Hapon na nang umpisahan namin ni Anton ang laban. Sa bakuran namin napili dahil puno naman ng bermuda grass ang paligid. Hindi kami masasaktan sakaling may bumagsak man sa amin.
Nanonood lang si Alfredo habang tumutungga na naman ng beer at humihithit ng sigarilyo.
Kalmado at tahimik kong inobserbahan muna ang bawat galaw nya bago ako umatake. Habang pinagbibigyan ko syang gawin ang pag-atake sa akin ay panay ilag lang ang ginagawa ko, wala pang tumatamang suntok sa kahit na anong parte ng katawan ko.
"Why can't you fight back, huh?" Nakangising tanong nya.
Ngumisi lang din ako pabalik.
Sa sobrang kampante ko yata na hindi nya ako tatamaan at mahuhuli ay roon nya ako nadali. Gamit ang braso nya ay naikuwit nya ito sa leeg ko, nakaposisyon ang isa nyang kamay sa ulo ko at isang maling galaw ko lang ay maari nyang baliin ang leeg ko na syang ikamamatay ko.
"One wrong move...
Naka-uwi na kami pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari. Hindi naman pala ganoon kasama ang grupo ng gangster na sinalihan ni Anton, dahil kung sakaling umalis din sya sa puder namin ay bukas pa rin ang mansyon ni Uno para sa kanya.Pinaliwanag ni Anton na oras na nakapatay kami ng isang tauhan ni Uno ay paniguradong patay na sya bago pa man namin sya maabutan doon. Tinanong ko kanina si Uno kung paano kami makakasigurong hindi nya kami papatayin o susundan upang patayin kung tuluyang maka-alis kami sa mansyon.Tinawanan nya lang ako at inilingan. Sinabi nyang 'pag sinabi nya ay matutupad. May isa syang salita kaya iyon ang aming panghawakan."Grabe! Napagod ako roon."Tignan mo 'tong isang 'to, akala mo pag-aari nya itong bahay. Sobra naman yata ang pagiging feel at home nya?"Hoy, magluto ka. Hindi puwedeng tumira ka rito ng walang ginagawa, dapat ikaw ang taga laba, taga linis ng buong bahay at higit sa lahat.
"Anong kailangan mo?" nagtanong na ako dahil napaka tahimik nya at mukang walang balak magsalita. Kung hindi ko siguro kinapalan ang muka ko upang magtanong ay magtititigan lang kami rito.Tumikhim sya bago nagsalita. "Seth wants you to join us on lunch," napapaos na sabi nya."Pakisabi hindi na, may kasabay ako." Tumalikod na ako at hindi na hinintay ang sasabihin nya.Pasimple kong binatukan ang sarili nang makalayo dahil tumanggi pa ako! Pabebe ka Sky, inuna mo pa 'yang pride mo kesa sa ebidensyang maaring makalap mo. You're so stupid!Narinig ko ang pagsunod ng yabag nila Zack at Atasha sa likod ko."What did you say to her?" rinig kong tanong ni Atasha sa nakakainis na tono."Nothing," simpleng sagot ni Zack at hindi na dinagdagan.Napangiwi ako at napa-irap sa kawalan nang banggitin nya 'yon. Tsk! Magaling kang bata ka, para hindi magselos 'yang Atasha mo ay kailangan mong magsinun
Ibinaba nya ako sa isang higaan ng infirmary. Kinausap nya ang nurse saka sya ulit nagpunta sa akin. Doon sya umupo sa upuang katabi ng higaan ko."For now, you rest. Kung masakit pa rin iyan hanggang mamaya ay inuman mo ng gamot." Ipinakita nya sa akin ang isang tablet ng gamot at ang isang baso ng tubig.Pinagmasdan ko sya kung paano nya inilagay iyon sa mesang nasa gilid ko. Umiwas agad ako ng tingin nang bumalik ang tingin nya sa akin. Wala akong sinabi kanina nang humingi sya ng pasensya, masyado akong nagulat kaya hindi ko mahanap ang tamang salita na pwede kong sabihin."Don't worry, I'll excuse you to our last subject," he said.Tumango na lamang ako at nahiga. Pakiramdam ko ay kulang ako sa tulog kaya ipinikit ko ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog ako ng tuluyan. Paggising ko ay wala akong Zack na nakita. Medyo dissapointed ako nang hindi sya nahagilap ng mata ko.Bumangon ako at pinakiramdaman ang pw
Hindi nya sinagot ang tanong ko at kumain sya na parang walang tao sa harap nya. Nag aapoy na ako sa galit nang iserve ang isang tray ng pagkain, may kasama iyong ice cream.Nawala ang inis ko at ngumiti sa lalaking nagserve ng pagkain. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Zack sa akin."What are you doing?" masungit na sabi nya."Smiling!" Mas nilakihan ko ang ngiti."Hindi mo pagkain 'yan." Inagaw nya ang tray na nakalapag sa akin.Tumayo ako at binatukan sya."Akin 'to!" Saka ko inagaw ulit sa kanya.Inirapan nya ako at hindi na nakipag agawan pa."Bakit ka nga pala nasa CS kanina? Anong binili mo don?" I asked out of curiousity."None of your business.""Are you stalking me?" nang aasar kong sabi."Why would I do that?" He said in disgusted face."Malay natin?" Nagkibit ako ng balikat.Hindi na sya nagsalita pa hanggang sa m
"May mahalaga akong sasabihin kaya makinig kayong mabuti. I need your full attention so you must focus," seryoso kong sabi. "Ang seryoso mo naman, Sky." Natatawang baling ni Almira. "I need you all to stay safe. Marami nang nagkalat na halang ang kaluluwa. Kung maaari, 'pag may dumating na panganib, use your fighting skills to defend yourselves.""Is this about human trafficking?" si Allison. "Oo, at kung maaari 'wag kayong gagala o maglalakad ng mag-isa sa labas. Please, magseryoso kayo pagdating dito." "Our parents are triggered about this. Kaya nagdagdag sila ng body guard namin. Don't worry, Sky." Pangungumbinsi ni Almira. "That's good to hear." Kahit nakahinga ako ng maluwag ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Mamaya ay sisimulan ko na muling magmatiyag. Hindi ako superhero pero gagawin at ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para tumulong. Isasantabi ko muna ang kay Don Alejandro, mukang kay Anton ko muna
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Kio. Normal bang tumibok ng mabilis ang puso ko? Normal lang naman siguro. Nagpaalam muna ang tatlo sa akin habang si Zack ay naiwan kasama ko dahil may pasok sila. Inabot pala ako ng umaga sa paggising, malakas daw kasi ang pampatulog na nalanghap ko kaya ganon. Kaya nagpaiwan si Zack ay para bantayan ako. Sinabi nyang nagpaalam na sya sa mga prof namin, valid naman ang reason nya kaya pinayagan sya. "Ano ba kasing pumasok dyan sa kukote mo at naisipan mo pang lumabas sa apartment mo?" iritable nyang sabi habang inihahanda ang kakainin ko. "Salamat, babayaran na lang kita." "Hindi mo binayaran 'yung nakaraang utang mo sa akin, remember? Hindi na ako umaasang babayaran mo pa 'to," pang iinsulto nya. "Nandito ka ba para pagsabihan na naman ako ng kung anu-ano?" Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Of course! Because of you my face got beaten. You have to pay me back.
Mabilis natapos ang klase ng pang gabi. Confident akong matatalo ko sya, nakakatawa mang isipin pero tinandaan ko ang advice ni Anton. Don't let enemy trick you. Kung gusto kong manalo sa labang uumpisahan ko ay dapat maging wais ako at hindi dapat emosyon pinapairal. Kung tuso ang kalaban ko ay dapat mas maging tuso rin ako. I shaked my hands to release the nervousness I am feeling. Nakita ni Zack ang ginawa ko, may multo ng ngiting sumilay sa labi nya. "Hindi ka pa uuwi, Zack?" narinig kong tanong ni Atasha, nabaling ang tingin ko sa kanya. "Yeah. I still have some things to do." "Hintayin na kita," pagpepresinta ng babae. "You don't have to," malamig na sagot nito. Halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad mismo sa harapan ko si Seth paglabas na paglabas pa lamang namin sa pintuan. "Seth!" gulat na sabi ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nya."Anong ginagawa mo rito? Wala na kayong klase ng 4 ah
Nagulat ako nang paglabas namin ni Zack sa gate ay may mga police na nagpapatrol. Wala na rin si Seth. Pero sinong nagreport? Imposibleng si Zack."Si Seth kaya 'yung nagreport?" Bulong ko sa sarili."I'm the one who reported, but don't worry hindi ko sinabi ang nangyari." Tinignan ko sya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ba utos ng Lolo nya na huwag magsasalita sa mga pulis? Ano 'to? Paano kapag nalaman ng Lolo nya? Shit! Hindi ko naman sya pwedeng tanungin dahil malamang maghihinala sya.Pinili ko na lamang manahimik kahit gustong gusto ko na syang tanungin. Hinatid nya ako sa tapat ng apartment, nagpasalamat ako bago bumaba. "Sky!" tawag nya nang papasok na sana ako ng gate.Nagtataka akong lumingon. Iniabot nya sa akin ang cellphone nya."Save your number here, I will contact you once I have a time to train you." Gaya ng sabi nya ay sinave ko roon ang number ko. Umalis na rin sya pagkatapos. Napala