Mabilis natapos ang klase ng pang gabi. Confident akong matatalo ko sya, nakakatawa mang isipin pero tinandaan ko ang advice ni Anton.
Don't let enemy trick you. Kung gusto kong manalo sa labang uumpisahan ko ay dapat maging wais ako at hindi dapat emosyon pinapairal. Kung tuso ang kalaban ko ay dapat mas maging tuso rin ako. I shaked my hands to release the nervousness I am feeling. Nakita ni Zack ang ginawa ko, may multo ng ngiting sumilay sa labi nya."Hindi ka pa uuwi, Zack?" narinig kong tanong ni Atasha, nabaling ang tingin ko sa kanya."Yeah. I still have some things to do.""Hintayin na kita," pagpepresinta ng babae."You don't have to," malamig na sagot nito.Halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad mismo sa harapan ko si Seth paglabas na paglabas pa lamang namin sa pintuan."Seth!" gulat na sabi ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nya."Anong ginagawa mo rito? Wala na kayong klase ng 4 ahNagulat ako nang paglabas namin ni Zack sa gate ay may mga police na nagpapatrol. Wala na rin si Seth. Pero sinong nagreport? Imposibleng si Zack."Si Seth kaya 'yung nagreport?" Bulong ko sa sarili."I'm the one who reported, but don't worry hindi ko sinabi ang nangyari." Tinignan ko sya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ba utos ng Lolo nya na huwag magsasalita sa mga pulis? Ano 'to? Paano kapag nalaman ng Lolo nya? Shit! Hindi ko naman sya pwedeng tanungin dahil malamang maghihinala sya.Pinili ko na lamang manahimik kahit gustong gusto ko na syang tanungin. Hinatid nya ako sa tapat ng apartment, nagpasalamat ako bago bumaba. "Sky!" tawag nya nang papasok na sana ako ng gate.Nagtataka akong lumingon. Iniabot nya sa akin ang cellphone nya."Save your number here, I will contact you once I have a time to train you." Gaya ng sabi nya ay sinave ko roon ang number ko. Umalis na rin sya pagkatapos. Napala
Hindi na kami nakapasok ni Tash dahil ang dami pa naming pinuntahan. Nagpabody massage pa sya, nagpafacial at marami pang iba. Sobrang sakit ng paa ko pagkahatid nya sa akin sa apartment. "Thank you, hope to see you there." I nodded and smiled. Habang naghihintay ng oras ay nakareceived ako ng message galing sa hindi rehistradong numero. Dahil curious ako kung sino 'yon ay binuksan ko. Unknown number:Where the hell are you? Bakit hindi ka pumasok?At first, I assumed it was from Seth, but eventually I realized it was Zack since he's the only one who got my number. Ano naman sana sa kanya kung hindi ako pumasok 'di ba? Hindi ko rin talaga matanto kung anong utak ang mayroon sya. To Zack:Nagpasama sa akin si Atasha magshopping.After that, hindi na ulit ako naka receive ng text galing sa kanya. I just shrugged at hindi na inisip 'yon dahil kailangan ko nang ihanda ang mga gagamitin ko mam
Nang tuluyan kaming makapasok ay agad kong inilibot ang paningin ko. Their mansion is modern. Ang mga chandelier ay nagkikinangan. Maraming painting ang nakapaskil sa dingding pataas sa second floor. Walang picture si Zack kasama ang parents nya, tanging si Don Alejandro lang ang kanyang kasama. Maybe patay na ang mga ito? Siguro baby pa lang si Zack nang mawala sila sa mundo. Humakbang na naman ako sa konklusyon. Itatanong ko na lang kay Alfredo dahil iyon din pala ang hindi ko pa alam hanggang ngayon. CCTV spotted. Kung punong puno ng CCTV cameras ang kanilang mansyon, hindi na ako magtatangkang magkabit ng mga devices. For sure naka tutok rin ang mga tauhan nya sa monitor, mahuhuli ako. "Wala pa ba sila Seth?" I asked him habang naglalakad kami papunta sa round table na may apat na upuan. "Are hungry?" Instead of answering my question, he also asked a question. "Hindi pa, hihintayin ko na lang siguro sila." He nodded. "W
Magkaharap kami ngayon ni Don Alejandro. He grinned. Kilala na nya kung sino ako. Alam na nya ang buong pagkatao ko. Nakatali ang kamay at paa ko habang nakabitin ng patiwarik. Ibinigay nya ang baril sa nakangising si Zack. Kinuha nya ang baril saka itinutok sa akin. Dahan dahan nyang kinalabit ang gatilyo. "‘Wag!" Pawis na pawis ako at malakas ang kabog ng dibdib. Nagising ako sa masamang panaginip. Napaupo ako dahil don. Saka ko naramdaman ang sakit sa balikat ko. "Shit!""Sky, you're finally awake." Halos magulat ako nang makita si Zack na kagigising lang sa gilid ko. Nagising yata sya dahil sa sigaw ko. May pinindot syang device sa dingding ng higaan ko at tinawag doon ang doktor. Unti-unti ulit akong humiga dahil sa panghihina. Aligaga si Zack at hindi alam ang gagawin. Tinanggal ko ang oxygen na nakalagay sa muka ko. This shit is better, fresh air. Mas nakakahinga ako ng maluwag. "Anong nararamdaman
Nang tuluyan akong makalabas ng ospital ay mas dumami naman ang kaso ng mga taong nawawala. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin naaaksyunan ng mga pulis ang kasong human trafficking. Hanggang kailan ba sila magiging bulag at bingi? Palibhasa kasi may mga hawak na pulis ang mga demonyong 'yon. Sa mga ganitong sitwasyon talaga ay hindi ko kayang hindi makialam at walang gawin. Buhay ng tao ang nakasalalay rito, at hindi lang iyon basta buhay lang. "Bakit walang ginagawa 'tong mga lintik na mga pulis." I mumble. "Sky, hindi sa wala silang ginagawa. Masyado lang magagaling ang mga kriminal," depensa ni Seth. Narinig nya pala. Gusto ko mang magsalita pa ay tinikom ko na lang ang bibig ko. I'm sure hindi abot ng iniisip ni Seth kung ano ang iniisip ko. He's just an ordinary student after all. "They're doing all their best, let's just appreciate them." Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko a
"Ang cute naman ng bracelet, Sky," puri ni Almira "Kasing cute ko," hirit ni Allison. "Yuck," si Kio. "Miryenda time!" Lumabas si Anton dala ang isang pitsel ng juice, pandesal at pancit canton. Nag-unahan ang tatlo sa miryenda pagkababa ni Anton sa mga ito. Nagulat pa si Anton dahil sa inasta ng tatlo pero kalaunan ay natawa na lamang. "Sya nga pala, Sky. Bakit ayaw mong malaman ni Zack kung saan ka nakatira?" curious na tanong ni Allison. "Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" "Oo pero paano kung tignan ni Zack 'yong files mo sa school. Eh di malalaman din nya kahit na hindi namin sabihin," wika naman ni Almira. "Ibang address ang inilagay ko.""What?! Pwede ba 'yon?" Naibuga ni Kio ang iniinom nya samantalang ang dalawang babae ay inubo. "Of course! Magaling ako, eh. Ako na ang bahalang sumagot sa katanungan nya, ang gawin nyo na lang tatlo ay manahimik." "O-okay. Nakakatak
After I did my usual routine, pumasok na kaagad ako. Napansin ko ang grupo ni Jamie pagpasok ko sa room. Nagkatinginan kami ngunit agad din syang nag-iwas ng tingin. Bakit kaya ngayon lang pumasok ang tatlong 'to? Anong nangyari sa kanila? Ang natatandaan ko kasi pagkatapos nang ginawa nila sa akin ay hindi na sila pumasok. Nalaman kaya ng Dean iyon? Maganda rin pa lang nangyari iyon dahil kahit paano ay nagtino sila. "Sky my friend! Come here, hurry." Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagsasalita ni Atasha. Napalingon sila Jamie sa kanya, pagkatapos ay sa akin. "Kailan pa sila naging magkaibigan?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ng karamihan. Oo nga, kailan pa kami naging magkaibigan? Ang alam ko ayaw nya sa akin? Kahit close na kami ay hindi nya pa rin ako tinuturing na kaibigan, anong nangyari ngayon? May nakain siguro syang panis na pagkain. Lumapit ako sa kanya na nagtataka. "How are you? Kumusta na ang sugat mo? You know what? I'm so
"Let's go," aniya habang naglalakad palapit sa akin. Sa ikalawang palapag naman pala kami magsa-sanay. Bumaba pa sya para puntahan ako. Hindi pa lang nya ako sinigawan para ako na lang ang magpunta sa itaas. "Hindi ka nalulungkot dito?" I asked out of nowhere. Siguro ay para na rin may mapag-usapan kami. "Nope, sanay na ako." Tumango ako. "Isa siguro sa dahilan kaya hindi ka pala-salita ay dahil wala kang nakaka-usap dito." "Maybe." Kibit balikat na sagot nya. Lumiko kami sa kaliwang pasilyo at doon ay mapapansin ang nag-iisang pintuan. "Napansin ko... wala kang picture kasama ang parents mo. Maging sila ay hindi wala ring litrato." Napansin kong natigilan sya. Nanliit ang mata ko dahil alam ko sa sarili kong may iba iyong ibig-sabihin. Bakit nga ba? kahit maliit ang tyansa na ikwento sa akin ni Zack ay nagbaka sakali pa rin akong sasagutin nya. "Maliit pa lang ako noong mamatay sila." He