (Duology 01) / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Sweet Chaos Of Love (Duology 01): Kabanata 21 - Kabanata 30

34 Kabanata

Kabanata 20:

Author's Pov:(Flashback)"Who killed my father?" walang kaemo-emosyong tanong ni Margou sa matangkad na lalaking nasa harapan niya. "Erick Heirera, boss." anito na bahagyang nakayukod. Kaagad na nagtaas ng paningin si Margou sa lalaking kaharap niya. Kunot na kunot ang kanyang noo. "Who is that?" salubong ang mga kilay niyang tanong na may halong pagtataka. Hindi niya pa naririnig ang pangalang iyan. Kataka-taka lang na isipin na sa ilang taon niyang paghahanap e wala siyang narinig na ganyang pangalan.Matagal na niyang hinahanap ang walang awang pumaslang sa ama niya. Hindi niya alam kung sino yung mga armadong lalaking basta na lang na pumasok sa bahay nila kahit na hating-gabi na. Mahimbing silang natutulog nang bigla na lang nilang hinila ang kanyang ama tsaka walang awa na binaril sa ulo ng dalawang beses. Kitang-kita ni Margou kung
Magbasa pa

Kabanata 21:

Author's Pov:"The bidding is about to close in one minute." Anunsyo ng EMCEE sa lahat ng illegal business men na nakaupo sa loob ng main hall. Agad na umalingawngaw ang mga bulungan sa buong silid matapos iyong inanunsyo. Kanina pa sila nagsisimula at unang bagsakan pa lang ng pera ay talaga malulula ka na sa presyo."Patapos na ang auction akala ko ba pupunta sila rito?" Nagtataka man ay nag-aalalang bulong ni Samer kay Margou nang malaman na malapit ng matapos ang auction pero ni isa sa plinano nila ay walang natupad.Hindi siya sinagot ni Margou at pinasadahan ng paningin ng dalaga ang mga taong nakaupo sa kanya-kanyang silya bago napatingin sa isang sulok, nakakapagduda lang kasi kanina pa sila naroon pero wala man lang silang sinasabi. Bahagyang nanliit ang mga mata ni Margou matapos mapagmasdan ang grupong iyon. Inginuso ni Margou ang gawing iyon dahilan para tumingin rin si Samer sa tinitignan niya. Kumuno
Magbasa pa

Kabanata 22:

Author's Pov:"Nasaan na 'yong dalawang iyon?" Naiinis na tanong ni Samer kina Margou nang mapagtantong si Jake at Shan na lang ang wala. Kasalukuyan silang lumalabas sa loob ng building habang mabilis na tumatakbo papunta sa sasakyan nila. Nagplanta ng bomba sina Margou sa bawat sulok ng main hall at iisang minuto na lang ay sasabog na ito. Lahat sila ay nagmamadali sa takot na baka maabutan sila ng bomba. Mabilis na sumakay silang lahat sa van na nakaparada at hihingal-hingal na naupo sa kanya-kanyang silya."Nakita ko sina Jake at Shan na magkasama kanina," si Vince ang sumagot habang hinihingal na pinahinga ang sarili. Huminga pa muna ito ng malalim bago pinapatuloy ang pagsasalita, "Isasabay raw ni Jake si Shan sa kanya." dagdag niya at tinignan si Samer na nakaupo sa first cab.Hindi na nagtanong pa si Samer at tumango na lamang tsaka inabot ang isang bote ng mineral na nasa kanyang harapan bago ito sunod-su
Magbasa pa

Kabanata 23:

"I'm sorry..." mangiyak-ngiyak na ulit ko habang nakatingin sa mga mata niyang walang kaemo-emosyon. Iyong mga matang tila wala siyang pakialam kahit pa na lumuhod at maglupasay ako sa harapan niya, kahit pa umiyak at sumuka ako ng dugo. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Hindi ako sanay na ganito siya. Parang dinudurog at winawasak ng paulit-ulit ang puso ko. Pinupunit at tinatapakan ng ilang beses. Kumikirot at sumasakit sa malalamig niyang salita. Gusto ko siyang kwestiyonin at komprontahin kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Kung bakit nag-iba ang pakikitungo niya, pero sa tuwing sumasagi sa aking isipan na hindi naman ako ganoon kahalaga sa kanya, awtomatikong umaatras ang dila ko kasabay ng pagkawala ng konting pag-asa sa puso ko. Naiinis ako sa kanya dahil nagawa niya akong ganitohin. Naiinis ako sa kanya dahil sinasaktan niya ako ng ganito. Naiinis ako sa kanya dahil sinanay niya akong siya ang pahinga ko tapos ngayon ay bigl
Magbasa pa

Kabanata 24:

Naalimpungatan ako nang maramdamang may yumuyogyog sa aking balikat. Malakas at padabog niyang inuuga ang aking balikat bagay na siyang ikinainis ko. Dahan-dahan at napipilitan kong iminulat ang aking mga mata at pupungay-pungay siyang tinignan. Agad na bumungad sa akin ang kunot-noo at salubong na mga kilay ni Rychll tila kanina pa iritang-irita sa akin. Awtomatiko akong napairap tsaka napipilitang bumangon mula sa pagkakahiga habang hihikab-hikab na iniinat ang katawan. Narinig ko pa ang bahagyang paglaguto ng aking katawan dulot ng matinding pagod dahilan upang mapangiwi ako. "Uuwi na raw tayo," mataray na aniya na ngayo'y nakaupo na sa sofa at sinusuot ang sapatos. Umupo naman ako sa kama ko bago siya tinignan na puno ng pagtataka. Napahinto siya sa ginagawa niya at nakataas ang mga kilay na hinarap ako. "Kumilos ka na riyan." Masungit niya pang pag-uutos kasabay ng pag-irap bago tinapos ang pagsa-sapatos. Pagkatapos ay tumayo ito para pumunta sa nigh
Magbasa pa

Kabanata 25:

Nanghihina at wala sa sariling isinandal ko ang aking katawan sa back seat at napahinga ng malalim na hininga matapos makitang tuluyan nang nakapasok si Zach sa loob ng Police Station. Humugot ako ang ng malalim na hininga tsaka ito inipon sa loob ng aking bibig at pinalobo ang pisnge. Iiling-iling kong pinakawalan ang hiningang naipon sa aking bibig tsaka hinayaan ang sarili na tumulala sa kawalan. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Kung dapat ko bang patuloy na sundin lahat ng iniuutos ni Dad, o panahon na para itama ko ang lahat ng pagkakamaling nagawa namin para matapos na ang lahat ng ito? May parte sa akin na gusto ng isuko ang sarili sa mga pulis nang sa gayon ay hindi na madamay pa ang iba ngunit may malaking parte rin sa'king kaloob-looban na kapag ginawa ko iyon ay tiyak na mas magiging magulo lamang ang lahat. Inis na sinabunutan ko ang aking sarili tsaka mahinang iniuntog-untog ang likod ng u
Magbasa pa

Kabanata 26:

Gulong-gulo na ang aking isipan. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa sunod-sunod na nangyayari lalo na nitong mga nakaraang araw. Parang kailan lang noong magkakilala kami ni Zach, hanggang sa ngayo'y napalapit na ang kalooban ko sa kanya nang hindi ko man lang namamalayan. Parang kailan lang nang halos gawin ni Mr. Drex ang lahat para lamang patayin ako at heto siya't nag-utos muli ng mga taong sa tingin niyang magpapadali sa buhay ko. Parang kailan lang nang dumating sina Margou sa aming samahan para traydurin at lokohin kami. Para saktan ang puso ko at patayin ang ama ko. Pero kahit na gano'n sila, hindi ko naman magawang magalit at kwestiyonin ang mga naging desisyon nila dahil kung ako ang nasa posisyon nila'y tiyak na gagawin ko rin ang ginagawa nila ngayon. Nagkakabuhol-buhol na ang mga pangyayari sa aking isipan lalo na nang maalala ko na naman ang kasamaan na ginawa ng aking ama. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magagalit at kung k
Magbasa pa

Kabanata 27:

Kasalukuyan akong nakatayo sa malaking salamin na nasa harapan ko. Masinsinan kong pinagmamasdan ang bawat detalye ng aking pagkatao hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa matang nagsisilbing repleksyon ko. Tinitigan ko ang sarili kong mga mata sa pamamagitan ng salamin animo'y ito lamang ang paraan para mas lalo kong kilalanin ang sarili. Pakiramdam ko'y hindi ko ata tunay na kilala ang pagkatao ko dahil bukod sa hindi ko magawang sundin ang mga ninanais ang aking puso ay hindi ko rin magawang ipakita sa iba kung sino talaga ako. Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa aking repleksyon hanggang sa magpakawala ako ng isang malalim na hininga bago pinasadahan ng paningin ang damit na suot ko.  Isang flanelle bishop sleeve at skinny fit jeans na bumabalandra sa mahaba at maliit kong mga binti ang naisipan kong isuot ngayon. Hindi na ako ganoong nag-ayos dahil wala rin naman talaga akong intensyon na pumunta sa aming tahanan. Pagkatapos kong magsuklay a
Magbasa pa

Kabanata 28:

Author's PovAbalang-abala si Yhurlo sa paghahanda ng kanyang mga kagamitang maaari nilang gamitin laban kay Mr. Drex. Lahat ng sa tingin niya ay importante ay inilalagay niya na lang sa loob ng bag kahit pa hindi iyon ang sinabi sa kanya ng dalaga.Habang nag-iimpake ay biglang napaisip si Yhurlo. Hindi pa rin siya makapaniwala nang malaman na kung hindi niya sasamahan si Shan ay mag-isa lamang itong haharap kay Mr. Drex upang patayin at tapusin raw ang kaguluhan na dinulot nito. Kaguluhang matagal ng gustong takasan ni Shan, kaguluhang ayaw niyang patagalin at panatilihin sa kanyang buhay.Alam ni Yhurlo kung gaano kadelikado at kapanganib na makaharap ang taong iyon dahil minsan na niyang nasaksihan ang barilan sa pagitan ni Shan at Mr. Drex nung panahong nagdidiwang ang dalaga ng kanyang selebrasyon, kaya nang hingan siya ni Shan ng tulong ay agad niya itong tinanggap nang walang pag-alinlangan. Ayaw
Magbasa pa

Kabanata 29:

Author's PovMaagang naglakbay sina Shan at Yhurlo sa isang madilim at masukal na daanan patungong hideout ni Mr. Drex. Naglalakihang mga puno at nakakatakot na mga mababangis na hayop ang kanilang nadaanan. Mga tunog ng kuliglig na siyang umaalingawngaw sa buong paligid at mga alitaptap na malayang nakakapaglipad sa ere na siyang nagbibigay ng konting liwanag sa kanilang tinatahak na destinasyon. Malalakas ang paghampas ng malalim na tubig na nanggagaling mula sa ilog na iilang kilometro lamang ang layo sa kinaroroonan ng teritoryo ni Mr. Drex. Kanina pa naglalakad sina Shan at Yhurlo na patuloy lamang na sinusunod ang ingay na nagmumula sa malawak na ilog, wala silang eksaktong destinasyon at naglalakad ng walang kasiguraduhan. Maya-maya pa ay natanaw na ng dalaga ang napakalaki at napakataas na gusaling nakikita niya mula sa kanilang nilalakaran. Mabilis niyang hinila si Yhurlo para pilitin itong maglakad dahil kanina pa ito hapong-hapo at pagod na pagod sa paglalakad. Wal
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status