"Ang cute naman ng bracelet, Sky," puri ni Almira
"Kasing cute ko," hirit ni Allison."Yuck," si Kio."Miryenda time!" Lumabas si Anton dala ang isang pitsel ng juice, pandesal at pancit canton. Nag-unahan ang tatlo sa miryenda pagkababa ni Anton sa mga ito.Nagulat pa si Anton dahil sa inasta ng tatlo pero kalaunan ay natawa na lamang."Sya nga pala, Sky. Bakit ayaw mong malaman ni Zack kung saan ka nakatira?" curious na tanong ni Allison."Hindi ba napag-usapan na natin 'to?""Oo pero paano kung tignan ni Zack 'yong files mo sa school. Eh di malalaman din nya kahit na hindi namin sabihin," wika naman ni Almira."Ibang address ang inilagay ko.""What?! Pwede ba 'yon?" Naibuga ni Kio ang iniinom nya samantalang ang dalawang babae ay inubo."Of course! Magaling ako, eh. Ako na ang bahalang sumagot sa katanungan nya, ang gawin nyo na lang tatlo ay manahimik.""O-okay. NakakatakAfter I did my usual routine, pumasok na kaagad ako. Napansin ko ang grupo ni Jamie pagpasok ko sa room. Nagkatinginan kami ngunit agad din syang nag-iwas ng tingin. Bakit kaya ngayon lang pumasok ang tatlong 'to? Anong nangyari sa kanila? Ang natatandaan ko kasi pagkatapos nang ginawa nila sa akin ay hindi na sila pumasok. Nalaman kaya ng Dean iyon? Maganda rin pa lang nangyari iyon dahil kahit paano ay nagtino sila. "Sky my friend! Come here, hurry." Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagsasalita ni Atasha. Napalingon sila Jamie sa kanya, pagkatapos ay sa akin. "Kailan pa sila naging magkaibigan?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ng karamihan. Oo nga, kailan pa kami naging magkaibigan? Ang alam ko ayaw nya sa akin? Kahit close na kami ay hindi nya pa rin ako tinuturing na kaibigan, anong nangyari ngayon? May nakain siguro syang panis na pagkain. Lumapit ako sa kanya na nagtataka. "How are you? Kumusta na ang sugat mo? You know what? I'm so
"Let's go," aniya habang naglalakad palapit sa akin. Sa ikalawang palapag naman pala kami magsa-sanay. Bumaba pa sya para puntahan ako. Hindi pa lang nya ako sinigawan para ako na lang ang magpunta sa itaas. "Hindi ka nalulungkot dito?" I asked out of nowhere. Siguro ay para na rin may mapag-usapan kami. "Nope, sanay na ako." Tumango ako. "Isa siguro sa dahilan kaya hindi ka pala-salita ay dahil wala kang nakaka-usap dito." "Maybe." Kibit balikat na sagot nya. Lumiko kami sa kaliwang pasilyo at doon ay mapapansin ang nag-iisang pintuan. "Napansin ko... wala kang picture kasama ang parents mo. Maging sila ay hindi wala ring litrato." Napansin kong natigilan sya. Nanliit ang mata ko dahil alam ko sa sarili kong may iba iyong ibig-sabihin. Bakit nga ba? kahit maliit ang tyansa na ikwento sa akin ni Zack ay nagbaka sakali pa rin akong sasagutin nya. "Maliit pa lang ako noong mamatay sila." He
Plano ko sanang kumain nang tahimik ngunit masyadong madaldal ang matanda. Marami syang tanong at naghihintay ng kasagutan. Hindi ko naman pwedeng hindi sagutin dahil iba ang iisipin nila sakin. Isa pa, pinagmamasdan ako ng tauhan nya which is 'yong kanang kamay nya. "What is your family name, hija?" tanong ng matanda. "Naggaling po ako sa Perez family." Kalmado kong sagot. Bahagya kong nakita ang panliliit ng mata nya at pagtagilid ng kanyang ulo. "Your family name is not familiar. Pero 'yang muka mo ay pamilyar sa akin." Nakangiti nyang sabi habang pinagmamasdan pa rin ako. "You resembles someone whom I really know," he added, I even saw the glint in his eyes. Nalukot ko ang pantalon sa ilalim ng lamesa. Kahit hindi nya diretsong sabihin, I know it's my mom. "Marami nga rin po ang nagsasabi nyan," tanging nasabi ko na lamang habang pinapanatili ang ngiti sa labi. Napansin ko ang pagtitig ni Zack sa akin. Mukang napansin n
Nakaramdam ako kahit paano ng awa sa kanya."It's okay, you're gonna be alright," I comforted her and hug her tightly so that she feel na nandito lang ako para sa kanya. Sasabihin ko na sana sa kanyang bumalik na kami sa taas nang may humila sa kanya palayo sa akin. "Ohh, are you guys in a relationship?" The guy mocked as he eyed me from head to toe. Disgusting asshole. "You can take care of her, akin ang isang 'to," narinig ko pang sabi nya. Naramdaman ko mula sa likuran ang hawak ng lalaki sa braso ko. At dahil lasing si Tash ay hindi sya makawala sa pagkakahawak ng lalaki kahit anong palag ang gawin nya. I gritted my teeth. "Hey, let go of my friend while I'm still being nice," nakangiti kong sabi habang matalas ang tingin sa kanya. "I don't want to. Pakakawalan ko naman sya kapag nagsawa na ako." Ngumisi ang lalaki which is hindi ko nagustuhan. I shut my eyes tightly and seconds later, I twi
Miracle’s POV Pilit kong sinisilip ang mga taong armado na nasa loob ng aking kwarto mula sa pagkakatago ko sa madilim na closet. Hindi ko pa rin lubusang maintindihan ang mga nangyayari. Kanina lamang ay nagi-impake kami ni Mommy ng gamit ko dahil dadalhin daw nila ako sa probinsya kung saan nakatira ang iba naming kamag-anak. Hindi ako pumayag dahil bukod sa ayaw ko, hindi rin sila kasama pag-alis ko. Maingat naman nilang ipinaliwanag ang katanungang bumabagabag sa akin. Delikado na makasama ko sila dahil nagiging mapanganib na ang trabahong ginagawa nila. Nasa kalagitnaan pa lang sila kanina ng pagi-impake at ng pag-iyak ko nang bigla na lang may kumalabog sa ibaba dahilan para matigilan sila. Gayundin ako. Hindi ko na nagawang sundan ang kanilang pinag-uusapan. Tangi ko na lang naintindihan ay ang pang-huling salitang binitiwan ni Daddy. “They're here.” Abala na si Mommy sa mga gadgets. Samantalang si Daddy ay may kausap na
“Mommy! Daddy!” Napabangon ako mula sa kamang kinahihigaan ko nang mapanaginipan na naman ang malagim na nangyari sa magulang ko sampung taon na ang nakakaraan.Tagaktak ang pawis ko nang punasan ito, halos habulin ko rin ang hininga ko.“Tubig.” Inabutan ako ng tubig ni Alfredo.Ganito palagi ang ginagawa nya tuwing gumigising ako sa masamang panaginip na hanggang ngayon ay gumagambala pa rin sa akin. Kinuha ko ang baso mula sa kamay nya at tuloy tuloy na ininom. Ibinigay ko sa kanya ang wala ng lamang baso.“Salamat, naabala ko na naman tuloy ang tulog mo.” Iniwas ko ang paningin at tumayo na mula sa pagkakahiga. Tinignan ko ang oras sa relo na bigay sa akin ng magulang ko, alas tres pa lang ng madaling araw.Hindi na muli akong nakakatulog kapag ganitong nagigising ako mula sa bangungot na 'yon. Minamabuti kong mag ensayo na lang kaysa tumunganga. Ganito na ang gawain ko simula pa noon.
“Ilagay mo lahat ng pera dito, bilisan mo!”Walang ibang tao ang 7/11 kaya hindi makahingi ng tulong si Ate na nasa counter, at kung may tao man ay malabo rin syang matulungan dahil gigil na nakatutok ang baril ng lalaki sa kanya.Halata sa lalaki na sinumang hahadlang sa gusto nyang mangyari ay papuputukan nya ng walang pagdadalawang isip.“Opo.” Nanginginig na kinuha ng babae ang bag na inaabot ng lalaking may bitbit na baril.Mula dito sa glass door ay nakahalukipkip ako habang pinag-mamasdan sila.“Bilis!” Inip na sigaw ng lalaki sa kanya. Halos mapatalon sa gulat ang babae dahil sa takot.Nagtama ang paningin namin ng lalaki nang ilibot nito ang paningin.“Ikaw! Ano'ng tinitingin-tingin mo dyan?” Maangas nyang tanong sa tonong nangsisindak.“Masama ba?” Inosenteng tanong ko pabalik.Nakita ko ang pagrehist
“Talaga? Sa university ka na namin mag-aaral?” hindi makapaniwalang tanong ni Almira at Allison. Nagsabay pa sila sa pagsasalita.Mag-uumpisa na ang misyon ko pagtapak ko sa unibersidad na pinapasukan ng apo ni Don Alejandro, which is doon din nag-aaral ang tatlong baliw na 'to.Sa makalawa ay tuluyan na akong lilipat doon dahil inaasikaso pa lang ang mga kakailanganin ko para makapasok sa pribadong paaralang iyon. Ito na talaga ang plano namin ni Alfredo simula pa lang. Ang mapalapit sa apo ng kalaban para mas mapadali namin ang plano.Tumango ako sa tanong ng kambal, excited silang nagtatalon sa tuwa. Nandito kami ngayon nakatambay sa malawak na bakuran ng bahay namin ni Alfredo. Katatapos ko lang mag-ensayo nang dumating sila rito para na naman manggulo.“Halla, omo! Kailan ka papasok?” nagningning sa tuwa ang mata ni Allison.“Siguro sa lunes na rin, inaasikaso ko pa ang pagkuha ng kak