Home / Other / Call Me SKY / Chapter Five

Share

Chapter Five

Katatapos lang namin kumain ng hapunan ni Alfredo at napagkasunduan naming iimpake na ang mga gamit ko. Ako ang nagtutupi at sya ang tiga-lagay sa maleta. Pinabaunan nya rin ako ng isang beretta M9 at tactical knife in case na kailanganin ko. Dinala ko rin ang laptop na binili at inayos nya para ma-trace ko kung nasaan sya, ganon din ang gagawin ko kung sakaling mapalapit na ang loob ng apo ni Don Alejandro sa akin, malalaman ko kung saan ito naglalagi at kung ano ang mga pinagkaka-abalahan. Kung sumasama ba sya sa kanyang Lolo upang suriin sa mga pabrika ang mga ginagawa nitong droga.

Isang malaking maleta ang dala ko at backpack.

“Mukang handang handa ka na.” Ngumisi si Alfredo.

“Sobra.” Bahagya akong natawa.

“Alam kong buong-buo ang loob mo, pero alam ko ring hindi mo nakakalimutan na hindi basta-bastang kalaban si Don Alejandro.” Nawala ang ngisi nito at sumeryoso ang muka.

“Alam ko, kaya nga naghanda tayo ng ilang taon 'di ba?”

Dati pa kasi paulit-ulit na binabanggit ni Alfredo ito sa akin, rinding rindi na ang tenga ko sa mga salitang iyon. Alam ko 'yon at nakahanda ako roon. Hindi naman siguro nya mapapatay ng ganoon kadali ang mga magulang ko dati kung pipitsugin lang syang kalaban hindi ba? Pinaka-magaling na agent ang magulang ko pero naisahan pa rin sila ni Don Alejandro. Kaya alam na alam kong hindi lang ito basta-basta.

Nang gabing iyon ay hindi ulit ako nakatulog kaya lumabas na lang ako ng bahay para mag ensayo, ngayon ay sinusubukan kong muli ang itinuro sa aking techniques ni Alfredo upang kalagin ang mahigpit na tali sa likod ng mga kamay ko. Nagtagumpay agad ako.

Isinunod ko naman ang posas, dahil wala itong ibang paraan para matanggal ay pinilit kong pagkasyahin ang kamay ko sa butas nito upang matanggal dito ang kamay ko. Sanay na ako kaya wala na lang sa akin ang natamong galos sa dalawang kamay ko.

Nagpakawala rin ako ng mga atake sa hangin. Suntok, sipa at ilag ang mga ginawa ko. Kinuha ko ang silencer na ipinatong ko sa maliit na mesa, inayos ko rin ang mga gagawin kong target. Sampong maliliit na bote sa iba't-iba at malalayong direksyon. Maliwanag ang paligid dahil may ilaw rito sa bakuran namin.

Inasinta ko ang baril na hawak at itinutok sa target, nagpakawala ako ng isang bala at nabasag ang bote. 'Yung pagkabasag lang ang tanging nakalikha ng ingay dahil hindi ako pwedeng gumamit ng baril na may malakas na ingay. Hindi naman ako tanga para gamitin ang ganon sa ganito katahimik na madaling araw. Mabubulabog ko na nga ang buong kabahayan, baka isuplong pa ako sa kapulisan.

Sa hideout lang namin ginagawa ni Alfredo ang ganito, soundproof kasi iyon at malawak. Dito ko lang ito ginawa dahil wala namang tao at hindi naman maingay ang baril na gamit ko.

Itinago ko na ang silencer dahil basag na ang sampung bote. Nilinisan ko muna ito bago ako pumasok muli sa loob.

Nakatapat ako ngayon sa salamin ng aking banyo at may hawak na gunting, tinignan ko muna ang relong pambisig. Dalawang oras na lang at paniguradong tutulak na kami paalis.

Napalunok ako nang nahihirapan habang binubuksan ang relo, pinakatitigan ko ang picture naming tatlo rito.

“Mom, Dad, magsisimula na ako sa misyon ko.” Ngumiti ako ng mapakla. No. Hindi ako pwedeng manghina.

Huminga ako ng malalim at isinara ang relo, hindi ko na inabalang tignan ang pulang pindutan dito. Sa tagal ng panahon, gumagana pa kaya iyon? Mahahanap pa kaya ako ng kung sino kung sakaling pindutin ko iyon? Mate-trace pa kaya kung nasan ako? May access pa kaya sila sa relong ito? Makikilala pa kaya nila kung sino ako?

Shit! Mariin kong ipinilig ang ulo at iwinakli ang mga bumabagabag sa isipan ko.

Itinuon ko na lamang ang pansin sa buhok kong pagka haba-haba. Napagpasiyahan kong gupitin ito dahil tingin ko ay iyon ang nararapat.

Sinimulan ko itong guntingin, hanggang sa pumantay ito sa balikat ko. Mas gumaan ang pakiramdam ko dahil doon, hindi ko naman pinanghinayangan dahil alam kong hahaba rin naman ito ulit.

Alas seis ng umaga ay naririnig ko na ang tawag ng mga kaibigan ko. Nakaligo at pormadong pormado na ako. Katatapos lang din naming kumain ni Alfredo nang magsipasukan sa loob ng bahay ang kambal at si instik. Halata ang excitement sa kanilang mga muka at boses.

“OMO! ginupitan mo ang buhok mo?” gulat na wika ni Allison. Hinawakan nya ito, hindi makapaniwala. 

“Hindi ba obvious?” Nakangisi kong sagot.

“Ehh! Bakit?” Parang sya pa ang nanghinayang sa buhok ko ah?

“Trip lang,” tipid kong wika.

“Stop it nga Alli, bagay na bagay pa rin naman ni Sky.” Umirap si Almira kay Allison saka pinag krus ang mga kamay sa dibdib. 

“'Tay, dalaw ka rin sa amin don ha?“ paalala ni Almira kay Alfredo.

“Hindi pwedeng hindi,” sagot naman ni Alfredo, nakangiti pa.

Umakyat muna ako para magsepilyo, pagkatapos ko ay bumaba agad ako. Nakababa na rin ang mga gamit ko. Isinukbit ko ang backpack sa aking likod.

“Ready?” Malapad na ngiti ang pinakawalan ni Allison.

“Yep.” Kung alam mo lang kung gaano ako ka-handa. Kung hindi mo naitatanong ay sampung taon na akong handa. 

Lumabas na kami ng bahay, si Alfredo ang nagdala ng maleta ko at sya rin ang naglagay nito sa kotseng pagsasakyan namin nila Allison.

“Ingat.” Natatawang sumaludo sa akin si Alfredo.

Tumango lang ako at ngumiti. Naunang sumakay si Allison at Almira sa backseat. Tumabi ako sa kanila dahil ang nasa front seat ay si Kio.

Sumakay na rin ako nang makasakay sila. Kumaway ako kay Alfredo bago ko tuluyang isara ang bintana ng kotse.

Ngayon lang kami magkakalayo ni Alfredo at hindi magkikita ng ilang araw, titignan ko pa kasi kung makaka-uwi ako ng weekends tulad nitong tatlo. Siguro makaka-uwi ako non para magbalita kay Alfredo at magsanay.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng itim na pantalon ko, nagtipa ako ng mensahe para kay Alfredo.

“Ingat din Alfredo, alam kong kaya mo ang trabaho pero 'wag kang mahihiya na manghingi ng tulong sa akin kapag hindi mo na kaya ang kalaban. :)”

Hindi na ako naghintay ng mensahe mula sa kanya. Tiyak kong sasabihin nya sa akin na, “Minamaliit mo ba ang kakayahan ko, Sky?” Dito pa lang ay naiimagine ko na ang kayabangan sa muka nya, tsk!

“Sky oh.” Inabutan ako ng isang sneakers ni Allison. Kinuha ko 'yon at binuksan, kay aga aga parang hindi kumain ng umagahan itong mga 'to.

“Ako lin, hinge.” Humarap sa amin si Kio mula sa kinauupuan nya sa front seat at naglahad ng kamay kay Allison.

“Ikaw labanos na intsik kanina ka pa kumakain nito ah? Naka ilan ka na, inagaw mo pa 'yung M&M ko!” Gigil na sigaw ni Almira sa kanya.

Ngumuso lang si Kio at hindi na nangulit.

“Napag isipan mo na kung ano ang course na kukunin mo?” tanong ni Allison. Curious na napalingon din sa akin si Kio at Almira.

“Criminology,” simple kong sagot habang nakangiti.

“Aish! Kaya pala ganon ka na lang kung magsanay, 'yun naman pala magpupulis ka, nakuu! Nakikita ko na ang future mo yay!” Hindi ko alam kung kinikilig ba 'tong si Allison o ano?

Nagpakawala na lang ako ng awkward na ngiti. Well mas magandang iyon na lang ang isipin nila kaysa sa maghihiganti ako 'di ba?

Ilang oras lang ay narating na namin ang apartment na sinasabi nila. Hindi na ako nagreklamo dahil saktong ito ang apartment na pinag-usapan namin ni Alfredo.

“Halika, samahan ka namin magbayad.” Lumabas kaming apat ng sasakyan at kumatok sa gate na bakal.

Agad din namang may nagpakita. Matanda ito na mukang.. Mabait naman. Nakasalamin sya at nakangiti nya kaming pinagbuksan ng gate.

“Pasok kayo mga hija.”

Inilibot nya kami sa tatlong magkakadikit na apartment. Maluluwang ang bawat isa at maayos. May sariling kusina, sariling banyo at kwarto.

Pinili ko ang pinaka dulo dahil iisa lang ang kwarto, good thing wala pang umuupahan dito.

Nagbayad ako ng renta pati na rin ang tubig at kuryente, ipinasok ko na rin doon ang maleta ko. Mamaya ko na lang aayusin pagdating ko galing eskwelahan.

“Sakto pa ba ang pambayad mo sa tuition, Sky?” nag aalalang tanong ni Allison.

“Yep,” prente kong sagot.

“Ikaw sigulado ah? Sky pwede utang akin,” sabad ni Kio.

“Kung uutang sya sa 'yo, maski 'wag nang magbayad, mayaman ka naman.” Umirap si Almira sa kanya.

“San ka nga pala nakakuha ng pang tuition mo? Ang alam ko kasi mas mahal ang tuition ng crim,” nagtatakang tanong sa akin ni Allison.

“Nangutang si Alfredo sa kamag-anak nya,” walang pag aalinlangan kong sagot. Hindi rin kakikitaan na nagsisinungaling ako.

“Ah, sana sa amin na lang kayo nagsabi, willing naman sila mommy.”

Ngumiti na lang ako sa kambal.

Tumapat ang kotse sa isang pristihiyosong gate ng eskwelahan. Excited na bumaba ang tatlo samantalang ako ay dahan dahan pang bumaba dahil pinagmamasdan ko ang malawak nitong espasyo. Matataas ang building at halatang mayaman ang mga estudyanteng nagsisipasukan dito.

Inilibot ko ang paningin ko. Imposibleng makita ko ngayon dito ang taong magiging misyon ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status