"Hi! Can I sit here?" Nakangisi kong tanong sa mga babae.
"Yeah! Sure, sure." Inalalayan nila akong umupo sa tabi nila.
Sanay ako sa iba't ibang bar dahil madalas na pinupuntahan namin na trabaho ni Alfredo ay sa mga ganito. Kadalasan kasi ay sa mga ganito ginaganap ng mga mayayamang negosyante ang ilegal na negosyo.
Humagikgik ang mga babae at tumabi sa akin. Hinaplos ng isa ang hita ko at idiniin ang dibdib sa braso ko.
Anak ng...
Halos manginig ako sa pandidiri dahil sa ginagawa nya. Ano ba naman 'tong pinasok ko? Tsk!
"Sayaw tayo." Tumayo ang isang babae at ganon din ang ginawa ng isa. Kinuha ang kamay ko at pilit akong hinihila patayo.
"Later," sabi ko. Ngumuso sila at umalis papuntang dance floor.
Ngayon ay itong isa na lang babae ang problema ko. Bumulong sya sa tenga ko.
"What's your name, handsome?" malambing nyang sabi habang itinataas baba ang kanyang kamay sa hita ko.
Palihim ko itong tinatanggal at saka sya ngingitian.
"Blake," walang paligoy ligoy na sabi ko.
Malandi syang tumawa at kumagat sa kanyang labi. Napangiwi ako sa ginawa nya.
"Blake, handsome name as you are."
Kung pwede lang syang ibalibag ay ginawa ko na kaagad. Muntik ko pa tuloy makalimutan ang pakay ko kung bakit ako nagpunta rito. Nakaharap ako mula sa pwesto nila Zack.
Hindi ko marinig ang mga pinag-uusapan nila dahil malakas ang tugtog kahit pa malapit lang ang table namin sa kanila.
Pansin kong konti pa lang ang inumin na nakalagay sa table nila. Sila Seth ay nagtatawanan habang si Zack ay seryoso ang muka at parang may malalim na iniisip. Habang si Atasha ay malapit kay Zack at may kung ano yatang ibinubulong.
Kumunot ang noo ko sa nakita. Ha? Bakit kukunot ang noo ko? Siraulo kang noo ka!
Hindi ko na naririnig ang ibinubulong ng babaeng katabi ko dahil nakadirekta na ang mga mata ko kay Zack at Atasha. Lumikot ang mga mata ni Zack at parang may hinahanap. Saktong nagtama ang paningin namin nang mapatingin sya mismo sa gawi ko.
Nagulat man ay hindi ko ipinahalata. Nagkunwari akong busy sa pakikipaglandian sa malanding babaeng nasa tabi ko.
Hinila ko ang babae patayo para yayain sa dance floor. Maiwan nga ito roon. Habang naglalakad kami papunta roon ay pasimple nyang hinawakan ang pang upo ko. Napatalon ako sa ginawa nya samantalang sya ay lumapad ang ngiti.
Tang..i..na? Ganyan ba sya kadesperada? Muntik ko syang masapak dahil sa ginawa nya.
Nang pumikit sya sa pagsasayaw ay nagmadali akong umalis sa dance floor. Nagtungo ako kung nasaan ang mga waiter na nagse-serve ng mga alak.
Nang may makita ako sa isang pinto na palabas ay tinanong ko ito.
"Brad, san mo iseserve 'yan?" malaking boses na tanong ko rito.
"Doon po." Itinuro nya kung saan naka upo sila Zack.
"Palit tayo." Wala akong sinayang na oras nang hilahin ko sya papunta sa men's restroom. Ini-lock ko ang pinto upang walang ibang makapasok.
"Po? Ano pong gagawin natin sir?" kabadong tanong nya.
"Palit tayo ng damit." Pumasok ako sa isang cubicle at tinanggal ang lahat ng damit sa katawan.
"Ano pang hinihintay mo? Ako na magseserve, babayaran kita ng malaki," pagalit kong sabi.
"Pero mapapagalitan po kasi ako-"
"Ako ang bahala." I assured him.
"O-opo." Narinig ko ang pagbukas ng panibagong cubicle.
Nagpalitan kami ng damit, tutal ay payat lang naman si Kuya. Naging handa na ako pagkalabas ko.
"Tandaan mo ang bilin ko, magsaya ka muna habang ako ang may suot nitong damit mo." Tinapik ko ang balikat nya.
Kinuha ko mula sa kamay nya ang order nila Zack. Naglakad ako papunta roon. Malayo pa lang pero bakit nakakaramdam na ako ng kaba? Siguro'y dahil sa may malalaman akong impormasyon ngayong gabi kaya excited lang siguro ang katawan ko.
Umasim ang muka ko nang inilagay ni Zack ang kaliwang braso sa likod ng sandalan ni Atasha at may ibinulong dito. Nakangisi sya ngayon habang ginagawa iyon. Ito namang Atasha ay humahalakhak at may pahampas pa sa dibdib ni Zack.
Nang makalapit ay pabagsak kong ibinaba ang lalagyanan ng mga alak. Nagulat sila sa ginawa ko at maski ako rin ay nagulat. Napatingin silang lahat sa akin dahil sa nangyari.
"Pasensya na po," hingi ko ng paumanhin.
Tumango lang sila Seth. Kunot noo akong tumingin kay Zack na ngayon ay walang emosyong nakatingin sa akin, ngunit ang mga mata ay may sinasabing hindi ko mawari. Napalunok ako nang tumitig sya ng diretso sa mga mata ko, para akong napapaso sa titig nya pa lang kaya agad kong iniiwas ang paningin ko.
Dinirekta ko ang mga mata sa bote ng alak. Sinigurado kong maingat na ang bawat galaw ko at dahan dahan upang makapakinig ng mga pinag-uusapan nila. Isa isa kong ibinaba sa table nila ang mga bote.
"Zack, nakauwi na ba ang Lolo mo?" Napapalakpak ang tenga ko nang marinig ang tanong ni Seth.
"Nope," tipid ang naging sagot ni Zack.
"Ah I see, haha. Kung nandito 'yon sa pinas ay malamang hindi ka payagan ngayon," natatawang sabi ni Seth.
Wala sa pilipinas si Don Alejandro? Hmm.
"Mabuti na lang talaga at busy sa negosyo ang Lolo mo," sabi ng isang lalaking katabi ni Seth.
Busy sa illegal na negosyo. Gustuhin ko mang sabihin 'yan ay hindi ko ginawa.
"Yeah," bored na sagot ni Zack.
Hindi na nasundan pa ang usapan tungkol sa Lolo ni Zack. Ibang topic na ang pinag usapan nila kaya kinailangan ko nang umalis at baka nakakahalata na si Zack. Duda talaga ako sa talas ng pakiramdam nya. Tinuruan din kaya 'yan ni Don Alejandro na maging magpagmasid sa paligid at pakiramdaman ang mga taong umaaligid?
Malamang Sky! Kaya kailangan kong magdoble ingat.
Tumalikod na ako sa table nila. Inihakbang ko ang isang paa ko ngunit natigil ito sa ere nang tawagin ako ni Zack. Dalawang araw pa lang pero kilalang kilala ko na ang boses nyang malalim at nakakapag pataas ng balahibo. What?! Nakakapagpataas ng balahibo? I didn't say that thing huh?
"Waiter!" Malakas ang pagkakabigkas nya nang tawagin ako dahil kapag hindi nya iyon ginawa ay mawawala lang sa tugtog ang sinasabi nya.
Lumingon ako at lumapit.
"Anything Sir?" Nakangiti kong tanong.
Pinakatitigan nya ako na parang nakikilala nya ako. Hindi ko alam pero napalunok ako at pakiramdam ko'y pinagpawisan ako ng husto.
Damn! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kumunot ang noo nya saka sya sumagot.
"Nothing." Tinagilid nya ang ulo nya at saka ngumising pinaglaruan ang labi.
Sira ulong 'to!
Kinunot ko ang noo ko at tinanguan sya, humakbang na ako paalis sa table nila. Peste! Bakit nanginginig ang tuhod ko?
Nakipag palitan ulit ako kay Kuya Vic ng damit. Nakilala ko sya dahil sa name plate na nakalagay sa kaliwang dibdib nya.
Nagpunta ako ngayon sa bar counter at doon na lang umupo kaysa makisalamuha pa ako sa mga babaeng kanina ay kasama ko sa table.
Tinignan ko mula rito sila Zack. Inisahang inom nya ang baso ng alak saka tumayo. Nung una ay hindi ko pa nagets ang gagawin nya ngunit nang makita si Atasha na nakatayo at hinihintay sya ay doon ko lang naintindihan. Magsasayaw sila.
Dumiretso sila sa dance floor at doon nagpakawala ng malanding sayaw si Atasha sa harap ni Zack. Nakagat ko ang pang ibabang labi dahil sa nakita. Umiwas ako ng tingin at um-order ng isang shot ng tequila.
Kahit ayaw ko silang tignan ay mata ko mismo ang tumatraydor sa akin. Nahirapan akong lumunok nang mag grind si Atasha habang si Zack ay madiing nakahawak sa bewang nya. Peste! Ganyan ba ang magkaibigan lang? Baka mali lang ang nakalap na info ni Alfredo? Kailangan kong itanong ulit sa kanya at nang madouble check.
May binulong si Atasha sa kanya at parehas silang natawa. Paulit ulit akong umorder at paulit ulit ko rin itong iniisahang lunok. Parang wala ngang lasa kung maka inom ako.
Nang tumayo ako ay bahagyang umikot ang paningin ko. Shit! Nasobrahan ko yata. Ang pabaya mo Sky, isang kang malaking bobo!
Ano ba 'tong ginagawa ko?
Biglang nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng pantalon. Paniguradong si Alfredo 'to.
Wrong timing naman 'to kung tumawag eh! Mamaya na kita sasagutin pagka-uwi ko.
I guess kailangan ko na ring umuwi. Sapat na ang impormasyong narinig ko mula sa kanila. Marami pang mga araw kaya hindi ko dapat minamadali ang lahat.
Naglakad na ako palabas ng bar at hindi na ako nag abalang lumingon pa. Ang laswa ng nakita ko kanina. Feeling ko ay iyon ang pinaka nakakasukang nakita ko. Biruin mo 'yon? Mag kaibigan lang pero kung maglandian ay harap harapan? Tsk! Napailing ako sa naisip.
Tinignan ko ang phone ko. Naka dalawang missed calls si Alfredo. Ang tracking device naman ay nagsasabing nasa loob pa ng bar ang pinaglagyanan ko.
Makikita ko bukas kung nakanino ang tracking device.
Pinara ko ang taxi na dumaan. Sumakay ako at sinabi ko kung saan ang apartment ko. Nang makarating ay nagbayad ako at bumaba.
Shit! Nakalimutan kong hindi pa pala ako kumakain ng hapunan. Malakas akong napasampal sa noo ko. Uminom ako nang hindi pa nakakakain.
Nagpababa ako sa nadaanan naming karinderya. Nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom, hindi ko na pinababa ang sarili ko sa apartment na tinutuluyan ko dahil wala pa naman akong stocks ng pagkain don para ipagluto ang sarili ko.Nagbayad ako bago bumaba. Mabuti ay may bukas pang karinderya ng mga ganitong oras.Um-order ako ng dalawang magkaibang pares na ulam at tatlong kanin."Ate, pakidamihan po ng sabaw." Umupo ako sa dulong bahagi at hinawakan ang ulo kong kung pumintig ay akala mo sasabog na. Good thing hindi ako nagsu-suka kapag nakakainom.Kinuha ko ang phone ko habang naghihintay ng order. Tinext ko si Alfredo tungkol doon sa impormasyong nalaman ko. Hindi iyon masyadong makakatulong pero ayos na rin kahit papano. Ang kailangan ko kasing impormasyon ay detalyado at 'yung makakatulong sa plano namin ni Alfredo, hindi iyong ganon lang. Oo nga't nasa labas sya ng bansa, ang tanong... Ano ang ginagawa n
Kau-uwi ko lang matapos ang mga nangyari kanina sa daan. Binalaan ko na lang 'yung leader ng mga mukang adik na kapag nakita ko pa silang nananakot para bigyan sila ng pera ay hindi na ako magdadalawang isip na maghukay ng mga libingan nila.Sinabi nilang magbabago na raw sila. Umiyak pa nga ang loko at lumuhod luhod sa harap ko. Pati 'yung mga kasamahan nyang napahirapan ko kanina.Binigyan ko rin ng pera 'yung natanggalan ng ngipin para makapag papustiso sya. Naawa ako eh hehe.4th year high school pa lang sila at katabi nila ang university namin. Nag fe-feeling gangster daw para matakot ang mga estudyante sa kanila. Sa sobrang feeling nga nila ay nagmuka na silang jejemon.Dati raw kasi silang binu-bully kaya ganon ang ginawa nila. Nananakot sila ng iba para rin magka-pera.Kanya-kanyang diskarte nga naman sa buhay. 'Yun nga lang mali ang kanilang diskarte.Naligo muna ako at nag-shower bago kinuha ang phone
Nang payapa na ang utak ko ay saka lang ako nagmulat ng mga mata. Sya namang pagpasok ng kagabi pa bumabagabag sa utak ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa at tinignan ang location kung nasaan na ang tracking device.Kumunot ang noo ko nang nasa bahay ito nila Atasha. Hindi na ako nagdalawang isip na patayin ang device at hayaan na lang dahil hindi ko na iyon kakailanganin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtaka o hindi. Kaya mas minabuti kong hindi na muli pang pahanahin 'yung device."What's that?"Tumalon ang cellphone ko sa sahig dahil sa gulat nang bigla na lang may nagsalita. Nakipag agawan ako sa pagpulot ng phone ko dahil balak pulutin iyon ng lalaki. Hindi ko man lang ng ito pinadaplisan daliri nya. Sa sobrang busy ko yata kanina kaka-pindot ay hindi ko na napansin ang bulto nya.Tumingala ako upang makita ko kung sino."I'm sorry, nagulat ba kita?" Ilang ang ngiting ibini
Masaya akong pumasok sa next subject. Hinatid ulit ako ni Seth sa room at nagpaalam din sya sa aking papasok na rin.Habang nagka-klase ay panay ang ngiti ko. Halos hindi na yata natanggal ang ngiti sa labi ko hanggang sa matapos ang klase at mag tanghali na.Kanina pa inis sa akin si Atasha dahil sa weirdong ngiti na ipinapakita ko. Bawat tingin ko kasi sa kanila ay nakangiti ako o 'di kaya naman ay bumabati ako. Si Zack naman ay pinagtataasan lang ako ng kilay at sinusungitan ako gamit lang ang kanyang muka."Talaga? Friend mo na si Seth?" hindi makapaniwalang tanong ni Allison at ni Almira."Waaaahhh! Omo! Swerte mo Sky, pakilala mo kami." Binatukan agad ni Allison si Almira dahil sa sinabi."Boba! Anong ipakilala? Sila ba? Friend lang sila hindi magjowa." Irap ni Allison sa kapatid.Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina. Tuwang tuwa ang mga loka, sinabi nilang isa rin si Seth sa ultimate crush nil
Saktong paglabas ng tatlong lalaki sa mga lumang locker. Nakangisi silang lahat."Enjoy Sky!" Sigaw nila Jamie mula sa labas hanggang sa hindi ko na marinig ang mga boses nilang nakaka irita."Umpisahan mo na 'yung video brad," utos ng isang lalaki.Hindi ako umatras o natinag man lang nang mapwesto nila ang camera sa isang upuan.Agad nilang hinubad ang mga coat nila hanggang sa sandong puti na lang ang matira.Nag-umpisa na ako sa gagawin ko. Umatras ako at mabilis na nagtungo sa pintuan upang makahingi ng tulong."SETH!" Paulit ulit kong kinalabog ang pintuan kahit na alam kong malabo na may makarinig sa akin."Hawakan nyo bilis!" Agad sinunod ng dalawang lalaki ang inutos sa kanila.Magaling akong artista kaya walang pasubaling tumulo ang mga luha sa mata ko. Kaya kong pagmukhaing kawawa ang sarili ko sa harap nila para masabi nilang m
"Ano ang problema?" seryoso kong tanong sa kanya."Balak tayong abutan ng pera," sagot ni Alfredo."Naayos mo na ba ang lahat?"Ngumisi sya bilang tugon at sinabing, "Kailan ba tayo pumalpak?"Napangiti ako at kinuha sa kanya ang isa pang mataas na kalibre ng baril. Isinukbit ko ito sa balikat ko at nag umpisa na kaming tahakin ang masukal na daan papunta sa isang abandonadong warehouse."Kapag ibinigay na sa atin ang pera, umpisa na ng gyera," bulong ni Alfredo sakto lang para marinig ko."Parang baguhan lang ako kung payuhan mo ah?" Parehas kaming natawa sa sinabi ko."Pinapa-alala ko lang dahil baka nakalimutan mo na.""Kilala mo ako Alfredo, hindi ako nakakalimot." Ngumisi ako ng makahulugan."Haha oo nga pala." Umiling sya at natawa sa sarili.Wala kaming inaksayang oras. Tuloy tuloy kaming pumasok sa warehouse at matapang naming hinarap ang hindi nalalayo
Mulat ang mata ko hanggang sa sumikat ang araw. Hindi ko rin nagawang mag-ensayo dahil pakiramdam ko ay pagod ako. Minabuti kong maligo muna, pagkatapos ko ay bumaba na ako upang magluto ng almusal namin ni Alfredo.Nang matapos sa pagluluto ay tinawag ko na si Alfredo para makapag almusal na kami."Hindi ka nag ensayo?" paunang sabi nya bago humigop sa kanyang kape na tinimpla."Hindi," simpleng sagot ko. Ni hindi ako tumingin sa kanya at ramdam ko ang nanunuring titig nya."Himala." Natatawang komento nya.Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain."Sya nga pala, may darating akong bisita," wika nya sa kalagitnaan ng aming pagkain.Kunot noo akong tumingin sa kanya, nagtataka. Ngayon lang kasi ang unang beses na pumayag si Alfredo na may makapunta ritong ibang tao o bisita. Maliban kasi sa tatlo kong kaibigang loko-loko ay wala ng iba pang na
Hapon na nang umpisahan namin ni Anton ang laban. Sa bakuran namin napili dahil puno naman ng bermuda grass ang paligid. Hindi kami masasaktan sakaling may bumagsak man sa amin.Nanonood lang si Alfredo habang tumutungga na naman ng beer at humihithit ng sigarilyo.Kalmado at tahimik kong inobserbahan muna ang bawat galaw nya bago ako umatake. Habang pinagbibigyan ko syang gawin ang pag-atake sa akin ay panay ilag lang ang ginagawa ko, wala pang tumatamang suntok sa kahit na anong parte ng katawan ko."Why can't you fight back, huh?" Nakangising tanong nya.Ngumisi lang din ako pabalik.Sa sobrang kampante ko yata na hindi nya ako tatamaan at mahuhuli ay roon nya ako nadali. Gamit ang braso nya ay naikuwit nya ito sa leeg ko, nakaposisyon ang isa nyang kamay sa ulo ko at isang maling galaw ko lang ay maari nyang baliin ang leeg ko na syang ikamamatay ko."One wrong move...