Masaya akong pumasok sa next subject. Hinatid ulit ako ni Seth sa room at nagpaalam din sya sa aking papasok na rin.
Habang nagka-klase ay panay ang ngiti ko. Halos hindi na yata natanggal ang ngiti sa labi ko hanggang sa matapos ang klase at mag tanghali na.
Kanina pa inis sa akin si Atasha dahil sa weirdong ngiti na ipinapakita ko. Bawat tingin ko kasi sa kanila ay nakangiti ako o 'di kaya naman ay bumabati ako. Si Zack naman ay pinagtataasan lang ako ng kilay at sinusungitan ako gamit lang ang kanyang muka.
"Talaga? Friend mo na si Seth?" hindi makapaniwalang tanong ni Allison at ni Almira.
"Waaaahhh! Omo! Swerte mo Sky, pakilala mo kami." Binatukan agad ni Allison si Almira dahil sa sinabi.
"Boba! Anong ipakilala? Sila ba? Friend lang sila hindi magjowa." Irap ni Allison sa kapatid.
Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina. Tuwang tuwa ang mga loka, sinabi nilang isa rin si Seth sa ultimate crush nila.
"Sky bagay Seth." Ngumisi naman si Kio.
"Oo nga! Bagay kayo," singit ni Almira.
"Psst, tigil nyo nga 'yan. Friend lang kami." Umiling ako para bawalin sila.
"Sky," paulit-ulit na tinawag ni Allison ang pangalan ko at pinanlalakihan ako ng mata. Pasimple nya pa akong sinisiko sa tagiliran upang magets ang pinapahiwatig nya.
"Huh?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko sya magets. Kulang na lang kasi ay mangisay na sya sa kina-uupuan nya.
"Hi, pwede ko bang mahiram si Sky?" Bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Kaya pala...
"Oo! Pwedeng pwede Seth, kahit 'wag mo nang ibalik." Ipinagtulakan ako ni Allison hanggang sa makatayo.
"Teka, 'di pa 'ko tapos kumain," angal ko.
"Doon ka na lang sa table namin." Ngumiti si Seth saka kinuha ang tray ng pagkain ko.
"Go!" They mouthed.
Kumamot ako sa ulo ko at sumunod na kay Seth. Syempre ako tuwang tuwa dahil makakasama ko sila Zack at makakapa-kinig ng mga kwento nya.
"Sit here," utos ni Seth. Itinuturo ang katabi nyang upuan.
Sa harap namin ay si Zack at si Atasha na hindi ko matanto kung naglalampungan o ano, tumigil lang sila nang mapansin kami ni Seth.
Agad kumunot ang noo ni Atasha. Samantalang si Zack ay blangko ang tingin habang nakatingin sa pagkain.
"Guys, this is Sky. Bet you already know her," pakilala ni Seth sa akin.
Ngiting nahihiya ang ginawa ko at bahagyang yumuko upang mas effective.
"Why's she here?" masungit na tanong ni Atasha at pinag taasan ako ng kilay.
"Tash," inis na pigil agad ni Seth.
"Why? Nagtatanong lang ako," sarcastic na sabi pa nya.
"She's my friend," simpleng sabi ni Seth.
Pabalik-balik lang ang tingin ko sa dalawa habang nagpapalitan sila ng salita.
Sarcastic na tumawa si Atasha.
"Really?" she mocked.
"Hindi ibig sabihin na kaibigan ka na ni Seth ay kaibigan mo na rin kami." Nang uuyam na ngumisi si Zack at tinitigan ako.
Napalunok ako sa binitiwan nyang salita, kinilabutan ako sa paraan ng paninitig nya pati sa boses nya. Napakurap kurap ako dahil potek! Kinausap nya ako kahit pa nakaka inis ang sinabi nya.
"O-oo naman." Bahagya akong natawa.
"Guys don't be too hard to Sky," inis na sabi ni Seth.
"Sinasabi lang ni Zack kung hanggang saan lang sya." Umirap si Atasha.
"Alam ko naman," mahinang boses na sabi ko saka ngumiti.
Kung pwede lang manaksak ngayon gamit ang tinidor, malamang kanina pa nakahandusay 'tong si Atasha.
Tahimik akong kumain habang naghihintay ng kung anong pag-uusapan nila. Tinagalan ko pa nga para lang makasagap ng kahit katiting na impormasyon ngunit wala. Tungkol lang sa nangyari kagabi ang pinag-usapan nila at sa school.
"You done?" Nabaling sa akin ang atensyon nila nang tanungin ako ni Seth.
"Oo," simpleng sabi ko.
"Can I ask you a question Seth?" si Zack. Mariin ang titig nya sa akin pero kay Seth naman ang tanong.
Ano kaya ang iniisip nito sa akin? Nakakahalata na ba sya? Sana hindi dahil mabubulilyaso lahat ng plano namin ni Alfredo.
"Bakit sya ang kina-ibigan mo?" Hindi ko alam kung nang iinis ba sya o nang iinsulto eh. Kung may duda ba sya sa akin o ano.
"I like her," walang pag-aalinlangang sagot ni Seth.
Napatingin kaming lahat sa kanya. Even Zack, his eyes widened.
"What did you just say?" tanong ni Zack sa mariin na tono. Parang ako lang nga ang nakapansin non.
"I mean, I like her as a friend. She's fun to be with and hindi sya mahirap pakisamahan," sagot nya pa.
Pero kahit ganon ay hindi pa rin kumakalma ang pagmumuka ni Zack. His eyes are still cold at mariin pa rin ang titig nya, hindi natitinag.
Ngayon ko lang napansin ang itim na piercing sa kaliwang tenga nya. It suits him dahil mas lalo syang gumwapo– okay erase I didn't say that.
"Do you trust her? Baka naman iba ang pakay sa 'yo nyan," banta ni Atasha sa mismong harap ko pa talaga.
Tama ka Atasha, iba nga ang plano ko. Pero 'wag kang mag alala dahil hindi kayo madadamay sa gagawin ko. Sisiguraduhin kong si Zack lang kaya 'wag na 'wag kang eepal dahil 'pag ako nainis sa 'yo, itutupi kita sa walo.
Bumaling ang tingin sa akin ni Zack. Kumunot ang kanyang noo, ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Agad kong binaling ang tingin kay Seth nang mapansin na ngumisi si Zack.
Naghuramentado ang puso ko dahil doon. Sorry naman. 'Di ko namalayan eh. Malay ko bang nakatitig pala ako sa kanya.
"Ano bang klaseng tanong 'yan Tash?" natatawang sabi ni Seth. Hindi nya tinanggap ng seryoso ang tinanong ni Atasha.
"Syempre we're worried, baka mamaya saksakin ka na lang nyan bigla or 'pag nakatalikod ka ay may balak nang gawing masama," dagdag pa ni Atasha.
"You're overthinking." Umiling si Seth at tinitigan si Atasha nang hindi makapaniwala.
"Atasha's right Seth," biglang sabi ni Zack. Walang pagdadalawang isip na sinang ayunan ang sinabi ni Atasha.
Kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi nya at kinuyom ang kamao sa ibabaw ng hita ko. Nanatiling maayos at maaliwalas ang muka ko kahit na ganoon ang nararamdaman ko.
"Hindi ako masamang tao kung 'yan ang iniisip nyo," sabad ko.
In fact kung may masamang tao man sa ating apat ay ikaw 'yun Zack. Kayo ng Lolo mo!
"I'm sorry," hingi agad ng paumanhin ni Seth. Pilit akong ngumiti at sinagot sya.
"Okay lang."
"Then prove it," hamon ni Zack saka naglalarong ngumisi.
Matapang ko syang tinitigan.
"How can I prove it?" desperada kong tanong.
"Leave Seth alone." Muling sumilay ang ngisi sa labi nya.
'Wag kang ngingisi ngisi dyan putek ka! Hindi na ako natutuwa sa pagmumuka mo bwisit ka. Si Seth na nga lang ang tangi kong daan para lang mapalapit sa 'yo tapos ngayon inuutusan mo pa akong iwan sya? Bakit ko susundin hamon mo? Ano ka gold?
"Sobra naman yata 'yan Zack," Seth stared Zack blankly.
Hindi ito pinansin ni Zack.
"And if I don't?" hamon kong tanong.
"Hindi ka namin pagkakatiwalaan," si Atasha ang sumagot.
"Okay." Nagkibit ako ng balikat. Sumilay ang ngiti sa labi ni Zack. Ipinaparating nitong nanalo sya. "I won't do that," dagdag ko.
Lumapad ang ngiti sa labi ni Seth. Kanina kasi ay nakasimangot sya sa unang sinabi ko at gustong umangal.
Nawala naman ang mapaglarong ngisi sa labi ni Zack. Salubong ang makakapal nyang kilay nang titigan ako. Hindi makapaniwala sa isinagot ko.
"Maiwan ko na kayo." Tumayo na ako at naghanda sa pag-alis. Muka rin namang wala akong mapapala kung kakausapin ko pa sila sa mga walang kwentang bagay.
Ang gusto ko ay impormasyon.
"Hatid na kita." Tumayo na rin si Seth.
Sabay kaming lumabas mula sa cafeteria. Hingi sya ng hingi ng pasensya sa inasal ng dalawa nyang kaibigan.
"Okay lang talaga."
"Mabait naman sila, nabigla lang siguro," sabi pa nya. Pampalubag loob siguro.
Saan nabigla? Dahil ba ngayon lang ulit may nadagdag na kaibigan nila? O talagang mabilis ang galaw ko kaya nagdududa sila? Hindi ba ganon naman talaga? Kahit nga first day of school may pagkakaibigan nang nabubuo.
"Punta tayong mall mamaya, date tayo." Narinig kong bulong ni Atasha kay Zack.
Nag uumpisa na ang klase namin pero panay pa rin ang lampungan ng dalawa kong katabi. Nakakairita.
"Date amputa." Bulong ko sa sarili.
"May sinasabi ka?" Bumaling ang tingin sa akin ni Atasha.
"Wala," plastic akong ngumiti.
She rolled her eyes.
Hanggang sa matapos ang klase ay ang sama ng timpla ng muka ko. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at naghanda na sa pag alis. Kailangan kong malaman kung saang mall pupunta ang dalawa.
"Sky." Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sila Jamie.
"Pinapatawag ka ni Seth, punta ka na lang daw sa lumang room doon sa A building."
Natawa ako sa loob ko. Kahit hindi kapani-paniwala ang sinasabi nila ay magiging uto-uto ako. Halata naman na hindi maganda ang gagawin nila.
"Sige, pupunta ako."
Nag-ngiting demonyo ang tatlo at naglakad na palabas.
Dumiretso ako sa building na sinasabi nila. Humakbang ako papasok sa loob. Marahas na sumarado ang pinto nang tuluyan akong makapasok. Rinig ko ang hagikgikan nila Jamie sa labas.
Saktong paglabas ng tatlong lalaki sa mga lumang locker. Nakangisi silang lahat."Enjoy Sky!" Sigaw nila Jamie mula sa labas hanggang sa hindi ko na marinig ang mga boses nilang nakaka irita."Umpisahan mo na 'yung video brad," utos ng isang lalaki.Hindi ako umatras o natinag man lang nang mapwesto nila ang camera sa isang upuan.Agad nilang hinubad ang mga coat nila hanggang sa sandong puti na lang ang matira.Nag-umpisa na ako sa gagawin ko. Umatras ako at mabilis na nagtungo sa pintuan upang makahingi ng tulong."SETH!" Paulit ulit kong kinalabog ang pintuan kahit na alam kong malabo na may makarinig sa akin."Hawakan nyo bilis!" Agad sinunod ng dalawang lalaki ang inutos sa kanila.Magaling akong artista kaya walang pasubaling tumulo ang mga luha sa mata ko. Kaya kong pagmukhaing kawawa ang sarili ko sa harap nila para masabi nilang m
"Ano ang problema?" seryoso kong tanong sa kanya."Balak tayong abutan ng pera," sagot ni Alfredo."Naayos mo na ba ang lahat?"Ngumisi sya bilang tugon at sinabing, "Kailan ba tayo pumalpak?"Napangiti ako at kinuha sa kanya ang isa pang mataas na kalibre ng baril. Isinukbit ko ito sa balikat ko at nag umpisa na kaming tahakin ang masukal na daan papunta sa isang abandonadong warehouse."Kapag ibinigay na sa atin ang pera, umpisa na ng gyera," bulong ni Alfredo sakto lang para marinig ko."Parang baguhan lang ako kung payuhan mo ah?" Parehas kaming natawa sa sinabi ko."Pinapa-alala ko lang dahil baka nakalimutan mo na.""Kilala mo ako Alfredo, hindi ako nakakalimot." Ngumisi ako ng makahulugan."Haha oo nga pala." Umiling sya at natawa sa sarili.Wala kaming inaksayang oras. Tuloy tuloy kaming pumasok sa warehouse at matapang naming hinarap ang hindi nalalayo
Mulat ang mata ko hanggang sa sumikat ang araw. Hindi ko rin nagawang mag-ensayo dahil pakiramdam ko ay pagod ako. Minabuti kong maligo muna, pagkatapos ko ay bumaba na ako upang magluto ng almusal namin ni Alfredo.Nang matapos sa pagluluto ay tinawag ko na si Alfredo para makapag almusal na kami."Hindi ka nag ensayo?" paunang sabi nya bago humigop sa kanyang kape na tinimpla."Hindi," simpleng sagot ko. Ni hindi ako tumingin sa kanya at ramdam ko ang nanunuring titig nya."Himala." Natatawang komento nya.Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain."Sya nga pala, may darating akong bisita," wika nya sa kalagitnaan ng aming pagkain.Kunot noo akong tumingin sa kanya, nagtataka. Ngayon lang kasi ang unang beses na pumayag si Alfredo na may makapunta ritong ibang tao o bisita. Maliban kasi sa tatlo kong kaibigang loko-loko ay wala ng iba pang na
Hapon na nang umpisahan namin ni Anton ang laban. Sa bakuran namin napili dahil puno naman ng bermuda grass ang paligid. Hindi kami masasaktan sakaling may bumagsak man sa amin.Nanonood lang si Alfredo habang tumutungga na naman ng beer at humihithit ng sigarilyo.Kalmado at tahimik kong inobserbahan muna ang bawat galaw nya bago ako umatake. Habang pinagbibigyan ko syang gawin ang pag-atake sa akin ay panay ilag lang ang ginagawa ko, wala pang tumatamang suntok sa kahit na anong parte ng katawan ko."Why can't you fight back, huh?" Nakangising tanong nya.Ngumisi lang din ako pabalik.Sa sobrang kampante ko yata na hindi nya ako tatamaan at mahuhuli ay roon nya ako nadali. Gamit ang braso nya ay naikuwit nya ito sa leeg ko, nakaposisyon ang isa nyang kamay sa ulo ko at isang maling galaw ko lang ay maari nyang baliin ang leeg ko na syang ikamamatay ko."One wrong move...
Naka-uwi na kami pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari. Hindi naman pala ganoon kasama ang grupo ng gangster na sinalihan ni Anton, dahil kung sakaling umalis din sya sa puder namin ay bukas pa rin ang mansyon ni Uno para sa kanya.Pinaliwanag ni Anton na oras na nakapatay kami ng isang tauhan ni Uno ay paniguradong patay na sya bago pa man namin sya maabutan doon. Tinanong ko kanina si Uno kung paano kami makakasigurong hindi nya kami papatayin o susundan upang patayin kung tuluyang maka-alis kami sa mansyon.Tinawanan nya lang ako at inilingan. Sinabi nyang 'pag sinabi nya ay matutupad. May isa syang salita kaya iyon ang aming panghawakan."Grabe! Napagod ako roon."Tignan mo 'tong isang 'to, akala mo pag-aari nya itong bahay. Sobra naman yata ang pagiging feel at home nya?"Hoy, magluto ka. Hindi puwedeng tumira ka rito ng walang ginagawa, dapat ikaw ang taga laba, taga linis ng buong bahay at higit sa lahat.
"Anong kailangan mo?" nagtanong na ako dahil napaka tahimik nya at mukang walang balak magsalita. Kung hindi ko siguro kinapalan ang muka ko upang magtanong ay magtititigan lang kami rito.Tumikhim sya bago nagsalita. "Seth wants you to join us on lunch," napapaos na sabi nya."Pakisabi hindi na, may kasabay ako." Tumalikod na ako at hindi na hinintay ang sasabihin nya.Pasimple kong binatukan ang sarili nang makalayo dahil tumanggi pa ako! Pabebe ka Sky, inuna mo pa 'yang pride mo kesa sa ebidensyang maaring makalap mo. You're so stupid!Narinig ko ang pagsunod ng yabag nila Zack at Atasha sa likod ko."What did you say to her?" rinig kong tanong ni Atasha sa nakakainis na tono."Nothing," simpleng sagot ni Zack at hindi na dinagdagan.Napangiwi ako at napa-irap sa kawalan nang banggitin nya 'yon. Tsk! Magaling kang bata ka, para hindi magselos 'yang Atasha mo ay kailangan mong magsinun
Ibinaba nya ako sa isang higaan ng infirmary. Kinausap nya ang nurse saka sya ulit nagpunta sa akin. Doon sya umupo sa upuang katabi ng higaan ko."For now, you rest. Kung masakit pa rin iyan hanggang mamaya ay inuman mo ng gamot." Ipinakita nya sa akin ang isang tablet ng gamot at ang isang baso ng tubig.Pinagmasdan ko sya kung paano nya inilagay iyon sa mesang nasa gilid ko. Umiwas agad ako ng tingin nang bumalik ang tingin nya sa akin. Wala akong sinabi kanina nang humingi sya ng pasensya, masyado akong nagulat kaya hindi ko mahanap ang tamang salita na pwede kong sabihin."Don't worry, I'll excuse you to our last subject," he said.Tumango na lamang ako at nahiga. Pakiramdam ko ay kulang ako sa tulog kaya ipinikit ko ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog ako ng tuluyan. Paggising ko ay wala akong Zack na nakita. Medyo dissapointed ako nang hindi sya nahagilap ng mata ko.Bumangon ako at pinakiramdaman ang pw
Hindi nya sinagot ang tanong ko at kumain sya na parang walang tao sa harap nya. Nag aapoy na ako sa galit nang iserve ang isang tray ng pagkain, may kasama iyong ice cream.Nawala ang inis ko at ngumiti sa lalaking nagserve ng pagkain. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Zack sa akin."What are you doing?" masungit na sabi nya."Smiling!" Mas nilakihan ko ang ngiti."Hindi mo pagkain 'yan." Inagaw nya ang tray na nakalapag sa akin.Tumayo ako at binatukan sya."Akin 'to!" Saka ko inagaw ulit sa kanya.Inirapan nya ako at hindi na nakipag agawan pa."Bakit ka nga pala nasa CS kanina? Anong binili mo don?" I asked out of curiousity."None of your business.""Are you stalking me?" nang aasar kong sabi."Why would I do that?" He said in disgusted face."Malay natin?" Nagkibit ako ng balikat.Hindi na sya nagsalita pa hanggang sa m