Home / Other / Call Me SKY / Chapter Eight

Share

Chapter Eight

“Seth!” Zack voice roared like a thunder.

“Gotta go, see you around!” Kumindat ito bago umalis.

What was that for? Geez! I guess that's enough for today, napag pasiyahan kong umuwi na dahil ayos na 'yung nakita ako ni Zack at nakapag papansin ng konti.

Saktong tumunog ang phone ko, tumatawag si Allison. Walang pagdadalawang isip kong sinagot.

“Hello?”

Sky! Nasan ka? Kainis! Kailangan mong magpakita agad sa amin, bruha ka! Dapat kang magpaliwanag.”

“Ano bang sinasabi mo?” Kumunot ang noo ko dahil parang nagtatampo ang boses nya. Para akong may itinagong sikreto na hindi agad nasabi sa kanila.

“We're here na sa gate, hihintayin ka namin dito.”

'Yun lang at pinatay na nito ang tawag, nasisiraan na naman yata ng ulo 'yun. Tsk!

“Bakit hindi mo sinabi?!” Pagdating ko sa kinaroroonan nila ay ito agad ang ibinungad nila, para pang maiiyak sila.

“What?” naguguluhan kong tanong, clueless ako.

“The gorgeous and hot man in this University and in the whole world, Gosh! Dream of many girls because he's a goddamn perfect-” Binatukan ko na ang loka sa sobrang pag iimagine.

“Ano ba 'yun?” nagtatakang tanong ko.

“Hindi mo talaga alam? Sabagay, bago ka nga lang pala rito.” Nagkibit ng balikat si Almira.

“'Yung ultimate crush namin! Si Zack Salvador, bakit hindi mo sinabi agad na clasamate kayo?!” Pinaypayan ni Allison ang muka nya at para pa syang hihimatayin sa pagbanggit pa lang ng pangalan ni Zack.

Crush nila 'yung lalaking 'yon?

“Hindi ko sya kilala eh,” pagsisinungaling ko na halatang epektibo.

Pinilit nila akong magpunta sa condo nila at doon na lang daw kumain ng hapunan dahil dapat daw akong magkwento kung ano ang pakiramdam ng kaklase si Zack. Simple lang naman ang isinagot ko sa kanila. “Wala namang espesyal.”

Inabot ako ng alas otso sa condo nila dahil panay ang tanong nila tungkol kay Zack, puro lang naman, "hindi ko alam," ang sagot ko.

Medyo may kalayuan ang condo nila sa apartment na tinuluyan ko kaya kinailangan ko pang mamasahe papunta roon. Pagkarating ko ay inayos ko agad ang mga gamit ko, may sariling cabinet ang apartment kaya swerte ako. Inilagay ko ang baril at kutsilyo sa pinaka sulok ng cabinet, tinabunan ko rin iyon ng mga damit.

Naligo ako at nagpalit ng pambahay bago ko kinuha ang laptop at ni-trace kung nasaan si Alfredo. Nasa bahay lang sya.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Alfredo ito, maligaya ko itong sinagot.

“Kumusta ang misyon?” Kahit hindi ko makita ang muka nya ay alam kong nakangisi ito.

“Uma-ayon ang lahat sa plano.” Ngumiti ako ng malapad.

“Magaling.”

Matapos ang mahabang pag-uusap namin ay nagpasya akong matulog na.

Maaga akong nagising kina-umagahan, matapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Wala pa akong uniform kaya pwede akong magsuot ng kahit na anong damit na gustuhin ko, isang white tee shirt, black jeans at sneakers ang isinusuot ko dahil dito ako komportable.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako. Ini-lock ko ang pinto at nilagay ang susi sa bulsa ng bag ko. Siguro ay mag aalmusal na lang ako sa isang malapit na karinderya. Marunong naman akong magluto, pero 'pag inaatake talaga ako ng katamaran ay wala talaga sa aking aasahan. Besides I need to buy groceries, wala pa akong stock.

Nakakita ako ng karinderya sa dinaraanan ko, sobrang lapit lang sa school ilang kilometro lang ang layo. Um-order ako ng kanin at ulam saka nagsimulang kumain nang maibigay agad ang order.

Ako lang yata ang nag-iisang estudyante na kumakain dito, wala akong ibang makitang ka-schoolmate ko. Ano pa ba ang aasahan ko? Mayayaman ang mga iyon, malamang sa mamahaling restaurants nagsisikain o kaya sa loob ng Unibersidad.

Matapos ko ay nagpahinga muna ako ng konti saka tumulak na papunta sa University.

Sa gilid na nga ako naglalakad at hindi nakaharang sa daan ay bumusina pa ang itim na kotse sa likod ko, yabang neto. Pinagyayabang mo 'yang BMW mo?

Huminto ako para tingnan ang kotse, tinted ito kaya hindi ko masilip kung sinong tarantado ang nasa loob. Humarurot ito papasok ng school kaya ang lagay, nag dessert ako ng usok at alikabok.

Pinanatili kong mahinhin at mukang mabait ang muka ko nang makapasok sa loob ng room, kahit gustong gusto ko nang balian ng buto ang kung sino mang nag mamay-ari ng itim na kotseng iyon.

“Excuse me.”

Hindi ko pinansin ang nagsalita, hindi ko naman kasi alam kung ako ba ang kinakausap o hindi, basta nagbabasa lang ako ng libro.

“Hey, you!” Marahas na bumagsak ang hand bag sa tabi kong upuan.

Kahit may ideya na ako kung sino ito ay tiningala ko pa rin upang tignan. Si Atasha.

Inosente ko syang tinignan at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanya.

“Ako ba?” maang na tanong ko at itinuro pa ang sarili ko, pramis! Ito ang pinaka tanga na ginawa ko sa buong buhay ko.

Malamang alam ko kung sino ang kinakausap nya pero heto pa rin ako at mas ginagawang tanga ang sarili sa harapan nya.

“Yes you, stupid.” Umikot ang mata nya at humalukipkip.

Naitikom ko ng mariin ang bibig ko at hinintay ang kasunod nyang sasabihin.

“Can you move there?” Itinuro nya ang harapan.

“Bakit?” Kunot noo kong tanong. Nagpapaka tanga na kunwari'y wala akong kaide-ideya kung bakit nya ako pinapalipat doon.

“Kasi ayaw kitang katabi? Is that already enough reason?” sarcastic nyang sabi.

Sabi ko nga.

“Kaso, wala ng space roon,” mahinhin kong sinabi.

“I don't fvcking care!” Halos lumabas ang mga ugat nya sa leeg nang isigaw iyon, nanlalaki rin ang mata nya para siguro mas lalo nya akong masindak.

Nagtinginan na sa amin ang aming mga kablockmates, narinig ko rin ang pagtawa ng tatlong babae na makakapal ang kolorete sa muka.

“Ayaw mo ba akong katabi?” painosente kong tanong na mas lalong kinainis nya.

“Yes!” deretsahan at walang pag aalinlangan nya sagot.

“Kung ganon...” Nakita ko ang tuwa na rumehistro sa kanyang muka nang banggitin ko iyon. “Pwede bang... ikaw na lang ang mag-adjust? Gusto ko kasi talaga rito eh.” Ngumiti ako ng malapad. Halos sugurin nya naman ako ng sabunot dahil sa sinabi ko.

Padabog syang umupo sa tabi ko at walang tago nya akong tinitigan ng masama, hanggang sa dumating si Zack. Cool itong nakapamulsa at nakalagay lang ang isang strap ng backpack sa kaliwang braso. Narinig ko ang mahihinang hagikgikan at bulungan ng mga kaklase naming babae sa paligid.

Lakas din pala ng karisma ng isang ito ah?

Nawala ang masamang tinging ipinupukol ni Atasha sa akin at napalitan ng malapad na ngiti nang makita rin si Zack. Oh? Anyare rin dito?

Tuloy tuloy na dumiretso si Zack sa amin at walang pinansin na kahit sino. Tumama ang tingin nya sa akin nang madaanan nya ang upuan ko.

Malapad akong ngumiti sa kanya at binati sya ng, “Good morning.”

Hindi nya sinuklian ang ngiti ko at wala ring salitang lumabas sa bibig nya. Nilagpasan nya lang ako. Kahit gustong kumunot ng noo ko ay hindi ko pinahintulutan, ibinaling ko na lamang ulit ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro at nagkunwaring nasaktan sa ipinakita nitong malamig na emosyon.

Narinig ko ang nang aasar na mahinang tawa ni Atasha.

Hanggang kailan bibigay 'tong si Zack? Hanggang kailan ko pagtitiisan ang ganyang ugali nya? Itong si Atasha ay ang sarap sanang gawing punching bag pero kailangan kong magtimpi. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko at ang mga emosyong ipinapakita ko.

Kung kailangan ding magmukang tanga ako at magmukang inosente sa paningin nila ay malugod ko iyong gagawin.

Sa buong klase ay kahit na bumabagsak ang talukap ng mata ko'y pilit ko pa ring nilalabanan ang antok, mahina ko ring kinukurot ang pisngi ko upang magising ang diwa kong gusto nang matulog.

May time pa na talagang bumagsak ang muka ko sa mesa namin dahil hindi ko na talaga kaya pang pigilan. Malutong na nakalikha ng ingay ang muka ko dahil doon. Agarang nagising ang natutulog kong diwa at tumingin sa aming guro, buti na lang talaga ay hindi nya iyon napansin.

Maliban sa dalawa kong katabi, ano pa bang aasahan ko sa emosyon ng muka nila? Syempre si Atasha ay kunot noo, habang si Zack naman ay mariing nakadiretso ang labi at malamig ang tingin.

Nang dumaan ang lunch ay parang aso akong sumunod sa paglalakad kila Zack at Atasha. Mukang hindi naman nila pansin dahil marami ring estudyangteng sumasabay sa paglalakad namin.

"Sya nga pala Zack, nagyaya sila Seth na lumabas mamayang gabi, gusto kong sumama ka para makasama ako," rinig kong sabi ni Atasha.

Kulang na lang ay magtatalon ako at magpaparty sa sobrang saya dahil sa magandang balita na narinig.

“Yeah,” maikling sagot nito na hindi na nasundan pa. Si Atasha ay todo kwento ng kung ano-ano samantalang si Zack ay halatang walang pakialam at hindi interisado.

Alright, ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay malaman kung saan sila pupunta at ano ang gagawin nila. Maaari kasing kahit na maliit lang na detalye ang marinig ko galing sa kanyang apo ay mapagdikit dikit ko ito at magamit upang matunton si Don Alejandro at mapagbagsak ang kanyang mga ilegal na negosyo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status