Nang payapa na ang utak ko ay saka lang ako nagmulat ng mga mata. Sya namang pagpasok ng kagabi pa bumabagabag sa utak ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa at tinignan ang location kung nasaan na ang tracking device.
Kumunot ang noo ko nang nasa bahay ito nila Atasha. Hindi na ako nagdalawang isip na patayin ang device at hayaan na lang dahil hindi ko na iyon kakailanganin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtaka o hindi. Kaya mas minabuti kong hindi na muli pang pahanahin 'yung device.
"What's that?"
Tumalon ang cellphone ko sa sahig dahil sa gulat nang bigla na lang may nagsalita. Nakipag agawan ako sa pagpulot ng phone ko dahil balak pulutin iyon ng lalaki. Hindi ko man lang ng ito pinadaplisan daliri nya. Sa sobrang busy ko yata kanina kaka-pindot ay hindi ko na napansin ang bulto nya.
Tumingala ako upang makita ko kung sino.
"I'm sorry, nagulat ba kita?" Ilang ang ngiting ibinigay nya.
It was Seth.
"Uh, medyo." Pilit akong ngumiti at itinago agad ang phone sa likod ng pantalon ko.
Sumama ang tingin nya roon ngunit hindi nagtagal dahil agad syang tumingin sa muka ko. Tinignan ko kung may bahid na pagdududa sa kanyang mga mata ngunit wala. Hindi nya siguro masyadong nakita kanina.
Para akong nakahinga ng maluwag dahil doon nang hindi nya tinanong kung ano ang ginagawa ko sa phone. At kung tanungin man nya, paniguradong magsisinungaling lang din ako.
"Sky right?" Malapad na ang ngiti nya ngayon.
"Yeah." Bahagya akong ngumiti at pinahalatang nahihiya.
Siguro kung may award lang 'tong ginagawa ko ay ako na ang best actress of the year.
"You don't remember me." Ngumuso sya at pumamulsa. Hindi ko alam kung nagtatampo ba 'to, nagpapalambing o ano eh? Ha! Ano sya boyfriend ko? Suyuin mo sarili mo lul.
"I'm Seth, Zack and Atasha's friend, you're their classmates right? Same course."
Ngumiti ako at tumango.
"What brought you here? Nag-uumpisa na ang klase nyo ah?" Concerned ba 'to o hindi? Kasi kung makangiti ay wagas.
At saka bakit nga ba ako nandito? Parang nawala bigla sa utak ko kung bakit ako rito dumiretso. Lumikot ang mga mata ko dahil hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko.
"Uh, ano... m-magpapahangin lang sana." Napangiwi ako sa isinagot ko. Halatang hindi ako nagsasabi ng totoo.
He chuckled. "E-eh ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko para mailihis ang usapan.
"Para siguro makita ka." Nagkibit sya ng balikat saka ngumisi.
Ngumuso ako sa sinabi nya. Kikiligin na ba dapat ako? Tsk! Wala naman sa vocabulary ko 'yan eh.
"Just kidding, dito ako madalas tumatambay." Bawi nya saka tumawa. Napansin nya yatang hindi ako tinablan nung banat nya.
Tinuro nya pa ang kumpol ng upuan malapit sa pintuan. I guess, doon sya nahihiga. Kaya siguro pagbukas ko pa lang kanina sa pinto ay napansin na nya ako.
Tumango ako. "Uhm, naistorbo ba kita?" nahihiya kong tanong. Syempre kailangan magpabebe.
"Nope. Actually I'm glad na naisipan mo ritong magpunta." Ngumiti sya ng malapad.
"You are?" Gusto kong maging sarcastic sa pagkakatanong ko niyon ngunit pabebe ko iyong naibigkas.
He chuckled. "Of course," agad na sagot niya.
"Uhm, bababa na rin siguro ako." Kumamot ako sa ulo.
"Hatid na kita," alok nya.
"Ha? Hindi na."
"Hindi ako tumatanggap ng 'hindi' na sagot." Ngumisi sya at naunang naglakad papunta sa pinto. Saglit pa akong nahinto nang hintayin nya ako roon mismo.
"Let's go." Doon lang ako natauhan kaya sumunod na lang ako sa gusto nya.
Well hindi rin ako 'yung tipong mapapa-sunod mo na lang dahil kagustuhan mo. Ibahin mo ako Seth, dahil acting lang ang ginagawa ko. Parte lang ito lahat ng plano.
Sinamahan nya nga ako hanggang sa tapat ng room ko. Sya na ang kumatok sa pinto at nagbukas nito. Nabaling sa amin ang tingin nilang lahat.
Lihim akong napangiti dahil sa akin na naman ang atensyon. Sana mapansin ni Zack. Gumawi ang mata ko sa upuan nya, nakita ko ang talim at dilim ng tingin nya.
Bakit ganyan 'yan makatingin? Inaano ko sya?
Ibinaling ko ang tingin sa prof na ngayon ay kausap na si Seth.
"Sorry Sir, nagkaroon po kasi ng emergency kaya na late si Sky," paliwanag nya. 'Di ko alam kung bakit sya pa ang nagpapaliwanag kung pwedeng ako na lang. Akala ko ba hatid lang?
"I'm sorry but I can't let you in, you're late." Bumaling sa akin ang tingin ng prof.
Napangiwi ako sa kanyang sinabi.
"Sorry sir, bawi na lang po ako bukas," hingi ko ng pasensya.
Saglit pa akong napatingin sa gawi nila Zack. Ganon pa rin ang tingin nya, pero ngayon ay kay Seth na nakatingin.
Isinarado ni Seth ang pinto nang bumalik ang prof sa pagtuturo.
"So, where do want to go?" tanong nya nang hinarap ako.
"Sa cafeteria na lang."
"Alright, cafeteria then." Inilahad nya ang daan para iparating na mauna akong maglakad.
Ngumiti ako ng tipid bago naglakad.
"What do you like?" tanong nya nang nasa cafeteria na kami.
"Libre mo?" Natatawang biro ko.
"Yes." He chuckled. Natuwa yata sa sinabi ko o sadyang masayahin lang talaga sya?
"Milk tea lang."
"Alright."
Dumiretso ako sa upuan. Sya naman ay pumila na. Pumangalumbaba ako at nag isip ng panibagong paraan para mapansin ni Zack. Kung pwede ko lang syang diretsuhin na, "Zack, pwede ka bang maging kaibigan?" Nung una pa lang siguro ay ginawa ko na. Masyado kasi yatang mabilis ang galaw ko kung ganon ang gagawin ko. Kailangan kong unti-untiin. Kung kailangan palagi akong makipag-plastikan kay Atasha ay malugod kong gagawin. Mapalapit lang ng husto kay Zack.
Speaking of Zack, since sabi ni Seth ay friend nya ito ay pwede kong gamitin si Seth para mapalapit kay Zack. Muka namang pala-kaibigan itong si Seth kumpara kay Atasha eh. Muka ring mabait at masiyahin.
Kailangan kong maging super close sa kanya. Tanging paraan na lang na naiisip ko dahil masyadong masungit para sa akin si Atasha. Sa ugali nyang iyon ay ilalayo nya pa ako kay Zack.
"Here you go." Inilapag nya ang tray ng mga pagkain.
Ngumiti ako at nagpasalamat. Kinuha ko ang milk tea. Marami syang biniling pagkain pero 'yung milk tea lang ang kinuha ko.
"What do you like?" Pinapili nya ako ng burger at fries.
"Hindi na, okay na 'to sa 'kin," tanggi ko.
Hindi nya pinakinggan ang sinabi ko at inilapag sa harap ko ang burger katabi ng milk tea.
Nagbuntong hininga ako at uminom na lang ng milk tea.
"For sure may klase na rin kayo," pag-uumpisa ko ng usapan.
"I don't mind." Nagkibit sya ng balikat saka ngumiti.
"You said earlier that you're friends with Zack and Atasha, right?" pag-uumpisa ko ng usapan saka ako ngumiti.
Bumalik ang kanyang mata sa akin pagkatapos nyang sumubo sa fries.
"Yes, why?" Tinitigan ko muna sya. Tinatantiya kung may bahid na pagdududa ngunit ang nakita ko lang ay ang pagtataka at ang kagustuhan nyang malaman ang kasunod na sasabihin ko dahil sa pag-uumpisa ko ng usapan.
"You know, dahil bago lang ako sa school... I need atleast one or two friends, gusto ko sanang maging kaibigan sila Atasha pero mukang ayaw nya sa akin kaya nahihirapan akong makipag close sa kanila." Ngumiwi ako sa sinabi ko. Of course kailangan kong sabihin 'yan kung gusto kong kunin ang loob ni Seth.
Tumango-tango sya sa sinabi ko.
"Okay, I get it. You want to befriend with them? Hmm, in that case I understand why Atasha didn't like you." Ngumisi sya at umiling. Kumunot ang noo ko at nagtataka syang tinignan.
Alam ko naman na ang dahilan pero kailangan kong magpanggap na walang alam.
"Bakit? Pangit ba ako?" Natawa sya sa sinabi ko.
"No, no. Not that," agad na tanggi nya habang natatawa.
"Eh ano?" Ngumuso ako.
"Ayaw nya na may ibang babaeng naka-aligid sa kanilang dalawa ni Zack, selosa 'yon." Humalakhak sya.
"Huh? Sila ba? Sorry I didn't know." Pilit akong ngumiti sa itinanong.
Parang ayaw kong marinig ang anumang isasagot ni Seth kung sakali. Agad kong binuksan ang burger at kinagatan iyon ng malaki habang naghihintay sa isasagot nya. Parang ninenerbyos ako sa hindi ko malamang dahilan.
"No, they're not in a relationship. But their feeling is mutual, that's what I only know." Nagkibit sya ng balikat.
Nahirapan akong lunukin ang kinakaing burger kaya mabilis kong kinuha ang milk tea at ininuman. Nasamid pa ako sa sobrang pagmamadali kaya inubo ako.
"You okay?" alalang tanong ni Seth. Kulang na lang ay tumayo sya at umupo sa tabi ko upang tapikin ang likod ko.
"Okay lang." Ngumiti ako para matanggal na ang pag-aalala sa muka nya.
"I can be your friend." Sa sinabi niyang iyan ay halos tumalon ang puso ko sa sobrang saya. Kung magiging friend ko nga sya ay mapapalapit pa rin ako kila Zack. Magiging kaibigan ko pa rin sila dahil kaibigan nila si Seth.
Ngumiti ako ng malapad at nagningning ang mga mata.
"Talaga?" tuwang tuwa kong itinanong.
"Yup."
Ito na ang magiging unang hakbang. Kapag napalapit ako ng husto kay Seth ay malaki ang tiyansa na pagkatiwalaan ako ni Zack. And 'pag nangyari iyon ay makakasama na ako sa mga pinupuntahan nila at makakarinig ng kwento.
Masaya akong pumasok sa next subject. Hinatid ulit ako ni Seth sa room at nagpaalam din sya sa aking papasok na rin.Habang nagka-klase ay panay ang ngiti ko. Halos hindi na yata natanggal ang ngiti sa labi ko hanggang sa matapos ang klase at mag tanghali na.Kanina pa inis sa akin si Atasha dahil sa weirdong ngiti na ipinapakita ko. Bawat tingin ko kasi sa kanila ay nakangiti ako o 'di kaya naman ay bumabati ako. Si Zack naman ay pinagtataasan lang ako ng kilay at sinusungitan ako gamit lang ang kanyang muka."Talaga? Friend mo na si Seth?" hindi makapaniwalang tanong ni Allison at ni Almira."Waaaahhh! Omo! Swerte mo Sky, pakilala mo kami." Binatukan agad ni Allison si Almira dahil sa sinabi."Boba! Anong ipakilala? Sila ba? Friend lang sila hindi magjowa." Irap ni Allison sa kapatid.Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina. Tuwang tuwa ang mga loka, sinabi nilang isa rin si Seth sa ultimate crush nil
Saktong paglabas ng tatlong lalaki sa mga lumang locker. Nakangisi silang lahat."Enjoy Sky!" Sigaw nila Jamie mula sa labas hanggang sa hindi ko na marinig ang mga boses nilang nakaka irita."Umpisahan mo na 'yung video brad," utos ng isang lalaki.Hindi ako umatras o natinag man lang nang mapwesto nila ang camera sa isang upuan.Agad nilang hinubad ang mga coat nila hanggang sa sandong puti na lang ang matira.Nag-umpisa na ako sa gagawin ko. Umatras ako at mabilis na nagtungo sa pintuan upang makahingi ng tulong."SETH!" Paulit ulit kong kinalabog ang pintuan kahit na alam kong malabo na may makarinig sa akin."Hawakan nyo bilis!" Agad sinunod ng dalawang lalaki ang inutos sa kanila.Magaling akong artista kaya walang pasubaling tumulo ang mga luha sa mata ko. Kaya kong pagmukhaing kawawa ang sarili ko sa harap nila para masabi nilang m
"Ano ang problema?" seryoso kong tanong sa kanya."Balak tayong abutan ng pera," sagot ni Alfredo."Naayos mo na ba ang lahat?"Ngumisi sya bilang tugon at sinabing, "Kailan ba tayo pumalpak?"Napangiti ako at kinuha sa kanya ang isa pang mataas na kalibre ng baril. Isinukbit ko ito sa balikat ko at nag umpisa na kaming tahakin ang masukal na daan papunta sa isang abandonadong warehouse."Kapag ibinigay na sa atin ang pera, umpisa na ng gyera," bulong ni Alfredo sakto lang para marinig ko."Parang baguhan lang ako kung payuhan mo ah?" Parehas kaming natawa sa sinabi ko."Pinapa-alala ko lang dahil baka nakalimutan mo na.""Kilala mo ako Alfredo, hindi ako nakakalimot." Ngumisi ako ng makahulugan."Haha oo nga pala." Umiling sya at natawa sa sarili.Wala kaming inaksayang oras. Tuloy tuloy kaming pumasok sa warehouse at matapang naming hinarap ang hindi nalalayo
Mulat ang mata ko hanggang sa sumikat ang araw. Hindi ko rin nagawang mag-ensayo dahil pakiramdam ko ay pagod ako. Minabuti kong maligo muna, pagkatapos ko ay bumaba na ako upang magluto ng almusal namin ni Alfredo.Nang matapos sa pagluluto ay tinawag ko na si Alfredo para makapag almusal na kami."Hindi ka nag ensayo?" paunang sabi nya bago humigop sa kanyang kape na tinimpla."Hindi," simpleng sagot ko. Ni hindi ako tumingin sa kanya at ramdam ko ang nanunuring titig nya."Himala." Natatawang komento nya.Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain."Sya nga pala, may darating akong bisita," wika nya sa kalagitnaan ng aming pagkain.Kunot noo akong tumingin sa kanya, nagtataka. Ngayon lang kasi ang unang beses na pumayag si Alfredo na may makapunta ritong ibang tao o bisita. Maliban kasi sa tatlo kong kaibigang loko-loko ay wala ng iba pang na
Hapon na nang umpisahan namin ni Anton ang laban. Sa bakuran namin napili dahil puno naman ng bermuda grass ang paligid. Hindi kami masasaktan sakaling may bumagsak man sa amin.Nanonood lang si Alfredo habang tumutungga na naman ng beer at humihithit ng sigarilyo.Kalmado at tahimik kong inobserbahan muna ang bawat galaw nya bago ako umatake. Habang pinagbibigyan ko syang gawin ang pag-atake sa akin ay panay ilag lang ang ginagawa ko, wala pang tumatamang suntok sa kahit na anong parte ng katawan ko."Why can't you fight back, huh?" Nakangising tanong nya.Ngumisi lang din ako pabalik.Sa sobrang kampante ko yata na hindi nya ako tatamaan at mahuhuli ay roon nya ako nadali. Gamit ang braso nya ay naikuwit nya ito sa leeg ko, nakaposisyon ang isa nyang kamay sa ulo ko at isang maling galaw ko lang ay maari nyang baliin ang leeg ko na syang ikamamatay ko."One wrong move...
Naka-uwi na kami pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari. Hindi naman pala ganoon kasama ang grupo ng gangster na sinalihan ni Anton, dahil kung sakaling umalis din sya sa puder namin ay bukas pa rin ang mansyon ni Uno para sa kanya.Pinaliwanag ni Anton na oras na nakapatay kami ng isang tauhan ni Uno ay paniguradong patay na sya bago pa man namin sya maabutan doon. Tinanong ko kanina si Uno kung paano kami makakasigurong hindi nya kami papatayin o susundan upang patayin kung tuluyang maka-alis kami sa mansyon.Tinawanan nya lang ako at inilingan. Sinabi nyang 'pag sinabi nya ay matutupad. May isa syang salita kaya iyon ang aming panghawakan."Grabe! Napagod ako roon."Tignan mo 'tong isang 'to, akala mo pag-aari nya itong bahay. Sobra naman yata ang pagiging feel at home nya?"Hoy, magluto ka. Hindi puwedeng tumira ka rito ng walang ginagawa, dapat ikaw ang taga laba, taga linis ng buong bahay at higit sa lahat.
"Anong kailangan mo?" nagtanong na ako dahil napaka tahimik nya at mukang walang balak magsalita. Kung hindi ko siguro kinapalan ang muka ko upang magtanong ay magtititigan lang kami rito.Tumikhim sya bago nagsalita. "Seth wants you to join us on lunch," napapaos na sabi nya."Pakisabi hindi na, may kasabay ako." Tumalikod na ako at hindi na hinintay ang sasabihin nya.Pasimple kong binatukan ang sarili nang makalayo dahil tumanggi pa ako! Pabebe ka Sky, inuna mo pa 'yang pride mo kesa sa ebidensyang maaring makalap mo. You're so stupid!Narinig ko ang pagsunod ng yabag nila Zack at Atasha sa likod ko."What did you say to her?" rinig kong tanong ni Atasha sa nakakainis na tono."Nothing," simpleng sagot ni Zack at hindi na dinagdagan.Napangiwi ako at napa-irap sa kawalan nang banggitin nya 'yon. Tsk! Magaling kang bata ka, para hindi magselos 'yang Atasha mo ay kailangan mong magsinun
Ibinaba nya ako sa isang higaan ng infirmary. Kinausap nya ang nurse saka sya ulit nagpunta sa akin. Doon sya umupo sa upuang katabi ng higaan ko."For now, you rest. Kung masakit pa rin iyan hanggang mamaya ay inuman mo ng gamot." Ipinakita nya sa akin ang isang tablet ng gamot at ang isang baso ng tubig.Pinagmasdan ko sya kung paano nya inilagay iyon sa mesang nasa gilid ko. Umiwas agad ako ng tingin nang bumalik ang tingin nya sa akin. Wala akong sinabi kanina nang humingi sya ng pasensya, masyado akong nagulat kaya hindi ko mahanap ang tamang salita na pwede kong sabihin."Don't worry, I'll excuse you to our last subject," he said.Tumango na lamang ako at nahiga. Pakiramdam ko ay kulang ako sa tulog kaya ipinikit ko ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog ako ng tuluyan. Paggising ko ay wala akong Zack na nakita. Medyo dissapointed ako nang hindi sya nahagilap ng mata ko.Bumangon ako at pinakiramdaman ang pw