“Salamat.” Natapos na ako sa mga papel na ni-fillup-an ko. Successfully enrolled na rin ako at ang mas masaya pa roon ay parehas ang schedule namin ni Zack Salvador.
Mahabang pilitan pa ang naganap sa pagitan ko at sa registrar dahil ayaw ako nitong payagan na mapunta ako sa dash-1 kung saan naroon ang apo ni Don Alejandro.
Mabuti na lang ay hindi sumama sa akin ang tatlo dahil nakita nila ang kanilang kaibigan dito.
Sinabi ko kasi ang nakakasukang dahilan ko sa registrar kung bakit gustong gusto ko roon. Sabi ko lang naman ay crush na crush ko si Zack Salvador kaya gustong gusto ko syang kaklase sa lahat ng subject, para inspirado ako sa pagpasok palagi. Sinuhulan ko pa nga para lang tuluyan nang pumayag ang matanda, dinagdagan ko ang bayad ng tuition ko para roon.
“Okay na, salamat sa paghihintay.” Syempre ngiting tagumpay ako nang makalapit sa kanilang tatlo.
“Sya nga pala Abby, sya si Sky, 'yung palagi naming kinukwento sa 'yo?” madaldal na sabi ni Almira sa katabi nyang mahinhing babae.
Nahihiya itong ngumiti sa akin at nagwave ng kamay.
“Hello.” Pati boses nya ay mahinhin, 'yung tipong kailangan mo pang lumapit sa kanya para mas maintindihan mo ang sinasabi nya.
“Hi,” bumati na lang din ako pabalik para hindi naman nakakabastos kung tatango lang ako.
“Ako na hatid ke’ abby,” nagpapa-cute na sabi ni Kio.
Bahagya akong natawa sa inasal nya, halatang halata na may gusto itong si Kio kay Abby.
“Bobo! Classmate tayong lahat, bakit sya lang ang ihahatid mo? Sabay sabay tayo, duh!” Natatawang umirap si Almira sa kanya.
Para namang mas naging maputi pa sa sobrang puti si Kio nang marealize iyon.
Tumawa kaming tatlo na mas lalong ikinahiya ni Abby. Si Kio naman ay napakamot sa kanyang batok
“Palibhasa kasi dada-moves dito kay Abby.” Kanda tawa naman si Allison at nakipag apir kay Almira.
“Ikaw tigil na ah! Pangit lagi labas bibig mo.” Mas lalong natawa ang kambal.
“Huy, ano ba kayo, nahihiya 'yung kaibigan nyo.” Mas lalo nilang itinodo ang tawa dahil ngayon ay pulang pula na ang makinis na pisngi ni Abby.
“Sus, sanay na 'yan si Abby, lagi ba naman namin silang inaasar.” Tatawa tawang sabi ni Almira.
“Oh sya sige, mauna na nga kayo ni Abby, iritable na naman ako sa pagmumuka mo labanos, ituturo lang namin kay Sky kung saan ang mga magiging room nya.” Ipinagtabuyan nilang kambal si Kio at Abby palayo sa amin.
“Akina schedule mo.” Naglahad ng kamay si Allison.
Ibinigay ko ito sa kanya, halos malibot namin ang buong University dahil kanda layo-layo ang iba't-ibang room ko bawat isang subject, pati ang dalawang cafeteria ay nalaman ko na kung nasaan. Tipong kabisado ko na kaagad ang lahat.
“Peste! Suko na 'ko,” hingal na sabi ng kambal habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanilang mga tuhod.
Nandito na kami sa tapat ng magiging unang room ko, kanina pa ako nakangiti ng malapad.
“Lintek, hindi ka man lang napagod Sky?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Allison.
Tumutulo ang pawis ko pero hindi ako nakakaramdam ng pagod, para ngang mas nadagdagan pa ang energy ko nang sa wakas ay papasok na ako sa unang klase ko dahil makikita ko na ng tuluyan si Salvador.
“Salamat, gusto nyo bang ihatid ko kayo sa klase nyo?” Halos umabot na hanggang sa langit ang pagkaka-ngiti ko.
Hindi maipinta ang mga muka nila dahil hindi sila makapaniwala, tipong ihahatid ko pa sila at babalik ulit ako rito. 'Yung mga tingin nila ay nagsasabing, “Tao ka ba talaga?”
“Hindi na. Kaya na namin, kita na lang tayo sa lunch.”
Hinintay ko muna silang mawala sa paningin ko bago ko binalingan ng tingin ang classroom sa harap ko na nakasarado, paniguradong nag-uumpisa na ang klase.
Kumatok ako para magbigay galang sa guro na nasa loob, hindi ko na hinintay na magsalita dahil kumatok naman na ako kanina. Binuksan ko ang pinto. Lahat ng mga mata ay nakamasid agad sa akin.
“Oh! You must be the transferee?” matigas na ingles na tanong sa akin ng Gurong medyo may edad na. Nakasalamin ito at pinagmamasdan ako habang hinihintay ang sagot ko.
Inilihis ko ang tingin sa mga estudyanteng magiging kaklase at ka-blockmates ko. Pinantayan ko ang tingin sa akin ng matanda at sumagot.
“Yes... Sir,” kalmante kong sagot.
Tumango lang ito at nagsalita rin.
“Go, find your seat,” utos nito na walang pabagal bagal kong sinunod.
Inilibot ko ang paningin para makita kung saan naka-upo si Zack Salvador, and then there I saw him. Sa pinaka-dulong upuan, katabi ang isang babae na mukang sobrang naiinip sa klase.
Nagtama ang paningin namin ni Zack, walang emosyon ang kanyang muka at mga mata. Prente itong nakaupo sa upuan nya at nilalaro ang ballpen sa kaliwang kamay nya.
Kahit labag sa loob ko ang gagawin ay ginawa ko pa rin. Huminga ako ng malalim at nagpakawala ng labag sa loob na ngiti. Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang naibigay ko sa kanya, basta nginitian ko sya ng may sama ng loob.
Hindi nya ako nginitian pabalik, ganon pa rin ang emosyong ipinakita nya at hindi nagbago. Para bang sinasabi ng tingin nyang, “Pakealam ko sa 'yong tanga ka.”
Ngunit kahit ganon ay pinanatili ko ang ngiti sa mga labi ko, nakita kong bakante ang upuan sa tabi nung babaeng katabi nya. Doon ko napiling magpunta dahil wala nang ibang bakanteng upuan maliban doon.
Hanggang sa maglakad ako papunta sa kinaroroonan ng upuang bakante ay ramdam ko ang bored na titig nya.
Walang pasabi akong umupo sa tabi ng babae, ramdam ko rin ang titig nya, matalim na titig. Nilingon ko sya at hindi iyon nagbago, bah! Angas nito ah?
“Hi.” Kinaway ko ang kamay ko sa muka nya baka sakaling mawala ang madilim na titig nya.
Nagkamali ako dahil mas lalo ko yata syang nainis, kumunot ang noo nya at kulang na lang din ay magsalubong ang perpektong kilay nya.
Ano bang problema nito? Tsk! Kung hindi ako nagkakamali ay ito si Atasha. Ang palaging kasama ni Zack, ayon kay Alfredo ay ito ang matalik nyang kaibigan dito sa unibersidad.
Gugustuhin kaya ako nitong maging kaibigan? Sa tingin ko ay ayaw nya, pagmumuka ko pa nga lang ay nandidilim na ang paningin nya, sa isipang tatanggapin pa kaya nya akong kaibigan? I doubt that.
Tsk! Kung ayaw nya sa akin ay dederetso ako kay Zack, syempre dadahan-dahanin ko ang proseso ng lahat. Hindi pwedeng ipag-pilitan ko agad ang sarili ko para lamang maging kaibigan nya ako. Magtataka 'yan kung bakit persistent ako.
Ibinaba ko ang kamay ko at nagkunwaring nahiya sa ginawa ko, tumikhim ako at ibinaling ang tingin sa harap. Kailangan nating maging pabebe ngayon self kaya ikalma mo 'yang sarili mo.
Natapos ang klase nang walang ibang pumasok sa kokote ko, hindi naman kasi pag aaral ang sadya ko rito. Hindi iyon ang pinunta ko kundi tao.
Sa sunod na klase ay ganon pa rin ang nangyari, tumabi pa rin ako kay Atasha na katabi naman ni Zack.
Halatang iritableng iritable ito sa presensya ko pero hindi ko pinapansin. Hindi iyan ang makakapag pahinto sa plano ko.
“Zack,” dinig kong tinawag nya ng pabulong ang lalaki.
“Hmm?” walang interes na tugon nito.
Nanatili ang tingin ko sa harapan pero ang pandinig ko ay nandito sa dalawa, sa kanila ako naka focus nang hindi nila nahahalata.
“Hindi ko gusto ang aura ng tranferee, naiirita ako sa kanya,” lantaran nyang sinabi kahit pabulong, 'yun bang tipong kahit ako ay maririnig iyon.
Hindi nya iniisip kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi nya, sabagay. Ano nga namang pakialam ko? I don't give a fvck.
“And?” malamig na tanong ni Zack sa kaibigan, parang wala rin itong pakialam sa pinag-sasasabi nya.
“Ayaw ko syang katabi, see. Pasimple ka nyang nilalandi, hindi mo ba iyon nakikita? Alam na alam ko ang ganyang galaw.”
Kinagat ko sa loob ang kaliwang pisngi ko para pigilan ang matawa, halos ikamatay ko ang isipang nilalandi ko nga si Zack. The fvck? Pakikipag-kaibigan nga ay halos masuka ako, landi pa? Anong klaseng pag-iisip mayroon ang babaeng ito?
But I'm not gonna tell her what I am thinking, ano ako? Siraulo rin?
“You hate that right?” dugtong pa nito.
Hindi na ako magtataka kung kampihan sya ni Zack, kung paniwalaan nya ang katangahan ng babaeng 'to.
“You're just paranoid.” Nabigla ako sa isinagot nito, malamig ngunit hindi nakatakas ang pagkainis sa tono ng pananalita nito.
“W-what? I can't believe you.” Humalukipkip si Atasha at masama ang tinging ipinukol sa akin, nakikita ko sa peripheral vision ko.
Tumingin ako sa kanya at matamis na ngumiti, ngiting nagsasabi na inosente ako at maganda ang hangarin ko, pero ang ngiting iyon talaga ay para asarin sya.
Umirap sya sa akin at kunot noong tumingin sa harap ng guro na nagtuturo.
15 minutes break ang naganap kaya malaya kaming lumabas at bumili ng miryenda, nagdadabog na tumayo si Atasha mula sa kinauupuan nya. Tahimik na tumayo si Zack at pumamulsa.
Binalingan nya ako ng malamig na tingin pero saglit lamang iyon.
Saktong alas dose ng tanghali ay natapos ang klase namin. Isinukbit ko ang aking bag sa balikat at nagtipa ng mensahe sa tatlo kong kaibigan.Tinanong ko kung saan sila, agad naman ang reply at sinabing nasa cafeteria 1 na at hinihintay na lang ako. Ibinulsa ko ang cellphone para tumayo na.“Hi, may kasama kang magla-lunch?” Hindi ko gusto ang ngising ipinakita sa akin ng tatlong babae sa harap ko. Muka na ngang hindi friendly, hindi pa katiwa-tiwala ang pagmumuka nila. Galit na galit ang pulang lipstick sa kanilang mga labi.Kumapit ako sa strap ng bag ko.“Uh, meron,” Mahinhin at nahihiya kong tugon. Sabi ni Alfredo ay magaling ako sa pag-arte, kung mag-aartista raw ako ay tiyak na pasok agad. Kaya nga iyon ang ina-apply ko ngayon dito.Kita ko ang pasimpleng pag-irap sa akin ng isa nyang kasama, 'yung isa naman ay halatang napaka arte.Nakalabas na sila Zack at Atasha, iilan na l
“Seth!” Zack voice roared like a thunder.“Gotta go, see you around!” Kumindat ito bago umalis.What was that for? Geez! I guess that's enough for today, napag pasiyahan kong umuwi na dahil ayos na 'yung nakita ako ni Zack at nakapag papansin ng konti.Saktong tumunog ang phone ko, tumatawag si Allison. Walang pagdadalawang isip kong sinagot.“Hello?”“Sky! Nasan ka? Kainis! Kailangan mong magpakita agad sa amin, bruha ka! Dapat kang magpaliwanag.”“Ano bang sinasabi mo?” Kumunot ang noo ko dahil parang nagtatampo ang boses nya. Para akong may itinagong sikreto na hindi agad nasabi sa kanila.“We're here na sa gate, hihintayin ka namin dito.”'Yun lang at pinatay na nito ang tawag, nasisiraan na naman yata ng ulo 'yun. Tsk!“Bak
"Allison, doon na lang kaya tayo maupo?" nakangiti kong sabi sa kanila habang bitbit namin ang mga tray ng pagkain.Itinuro ko gamit ng bibig ang bakanteng upuan malapit sa tabi nila Zack. Kailangan ko pang makahagilap ng impormasyon tungkol sa napag usapan nila kanina."Sige," payag na sabi nila, palibhasa ay nakita nilang malapit lang 'yon kila Zack.Palihim akong ngumisi. Sa loob ko ay gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Naunang umupo sila Abby kasama si Kio, sumunod naman ako kasama si Allison at Almira.Habang kumakain ay naka focus ang pandinig ko sa pinag-uusapan nila Atasha at Zack. Nakabaling naman ang mga mata ko sa mga kaibigan kong nag-uusap para hindi mahalata."Yow!" Hindi ko maalala kung kaninong boses ang bigla na lang sumingit sa usapan nila Zack."Hey, Seth! Zack will go." May halong excitement sa boses ni Atasha."Alam ko namang hindi 'yan tatanggi lalo pa't kasama ka," sabi n
"Hi! Can I sit here?" Nakangisi kong tanong sa mga babae."Yeah! Sure, sure." Inalalayan nila akong umupo sa tabi nila.Sanay ako sa iba't ibang bar dahil madalas na pinupuntahan namin na trabaho ni Alfredo ay sa mga ganito. Kadalasan kasi ay sa mga ganito ginaganap ng mga mayayamang negosyante ang ilegal na negosyo.Humagikgik ang mga babae at tumabi sa akin. Hinaplos ng isa ang hita ko at idiniin ang dibdib sa braso ko.Anak ng...Halos manginig ako sa pandidiri dahil sa ginagawa nya. Ano ba naman 'tong pinasok ko? Tsk!"Sayaw tayo." Tumayo ang isang babae at ganon din ang ginawa ng isa. Kinuha ang kamay ko at pilit akong hinihila patayo."Later," sabi ko. Ngumuso sila at umalis papuntang dance floor.Ngayon ay itong isa na lang babae ang problema ko. Bumulong sya sa tenga ko."What's your name, handsome?" malambing nyang sabi habang itinataas baba ang kanyang kamay
Nagpababa ako sa nadaanan naming karinderya. Nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom, hindi ko na pinababa ang sarili ko sa apartment na tinutuluyan ko dahil wala pa naman akong stocks ng pagkain don para ipagluto ang sarili ko.Nagbayad ako bago bumaba. Mabuti ay may bukas pang karinderya ng mga ganitong oras.Um-order ako ng dalawang magkaibang pares na ulam at tatlong kanin."Ate, pakidamihan po ng sabaw." Umupo ako sa dulong bahagi at hinawakan ang ulo kong kung pumintig ay akala mo sasabog na. Good thing hindi ako nagsu-suka kapag nakakainom.Kinuha ko ang phone ko habang naghihintay ng order. Tinext ko si Alfredo tungkol doon sa impormasyong nalaman ko. Hindi iyon masyadong makakatulong pero ayos na rin kahit papano. Ang kailangan ko kasing impormasyon ay detalyado at 'yung makakatulong sa plano namin ni Alfredo, hindi iyong ganon lang. Oo nga't nasa labas sya ng bansa, ang tanong... Ano ang ginagawa n
Kau-uwi ko lang matapos ang mga nangyari kanina sa daan. Binalaan ko na lang 'yung leader ng mga mukang adik na kapag nakita ko pa silang nananakot para bigyan sila ng pera ay hindi na ako magdadalawang isip na maghukay ng mga libingan nila.Sinabi nilang magbabago na raw sila. Umiyak pa nga ang loko at lumuhod luhod sa harap ko. Pati 'yung mga kasamahan nyang napahirapan ko kanina.Binigyan ko rin ng pera 'yung natanggalan ng ngipin para makapag papustiso sya. Naawa ako eh hehe.4th year high school pa lang sila at katabi nila ang university namin. Nag fe-feeling gangster daw para matakot ang mga estudyante sa kanila. Sa sobrang feeling nga nila ay nagmuka na silang jejemon.Dati raw kasi silang binu-bully kaya ganon ang ginawa nila. Nananakot sila ng iba para rin magka-pera.Kanya-kanyang diskarte nga naman sa buhay. 'Yun nga lang mali ang kanilang diskarte.Naligo muna ako at nag-shower bago kinuha ang phone
Nang payapa na ang utak ko ay saka lang ako nagmulat ng mga mata. Sya namang pagpasok ng kagabi pa bumabagabag sa utak ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa at tinignan ang location kung nasaan na ang tracking device.Kumunot ang noo ko nang nasa bahay ito nila Atasha. Hindi na ako nagdalawang isip na patayin ang device at hayaan na lang dahil hindi ko na iyon kakailanganin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtaka o hindi. Kaya mas minabuti kong hindi na muli pang pahanahin 'yung device."What's that?"Tumalon ang cellphone ko sa sahig dahil sa gulat nang bigla na lang may nagsalita. Nakipag agawan ako sa pagpulot ng phone ko dahil balak pulutin iyon ng lalaki. Hindi ko man lang ng ito pinadaplisan daliri nya. Sa sobrang busy ko yata kanina kaka-pindot ay hindi ko na napansin ang bulto nya.Tumingala ako upang makita ko kung sino."I'm sorry, nagulat ba kita?" Ilang ang ngiting ibini
Masaya akong pumasok sa next subject. Hinatid ulit ako ni Seth sa room at nagpaalam din sya sa aking papasok na rin.Habang nagka-klase ay panay ang ngiti ko. Halos hindi na yata natanggal ang ngiti sa labi ko hanggang sa matapos ang klase at mag tanghali na.Kanina pa inis sa akin si Atasha dahil sa weirdong ngiti na ipinapakita ko. Bawat tingin ko kasi sa kanila ay nakangiti ako o 'di kaya naman ay bumabati ako. Si Zack naman ay pinagtataasan lang ako ng kilay at sinusungitan ako gamit lang ang kanyang muka."Talaga? Friend mo na si Seth?" hindi makapaniwalang tanong ni Allison at ni Almira."Waaaahhh! Omo! Swerte mo Sky, pakilala mo kami." Binatukan agad ni Allison si Almira dahil sa sinabi."Boba! Anong ipakilala? Sila ba? Friend lang sila hindi magjowa." Irap ni Allison sa kapatid.Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina. Tuwang tuwa ang mga loka, sinabi nilang isa rin si Seth sa ultimate crush nil