Nagpababa ako sa nadaanan naming karinderya. Nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom, hindi ko na pinababa ang sarili ko sa apartment na tinutuluyan ko dahil wala pa naman akong stocks ng pagkain don para ipagluto ang sarili ko.
Nagbayad ako bago bumaba. Mabuti ay may bukas pang karinderya ng mga ganitong oras.
Um-order ako ng dalawang magkaibang pares na ulam at tatlong kanin.
"Ate, pakidamihan po ng sabaw." Umupo ako sa dulong bahagi at hinawakan ang ulo kong kung pumintig ay akala mo sasabog na. Good thing hindi ako nagsu-suka kapag nakakainom.
Kinuha ko ang phone ko habang naghihintay ng order. Tinext ko si Alfredo tungkol doon sa impormasyong nalaman ko. Hindi iyon masyadong makakatulong pero ayos na rin kahit papano. Ang kailangan ko kasing impormasyon ay detalyado at 'yung makakatulong sa plano namin ni Alfredo, hindi iyong ganon lang. Oo nga't nasa labas sya ng bansa, ang tanong... Ano ang ginagawa nya roon at saan sya naroon.
Alam ko namang hindi rin sasabihin ni Zack iyon kung sakali dahil sa mga kalaban ng kanyang Lolo at isa na kami roon. Hindi nya pwedeng sabihin agad na, "Nasa U.S ang Lolo ko at nakikipag negosasyon tungkol sa illegal na droga at illegal na armas na kanyang ginagawa."
'Di ba? Ang weird naman kung ganon bigla ang sinabi nya.
Tinanggal ko ang leather jacket, cap, salamin at mustache, ibinaba ko ito sa katabi kong upuan. Binuhaghag ko rin ang buhok kong nakatali. Nagulat pa nga 'yung tindera nang makita ako habang inilalapag ang order ko.
"Lintek! Babae ka pala?" Hindi makapaniwalang tanong nya. Nakalimutan ko bang sabihin na beki sya? Ngayon alam nyo na.
"Sayang 'teh! Ba't 'di ka na lang naging lalaki?" tumatawang sabi nya.
"Kasalanan ko bang babae ako pinanganak?" biro ko naman.
"Akala ko may malalandi ako ngayong gabi eh," pumapadyak na sabi nya.
"Nilagyan ko pa 'yan ng gayuma, teka mare palitan ko." Natigil sa ere ang paghigop ko sa sabaw dahil sinabi nya.
Tinignan ko sya nang hindi makapaniwala.
"Charott lang! Sige kain ka na." Tinalikuran na nya ako habang tumatawa sya.
Sira ulo 'yun ah? Natawa na lang ako at napa-iling. Kumain na rin ako dahil sa labis na gutom. Matapos ko ay nagbayad ako sa tindera na nagpakilalang Teodoro ang pangalan. 'Yung baklang nagserve ng pagkain ko kanina lang. Sabi nyang tawagin ko na lang syang Ate Sexy dahil masyado raw pang kargador ang pangalan nya. Natawa nga ako dahil kahit mataba sya ay tawagin ko raw syang ganoon.
Bitbit ang leather jacket at props sa kanang kamay ay naglakad ako papunta sa apartment ko. 'Yung karinderya kasi na iyon ay 'yung nakaraang kinainan ko rin. Hindi ko nga lang napansin si Ate Sexy non.
Kahit paano ay nawala ang tama ng alak sa katawan ko. Wala nang masyadong dumadaan dahil gabi na nga at madilim pa sa parteng ito. Well, hindi naman ganon kadilim dahil may street light naman. Nakakita ako ng barkadang tambay sa gawi kung saan ako dadaan. Kitang kita ko ang usok ng mga sigarilyo nila at ang mga angas na kanilang ipinapakita.
"H-hindi na po mauulit b-boss, heto na po ang p-pera." Narinig ko ang pagmamakaawa ng isang lalaki kasabay ng pag iyak ng isang babae.
Nakapalibot ang mga lalaking mukang adik sa dalawa. May hawak na baseball bat ang iba at nagtatawanan pa. Animo'y tuwang tuwa sa ginagawang pagmamakaawa nung lalaking kulang na lang ay maihi sa pantalon nya.
Isinuot ko ang leather jacket, salamin at mustache, itinali ko ulit ang buhok ko at isinuot ang cap nang bahagya pa akong lumapit sa kanila.
"Please po, gusto ko nang umuwi," sabi ng babae.
Nagtawanan 'yung mga mukang adik na lalaki.
"Abaa! Maganda itong syota mo bata ah?" Lumapit 'yung parang leader ng mga lalaki at inamoy 'yung babae. "Mabango pa!" Nagtawanan ulit silang lahat.
"Boss paalisin nyo na po g-girlfriend ko, eto na po 'yung perang hinihingi nyo oh," sabi pa nung lalaki.
"Tarantado! Sa susunod na lang 'yang pera mo, etong syota mo na lang ngayon ang bayad." Marahas na hinablot ng lalaki ang braso ng babae kaya sumubsob ito sa dibdib nya. Umiiyak na ito at nagmamakaawa.
"Alis na!" Itinulak nila ang kawawang lalaki at sumubsob pa ito sa simento pero hindi ito nagpapigil.
"Gerald!" Tatakbo sana 'yung girlfriend ni Gerald pero hindi hinayaan ng lalaking mukang adik.
"Parang awa mo na boss! 'Wag si Phine," nagmamakaawang ani Gerald.
"Tang ina mo! Ayaw mo pang umalis?" Tinulak ng lalaki si Phine dahilan para saluhin ito ng mga kasamahan nya. Kung hindi nila ginawa iyon ay malamang susubsob din ito sa simento.
Kinuha ng lalaki ang baseball bat ng isa nyang kasama at akmang ihahambalos ito kay Gerald. Hindi na ako nagdalawang isip na makialam pa at pigilan sya sa kanyang gagawin.
"Hoy!" Malakas at malaking boses na sigaw ko.
Tinuro ko sya at lumapit ako nang matigil sa ere ang baseball bat dahil napatingin silang lahat sa akin.
"Hahaha, aba't nagtawag ka pa pala ng back up eh muka namang isang hampas ko lang sa kanya ay tutumba na sya." Sinipa ng tinatawag nyang boss si Gerald.
"Kung magyabang ka akala mo may ibubuga ka ah?" Lumapit ako kay Gerald at tinulungan syang tumayo.
"Bakit? Kakasa ka ba?" Natatawang tanong nya sa nang iinsultong tono.
"Pakawalan mo 'yung babae at magsubukan tayo," hamon ko.
"Matapang mga pare!" Tinawanan lang nila 'yung sinabi ko.
"Sige pakawalan nyo 'yung babae. Kapag nalumpo ka, sa amin na 'yung babae." Ngumisi sya dahilan para makita ko ang itim nyang gilagid.
Tingin nya naman talaga ay magagawa nya sa akin 'yun?
Ibinigay kay Gerald si Phine. Nag flying kiss pa talaga itong tinatawag nilang boss sa kanya at kumindat pa. Napangiwi ako dahil sa ginawa nya. Kadiri naman 'to.
"Dyan lang kayo. Manood kayo kung paano namin lalampasuhin itong feeling gwapo na 'to," natatawang sabi ng feeling boss nila.
"Boss Itlog! Nagfe-feeling super hero amputa." Nagtawanan sila at maski ako ay nakisabay sa tawa nila dahil sa binanggit na pangalan ng kasamahan nyang mukang adik.
"Putah hahahaha! Itlog pangalan mo? Bagay sa 'yo," pang aasar ko.
"Anong nakakatawa roon?" Maangas nyang tanong sa akin.
"‘Yung mismong pangalan mo."
"Tarantado 'to ah?" Itinuro ako ng isa nyang kasama.
"Bunog, Itek, Balot. Lumpuhin nyo na 'yan," utos nya sa mga kasama.
Gusto ko pa sana ulit matawa pero nagsilapit na sila. Hinanda ko na ang sarili ko sa gagawin nilang atake.
'Yung dalawang mag jowa ay nakagilid na. Binabantayan sila nung Itlog na boss nila.
Kung hindi ako nagkaka-mali ay nasa sampo sila. Unang lumapit sa akin ay lima, 'yung tatlo ay may hawak na baseball bat habang 'yung dalawa ay suntok lang ang pang laban.
Sabay sabay silang sumugod. Eksperto akong umilag sa bawat pag hambalos nila ng bat. Malakas kong sinipa sa tiyan ang isang aamba ulit ng bat, napahiga sya sa simento at hindi ko na masyadong pinagkaabalahan ng tingin dahil pasugod na naman ang apat. Nasalo ng kamay ko ang isang bat, balak kong kunin ito mula sa kamay nya pero dalawang kamay ang nakahawak dito at napaka higpit. Wala akong sinayang na oras dahil sinuntok ko ang bibig nya dahilan para lumuwag ang pagkakahawak nya.
Dumura sya ng dugo at sinalo ang limang ngiping natanggal sa bibig nya.
Humarap ako sa tatlo pang lalaki at marahas na pinaghahampas ang kanilang mga binti. Namilipit sila sa sakit at napahiga sa simento. Bumangon ang isang sinipa ko kanina. Nasangga ng hawak kong bat ang kanyang bat, mas mabilis ang naging galaw ko sa kanya dahil hindi man lang sya nakakurap nang ni-flying kick ko sya.
Nakatulog sya sa malamig na sahig ng kalsada, 'yung apat naman ay iniinda pa rin ang sakit na natamo mula sa akin.
Tinignan ko si Itlog na nakakunot ang noo. Sinenyasan nya ang apat pang natira na puntiryahin ako.
"Putang ina! Ano pa'ng hinihintay nyo, pasko? Sugurin nyo na!" Sigaw ni Itlog sa apat na nag aalangang sugurin ako.
"Eh b-boss," nanginginig ang boses na sabi ng isa.
"Ano na? Naghihintay ako." Inip na reklamo ko habang pinaglalaruan ang baseball bat sa kamay ko.
"Sibat na ako boss, b-baka sunog na 'yung kanin na sinaing ko." Saka sya kumaripas ng takbo.
Natahimik ang paligid dahil nakatingin lang kaming lahat sa nawalang bulto ng lalaking tumakbo kanina. Kulang na lang ay makarinig kami ng huni ng ibon. Twit... Twit... Twit...
Unti unting lumingon sa akin ang tatlong natira, napalunok pa sila saka nag aalangang lumapit. Kinapitan nila ng mahigpit ang mga baseball bat nila.
Dahil sa bagal nilang sumugod ay ako na ang nag adjust, wala pang tatlong minuto ay napatumba ko na sila. Tulog ang tatlo ngayon sa malamig na simento. Ngayon naman ay bumaling ako kay Itlog, sa boss nila.
Napalunok sya at bahagyang napaatras. Nilabas nya mula sa likod ang kutsilyo at itinutok sa akin.
"Subukan mong lumapit," banta nya sa nanginginig na tono.
"Kayong dalawa, makaka-uwi na kayo." Tinuro ko ng bat si Gerald at si Phine.
Labis ang tuwa sa kanilang mga labi, tumango sila at nagpasalamat bago kumaripas ng takbo.
Kau-uwi ko lang matapos ang mga nangyari kanina sa daan. Binalaan ko na lang 'yung leader ng mga mukang adik na kapag nakita ko pa silang nananakot para bigyan sila ng pera ay hindi na ako magdadalawang isip na maghukay ng mga libingan nila.Sinabi nilang magbabago na raw sila. Umiyak pa nga ang loko at lumuhod luhod sa harap ko. Pati 'yung mga kasamahan nyang napahirapan ko kanina.Binigyan ko rin ng pera 'yung natanggalan ng ngipin para makapag papustiso sya. Naawa ako eh hehe.4th year high school pa lang sila at katabi nila ang university namin. Nag fe-feeling gangster daw para matakot ang mga estudyante sa kanila. Sa sobrang feeling nga nila ay nagmuka na silang jejemon.Dati raw kasi silang binu-bully kaya ganon ang ginawa nila. Nananakot sila ng iba para rin magka-pera.Kanya-kanyang diskarte nga naman sa buhay. 'Yun nga lang mali ang kanilang diskarte.Naligo muna ako at nag-shower bago kinuha ang phone
Nang payapa na ang utak ko ay saka lang ako nagmulat ng mga mata. Sya namang pagpasok ng kagabi pa bumabagabag sa utak ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa at tinignan ang location kung nasaan na ang tracking device.Kumunot ang noo ko nang nasa bahay ito nila Atasha. Hindi na ako nagdalawang isip na patayin ang device at hayaan na lang dahil hindi ko na iyon kakailanganin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtaka o hindi. Kaya mas minabuti kong hindi na muli pang pahanahin 'yung device."What's that?"Tumalon ang cellphone ko sa sahig dahil sa gulat nang bigla na lang may nagsalita. Nakipag agawan ako sa pagpulot ng phone ko dahil balak pulutin iyon ng lalaki. Hindi ko man lang ng ito pinadaplisan daliri nya. Sa sobrang busy ko yata kanina kaka-pindot ay hindi ko na napansin ang bulto nya.Tumingala ako upang makita ko kung sino."I'm sorry, nagulat ba kita?" Ilang ang ngiting ibini
Masaya akong pumasok sa next subject. Hinatid ulit ako ni Seth sa room at nagpaalam din sya sa aking papasok na rin.Habang nagka-klase ay panay ang ngiti ko. Halos hindi na yata natanggal ang ngiti sa labi ko hanggang sa matapos ang klase at mag tanghali na.Kanina pa inis sa akin si Atasha dahil sa weirdong ngiti na ipinapakita ko. Bawat tingin ko kasi sa kanila ay nakangiti ako o 'di kaya naman ay bumabati ako. Si Zack naman ay pinagtataasan lang ako ng kilay at sinusungitan ako gamit lang ang kanyang muka."Talaga? Friend mo na si Seth?" hindi makapaniwalang tanong ni Allison at ni Almira."Waaaahhh! Omo! Swerte mo Sky, pakilala mo kami." Binatukan agad ni Allison si Almira dahil sa sinabi."Boba! Anong ipakilala? Sila ba? Friend lang sila hindi magjowa." Irap ni Allison sa kapatid.Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina. Tuwang tuwa ang mga loka, sinabi nilang isa rin si Seth sa ultimate crush nil
Saktong paglabas ng tatlong lalaki sa mga lumang locker. Nakangisi silang lahat."Enjoy Sky!" Sigaw nila Jamie mula sa labas hanggang sa hindi ko na marinig ang mga boses nilang nakaka irita."Umpisahan mo na 'yung video brad," utos ng isang lalaki.Hindi ako umatras o natinag man lang nang mapwesto nila ang camera sa isang upuan.Agad nilang hinubad ang mga coat nila hanggang sa sandong puti na lang ang matira.Nag-umpisa na ako sa gagawin ko. Umatras ako at mabilis na nagtungo sa pintuan upang makahingi ng tulong."SETH!" Paulit ulit kong kinalabog ang pintuan kahit na alam kong malabo na may makarinig sa akin."Hawakan nyo bilis!" Agad sinunod ng dalawang lalaki ang inutos sa kanila.Magaling akong artista kaya walang pasubaling tumulo ang mga luha sa mata ko. Kaya kong pagmukhaing kawawa ang sarili ko sa harap nila para masabi nilang m
"Ano ang problema?" seryoso kong tanong sa kanya."Balak tayong abutan ng pera," sagot ni Alfredo."Naayos mo na ba ang lahat?"Ngumisi sya bilang tugon at sinabing, "Kailan ba tayo pumalpak?"Napangiti ako at kinuha sa kanya ang isa pang mataas na kalibre ng baril. Isinukbit ko ito sa balikat ko at nag umpisa na kaming tahakin ang masukal na daan papunta sa isang abandonadong warehouse."Kapag ibinigay na sa atin ang pera, umpisa na ng gyera," bulong ni Alfredo sakto lang para marinig ko."Parang baguhan lang ako kung payuhan mo ah?" Parehas kaming natawa sa sinabi ko."Pinapa-alala ko lang dahil baka nakalimutan mo na.""Kilala mo ako Alfredo, hindi ako nakakalimot." Ngumisi ako ng makahulugan."Haha oo nga pala." Umiling sya at natawa sa sarili.Wala kaming inaksayang oras. Tuloy tuloy kaming pumasok sa warehouse at matapang naming hinarap ang hindi nalalayo
Mulat ang mata ko hanggang sa sumikat ang araw. Hindi ko rin nagawang mag-ensayo dahil pakiramdam ko ay pagod ako. Minabuti kong maligo muna, pagkatapos ko ay bumaba na ako upang magluto ng almusal namin ni Alfredo.Nang matapos sa pagluluto ay tinawag ko na si Alfredo para makapag almusal na kami."Hindi ka nag ensayo?" paunang sabi nya bago humigop sa kanyang kape na tinimpla."Hindi," simpleng sagot ko. Ni hindi ako tumingin sa kanya at ramdam ko ang nanunuring titig nya."Himala." Natatawang komento nya.Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain."Sya nga pala, may darating akong bisita," wika nya sa kalagitnaan ng aming pagkain.Kunot noo akong tumingin sa kanya, nagtataka. Ngayon lang kasi ang unang beses na pumayag si Alfredo na may makapunta ritong ibang tao o bisita. Maliban kasi sa tatlo kong kaibigang loko-loko ay wala ng iba pang na
Hapon na nang umpisahan namin ni Anton ang laban. Sa bakuran namin napili dahil puno naman ng bermuda grass ang paligid. Hindi kami masasaktan sakaling may bumagsak man sa amin.Nanonood lang si Alfredo habang tumutungga na naman ng beer at humihithit ng sigarilyo.Kalmado at tahimik kong inobserbahan muna ang bawat galaw nya bago ako umatake. Habang pinagbibigyan ko syang gawin ang pag-atake sa akin ay panay ilag lang ang ginagawa ko, wala pang tumatamang suntok sa kahit na anong parte ng katawan ko."Why can't you fight back, huh?" Nakangising tanong nya.Ngumisi lang din ako pabalik.Sa sobrang kampante ko yata na hindi nya ako tatamaan at mahuhuli ay roon nya ako nadali. Gamit ang braso nya ay naikuwit nya ito sa leeg ko, nakaposisyon ang isa nyang kamay sa ulo ko at isang maling galaw ko lang ay maari nyang baliin ang leeg ko na syang ikamamatay ko."One wrong move...
Naka-uwi na kami pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari. Hindi naman pala ganoon kasama ang grupo ng gangster na sinalihan ni Anton, dahil kung sakaling umalis din sya sa puder namin ay bukas pa rin ang mansyon ni Uno para sa kanya.Pinaliwanag ni Anton na oras na nakapatay kami ng isang tauhan ni Uno ay paniguradong patay na sya bago pa man namin sya maabutan doon. Tinanong ko kanina si Uno kung paano kami makakasigurong hindi nya kami papatayin o susundan upang patayin kung tuluyang maka-alis kami sa mansyon.Tinawanan nya lang ako at inilingan. Sinabi nyang 'pag sinabi nya ay matutupad. May isa syang salita kaya iyon ang aming panghawakan."Grabe! Napagod ako roon."Tignan mo 'tong isang 'to, akala mo pag-aari nya itong bahay. Sobra naman yata ang pagiging feel at home nya?"Hoy, magluto ka. Hindi puwedeng tumira ka rito ng walang ginagawa, dapat ikaw ang taga laba, taga linis ng buong bahay at higit sa lahat.