Hindi nya sinagot ang tanong ko at kumain sya na parang walang tao sa harap nya. Nag aapoy na ako sa galit nang iserve ang isang tray ng pagkain, may kasama iyong ice cream.
Nawala ang inis ko at ngumiti sa lalaking nagserve ng pagkain. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Zack sa akin.
"What are you doing?" masungit na sabi nya.
"Smiling!" Mas nilakihan ko ang ngiti.
"Hindi mo pagkain 'yan." Inagaw nya ang tray na nakalapag sa akin.
Tumayo ako at binatukan sya.
"Akin 'to!" Saka ko inagaw ulit sa kanya.
Inirapan nya ako at hindi na nakipag agawan pa.
"Bakit ka nga pala nasa CS kanina? Anong binili mo don?" I asked out of curiousity.
"None of your business."
"Are you stalking me?" nang aasar kong sabi.
"Why would I do that?" He said in disgusted face.
"Malay natin?" Nagkibit ako ng balikat.
Hindi na sya nagsalita pa hanggang sa m
"May mahalaga akong sasabihin kaya makinig kayong mabuti. I need your full attention so you must focus," seryoso kong sabi. "Ang seryoso mo naman, Sky." Natatawang baling ni Almira. "I need you all to stay safe. Marami nang nagkalat na halang ang kaluluwa. Kung maaari, 'pag may dumating na panganib, use your fighting skills to defend yourselves.""Is this about human trafficking?" si Allison. "Oo, at kung maaari 'wag kayong gagala o maglalakad ng mag-isa sa labas. Please, magseryoso kayo pagdating dito." "Our parents are triggered about this. Kaya nagdagdag sila ng body guard namin. Don't worry, Sky." Pangungumbinsi ni Almira. "That's good to hear." Kahit nakahinga ako ng maluwag ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Mamaya ay sisimulan ko na muling magmatiyag. Hindi ako superhero pero gagawin at ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para tumulong. Isasantabi ko muna ang kay Don Alejandro, mukang kay Anton ko muna
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Kio. Normal bang tumibok ng mabilis ang puso ko? Normal lang naman siguro. Nagpaalam muna ang tatlo sa akin habang si Zack ay naiwan kasama ko dahil may pasok sila. Inabot pala ako ng umaga sa paggising, malakas daw kasi ang pampatulog na nalanghap ko kaya ganon. Kaya nagpaiwan si Zack ay para bantayan ako. Sinabi nyang nagpaalam na sya sa mga prof namin, valid naman ang reason nya kaya pinayagan sya. "Ano ba kasing pumasok dyan sa kukote mo at naisipan mo pang lumabas sa apartment mo?" iritable nyang sabi habang inihahanda ang kakainin ko. "Salamat, babayaran na lang kita." "Hindi mo binayaran 'yung nakaraang utang mo sa akin, remember? Hindi na ako umaasang babayaran mo pa 'to," pang iinsulto nya. "Nandito ka ba para pagsabihan na naman ako ng kung anu-ano?" Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Of course! Because of you my face got beaten. You have to pay me back.
Mabilis natapos ang klase ng pang gabi. Confident akong matatalo ko sya, nakakatawa mang isipin pero tinandaan ko ang advice ni Anton. Don't let enemy trick you. Kung gusto kong manalo sa labang uumpisahan ko ay dapat maging wais ako at hindi dapat emosyon pinapairal. Kung tuso ang kalaban ko ay dapat mas maging tuso rin ako. I shaked my hands to release the nervousness I am feeling. Nakita ni Zack ang ginawa ko, may multo ng ngiting sumilay sa labi nya. "Hindi ka pa uuwi, Zack?" narinig kong tanong ni Atasha, nabaling ang tingin ko sa kanya. "Yeah. I still have some things to do." "Hintayin na kita," pagpepresinta ng babae. "You don't have to," malamig na sagot nito. Halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad mismo sa harapan ko si Seth paglabas na paglabas pa lamang namin sa pintuan. "Seth!" gulat na sabi ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nya."Anong ginagawa mo rito? Wala na kayong klase ng 4 ah
Nagulat ako nang paglabas namin ni Zack sa gate ay may mga police na nagpapatrol. Wala na rin si Seth. Pero sinong nagreport? Imposibleng si Zack."Si Seth kaya 'yung nagreport?" Bulong ko sa sarili."I'm the one who reported, but don't worry hindi ko sinabi ang nangyari." Tinignan ko sya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ba utos ng Lolo nya na huwag magsasalita sa mga pulis? Ano 'to? Paano kapag nalaman ng Lolo nya? Shit! Hindi ko naman sya pwedeng tanungin dahil malamang maghihinala sya.Pinili ko na lamang manahimik kahit gustong gusto ko na syang tanungin. Hinatid nya ako sa tapat ng apartment, nagpasalamat ako bago bumaba. "Sky!" tawag nya nang papasok na sana ako ng gate.Nagtataka akong lumingon. Iniabot nya sa akin ang cellphone nya."Save your number here, I will contact you once I have a time to train you." Gaya ng sabi nya ay sinave ko roon ang number ko. Umalis na rin sya pagkatapos. Napala
Hindi na kami nakapasok ni Tash dahil ang dami pa naming pinuntahan. Nagpabody massage pa sya, nagpafacial at marami pang iba. Sobrang sakit ng paa ko pagkahatid nya sa akin sa apartment. "Thank you, hope to see you there." I nodded and smiled. Habang naghihintay ng oras ay nakareceived ako ng message galing sa hindi rehistradong numero. Dahil curious ako kung sino 'yon ay binuksan ko. Unknown number:Where the hell are you? Bakit hindi ka pumasok?At first, I assumed it was from Seth, but eventually I realized it was Zack since he's the only one who got my number. Ano naman sana sa kanya kung hindi ako pumasok 'di ba? Hindi ko rin talaga matanto kung anong utak ang mayroon sya. To Zack:Nagpasama sa akin si Atasha magshopping.After that, hindi na ulit ako naka receive ng text galing sa kanya. I just shrugged at hindi na inisip 'yon dahil kailangan ko nang ihanda ang mga gagamitin ko mam
Nang tuluyan kaming makapasok ay agad kong inilibot ang paningin ko. Their mansion is modern. Ang mga chandelier ay nagkikinangan. Maraming painting ang nakapaskil sa dingding pataas sa second floor. Walang picture si Zack kasama ang parents nya, tanging si Don Alejandro lang ang kanyang kasama. Maybe patay na ang mga ito? Siguro baby pa lang si Zack nang mawala sila sa mundo. Humakbang na naman ako sa konklusyon. Itatanong ko na lang kay Alfredo dahil iyon din pala ang hindi ko pa alam hanggang ngayon. CCTV spotted. Kung punong puno ng CCTV cameras ang kanilang mansyon, hindi na ako magtatangkang magkabit ng mga devices. For sure naka tutok rin ang mga tauhan nya sa monitor, mahuhuli ako. "Wala pa ba sila Seth?" I asked him habang naglalakad kami papunta sa round table na may apat na upuan. "Are hungry?" Instead of answering my question, he also asked a question. "Hindi pa, hihintayin ko na lang siguro sila." He nodded. "W
Magkaharap kami ngayon ni Don Alejandro. He grinned. Kilala na nya kung sino ako. Alam na nya ang buong pagkatao ko. Nakatali ang kamay at paa ko habang nakabitin ng patiwarik. Ibinigay nya ang baril sa nakangising si Zack. Kinuha nya ang baril saka itinutok sa akin. Dahan dahan nyang kinalabit ang gatilyo. "‘Wag!" Pawis na pawis ako at malakas ang kabog ng dibdib. Nagising ako sa masamang panaginip. Napaupo ako dahil don. Saka ko naramdaman ang sakit sa balikat ko. "Shit!""Sky, you're finally awake." Halos magulat ako nang makita si Zack na kagigising lang sa gilid ko. Nagising yata sya dahil sa sigaw ko. May pinindot syang device sa dingding ng higaan ko at tinawag doon ang doktor. Unti-unti ulit akong humiga dahil sa panghihina. Aligaga si Zack at hindi alam ang gagawin. Tinanggal ko ang oxygen na nakalagay sa muka ko. This shit is better, fresh air. Mas nakakahinga ako ng maluwag. "Anong nararamdaman
Nang tuluyan akong makalabas ng ospital ay mas dumami naman ang kaso ng mga taong nawawala. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin naaaksyunan ng mga pulis ang kasong human trafficking. Hanggang kailan ba sila magiging bulag at bingi? Palibhasa kasi may mga hawak na pulis ang mga demonyong 'yon. Sa mga ganitong sitwasyon talaga ay hindi ko kayang hindi makialam at walang gawin. Buhay ng tao ang nakasalalay rito, at hindi lang iyon basta buhay lang. "Bakit walang ginagawa 'tong mga lintik na mga pulis." I mumble. "Sky, hindi sa wala silang ginagawa. Masyado lang magagaling ang mga kriminal," depensa ni Seth. Narinig nya pala. Gusto ko mang magsalita pa ay tinikom ko na lang ang bibig ko. I'm sure hindi abot ng iniisip ni Seth kung ano ang iniisip ko. He's just an ordinary student after all. "They're doing all their best, let's just appreciate them." Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko a