Home / Other / Call Me SKY / Chapter Seven

Share

Chapter Seven

Saktong alas dose ng tanghali ay natapos ang klase namin. Isinukbit ko ang aking bag sa balikat at nagtipa ng mensahe sa tatlo kong kaibigan. 

Tinanong ko kung saan sila, agad naman ang reply at sinabing nasa cafeteria 1 na at hinihintay na lang ako. Ibinulsa ko ang cellphone para tumayo na. 

“Hi, may kasama kang magla-lunch?” Hindi ko gusto ang ngising ipinakita sa akin ng tatlong babae sa harap ko. Muka na ngang hindi friendly, hindi pa katiwa-tiwala ang pagmumuka nila. Galit na galit ang pulang lipstick sa kanilang mga labi. 

Kumapit ako sa strap ng bag ko. 

“Uh, meron,” Mahinhin at nahihiya kong tugon. Sabi ni Alfredo ay magaling ako sa pag-arte, kung mag-aartista raw ako ay tiyak na pasok agad. Kaya nga iyon ang ina-apply ko ngayon dito. 

Kita ko ang pasimpleng pag-irap sa akin ng isa nyang kasama, 'yung isa naman ay halatang napaka arte. 

Nakalabas na sila Zack at Atasha, iilan na lang kaming nandito sa loob ng classroom. 

“Really? May kaibigan ka pala or boyfriend?” Ngumisi sya na sinundan ng nakakaasar na tawa ng dalawa nyang kasama. 

“K-kaibigan.” Yumuko ako, nagpipigil. God! Ipaalala nga sa akin kung bakit pinili kong maging pabebe sa harapan ng lahat. Kaya ko ba itong panindigan? 

“Puro siguro kayo losers, let's go na nga, mukang mas kakawa sya kung kakawawain pa natin, saka na kapag nagtagal pa sya rito ng konti.” Lumakad sila palayo habang nagtatawanan. 

Ngayon lang ako pinagtawanan ng ganito dahil akala nila ay mahina ako. The hell! 

Wala na akong kasama sa room nang magvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at binasa ang mensahe galing kay Allison. 

“'Asan ka na?”

Ako:

“Papunta na.”

Naglakad na ako papunta sa cafeteria, pagpasok ko sa pintuan ay hinanap agad sila ng mga mata ko ngunit ibang muka ang nakita ko, si Zack at Atasha sa gitna naka-upo. Magkaharap silang kumakain, hmm. Ganito sila ka-close huh? 

Um-order muna ako ng pagkain bago muling hinanap ng mata ko ang tatlo, nasa dulong bahagi sila. 

Hawak ang tray na naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila, of course hindi mawawala ang tingin ng mga estudyante syempre dahil hindi ako naka uniporme na tulad nilang lahat, nag-iisa lang akong hindi naka proper uniform. 

Alam na agad nila na bago akong estudyante ng Unibersidad dahil sa suot ko, hindi dapat ako maging proud sa atensyong itinutuon nila sa akin. Dapat makita nila sa akin ang pagiging mahinhin at mahiyain. 

Yumuko ako at nagmadaling maglakad papunta sa kinaroroonan ng tatlo, hindi pa nila ako napapansin dahil busy sila sa daldalan. 

Gulat ako sa bilis ng pangyayari, naramdaman ko na lang na lumagapak ang muka ko sa malamig na sahig ng cafeteria. Pumikit ako ng mariin at napapahiyang tumayo, tumingin ako sa lahat. Nagtatawanan sila sa nangyari. Tinignan ko ang nagharang ng paa sa gilid ko. 

Ito 'yung tatlong babae kanina na nagtatanong kung may kasabay ba akong kumain ng lunch. 

“Sorry, ini-stretch ko lang ang paa ko. Hindi kita nakitang dumaan.” Nag ngising aso ito. 

Pinagpagan ko ang sarili ko, saka nagsalita. 

“O-okay lang,” nanginginig na sabi ko saka maliit na ngumiti. 

Hindi dahil sa nahihiya ako kaya nanginig ang boses ko, Nangiginig ako dahil sa labis na galit. I'm sure pulang pula ang muka ko hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil sa sobrang pagpipigil na atakihin ang muka ng tatlong babaeng ito. 

Tumingin ako sa gawi kung nasaan sila Zack, kunot noo itong matamang nakatingin sa akin, bagamat ganoon ang reaksyon nya ay hindi ko pa rin mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak nya. 

Iniwas ko ang paningin ko nang marinig ko ang boses ng dalawang kambal. 

“Sky? Omo!” nagtakbuhan palapit sa akin si Allison, Almira at Kio. 

In-examine ni Allison ang kabuuan ko lalong lalo na ang muka ko kung may natamo ba akong galos o wala. 

“Ayos ka lang?” alalang tanong ni Allison sa akin. 

Matalim nyang binalingan ng tingin ang tatlong babae. 

“Yep.” Ngumiti ako sa kanila at hinila sila paalis sa spotlite na iyon. 

“Anong nangyari?” alalang tanong ni Almira sa akin nang makaupo na kami sa nakita kong pwesto nila kanina. 

“Pinatid,” simpleng sagot ko na wala lang sa akin. 

“At hindi mo sinunggaban ng suntok ang mga clown na 'yon?” halos pa-histerya na sabi ni Allison. 

Atensyon. Tama, atensyon ang kailangan ko upang laging mabaling ang tingin  ni Zack Salvador sa akin. 'Yun lang ang paraan, kung kailangan kong magpabugbog at magpabully ay malugod kong tatanggapin. 

“Ano ang pumasok sa kukote mo at pinayagan mong ganunin ka?” nanggagalaiting tanong ni Almira. 

“Hindi ako pwedeng lumaban dahil iniingatan ko ang maayos na record ko rito sa university, ayaw kong ma-kick out. Gusto ko pang maging proud si Alfredo sa akin,” kalmadong paliwanag ko, kumagat kayo. Paniwalaan nyo. 

“Sky tama, sya bago pa lang dito,” sang ayon ni Kio, ngumiti ako. 

Nagpakawala ng buntong hininga ang kambal, tinignan na lang nila ako ng may pag-aalala. 

“Ako na lang bili lunch mo,” suhestiyon ni Kio. 

Tumayo na sya, sus! Kaya pala nagpapaka gentleman eh, nandito si Abby. Bibilib na sana ako eh. Tsk! 

Tahimik akong kumain habang nagdadaldalan ang kambal tungkol sa pangyayari kanina, hindi raw sila maka get over doon sa nangyari dahil napahiya raw ako. Hindi raw dapat napapahiya ang idol nila. Dapat daw, ako ang bida. 

Tinawanan ko na lang sila at inilingan. 

“'Di bale, kapag nangyari ulit 'yon, kami ang magtatanggol sa 'yo, ia-apply namin ang mga it–” Hindi ko na pinatapos si Allison sa pagsasalita nya. Sinupalpalan ko sya ng malaking manok sa bibig. 

“Oo na,” nangingiti kong sabi. 

“Akin na 'to ha?” Tukoy nya sa hita ng manok ng isinubo ko sa kanya. 

Sa 'yo na talaga 'yan para matigil ka sa kadaldalan. Hinawakan ko ang ilong ko dahil parang ito ang napuruhan, pakiramdam ko ay namumula pa rin ito hanggang ngayon. Tsk! 

Mabilis natapos ang klase, iyon ang pakiramdam ko dahil natapos ang oras nang hindi ako nakalapit o naka-usap man lang si Salvador. I know na dapat dahan-dahanin, kaya nga nagtitimpi ako ngayon 'di ba? 

Tumambay muna ako sa covered court kung saan may naglalaro ng basketball habang naghihintay na matapos ang klase nila Allison, inilibot ko ang paningin at tignan mo nga naman oo... sinuswerte yata ako ngayon? Nakita ko si Zack, nakasoot ng jersey at nakatatak ang apelyido sa likod. Inaayos nito ang sintas, tinutulungan naman sya ni Atasha sa isa. 

Pinadaan nya ang kamay sa buhok nya at bahagya itong ginulo bago tumayo, ngayon ko lang napansin na may perpektong muka at katawan pala ang lalaking iyon. 

Well built ang katawan, halatang suki ng gym. Firm ang muscles, matangkad, perpekto ang panga, matangos na ilong, brown ang mga mata, makapal ang kilay na bagay sa muka nya, mahabang pilik-mata at mapupulang labi. Maputi rin sya at halatang anak mayaman, alagang alaga ni Don Alejandro. 

Marahas kong ipinilig ang ulo ko nang purihin ko ang buong pagkatao ng lalaking apo ng kalaban ko. What the heck?! 

Mukang uma-ayon sa akin ang plano, dahil paghakbang ko pa lang paupo sana sa bleachers ay saktong...

“Miss!” 

Tumama lang naman ng malakas ang bola sa ulo ko, aaminin kong halos naalog ang utak ko at parang umikot ang paligid ko sa lakas ng impact. Muntik ulit lumagapak ang muka ko sa semento mabuti na lang ay nasalo ako ng kung sino upang mapigilan ang tuluyang pagtumba ko. Kung hindi lang din talaga ito misyon ay hindi ko na kailangan ng tulong ng iba, kayang kaya kong balansehin ang bigat ko at hindi matumba, pero dahil pabebe ang acting ko ay kailangang panindigan ko. 

Isang mahigpit na hawak sa bewang ang nakapigil sa akin, nilakihan ko ang mata ko para kunwari ay gulat na gulat ako, umasa akong si Zack iyon pero nabigo ako nang hindi sya. 

“Are you okay?” Nakita ko ang pag aalala sa kanyang muka at pagka... guilty, siguro ay sya ang nakatama ng bola sa akin. 

Inayos ko ang sarili at tumayo ng tuwid, inalalayan pa nga ako sa pag-aakala nyang matutumba pa rin ako. 

“Okay na ako.” Nakita kong tumigil sa paglalaro ang mga lalaki dahil sa amin nakabaling ang atensyon. 

Mas gulat ako nang ibaling ko sa tabi ng lalaki ang paningin ko. Ito talaga ang hindi na acting, talagang nagulat ako nang makita si Zack. Mariin itong nakatingin sa akin, kitang kita ko na bumaba ang tingin nya sa bewang ko kung saan naroon pa rin ang kamay ng lalaki. Umigting ang panga nya. Walang sali-salitang tumalikod ito at naglakad pabalik sa mga kasamahan. 

Ano ang ibig sabihin non? 

“S-salamat.” Pasimple kong hinawi ang kamay nya, tinanggal naman nya ito mula sa pagkakahawak sa bewang ko. Naramdaman nya siguro na hindi ako komportable. 

“You don't have to thank me, I'm sorry. Napalakas ang pasa ko ng bola at napunta sa direksyon mo.” Kumamot ito sa batok nya at namula ang muka. 

Tipid akong ngumiti para iparating na ayos lang sa akin iyon kahit hindi. 

“By the way, I'm Seth.” Inilahad nya ang kanyang kamay. 

Tumango ako at ngumiti, parang may hinihintay sya na hindi ko mawari. 

“And... your name Miss?” medyo may pag aalangan at nahihiya nyang tanong. 

“Call me Sky.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status