Saktong alas dose ng tanghali ay natapos ang klase namin. Isinukbit ko ang aking bag sa balikat at nagtipa ng mensahe sa tatlo kong kaibigan. Tinanong ko kung saan sila, agad naman ang reply at sinabing nasa cafeteria 1 na at hinihintay na lang ako. Ibinulsa ko ang cellphone para tumayo na. “Hi, may kasama kang magla-lunch?” Hindi ko gusto ang ngising ipinakita sa akin ng tatlong babae sa harap ko. Muka na ngang hindi friendly, hindi pa katiwa-tiwala ang pagmumuka nila. Galit na galit ang pulang lipstick sa kanilang mga labi. Kumapit ako sa strap ng bag ko. “Uh, meron,” Mahinhin at nahihiya kong tugon. Sabi ni Alfredo ay magaling ako sa pag-arte, kung mag-aartista raw ako ay tiyak na pasok agad. Kaya nga iyon ang ina-apply ko ngayon dito. Kita ko ang pasimpleng pag-irap sa akin ng isa nyang kasama, 'yung isa naman ay halatang napaka arte. Nakalabas na sila Zack at Atasha, iilan na l
Read more