Home / Other / Call Me SKY / Chapter Fifteen

Share

Chapter Fifteen

Saktong paglabas ng tatlong lalaki sa mga lumang locker. Nakangisi silang lahat.

"Enjoy Sky!" Sigaw nila Jamie mula sa labas hanggang sa hindi ko na marinig ang mga boses nilang nakaka irita.

"Umpisahan mo na 'yung video brad," utos ng isang lalaki.

Hindi ako umatras o natinag man lang nang mapwesto nila ang camera sa isang upuan.

Agad nilang hinubad ang mga coat nila hanggang sa sandong puti na lang ang matira.

Nag-umpisa na ako sa gagawin ko. Umatras ako at mabilis na nagtungo sa pintuan upang makahingi ng tulong.

"SETH!" Paulit ulit kong kinalabog ang pintuan kahit na alam kong malabo na may makarinig sa akin.

"Hawakan nyo bilis!" Agad sinunod ng dalawang lalaki ang inutos sa kanila.

Magaling akong artista kaya walang pasubaling tumulo ang mga luha sa mata ko. Kaya kong pagmukhaing kawawa ang sarili ko sa harap nila para masabi nilang mahina ako at kayang kaya nila.

"Ano'ng gagawin nyo? 'Wag!" Kahit kaya kong tanggalin ang higpit ng kapit nila sa akin ay hindi ko tinanggal. Hinayaan ko lang.

Kung dehado ako at walang darating ay doon ako sa Plan B.

"Ihiga nyo rito bilis!" Tinanggal ng lalaki ang sinturon ng itim na slacks at itinira ay boxers.

Nagpatuloy ako sa pagsigaw at paghingi ng tulong.

"Tang ina! Ang ingay, takpan nyo nga 'yung bibig," naririnding sabi nung lalaki.

Potah! Wala pa bang darating? Mare-rape na ako oh!

Napapikit ako ng mariin. Pagbilang ko ng lima at wala pa ring dumating...

Isa.

Dalawa.

Tat-

Nakarinig ako ng marahas na kalabog sa pintuan. Napangiti ako at muling umiyak upang magmukhang mas kaawa-awa.

"If you fvcking lay your fvcking finger to her, all of you will surely suffer." Kalmado ngunit nakakapanindig balahibo ang kanyang tinig. Kulang na lang ay kumulog at kumidlat.

Maski ako ay tumaas ang balahibo sa batok at nakaramdam ng panlalamig.

Tumayo ng tuwid ang tatlong lalaki at pare-parehong nahirapan sa paglunok. Naihi pa ang isa sa pantalon nya sa sobrang panginginig.

"Leave," utos ni Zack.

Walang pasubaling nag-unahan sa pagtakbo ang tatlo. Mula sa pagkakahiga ay tumayo ako ng maayos at hindi na hinintay pang tulungan nya ako. Mukha rin kasing wala syang balak.

Blangko ang muka nya nang diretso akong tumingin sa kanya.

"Salamat." Yumuko ako.

Ramdam kong wala talaga syang plano o kusang tulungan ako. Siguro dadalawin sya ng kunsensya nya kung hindi nya 'to ginawa, kaya nangangahulugang napilitan lang syang gawin 'to. Bahagyang kumirot ang puso ko sa naisip.

"You don't have to thank me. Si Seth ang inaasahan mong dumating 'di ba? Tatawagin ko sana sya kanina kaso mukang hindi na sya aabot kaya ako na ang gumawa, nakaka-awa ka naman kung pababayaan lang kita," malamig na utas nya. So far, 'yan pa lang ang pinaka-mahabang linya na sinabi nya.

Ito 'yung gusto ko 'di ba? Ang magmukang kawawa sa paningin nya para mapansin nya? Pero bakit parang ang sakit lang, kasi dun nya lang ako nakikita?

"Kung napilitan ka lang naman pala, sana 'di mo na 'ko pinansin, nagkaroon pa tuloy ako ng pesteng utang na loob sa 'yo."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang hindi na muli pang magsalita. Hindi na ulit ako tumingin sa kanya, natatakot akong makita nya na disappointed ako sa binitiwan nyang salita. Nanghihina kong kinuha ang bag ko at naglakad patungong pinto kung saan sya nakatayo habang naka-pamulsa.

Halos hindi ako huminga nang lagpasan sya. Nagulat ako nang bigla nyang hablutin ang braso ko dahilan para matigil ako sa paglakad palayo sa kanya. Kinunot ko ang noo ko at tumingin sa kamay nyang nakahawak sa braso ko. Halos maghuramentado kasi ang puso ko sa simpleng hawak nya lang.

Napansin nyang nakatingin ako roon kaya mabilis nyang tinanggal ang kanyang kamay at isinuksok sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Bakit?" pagod kong sabi. Matapang akong tumingin ng deretso sa mga mata nya kahit natatakot akong makarinig na naman ng nakaka-disappoint na salita.

"I'll drive you home," mahinahong sabi nya habang matamang nakatingin sa mga mata ko. Ano 'to ngayon? Bakit lumambot ang ekspresyon ng muka nya?

"Hindi na, malapit lang naman 'yung apartment na tinutuluyan ko," agad na tanggi ko.

Tumalikod na ako at lalakad na ulit sana nang pigilan nya na naman ako gamit ang paghawak sa backpack ko.

Pucha!

"May lakad kayo ni Atasha. Kung naaawa ka pa at nakokonsensya, maayos na ako 'di ko na kailangan ng tulong mo," malamig kong sabi. Naramdaman kong tinanggal nya ang kamay nya sa bag kaya nagsimula na akong maglakad at hindi na sya nilingon.

Pagkarating ko sa apartment ay hinawakan ko agad ang puso ko. Grabe kasi ang kabog nito, parang lalabas na sa dibdib ko. Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang mga nangyari. Bakit ganon na lang ang reaksyon at nararamdaman ko? Kasalungat nito ang plano.

Parang totoo lahat ng emosyong ipinakita at sinabi ko at natural na lumabas sa bibig ko. What the heck?

Paulit-ulit kong inumpog ang sarili sa pinto at pilit na kinakalimutan ang nangyari. Bakit kasi sya pa ang dumating kahit na gusto kong sya nga.

Inayos ko ang sarili at hindi na 'yun inisip kahit na gustong magsumiksik sa utak ko. Kinuha ko ang pares na uniform sa bag at nilabhan. Pagkatapos ko ay naligo na ako. Kahit gusto kong sundan sila Zack at Atasha ay muka rin namang pure date lang talaga 'yon, walang mababanggit na kailangan kong impormasyon.

Muling sumikip ang dibdib ko sa naisip. Fvck! Bakit ko ba nararamdaman at dinaramdam ito?

Marahas kong ipinilig ang ulo ko. Saktong tumunog ang cellphone ko, si Alfredo tumatawag.

"Alfredo?"

[Sky, puntahan mo ako sa itetext ko sa 'yong lugar. May problema tayo.]

"Sige."

Seryoso ang boses nya kaya tingin ko ay nagka-problema nga. Hindi ko na tinanong sa kanya kung ano ang problema dahil alam kong ayaw nya nang maraming tanong lalo pa't nagmamadali sya.

Agad kong na-receive ang mensahe nya.

[Ipinadala ko dyan ang motor mo, ilang sandali lang ay darating na 'yan. Hintayin mo ang signal ko bago ka tumulak papunta rito.]

Pagkatapos kong mabasa ang mensahe nya ay naghanda na ako. Nagsuot ako ng puting V-neck shirt na pinatungan ko ng itim na leather jacket at itim na jeans. Itinago ko sa itim na suot kong combat boots ang tactical knife, pinuno ko ng bala ang Berreta M9 bago ko ito isinuksok sa aking likod. Kinuha ko ang itim na mask at sumbrero bago ako lumabas ng apartment at hintayin ang may dala ng motor ko.

Pinagtitinginan ako ng mga dumadaang tao sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko. Ayos ah? Parang Alien ako kung tignan nila.

Malakas na bumuga ng usok ang motor nang huminto ito sa tapat ko.

"Ikaw ba si Sky?" tanong ng lalaki.

"Sino pa ba sa tingin mo?" maangas na sabi ko.

Sarcastic syang tumawa habang ngumunguya. Muka syang leader ng mga gangster.

Hindi ko na sya inabalang tignan habang may sinasabi sya. Seryoso kong isinuot ang half finger leather gloves sa dalawang kamay ko. Nang matapos ako ay saka ko lang sya ulit tinignan.

Nakangisi sya habang maangas na naka-upo sa motor ko. Naka-krus ang kanyang mga braso at ngumunguya ng kung ano. Bubble gum siguro. Tsk!

"Gusto ko 'yang angas mo," nakangising sabi nya. May hikaw sya sa gilid ng kanyang labi.

"Kaso hindi kita gusto at wala akong panahon sa 'yo," balik kong sabi na ikinatawa nya ng malakas.

Ibinato nya sa akin ang itim na helmet, kahit mabilis ang pagkakabato nya ay nasalo ko pa rin.

Napatango-tango sya sa nasilayan. Lumapit sya sa akin at mabilis na kinuha ang cap na nakalgay sa ulo ko.

"Akin na lang 'to ah?" Sinubukan kong agawin iyon mula sa kamay nya. Malapit ko nang makuha nang tumunog ang cellphone ko.

Shit! Sinamaan ko sya ng tingin at nilubayan na lang, aksaya lang sa oras kapag nakipag agawan pa ako. Itinali ko na lang ang buhok ko sa malinis na ayos bago sagutin ang cellphone.

[Magpunta ka sa mismong abandonadong warehouse. Papunta na ako, magkita na lang tayo 'di kalayuan sa labas niyon.]

"Copy." Pinatay ko na agad ang tawag.

"Ingat Miss, pakakasalan pa kita." Marahas akong tumingin sa kanya at ipinakitang hindi ako natutuwa sa kagaguhan nya. Kinindatan nya lang ako at naglakad na sya palayo.

Isinuot ko na ang helmet at pinaandar na ang motor. Pinaharurot ko ito papunta sa lugar na sinabi ni Alfredo. Medyo malayo ang lugar na 'yon kaya kailangan kong bilisan. Kung ano man ang problema na 'yon ay tiyak kong maso-solusyunan namin ni Alfredo. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagka-problema kami sa trabaho.

Dalawa lang ang tingin kong problema rito. Una ay nalaman ng kalaban ang pagkatao namin kaya plano nilang i-recruit kami at gawing tauhan upang wala nang maging sagabal sa mga illegal na negosyo at transaksyon nila. Pangalawa, pa-planuhin nilang bigyan kami ng malaking halaga kapalit ng pagtahimik namin o buhay namin ang magiging kapalit kapag nagmatigas kami at hindi namin tanggapin ang pera.

Napangisi ako at mas binilisan ang patakbo. Nauna akong dumating kay Alfredo, ilang minuto pa bago sya tuluyang dumating. Napangiti ako ng makitang muli sya. Hindi ko napigil ang sarili at niyakap sya, nakangiti nyang tinapik ang likod ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status