“Ilagay mo lahat ng pera dito, bilisan mo!”
Walang ibang tao ang 7/11 kaya hindi makahingi ng tulong si Ate na nasa counter, at kung may tao man ay malabo rin syang matulungan dahil gigil na nakatutok ang baril ng lalaki sa kanya.
Halata sa lalaki na sinumang hahadlang sa gusto nyang mangyari ay papuputukan nya ng walang pagdadalawang isip.“Opo.” Nanginginig na kinuha ng babae ang bag na inaabot ng lalaking may bitbit na baril.
Mula dito sa glass door ay nakahalukipkip ako habang pinag-mamasdan sila.
“Bilis!” Inip na sigaw ng lalaki sa kanya. Halos mapatalon sa gulat ang babae dahil sa takot.
Nagtama ang paningin namin ng lalaki nang ilibot nito ang paningin.
“Ikaw! Ano'ng tinitingin-tingin mo dyan?” Maangas nyang tanong sa tonong nangsisindak.
“Masama ba?” Inosenteng tanong ko pabalik.
Nakita ko ang pagrehistro ng galit sa kaniyang muka. Tinutok nya ang baril sa pwesto ko 'di kalayuan sa kanya.
“Gusto mo bang pasabugin ko 'yang bungo mo? Umalis ka rito kung ayaw mong mamatay ng maaga!” sumisigaw na utos nya habang pinanlalakihan ako ng mata. Kulang na lang ay maglabasan ang kanyang ugat sa ulo at leeg.
Bahagya akong natawa sa sinabi nya.
“Putris! Pinagtatawanan mo ba ako?!” Malakas nyang inihampas ang kanyang kaliwang kamay sa counter.
Napatalon sa gulat si Ate na naglalagay ng pera sa bag.
“Ganyan ka ba trumato ng mga babae manong? Napaka gentleman!” sarcastic kong sabi at bahagya pang napapalakpak.
Nagsalubong ang kilay nya. Nasobrahan sa sama ang timpla ng muka nya. Walang pag-aalinlangan nitong kinalabit ang gatilyo ng baril at pinaputok sa glass door, nakalikha iyon ng ingay.
Tumili ang babae at napaiyak na sa labis na takot. Tinignan ko ang glass door na ngayon ay may maliit nang bilog na butas galing sa bala ng baril.
“Woah! Easy manong.” Natatawa kong baling sa kanya.
Marahas nyang hinablot ang bag na inaabot ni Ate counter sa kanya, nandon na ang mga pera. Galit na galit syang lumapit sa akin at itinutok sa noo ko ang baril.
“Ikaw putang ina ka! Pakialamera-” Hindi pa man din sya natatapos sa pagsasalita ay mabilis ko nang naagaw ang baril sa kanya. Nasa ere pa rin ang kamay nya at gulat na gulat sa ginawa ko.
“P-pano-” Ngumisi ako at sa kanya naman itinutok ang baril.
“Ano nga 'yong sinasabi mo?” Natatawa kong tanong, nang-iinis.
Binaling ko ang mata ko kay Ate na nasa counter. “Ate tumawag ka na ng pulis,” utos ko rito.
Tumango ito at nagmadaling nagdial. binalingan ko ulit ng tingin si manong. Sinubukan nyang agawin sa kamay ko ang baril at dahil mabait ako ay pinagbigyan ko na.
Ngiting tagumpay sya nang makuha nya ito mula sa kamay ko.
“Ano ngayon bata?” Ngiting demonyo ang pinakawalan nito.
Nasabi ko bang kanina ko pa natanggal ang mask nya nang hindi nya namamalayan?
“H-hello, Police station?”
“Isang salita pa, basag 'yang bungo mo.” Banta ni manong.
“Magsalita ka,” utos ko sa kanya na walang pag-aalinlangan nyang sinunod.
“Aba't!” Muli nyang kinalabit ang gatilyo ng baril pero walang nangyari, inulit nya pa pero walang lumabas na bala.
Tumingin sya sa akin ng nakakunot ang noo, nagtataka.Hanggang sa may marealize sya at tinignan ang parte kung saan nakalagay ang magazine na pinaglalagyanan ng bala.
Nanlalaki ang mata nya nang itinaas ko ang magazine ng baril, ngumiti ako ng malapad. Ngayon, sino ang mas mautak?
Hirap syang napalunok at akmang tatakbo na palabas nang sikuhin ko sya sa batok. Nainis pa ako dahil ang hina lang non pero knock out agad sya, tsk! Ni hindi man lang ako pinagpawisan.
Nahagip ng paningin ko ang dalawang kambal at si instik na papalapit dito sa 7/11 nang kunin ko ang bag, malamang nakarinig sila ng putok ng baril. Alam na siguro nila ang nangyari. Pero duda pa rin ako dahil slow sila.Tapos nang makipag usap sa pulis si Ate at sinabi nya'y parating na raw ang mga ito. Binigay ko ang bag sa kanya, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sya.
“Salamat talaga!” Tuyo na ang luha sa pisngi nya tanda na katatapos lang nya sa pag iyak.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Bumukas ang glass door at iniluwa nito ang tatlong kasama ko.
“Halla! Ano'ng nangyari?” Pa-hysterical na tanong ni Almira.
Sabi ko na nga ba. Napatampal na lang ako sa noo.
“OMO! okay ka lang ba Sky? May masakit ba sa 'yo? May tama ka ba ng baril?” O.a na tanong ni Allison at inexamine pa ang katawan ko.
“Ikaw kita tumba lalaki 'di ba? Sky okay, eto lalaki hindi.” Pabalang na sagot ni Kio sa kanya, inirapan nya lang ito.
“Si Sky pa ba? Ang galing galing kaya nya!” masiglang sabi ni Almira.
“What to do? Tumawag na tayo ng pulis!” Sinimulan ni Allison ang pagdidial.“Okay na, nakatawag na si Ate.”
“Hintayin na lang natin na dumating, baka magising 'tong hunghang na lalaking 'to,” sabi ko.
Ilang minuto lang kaming naghintay dahil dumating kaagad ang mga pulis. Si Ate ang sumagot sa halos lahat ng tanong nila kaya nakaalis agad kami, binigay ko lang ang magazine ng baril at tumuloy na kami sa bahay.
Alas seis y media na pala, sumikat na ang araw. Buti na lang ay naka-uwi na kami.“Grabe! Nakakapagod talaga!” Reklamo ni Almira.
“Oo nga eh, at nakakagutom pa.” Dugtong ni Allison.
Lumabas si Alfredo galing sa pinto ng bahay, naabutan nyang nakahiga sa bermuda ang tatlo habang ako ay nakaupo naman.
“Ano'ng ulam nyo, 'Tay?” Biglang tanong ni Allison, natawa si Alfredo.
Sanay na ako sa kanila, mga matatakaw. Dito sila minsan kumakain kapag tinatamad na silang umuwi sa kani-kanilang bahay.
“Tuyo at itlog,” ani Alfredo.
Agad nagsibangunan ang tatlong halimaw sa pagkain at nagtatakbo papasok sa loob ng bahay. Sabi nila ay paborito na raw nila 'yong ulamin simula nang makatikim sila. Kahit alam ko namang lahat ay paborito nila.“Kumain na muna tayo,” sabi ni Alfredo kaya tumayo na rin ako at sabay na kaming pumasok sa bahay.
“Dahan dahan.” Natatawang pigil ni Alfredo sa tatlo nang makitang halos punong puno na ng pagkain ang mga bibig nila, pero kahit ganoon ay subo pa rin sila ng subo.
“Grabe! Sa tanang buhay ko hindi ko pa naranasang maging halimaw ng ganito,” umiiling na sabi ko.
“Sure kayo? laki talaga kayo sa yaman?” Natatawang tanong ko pa.
Nilunok muna ni Allison ang nginunguya nya bago sumagot ng natatawa. “Oo naman!”
“Nahurt ako sa tanong mo Sky ah,” pabirong sabi ni Almira.
Umiling na lang ako at sumubo ulit. Kapag kumakain kami ng sama-sama dito sa bahay ay palihim ko na lang silang tinatawanan. Paano ba naman kasi, mala-halimaw ngang kumain si Kio pero sosyal, naka chopsticks nyang isinubo ang kalahating tuyo, habang ang dalawang kambal ay naka kutsara at tinidor. Kaming dalawa ni Alfredo ay naka kamay. Sabi nila ay hindi sila marunong magkamay kaya kami na ang magpasensya.
Sabay naming inilabas ni Alfredo ang kanina pa naming pinipigilang tawa. Halos mabilaukan na kasi kami dahil sa pagpipigil kaya minabuti naming ilabas na.
“Bakit kayo tawa?” Kunot noong tanong ni Kio.
Parehas kaming umiling-iling ni Alfredo at nagwagayway ng kamay, meaning ‘wag nila kaming pansinin at ipagpatuloy lang nila ang pagkain.
“Nakuu! Hayaan mo sila, tinatawanan na naman tayo.” Irap ni Almira at pinagpatuloy ang pagkain.
Seryoso ko silang tinuturuan ngayon, hindi ako ngumingiti at hindi ako nagpapakita ng awa. Pinapanood lang kami ni Alfredo habang may hithit na sigarilyo at tumutungga ng beer. Naka-upo sya sa gilid ng pintuan.
Matapos naming kumain kanina ay saglit lang kaming nagpahinga dahil magpapatuloy na kami sa pag-eensayo. Hindi ko na sila pinagpalit dahil pagpapawisan naman ulit sila at ganon din ako para patas kaming apat.
“Kio, 10 push ups, Now!” ma-awtoridad kong utos.
Walang imik nya itong sinunod dahil alam nyang kapag nagreklamo sya ay dadagdagan ko pa ng sampo.
Kanina pa sila hinang-hina dahil sa mga inu-utos at pina-gagawa ko. Ganon talaga dahil parte ito lahat ng training. Nakalagay ang dalawa kong kamay sa aking likod habang naglalakad-lakad at pinag mamasdan ang kanilang ginagawa. Kung may mali ba at kung may kulang sa itinuro ko.
Ilang oras na kaming paulit-ulit sa mga ginagawa at tingin ko naman ay nakukuha na nila ang iba, konting training pa at makukuha na rin nila ang lahat ng mga itinuturo ko. Ito lang pala ang makakapag pahusay sa kanila, ang pagiging istrikto sa pagtuturo tulad ng ginawa ni Alfredo sa akin dati habang sinasanay ako.
Hinihingal sila nang matapos ang mga pinagawa ko, napahiga silang tatlo sa bermuda.
“Now.” Tumapat ako sa kanila at tinignan sila isa isa.
“Allison, Fight me. Ngayon mo i-apply ang lahat ng natutunan mo sa akin.” Blangko ang mukang pinakawalan ko habang nakatitig sa kanya.
Tumayo sya at sinunod ang utos ko. Agad nyang pinuwesto ang kanyang sarili. Kalmado lang ang muka ko habang naghihintay ng kanyang atake. Both of her fists are hardly balled. Sumugod sya at ginawa ang lahat ng itinuro ko, puro ilag lang ang ginawa ko hanggang sa patigilin ko na sya.
“Good job,” nakangiti kong sabi.
Konting ensayo pa at mas gagaling din sila.
“Talaga? Sa university ka na namin mag-aaral?” hindi makapaniwalang tanong ni Almira at Allison. Nagsabay pa sila sa pagsasalita.Mag-uumpisa na ang misyon ko pagtapak ko sa unibersidad na pinapasukan ng apo ni Don Alejandro, which is doon din nag-aaral ang tatlong baliw na 'to.Sa makalawa ay tuluyan na akong lilipat doon dahil inaasikaso pa lang ang mga kakailanganin ko para makapasok sa pribadong paaralang iyon. Ito na talaga ang plano namin ni Alfredo simula pa lang. Ang mapalapit sa apo ng kalaban para mas mapadali namin ang plano.Tumango ako sa tanong ng kambal, excited silang nagtatalon sa tuwa. Nandito kami ngayon nakatambay sa malawak na bakuran ng bahay namin ni Alfredo. Katatapos ko lang mag-ensayo nang dumating sila rito para na naman manggulo.“Halla, omo! Kailan ka papasok?” nagningning sa tuwa ang mata ni Allison.“Siguro sa lunes na rin, inaasikaso ko pa ang pagkuha ng kak
Katatapos lang namin kumain ng hapunan ni Alfredo at napagkasunduan naming iimpake na ang mga gamit ko. Ako ang nagtutupi at sya ang tiga-lagay sa maleta. Pinabaunan nya rin ako ng isang beretta M9 at tactical knife in case na kailanganin ko. Dinala ko rin ang laptop na binili at inayos nya para ma-trace ko kung nasaan sya, ganon din ang gagawin ko kung sakaling mapalapit na ang loob ng apo ni Don Alejandro sa akin, malalaman ko kung saan ito naglalagi at kung ano ang mga pinagkaka-abalahan. Kung sumasama ba sya sa kanyang Lolo upang suriin sa mga pabrika ang mga ginagawa nitong droga.Isang malaking maleta ang dala ko at backpack.“Mukang handang handa ka na.” Ngumisi si Alfredo.“Sobra.” Bahagya akong natawa.“Alam kong buong-buo ang loob mo, pero alam ko ring hindi mo nakakalimutan na hindi basta-bastang kalaban si Don Alejandro.” Nawala ang ngisi nito at sumeryoso an
“Salamat.” Natapos na ako sa mga papel na ni-fillup-an ko. Successfully enrolled na rin ako at ang mas masaya pa roon ay parehas ang schedule namin ni Zack Salvador.Mahabang pilitan pa ang naganap sa pagitan ko at sa registrar dahil ayaw ako nitong payagan na mapunta ako sa dash-1 kung saan naroon ang apo ni Don Alejandro.Mabuti na lang ay hindi sumama sa akin ang tatlo dahil nakita nila ang kanilang kaibigan dito.Sinabi ko kasi ang nakakasukang dahilan ko sa registrar kung bakit gustong gusto ko roon. Sabi ko lang naman ay crush na crush ko si Zack Salvador kaya gustong gusto ko syang kaklase sa lahat ng subject, para inspirado ako sa pagpasok palagi. Sinuhulan ko pa nga para lang tuluyan nang pumayag ang matanda, dinagdagan ko ang bayad ng tuition ko para roon.“Okay na, salamat sa paghihintay.” Syempre ngiting tagumpay ako nang makalapit sa kanilang tatlo.&ld
Saktong alas dose ng tanghali ay natapos ang klase namin. Isinukbit ko ang aking bag sa balikat at nagtipa ng mensahe sa tatlo kong kaibigan.Tinanong ko kung saan sila, agad naman ang reply at sinabing nasa cafeteria 1 na at hinihintay na lang ako. Ibinulsa ko ang cellphone para tumayo na.“Hi, may kasama kang magla-lunch?” Hindi ko gusto ang ngising ipinakita sa akin ng tatlong babae sa harap ko. Muka na ngang hindi friendly, hindi pa katiwa-tiwala ang pagmumuka nila. Galit na galit ang pulang lipstick sa kanilang mga labi.Kumapit ako sa strap ng bag ko.“Uh, meron,” Mahinhin at nahihiya kong tugon. Sabi ni Alfredo ay magaling ako sa pag-arte, kung mag-aartista raw ako ay tiyak na pasok agad. Kaya nga iyon ang ina-apply ko ngayon dito.Kita ko ang pasimpleng pag-irap sa akin ng isa nyang kasama, 'yung isa naman ay halatang napaka arte.Nakalabas na sila Zack at Atasha, iilan na l
“Seth!” Zack voice roared like a thunder.“Gotta go, see you around!” Kumindat ito bago umalis.What was that for? Geez! I guess that's enough for today, napag pasiyahan kong umuwi na dahil ayos na 'yung nakita ako ni Zack at nakapag papansin ng konti.Saktong tumunog ang phone ko, tumatawag si Allison. Walang pagdadalawang isip kong sinagot.“Hello?”“Sky! Nasan ka? Kainis! Kailangan mong magpakita agad sa amin, bruha ka! Dapat kang magpaliwanag.”“Ano bang sinasabi mo?” Kumunot ang noo ko dahil parang nagtatampo ang boses nya. Para akong may itinagong sikreto na hindi agad nasabi sa kanila.“We're here na sa gate, hihintayin ka namin dito.”'Yun lang at pinatay na nito ang tawag, nasisiraan na naman yata ng ulo 'yun. Tsk!“Bak
"Allison, doon na lang kaya tayo maupo?" nakangiti kong sabi sa kanila habang bitbit namin ang mga tray ng pagkain.Itinuro ko gamit ng bibig ang bakanteng upuan malapit sa tabi nila Zack. Kailangan ko pang makahagilap ng impormasyon tungkol sa napag usapan nila kanina."Sige," payag na sabi nila, palibhasa ay nakita nilang malapit lang 'yon kila Zack.Palihim akong ngumisi. Sa loob ko ay gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Naunang umupo sila Abby kasama si Kio, sumunod naman ako kasama si Allison at Almira.Habang kumakain ay naka focus ang pandinig ko sa pinag-uusapan nila Atasha at Zack. Nakabaling naman ang mga mata ko sa mga kaibigan kong nag-uusap para hindi mahalata."Yow!" Hindi ko maalala kung kaninong boses ang bigla na lang sumingit sa usapan nila Zack."Hey, Seth! Zack will go." May halong excitement sa boses ni Atasha."Alam ko namang hindi 'yan tatanggi lalo pa't kasama ka," sabi n
"Hi! Can I sit here?" Nakangisi kong tanong sa mga babae."Yeah! Sure, sure." Inalalayan nila akong umupo sa tabi nila.Sanay ako sa iba't ibang bar dahil madalas na pinupuntahan namin na trabaho ni Alfredo ay sa mga ganito. Kadalasan kasi ay sa mga ganito ginaganap ng mga mayayamang negosyante ang ilegal na negosyo.Humagikgik ang mga babae at tumabi sa akin. Hinaplos ng isa ang hita ko at idiniin ang dibdib sa braso ko.Anak ng...Halos manginig ako sa pandidiri dahil sa ginagawa nya. Ano ba naman 'tong pinasok ko? Tsk!"Sayaw tayo." Tumayo ang isang babae at ganon din ang ginawa ng isa. Kinuha ang kamay ko at pilit akong hinihila patayo."Later," sabi ko. Ngumuso sila at umalis papuntang dance floor.Ngayon ay itong isa na lang babae ang problema ko. Bumulong sya sa tenga ko."What's your name, handsome?" malambing nyang sabi habang itinataas baba ang kanyang kamay
Nagpababa ako sa nadaanan naming karinderya. Nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom, hindi ko na pinababa ang sarili ko sa apartment na tinutuluyan ko dahil wala pa naman akong stocks ng pagkain don para ipagluto ang sarili ko.Nagbayad ako bago bumaba. Mabuti ay may bukas pang karinderya ng mga ganitong oras.Um-order ako ng dalawang magkaibang pares na ulam at tatlong kanin."Ate, pakidamihan po ng sabaw." Umupo ako sa dulong bahagi at hinawakan ang ulo kong kung pumintig ay akala mo sasabog na. Good thing hindi ako nagsu-suka kapag nakakainom.Kinuha ko ang phone ko habang naghihintay ng order. Tinext ko si Alfredo tungkol doon sa impormasyong nalaman ko. Hindi iyon masyadong makakatulong pero ayos na rin kahit papano. Ang kailangan ko kasing impormasyon ay detalyado at 'yung makakatulong sa plano namin ni Alfredo, hindi iyong ganon lang. Oo nga't nasa labas sya ng bansa, ang tanong... Ano ang ginagawa n