"Allison, doon na lang kaya tayo maupo?" nakangiti kong sabi sa kanila habang bitbit namin ang mga tray ng pagkain.
Itinuro ko gamit ng bibig ang bakanteng upuan malapit sa tabi nila Zack. Kailangan ko pang makahagilap ng impormasyon tungkol sa napag usapan nila kanina.
"Sige," payag na sabi nila, palibhasa ay nakita nilang malapit lang 'yon kila Zack.
Palihim akong ngumisi. Sa loob ko ay gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Naunang umupo sila Abby kasama si Kio, sumunod naman ako kasama si Allison at Almira.
Habang kumakain ay naka focus ang pandinig ko sa pinag-uusapan nila Atasha at Zack. Nakabaling naman ang mga mata ko sa mga kaibigan kong nag-uusap para hindi mahalata.
"Yow!" Hindi ko maalala kung kaninong boses ang bigla na lang sumingit sa usapan nila Zack.
"Hey, Seth! Zack will go." May halong excitement sa boses ni Atasha.
"Alam ko namang hindi 'yan tatanggi lalo pa't kasama ka," sabi ni Seth.
"Yeah, right." Sagot ni Atasha
So sya 'yung kahapon? 'Yung nakatama sa akin ng bola. Wait, may namamagitan ba kay Atasha at Zack? Ang sabi kasi sa info ay magkaibigan lang sila?
Palihim akong tumingin sa gawi nila nang makahanap ng tiyempo dahil palagi akong pinapasang ayon ni Allison sa mga sinasabi nya.
Halos tumalon ako sa upuan ko nang makitang nakatitig na agad sa akin ang brown na mga mata ni Zack. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko iyon inaasahan. Inilihis ko kaagad ang paningin ko at ibinalik ang atensyon kila Allison.
"Oh? Anyari sa 'yo 'teh? Para kang tinakasan ng dugo," natatawang sabi ni Allison sa tabi ko.
"Nakakita ako ng multo eh," nasabi ko na lang.
"Ha? 'Di nga?" Naniwala si Almira sa sinabi ko.
Napatampal na lang ako sa noo.
Pero peste! Palihim na nga lang akong sumilip ng tingin ay nakita nya pa rin? Ano kaya ang iniisip nya ngayon? Hindi ko alam pero unti-unti akong tinablan ng hiya na dapat ay hindi ko naman sana nararamdaman.
Natapos na rin kaming kumain ngunit hindi ko pa rin nalalaman kung saan sila pupunta. Wala na akong ibang choice kundi ang lagyan ng tracing device si Atasha. Habang nagkaklase ay humahanap ako ng tiyempo para kausapin si Atasha at palihim na ilagay sa kanya ang maliit na tracing device.
"Atasha." Banggit ko sa pangalan nya.
"‘Wag mo nga akong kausapin," mariin nyang sabi sa akin na may kasama pang sama ng tingin.
Halatang iritado kaagad sya.
"Okay, si Zack na lang ang kakausapin ko." Kaagad nya akong binalingan ng masamang tingin.
"What is it?" Iritado nyang sambit.
"Pwede mo bang ituro sa akin 'to? Hindi ko kasi magets eh." Kumamot ako kunwari sa ulo ko para mas effective ang pag arte ko.
"God! You're so stupid." Napangiti ako nang lumapit sya sa upuan ko para ituro ang isang subject na hindi ko kuno makuha.
Habang nagsasalita sya ay umupo naman ako ng tuwid at mariing hinawakan ang maliit na device. Ilalagay ko na sana sa kanyang likuran para idikit sa kanyang damit ay natigilan sa ere ang kamay ko dahil napatingin si Zack sa mata ko, sumunod ay sa kamay ko.
Nanatiling inosente ang muka ko nang magpanggap akong pinunasan lang ang damit ni Atasha.
"Madumi," sabi ko nang iritableng napatingin si Atasha sa ginawa ko.
Ibinaba ko ang kamay ko. Napatingin akong muli kay Zack na ngayon ay nakakunot na ang noong nakatingin sa harap. Bakit parang ang lakas naman yata ng pakiramdam ng isang ito? Pansin ko ay lagi syang nakamasid sa lahat ng galaw at ginagawa ko.
"Nakikinig ka ba?" Iritableng tanong ni Atasha.
"Ah, oo! hehe sorry," wika ko at nagpeace sign.
Inirapan nya lang ako at ipinagpatuloy ang paliwanag. Nang matapos sya ay ngumiti ako sa kanya ng malapad nagkunwaring sobra akong natuwa sa kanyang ginawa kaya niyakap ko sya at tinap ang likuran nya.
Ngayon ay prente nang nakadikit ang tracing device ko sa kanyang likurang damit.
"Sinabi ko bang yakapin mo ako?" Iritableng iritable ang muka nya.
"Ay, bawal ba?" inosenteng tanong ko.
Siguro naman ay hindi napansin ni Zack ang ginawa ko. Nang tignan ko naman sya ay ganon pa rin ang emosyon at hindi nagbago. Kunot noo pa rin syang nakatingin sa nagdidiscuss na prof sa harapan.
Lumapad ang ngiti ko dahil tagumpay ang ginawa ko.
Nang mag-uwian ay nagpaalam na kaagad ako sa tatlong slow na kaibigan ko. Bumenta naman ang palusot ko dahil pinaniwalaan agad nila ako. Sinabi ko kasing dadalaw si Alfredo kaya hindi na muna ako makakasama sa kanila.
Tinignan ko ang phone ko na nakakonekta sa tracing device na inilagay ko sa likod ng damit ni Atasha. Nasa school pa sya. Sinulit ko ang pagkakataong iyon para makapag palit ng damit sa apartment. Sabi ko na nga ba't kakailanganin ko ang motor ko.
Tinawagan ko si Alfredo na kapag dinalaw nya ako ay gamitin nya ang motor ko papunta sa apartment dahil kailangan ko iyon para sa misyon ko. Sinabi ko rin ang plano ngayon at nagpaalala syang mag iingat ako. Nagpresinta pa sya na sumama pero tumanggi ako dahil may trabaho rin syang inaasikaso ngayon.
Nagsoot ako ng itim na v-neck shirt na pinatungan ko ng itim na leather jacket, ganoon din ang suot kong jeans at itim na rubber shoes. Itinali ko ang buhok ko at siniguradong walang takas na buhok. Nagsuot ako ng itim na ball cap at salamin. Pati ang pekeng mustache ay kinareer ko na. Maging totoong lalaki lang ako sa paningin ng lahat.
Lumabas ako mula sa apartment nang handa. Tinignan ko ang phone ko, paalis na si Atasha sa university.
Dali akong pumara ng taxi upang masundan si Atasha. Alam kong pupunta pa sya sa bahay nila para makapag palit ng damit. Ibig sabihin ay hindi ko na sya mate-trace kapag naka-uwi sya ng bahay nila. Kaya ko lang naman ginawa iyon ay para malaman ang bahay nila at para paglabas nya ay susundan ko na lang ang pupuntahan nila kahit hindi ko na kailanganin ang tracing device upang matunton kung saan sila.
Huminto ang kotse nya sa isang kilalang Village at pumasok doon. Pinahinto ko ang taxi sa labas ng at naghintay sa muling paglabas nya.
Ilang oras pa ay may dumaan din na kotse at pumasok sa Village kung saan pumasok ang kotse ni Atasha. Nanliit ang mata ko nang makilala ang itim na BMW. Sino kaya ang tarantadong driver noon?
Tinignan ko ang phone ko at nakitang naka stay na lang ang tracing device sa isang tabi. Siguro ay nakapagpalit na ng damit si Atasha. Padilim na rin ay wala pang kotseng lumalabas.
"Ser, dito na lang po ba tayo?" Tanong ni manong driver.
"Teka po manong-" Nanlaki ang mata naming dalawa ni manong nang magboses babae ako kaya agad akong tumikhim upang panatilihing malaki at malalim ang boses ko.
"Sandali na lang po iyon," sabi ko na tinanguan nya naman.
Maya-maya pa'y may nakita na akong umilaw at palabas na kotse. Umupo ako ng tuwid at sinabihan si manong na maghanda na rin.
Napansin kong isang kotse lang ang lumabas at iyon ang itim na BMW. Kumunot ang noo ko nang tumunog ang phone ko.
How come? Nasa loob ng kotseng BMW ang tracing device na ginamit ko kay Atasha. Pero kanina lang ay steady na iyon at hindi na gumagalaw. Paano? Napakaliit noon at para lang isang langaw, imposibleng napansin nya iyon?
"Manong, 'yung itim na kotse na lang ang sundan natin," utos ko rito.
Hindi ko inaalis ang paningin sa itim na kotseng iyon. Maaring kaibigan sya o boyfriend ni Atasha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero 'yun ang aalamin ko.
Sakto lang ang patakbo ng kotse at may kutob akong alam ng driver na sumusunod ako. Hindi naman pwedeng mag iba kami ng daan dahil baka itapon na lang kung saan ang tracing device at hindi ko na sya matrace pa.
Huminto ang kotse sa isang kilalang bar. The fvck? Dito talaga? Sabagay ay ano nga ba ang ginagawa ng mga kabataan ngayon? Kundi ang mag bar.
Pinanatili ko ang malaking distansya ng taxi nang magparking ang itim na BMW.
"Dito na lang po manong, salamat." Nagbigay ako ng pambayad at dinagdagan ko pa dahil sa abala.
Lumabas ako ng taxi at pumamulsa sa isang banda. Hinintay kong lumabas ang taong nasa loob ng BMW.
Ganoon na lang ang pagkalaglag ng panga ko nang makilala kung sino. Si Zack?! Sumunod na lumabas si Atasha.
Kumunot ang noo ko. So sino sa kanilang dalawa ang may hawak ng tracing device? Kung si Zack ay malamang alam na kaagad nya kung ano ang pakay ko. Sa nakikita ko kasi ay hindi sya tatanga tanga. Malaki ang tsansa na mabisto nya kaagad ako.
Sumunod ako sa loob matapos kong makipag negosasyon sa nagbabantay na bouncer sa labas. Hinanap ko kung saan naka-upo sila Zack, at ayun sapul. Nandoon na rin ang iba pa nilang kaibigan, pero si Seth lang ang tangin kilala ko.
Cool akong naki table sa mga babaeng katabi ng table nila Zack.
"Hi! Can I sit here?" Nakangisi kong tanong sa mga babae."Yeah! Sure, sure." Inalalayan nila akong umupo sa tabi nila.Sanay ako sa iba't ibang bar dahil madalas na pinupuntahan namin na trabaho ni Alfredo ay sa mga ganito. Kadalasan kasi ay sa mga ganito ginaganap ng mga mayayamang negosyante ang ilegal na negosyo.Humagikgik ang mga babae at tumabi sa akin. Hinaplos ng isa ang hita ko at idiniin ang dibdib sa braso ko.Anak ng...Halos manginig ako sa pandidiri dahil sa ginagawa nya. Ano ba naman 'tong pinasok ko? Tsk!"Sayaw tayo." Tumayo ang isang babae at ganon din ang ginawa ng isa. Kinuha ang kamay ko at pilit akong hinihila patayo."Later," sabi ko. Ngumuso sila at umalis papuntang dance floor.Ngayon ay itong isa na lang babae ang problema ko. Bumulong sya sa tenga ko."What's your name, handsome?" malambing nyang sabi habang itinataas baba ang kanyang kamay
Nagpababa ako sa nadaanan naming karinderya. Nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom, hindi ko na pinababa ang sarili ko sa apartment na tinutuluyan ko dahil wala pa naman akong stocks ng pagkain don para ipagluto ang sarili ko.Nagbayad ako bago bumaba. Mabuti ay may bukas pang karinderya ng mga ganitong oras.Um-order ako ng dalawang magkaibang pares na ulam at tatlong kanin."Ate, pakidamihan po ng sabaw." Umupo ako sa dulong bahagi at hinawakan ang ulo kong kung pumintig ay akala mo sasabog na. Good thing hindi ako nagsu-suka kapag nakakainom.Kinuha ko ang phone ko habang naghihintay ng order. Tinext ko si Alfredo tungkol doon sa impormasyong nalaman ko. Hindi iyon masyadong makakatulong pero ayos na rin kahit papano. Ang kailangan ko kasing impormasyon ay detalyado at 'yung makakatulong sa plano namin ni Alfredo, hindi iyong ganon lang. Oo nga't nasa labas sya ng bansa, ang tanong... Ano ang ginagawa n
Kau-uwi ko lang matapos ang mga nangyari kanina sa daan. Binalaan ko na lang 'yung leader ng mga mukang adik na kapag nakita ko pa silang nananakot para bigyan sila ng pera ay hindi na ako magdadalawang isip na maghukay ng mga libingan nila.Sinabi nilang magbabago na raw sila. Umiyak pa nga ang loko at lumuhod luhod sa harap ko. Pati 'yung mga kasamahan nyang napahirapan ko kanina.Binigyan ko rin ng pera 'yung natanggalan ng ngipin para makapag papustiso sya. Naawa ako eh hehe.4th year high school pa lang sila at katabi nila ang university namin. Nag fe-feeling gangster daw para matakot ang mga estudyante sa kanila. Sa sobrang feeling nga nila ay nagmuka na silang jejemon.Dati raw kasi silang binu-bully kaya ganon ang ginawa nila. Nananakot sila ng iba para rin magka-pera.Kanya-kanyang diskarte nga naman sa buhay. 'Yun nga lang mali ang kanilang diskarte.Naligo muna ako at nag-shower bago kinuha ang phone
Nang payapa na ang utak ko ay saka lang ako nagmulat ng mga mata. Sya namang pagpasok ng kagabi pa bumabagabag sa utak ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa at tinignan ang location kung nasaan na ang tracking device.Kumunot ang noo ko nang nasa bahay ito nila Atasha. Hindi na ako nagdalawang isip na patayin ang device at hayaan na lang dahil hindi ko na iyon kakailanganin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtaka o hindi. Kaya mas minabuti kong hindi na muli pang pahanahin 'yung device."What's that?"Tumalon ang cellphone ko sa sahig dahil sa gulat nang bigla na lang may nagsalita. Nakipag agawan ako sa pagpulot ng phone ko dahil balak pulutin iyon ng lalaki. Hindi ko man lang ng ito pinadaplisan daliri nya. Sa sobrang busy ko yata kanina kaka-pindot ay hindi ko na napansin ang bulto nya.Tumingala ako upang makita ko kung sino."I'm sorry, nagulat ba kita?" Ilang ang ngiting ibini
Masaya akong pumasok sa next subject. Hinatid ulit ako ni Seth sa room at nagpaalam din sya sa aking papasok na rin.Habang nagka-klase ay panay ang ngiti ko. Halos hindi na yata natanggal ang ngiti sa labi ko hanggang sa matapos ang klase at mag tanghali na.Kanina pa inis sa akin si Atasha dahil sa weirdong ngiti na ipinapakita ko. Bawat tingin ko kasi sa kanila ay nakangiti ako o 'di kaya naman ay bumabati ako. Si Zack naman ay pinagtataasan lang ako ng kilay at sinusungitan ako gamit lang ang kanyang muka."Talaga? Friend mo na si Seth?" hindi makapaniwalang tanong ni Allison at ni Almira."Waaaahhh! Omo! Swerte mo Sky, pakilala mo kami." Binatukan agad ni Allison si Almira dahil sa sinabi."Boba! Anong ipakilala? Sila ba? Friend lang sila hindi magjowa." Irap ni Allison sa kapatid.Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina. Tuwang tuwa ang mga loka, sinabi nilang isa rin si Seth sa ultimate crush nil
Saktong paglabas ng tatlong lalaki sa mga lumang locker. Nakangisi silang lahat."Enjoy Sky!" Sigaw nila Jamie mula sa labas hanggang sa hindi ko na marinig ang mga boses nilang nakaka irita."Umpisahan mo na 'yung video brad," utos ng isang lalaki.Hindi ako umatras o natinag man lang nang mapwesto nila ang camera sa isang upuan.Agad nilang hinubad ang mga coat nila hanggang sa sandong puti na lang ang matira.Nag-umpisa na ako sa gagawin ko. Umatras ako at mabilis na nagtungo sa pintuan upang makahingi ng tulong."SETH!" Paulit ulit kong kinalabog ang pintuan kahit na alam kong malabo na may makarinig sa akin."Hawakan nyo bilis!" Agad sinunod ng dalawang lalaki ang inutos sa kanila.Magaling akong artista kaya walang pasubaling tumulo ang mga luha sa mata ko. Kaya kong pagmukhaing kawawa ang sarili ko sa harap nila para masabi nilang m
"Ano ang problema?" seryoso kong tanong sa kanya."Balak tayong abutan ng pera," sagot ni Alfredo."Naayos mo na ba ang lahat?"Ngumisi sya bilang tugon at sinabing, "Kailan ba tayo pumalpak?"Napangiti ako at kinuha sa kanya ang isa pang mataas na kalibre ng baril. Isinukbit ko ito sa balikat ko at nag umpisa na kaming tahakin ang masukal na daan papunta sa isang abandonadong warehouse."Kapag ibinigay na sa atin ang pera, umpisa na ng gyera," bulong ni Alfredo sakto lang para marinig ko."Parang baguhan lang ako kung payuhan mo ah?" Parehas kaming natawa sa sinabi ko."Pinapa-alala ko lang dahil baka nakalimutan mo na.""Kilala mo ako Alfredo, hindi ako nakakalimot." Ngumisi ako ng makahulugan."Haha oo nga pala." Umiling sya at natawa sa sarili.Wala kaming inaksayang oras. Tuloy tuloy kaming pumasok sa warehouse at matapang naming hinarap ang hindi nalalayo
Mulat ang mata ko hanggang sa sumikat ang araw. Hindi ko rin nagawang mag-ensayo dahil pakiramdam ko ay pagod ako. Minabuti kong maligo muna, pagkatapos ko ay bumaba na ako upang magluto ng almusal namin ni Alfredo.Nang matapos sa pagluluto ay tinawag ko na si Alfredo para makapag almusal na kami."Hindi ka nag ensayo?" paunang sabi nya bago humigop sa kanyang kape na tinimpla."Hindi," simpleng sagot ko. Ni hindi ako tumingin sa kanya at ramdam ko ang nanunuring titig nya."Himala." Natatawang komento nya.Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain."Sya nga pala, may darating akong bisita," wika nya sa kalagitnaan ng aming pagkain.Kunot noo akong tumingin sa kanya, nagtataka. Ngayon lang kasi ang unang beses na pumayag si Alfredo na may makapunta ritong ibang tao o bisita. Maliban kasi sa tatlo kong kaibigang loko-loko ay wala ng iba pang na