Nakaramdam ako kahit paano ng awa sa kanya.
"It's okay, you're gonna be alright," I comforted her and hug her tightly so that she feel na nandito lang ako para sa kanya.Sasabihin ko na sana sa kanyang bumalik na kami sa taas nang may humila sa kanya palayo sa akin."Ohh, are you guys in a relationship?" The guy mocked as he eyed me from head to toe.Disgusting asshole."You can take care of her, akin ang isang 'to," narinig ko pang sabi nya. Naramdaman ko mula sa likuran ang hawak ng lalaki sa braso ko. At dahil lasing si Tash ay hindi sya makawala sa pagkakahawak ng lalaki kahit anong palag ang gawin nya.I gritted my teeth."Hey, let go of my friend while I'm still being nice," nakangiti kong sabi habang matalas ang tingin sa kanya."I don't want to. Pakakawalan ko naman sya kapag nagsawa na ako." Ngumisi ang lalaki which is hindi ko nagustuhan.I shut my eyes tightly and seconds later, I twiMiracle’s POV Pilit kong sinisilip ang mga taong armado na nasa loob ng aking kwarto mula sa pagkakatago ko sa madilim na closet. Hindi ko pa rin lubusang maintindihan ang mga nangyayari. Kanina lamang ay nagi-impake kami ni Mommy ng gamit ko dahil dadalhin daw nila ako sa probinsya kung saan nakatira ang iba naming kamag-anak. Hindi ako pumayag dahil bukod sa ayaw ko, hindi rin sila kasama pag-alis ko. Maingat naman nilang ipinaliwanag ang katanungang bumabagabag sa akin. Delikado na makasama ko sila dahil nagiging mapanganib na ang trabahong ginagawa nila. Nasa kalagitnaan pa lang sila kanina ng pagi-impake at ng pag-iyak ko nang bigla na lang may kumalabog sa ibaba dahilan para matigilan sila. Gayundin ako. Hindi ko na nagawang sundan ang kanilang pinag-uusapan. Tangi ko na lang naintindihan ay ang pang-huling salitang binitiwan ni Daddy. “They're here.” Abala na si Mommy sa mga gadgets. Samantalang si Daddy ay may kausap na
“Mommy! Daddy!” Napabangon ako mula sa kamang kinahihigaan ko nang mapanaginipan na naman ang malagim na nangyari sa magulang ko sampung taon na ang nakakaraan.Tagaktak ang pawis ko nang punasan ito, halos habulin ko rin ang hininga ko.“Tubig.” Inabutan ako ng tubig ni Alfredo.Ganito palagi ang ginagawa nya tuwing gumigising ako sa masamang panaginip na hanggang ngayon ay gumagambala pa rin sa akin. Kinuha ko ang baso mula sa kamay nya at tuloy tuloy na ininom. Ibinigay ko sa kanya ang wala ng lamang baso.“Salamat, naabala ko na naman tuloy ang tulog mo.” Iniwas ko ang paningin at tumayo na mula sa pagkakahiga. Tinignan ko ang oras sa relo na bigay sa akin ng magulang ko, alas tres pa lang ng madaling araw.Hindi na muli akong nakakatulog kapag ganitong nagigising ako mula sa bangungot na 'yon. Minamabuti kong mag ensayo na lang kaysa tumunganga. Ganito na ang gawain ko simula pa noon.
“Ilagay mo lahat ng pera dito, bilisan mo!”Walang ibang tao ang 7/11 kaya hindi makahingi ng tulong si Ate na nasa counter, at kung may tao man ay malabo rin syang matulungan dahil gigil na nakatutok ang baril ng lalaki sa kanya.Halata sa lalaki na sinumang hahadlang sa gusto nyang mangyari ay papuputukan nya ng walang pagdadalawang isip.“Opo.” Nanginginig na kinuha ng babae ang bag na inaabot ng lalaking may bitbit na baril.Mula dito sa glass door ay nakahalukipkip ako habang pinag-mamasdan sila.“Bilis!” Inip na sigaw ng lalaki sa kanya. Halos mapatalon sa gulat ang babae dahil sa takot.Nagtama ang paningin namin ng lalaki nang ilibot nito ang paningin.“Ikaw! Ano'ng tinitingin-tingin mo dyan?” Maangas nyang tanong sa tonong nangsisindak.“Masama ba?” Inosenteng tanong ko pabalik.Nakita ko ang pagrehist
“Talaga? Sa university ka na namin mag-aaral?” hindi makapaniwalang tanong ni Almira at Allison. Nagsabay pa sila sa pagsasalita.Mag-uumpisa na ang misyon ko pagtapak ko sa unibersidad na pinapasukan ng apo ni Don Alejandro, which is doon din nag-aaral ang tatlong baliw na 'to.Sa makalawa ay tuluyan na akong lilipat doon dahil inaasikaso pa lang ang mga kakailanganin ko para makapasok sa pribadong paaralang iyon. Ito na talaga ang plano namin ni Alfredo simula pa lang. Ang mapalapit sa apo ng kalaban para mas mapadali namin ang plano.Tumango ako sa tanong ng kambal, excited silang nagtatalon sa tuwa. Nandito kami ngayon nakatambay sa malawak na bakuran ng bahay namin ni Alfredo. Katatapos ko lang mag-ensayo nang dumating sila rito para na naman manggulo.“Halla, omo! Kailan ka papasok?” nagningning sa tuwa ang mata ni Allison.“Siguro sa lunes na rin, inaasikaso ko pa ang pagkuha ng kak
Katatapos lang namin kumain ng hapunan ni Alfredo at napagkasunduan naming iimpake na ang mga gamit ko. Ako ang nagtutupi at sya ang tiga-lagay sa maleta. Pinabaunan nya rin ako ng isang beretta M9 at tactical knife in case na kailanganin ko. Dinala ko rin ang laptop na binili at inayos nya para ma-trace ko kung nasaan sya, ganon din ang gagawin ko kung sakaling mapalapit na ang loob ng apo ni Don Alejandro sa akin, malalaman ko kung saan ito naglalagi at kung ano ang mga pinagkaka-abalahan. Kung sumasama ba sya sa kanyang Lolo upang suriin sa mga pabrika ang mga ginagawa nitong droga.Isang malaking maleta ang dala ko at backpack.“Mukang handang handa ka na.” Ngumisi si Alfredo.“Sobra.” Bahagya akong natawa.“Alam kong buong-buo ang loob mo, pero alam ko ring hindi mo nakakalimutan na hindi basta-bastang kalaban si Don Alejandro.” Nawala ang ngisi nito at sumeryoso an
“Salamat.” Natapos na ako sa mga papel na ni-fillup-an ko. Successfully enrolled na rin ako at ang mas masaya pa roon ay parehas ang schedule namin ni Zack Salvador.Mahabang pilitan pa ang naganap sa pagitan ko at sa registrar dahil ayaw ako nitong payagan na mapunta ako sa dash-1 kung saan naroon ang apo ni Don Alejandro.Mabuti na lang ay hindi sumama sa akin ang tatlo dahil nakita nila ang kanilang kaibigan dito.Sinabi ko kasi ang nakakasukang dahilan ko sa registrar kung bakit gustong gusto ko roon. Sabi ko lang naman ay crush na crush ko si Zack Salvador kaya gustong gusto ko syang kaklase sa lahat ng subject, para inspirado ako sa pagpasok palagi. Sinuhulan ko pa nga para lang tuluyan nang pumayag ang matanda, dinagdagan ko ang bayad ng tuition ko para roon.“Okay na, salamat sa paghihintay.” Syempre ngiting tagumpay ako nang makalapit sa kanilang tatlo.&ld
Saktong alas dose ng tanghali ay natapos ang klase namin. Isinukbit ko ang aking bag sa balikat at nagtipa ng mensahe sa tatlo kong kaibigan.Tinanong ko kung saan sila, agad naman ang reply at sinabing nasa cafeteria 1 na at hinihintay na lang ako. Ibinulsa ko ang cellphone para tumayo na.“Hi, may kasama kang magla-lunch?” Hindi ko gusto ang ngising ipinakita sa akin ng tatlong babae sa harap ko. Muka na ngang hindi friendly, hindi pa katiwa-tiwala ang pagmumuka nila. Galit na galit ang pulang lipstick sa kanilang mga labi.Kumapit ako sa strap ng bag ko.“Uh, meron,” Mahinhin at nahihiya kong tugon. Sabi ni Alfredo ay magaling ako sa pag-arte, kung mag-aartista raw ako ay tiyak na pasok agad. Kaya nga iyon ang ina-apply ko ngayon dito.Kita ko ang pasimpleng pag-irap sa akin ng isa nyang kasama, 'yung isa naman ay halatang napaka arte.Nakalabas na sila Zack at Atasha, iilan na l
“Seth!” Zack voice roared like a thunder.“Gotta go, see you around!” Kumindat ito bago umalis.What was that for? Geez! I guess that's enough for today, napag pasiyahan kong umuwi na dahil ayos na 'yung nakita ako ni Zack at nakapag papansin ng konti.Saktong tumunog ang phone ko, tumatawag si Allison. Walang pagdadalawang isip kong sinagot.“Hello?”“Sky! Nasan ka? Kainis! Kailangan mong magpakita agad sa amin, bruha ka! Dapat kang magpaliwanag.”“Ano bang sinasabi mo?” Kumunot ang noo ko dahil parang nagtatampo ang boses nya. Para akong may itinagong sikreto na hindi agad nasabi sa kanila.“We're here na sa gate, hihintayin ka namin dito.”'Yun lang at pinatay na nito ang tawag, nasisiraan na naman yata ng ulo 'yun. Tsk!“Bak