"Ano ang problema?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Balak tayong abutan ng pera," sagot ni Alfredo.
"Naayos mo na ba ang lahat?"
Ngumisi sya bilang tugon at sinabing, "Kailan ba tayo pumalpak?"
Napangiti ako at kinuha sa kanya ang isa pang mataas na kalibre ng baril. Isinukbit ko ito sa balikat ko at nag umpisa na kaming tahakin ang masukal na daan papunta sa isang abandonadong warehouse.
"Kapag ibinigay na sa atin ang pera, umpisa na ng gyera," bulong ni Alfredo sakto lang para marinig ko.
"Parang baguhan lang ako kung payuhan mo ah?" Parehas kaming natawa sa sinabi ko.
"Pinapa-alala ko lang dahil baka nakalimutan mo na."
"Kilala mo ako Alfredo, hindi ako nakakalimot." Ngumisi ako ng makahulugan.
"Haha oo nga pala." Umiling sya at natawa sa sarili.
Wala kaming inaksayang oras. Tuloy tuloy kaming pumasok sa warehouse at matapang naming hinarap ang hindi nalalayo
Mulat ang mata ko hanggang sa sumikat ang araw. Hindi ko rin nagawang mag-ensayo dahil pakiramdam ko ay pagod ako. Minabuti kong maligo muna, pagkatapos ko ay bumaba na ako upang magluto ng almusal namin ni Alfredo.Nang matapos sa pagluluto ay tinawag ko na si Alfredo para makapag almusal na kami."Hindi ka nag ensayo?" paunang sabi nya bago humigop sa kanyang kape na tinimpla."Hindi," simpleng sagot ko. Ni hindi ako tumingin sa kanya at ramdam ko ang nanunuring titig nya."Himala." Natatawang komento nya.Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain."Sya nga pala, may darating akong bisita," wika nya sa kalagitnaan ng aming pagkain.Kunot noo akong tumingin sa kanya, nagtataka. Ngayon lang kasi ang unang beses na pumayag si Alfredo na may makapunta ritong ibang tao o bisita. Maliban kasi sa tatlo kong kaibigang loko-loko ay wala ng iba pang na
Hapon na nang umpisahan namin ni Anton ang laban. Sa bakuran namin napili dahil puno naman ng bermuda grass ang paligid. Hindi kami masasaktan sakaling may bumagsak man sa amin.Nanonood lang si Alfredo habang tumutungga na naman ng beer at humihithit ng sigarilyo.Kalmado at tahimik kong inobserbahan muna ang bawat galaw nya bago ako umatake. Habang pinagbibigyan ko syang gawin ang pag-atake sa akin ay panay ilag lang ang ginagawa ko, wala pang tumatamang suntok sa kahit na anong parte ng katawan ko."Why can't you fight back, huh?" Nakangising tanong nya.Ngumisi lang din ako pabalik.Sa sobrang kampante ko yata na hindi nya ako tatamaan at mahuhuli ay roon nya ako nadali. Gamit ang braso nya ay naikuwit nya ito sa leeg ko, nakaposisyon ang isa nyang kamay sa ulo ko at isang maling galaw ko lang ay maari nyang baliin ang leeg ko na syang ikamamatay ko."One wrong move...
Naka-uwi na kami pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari. Hindi naman pala ganoon kasama ang grupo ng gangster na sinalihan ni Anton, dahil kung sakaling umalis din sya sa puder namin ay bukas pa rin ang mansyon ni Uno para sa kanya.Pinaliwanag ni Anton na oras na nakapatay kami ng isang tauhan ni Uno ay paniguradong patay na sya bago pa man namin sya maabutan doon. Tinanong ko kanina si Uno kung paano kami makakasigurong hindi nya kami papatayin o susundan upang patayin kung tuluyang maka-alis kami sa mansyon.Tinawanan nya lang ako at inilingan. Sinabi nyang 'pag sinabi nya ay matutupad. May isa syang salita kaya iyon ang aming panghawakan."Grabe! Napagod ako roon."Tignan mo 'tong isang 'to, akala mo pag-aari nya itong bahay. Sobra naman yata ang pagiging feel at home nya?"Hoy, magluto ka. Hindi puwedeng tumira ka rito ng walang ginagawa, dapat ikaw ang taga laba, taga linis ng buong bahay at higit sa lahat.
"Anong kailangan mo?" nagtanong na ako dahil napaka tahimik nya at mukang walang balak magsalita. Kung hindi ko siguro kinapalan ang muka ko upang magtanong ay magtititigan lang kami rito.Tumikhim sya bago nagsalita. "Seth wants you to join us on lunch," napapaos na sabi nya."Pakisabi hindi na, may kasabay ako." Tumalikod na ako at hindi na hinintay ang sasabihin nya.Pasimple kong binatukan ang sarili nang makalayo dahil tumanggi pa ako! Pabebe ka Sky, inuna mo pa 'yang pride mo kesa sa ebidensyang maaring makalap mo. You're so stupid!Narinig ko ang pagsunod ng yabag nila Zack at Atasha sa likod ko."What did you say to her?" rinig kong tanong ni Atasha sa nakakainis na tono."Nothing," simpleng sagot ni Zack at hindi na dinagdagan.Napangiwi ako at napa-irap sa kawalan nang banggitin nya 'yon. Tsk! Magaling kang bata ka, para hindi magselos 'yang Atasha mo ay kailangan mong magsinun
Ibinaba nya ako sa isang higaan ng infirmary. Kinausap nya ang nurse saka sya ulit nagpunta sa akin. Doon sya umupo sa upuang katabi ng higaan ko."For now, you rest. Kung masakit pa rin iyan hanggang mamaya ay inuman mo ng gamot." Ipinakita nya sa akin ang isang tablet ng gamot at ang isang baso ng tubig.Pinagmasdan ko sya kung paano nya inilagay iyon sa mesang nasa gilid ko. Umiwas agad ako ng tingin nang bumalik ang tingin nya sa akin. Wala akong sinabi kanina nang humingi sya ng pasensya, masyado akong nagulat kaya hindi ko mahanap ang tamang salita na pwede kong sabihin."Don't worry, I'll excuse you to our last subject," he said.Tumango na lamang ako at nahiga. Pakiramdam ko ay kulang ako sa tulog kaya ipinikit ko ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog ako ng tuluyan. Paggising ko ay wala akong Zack na nakita. Medyo dissapointed ako nang hindi sya nahagilap ng mata ko.Bumangon ako at pinakiramdaman ang pw
Hindi nya sinagot ang tanong ko at kumain sya na parang walang tao sa harap nya. Nag aapoy na ako sa galit nang iserve ang isang tray ng pagkain, may kasama iyong ice cream.Nawala ang inis ko at ngumiti sa lalaking nagserve ng pagkain. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Zack sa akin."What are you doing?" masungit na sabi nya."Smiling!" Mas nilakihan ko ang ngiti."Hindi mo pagkain 'yan." Inagaw nya ang tray na nakalapag sa akin.Tumayo ako at binatukan sya."Akin 'to!" Saka ko inagaw ulit sa kanya.Inirapan nya ako at hindi na nakipag agawan pa."Bakit ka nga pala nasa CS kanina? Anong binili mo don?" I asked out of curiousity."None of your business.""Are you stalking me?" nang aasar kong sabi."Why would I do that?" He said in disgusted face."Malay natin?" Nagkibit ako ng balikat.Hindi na sya nagsalita pa hanggang sa m
"May mahalaga akong sasabihin kaya makinig kayong mabuti. I need your full attention so you must focus," seryoso kong sabi. "Ang seryoso mo naman, Sky." Natatawang baling ni Almira. "I need you all to stay safe. Marami nang nagkalat na halang ang kaluluwa. Kung maaari, 'pag may dumating na panganib, use your fighting skills to defend yourselves.""Is this about human trafficking?" si Allison. "Oo, at kung maaari 'wag kayong gagala o maglalakad ng mag-isa sa labas. Please, magseryoso kayo pagdating dito." "Our parents are triggered about this. Kaya nagdagdag sila ng body guard namin. Don't worry, Sky." Pangungumbinsi ni Almira. "That's good to hear." Kahit nakahinga ako ng maluwag ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Mamaya ay sisimulan ko na muling magmatiyag. Hindi ako superhero pero gagawin at ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para tumulong. Isasantabi ko muna ang kay Don Alejandro, mukang kay Anton ko muna
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Kio. Normal bang tumibok ng mabilis ang puso ko? Normal lang naman siguro. Nagpaalam muna ang tatlo sa akin habang si Zack ay naiwan kasama ko dahil may pasok sila. Inabot pala ako ng umaga sa paggising, malakas daw kasi ang pampatulog na nalanghap ko kaya ganon. Kaya nagpaiwan si Zack ay para bantayan ako. Sinabi nyang nagpaalam na sya sa mga prof namin, valid naman ang reason nya kaya pinayagan sya. "Ano ba kasing pumasok dyan sa kukote mo at naisipan mo pang lumabas sa apartment mo?" iritable nyang sabi habang inihahanda ang kakainin ko. "Salamat, babayaran na lang kita." "Hindi mo binayaran 'yung nakaraang utang mo sa akin, remember? Hindi na ako umaasang babayaran mo pa 'to," pang iinsulto nya. "Nandito ka ba para pagsabihan na naman ako ng kung anu-ano?" Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Of course! Because of you my face got beaten. You have to pay me back.
Nakaramdam ako kahit paano ng awa sa kanya."It's okay, you're gonna be alright," I comforted her and hug her tightly so that she feel na nandito lang ako para sa kanya. Sasabihin ko na sana sa kanyang bumalik na kami sa taas nang may humila sa kanya palayo sa akin. "Ohh, are you guys in a relationship?" The guy mocked as he eyed me from head to toe. Disgusting asshole. "You can take care of her, akin ang isang 'to," narinig ko pang sabi nya. Naramdaman ko mula sa likuran ang hawak ng lalaki sa braso ko. At dahil lasing si Tash ay hindi sya makawala sa pagkakahawak ng lalaki kahit anong palag ang gawin nya. I gritted my teeth. "Hey, let go of my friend while I'm still being nice," nakangiti kong sabi habang matalas ang tingin sa kanya. "I don't want to. Pakakawalan ko naman sya kapag nagsawa na ako." Ngumisi ang lalaki which is hindi ko nagustuhan. I shut my eyes tightly and seconds later, I twi
Plano ko sanang kumain nang tahimik ngunit masyadong madaldal ang matanda. Marami syang tanong at naghihintay ng kasagutan. Hindi ko naman pwedeng hindi sagutin dahil iba ang iisipin nila sakin. Isa pa, pinagmamasdan ako ng tauhan nya which is 'yong kanang kamay nya. "What is your family name, hija?" tanong ng matanda. "Naggaling po ako sa Perez family." Kalmado kong sagot. Bahagya kong nakita ang panliliit ng mata nya at pagtagilid ng kanyang ulo. "Your family name is not familiar. Pero 'yang muka mo ay pamilyar sa akin." Nakangiti nyang sabi habang pinagmamasdan pa rin ako. "You resembles someone whom I really know," he added, I even saw the glint in his eyes. Nalukot ko ang pantalon sa ilalim ng lamesa. Kahit hindi nya diretsong sabihin, I know it's my mom. "Marami nga rin po ang nagsasabi nyan," tanging nasabi ko na lamang habang pinapanatili ang ngiti sa labi. Napansin ko ang pagtitig ni Zack sa akin. Mukang napansin n
"Let's go," aniya habang naglalakad palapit sa akin. Sa ikalawang palapag naman pala kami magsa-sanay. Bumaba pa sya para puntahan ako. Hindi pa lang nya ako sinigawan para ako na lang ang magpunta sa itaas. "Hindi ka nalulungkot dito?" I asked out of nowhere. Siguro ay para na rin may mapag-usapan kami. "Nope, sanay na ako." Tumango ako. "Isa siguro sa dahilan kaya hindi ka pala-salita ay dahil wala kang nakaka-usap dito." "Maybe." Kibit balikat na sagot nya. Lumiko kami sa kaliwang pasilyo at doon ay mapapansin ang nag-iisang pintuan. "Napansin ko... wala kang picture kasama ang parents mo. Maging sila ay hindi wala ring litrato." Napansin kong natigilan sya. Nanliit ang mata ko dahil alam ko sa sarili kong may iba iyong ibig-sabihin. Bakit nga ba? kahit maliit ang tyansa na ikwento sa akin ni Zack ay nagbaka sakali pa rin akong sasagutin nya. "Maliit pa lang ako noong mamatay sila." He
After I did my usual routine, pumasok na kaagad ako. Napansin ko ang grupo ni Jamie pagpasok ko sa room. Nagkatinginan kami ngunit agad din syang nag-iwas ng tingin. Bakit kaya ngayon lang pumasok ang tatlong 'to? Anong nangyari sa kanila? Ang natatandaan ko kasi pagkatapos nang ginawa nila sa akin ay hindi na sila pumasok. Nalaman kaya ng Dean iyon? Maganda rin pa lang nangyari iyon dahil kahit paano ay nagtino sila. "Sky my friend! Come here, hurry." Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagsasalita ni Atasha. Napalingon sila Jamie sa kanya, pagkatapos ay sa akin. "Kailan pa sila naging magkaibigan?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ng karamihan. Oo nga, kailan pa kami naging magkaibigan? Ang alam ko ayaw nya sa akin? Kahit close na kami ay hindi nya pa rin ako tinuturing na kaibigan, anong nangyari ngayon? May nakain siguro syang panis na pagkain. Lumapit ako sa kanya na nagtataka. "How are you? Kumusta na ang sugat mo? You know what? I'm so
"Ang cute naman ng bracelet, Sky," puri ni Almira "Kasing cute ko," hirit ni Allison. "Yuck," si Kio. "Miryenda time!" Lumabas si Anton dala ang isang pitsel ng juice, pandesal at pancit canton. Nag-unahan ang tatlo sa miryenda pagkababa ni Anton sa mga ito. Nagulat pa si Anton dahil sa inasta ng tatlo pero kalaunan ay natawa na lamang. "Sya nga pala, Sky. Bakit ayaw mong malaman ni Zack kung saan ka nakatira?" curious na tanong ni Allison. "Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" "Oo pero paano kung tignan ni Zack 'yong files mo sa school. Eh di malalaman din nya kahit na hindi namin sabihin," wika naman ni Almira. "Ibang address ang inilagay ko.""What?! Pwede ba 'yon?" Naibuga ni Kio ang iniinom nya samantalang ang dalawang babae ay inubo. "Of course! Magaling ako, eh. Ako na ang bahalang sumagot sa katanungan nya, ang gawin nyo na lang tatlo ay manahimik." "O-okay. Nakakatak
Nang tuluyan akong makalabas ng ospital ay mas dumami naman ang kaso ng mga taong nawawala. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin naaaksyunan ng mga pulis ang kasong human trafficking. Hanggang kailan ba sila magiging bulag at bingi? Palibhasa kasi may mga hawak na pulis ang mga demonyong 'yon. Sa mga ganitong sitwasyon talaga ay hindi ko kayang hindi makialam at walang gawin. Buhay ng tao ang nakasalalay rito, at hindi lang iyon basta buhay lang. "Bakit walang ginagawa 'tong mga lintik na mga pulis." I mumble. "Sky, hindi sa wala silang ginagawa. Masyado lang magagaling ang mga kriminal," depensa ni Seth. Narinig nya pala. Gusto ko mang magsalita pa ay tinikom ko na lang ang bibig ko. I'm sure hindi abot ng iniisip ni Seth kung ano ang iniisip ko. He's just an ordinary student after all. "They're doing all their best, let's just appreciate them." Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko a
Magkaharap kami ngayon ni Don Alejandro. He grinned. Kilala na nya kung sino ako. Alam na nya ang buong pagkatao ko. Nakatali ang kamay at paa ko habang nakabitin ng patiwarik. Ibinigay nya ang baril sa nakangising si Zack. Kinuha nya ang baril saka itinutok sa akin. Dahan dahan nyang kinalabit ang gatilyo. "‘Wag!" Pawis na pawis ako at malakas ang kabog ng dibdib. Nagising ako sa masamang panaginip. Napaupo ako dahil don. Saka ko naramdaman ang sakit sa balikat ko. "Shit!""Sky, you're finally awake." Halos magulat ako nang makita si Zack na kagigising lang sa gilid ko. Nagising yata sya dahil sa sigaw ko. May pinindot syang device sa dingding ng higaan ko at tinawag doon ang doktor. Unti-unti ulit akong humiga dahil sa panghihina. Aligaga si Zack at hindi alam ang gagawin. Tinanggal ko ang oxygen na nakalagay sa muka ko. This shit is better, fresh air. Mas nakakahinga ako ng maluwag. "Anong nararamdaman
Nang tuluyan kaming makapasok ay agad kong inilibot ang paningin ko. Their mansion is modern. Ang mga chandelier ay nagkikinangan. Maraming painting ang nakapaskil sa dingding pataas sa second floor. Walang picture si Zack kasama ang parents nya, tanging si Don Alejandro lang ang kanyang kasama. Maybe patay na ang mga ito? Siguro baby pa lang si Zack nang mawala sila sa mundo. Humakbang na naman ako sa konklusyon. Itatanong ko na lang kay Alfredo dahil iyon din pala ang hindi ko pa alam hanggang ngayon. CCTV spotted. Kung punong puno ng CCTV cameras ang kanilang mansyon, hindi na ako magtatangkang magkabit ng mga devices. For sure naka tutok rin ang mga tauhan nya sa monitor, mahuhuli ako. "Wala pa ba sila Seth?" I asked him habang naglalakad kami papunta sa round table na may apat na upuan. "Are hungry?" Instead of answering my question, he also asked a question. "Hindi pa, hihintayin ko na lang siguro sila." He nodded. "W
Hindi na kami nakapasok ni Tash dahil ang dami pa naming pinuntahan. Nagpabody massage pa sya, nagpafacial at marami pang iba. Sobrang sakit ng paa ko pagkahatid nya sa akin sa apartment. "Thank you, hope to see you there." I nodded and smiled. Habang naghihintay ng oras ay nakareceived ako ng message galing sa hindi rehistradong numero. Dahil curious ako kung sino 'yon ay binuksan ko. Unknown number:Where the hell are you? Bakit hindi ka pumasok?At first, I assumed it was from Seth, but eventually I realized it was Zack since he's the only one who got my number. Ano naman sana sa kanya kung hindi ako pumasok 'di ba? Hindi ko rin talaga matanto kung anong utak ang mayroon sya. To Zack:Nagpasama sa akin si Atasha magshopping.After that, hindi na ulit ako naka receive ng text galing sa kanya. I just shrugged at hindi na inisip 'yon dahil kailangan ko nang ihanda ang mga gagamitin ko mam