Home / Other / Call Me SKY / Chapter Four

Share

Chapter Four

“Talaga? Sa university ka na namin mag-aaral?” hindi makapaniwalang tanong ni Almira at Allison. Nagsabay pa sila sa pagsasalita. 

Mag-uumpisa na ang misyon ko pagtapak ko sa unibersidad na pinapasukan ng apo ni Don Alejandro, which is doon din nag-aaral ang tatlong baliw na 'to. 

Sa makalawa ay tuluyan na akong lilipat doon dahil inaasikaso pa lang ang mga kakailanganin ko para makapasok sa pribadong paaralang iyon. Ito na talaga ang plano namin ni Alfredo simula pa lang. Ang mapalapit sa apo ng kalaban para mas mapadali namin ang plano. 

Tumango ako sa tanong ng kambal, excited silang nagtatalon sa tuwa. Nandito kami ngayon nakatambay sa malawak na bakuran ng bahay namin ni Alfredo. Katatapos ko lang mag-ensayo nang dumating sila rito para na naman manggulo. 

“Halla, omo! Kailan ka papasok?” nagningning sa tuwa ang mata ni Allison. 

“Siguro sa lunes na rin, inaasikaso ko pa ang pagkuha ng kakailangan ko sa eskwelahang pinasukan ko,” kaswal na sagot ko at ngumuya sa pagkaing dala nila. 

“Kaso mahal doon, pero pwede ka namang maging scholar,” singit ni Almira. 

“Don't worry, naka-plano na ang lahat.” Ngumiti ako sa kanila ng kampante. 

“Ano'ng kukunin mong course?” Ngumisi ako sa kuryosong tanong ni Allison. 

“Pinag-iisipan ko pa,” simpleng sagot ko. 

Nasa 4th year college na ang apo ni Don Alejandro, mamaya ko pa malalaman ang ibang impormasyong tungkol sa kanya dahil nangangalap pa si Alfredo sa kanyang computer. 

“Sayang! Matanda ka nga pala sa amin ng isang taon,” nakangusong sabi ni Almira. 

“Hoy, labanos na intsik! Ba't ang tahimik mo?” Binatukan ni Almira si Kio nang mapansin ang pagiging tahimik nito. Kanina pa rin kasi tutok si Kio sa kanyang cellphone. 

“Sakit batok mo ah! Ako laro Ml, 'wag mo ako gulo!” iritableng sabi sa kanya ni Kio at inis na inirapan. 

“Pero kahit ganon, makakasama ka pa rin namin doon, yey!” Halos lumundag sa akin si Allison sa naisip nya. 

Pumasok ako sa sikretong pintuan ng cr ko dahil paniguradong nandoon na si Alfredo at naghihintay sa akin. Umuwi na ang kambal pati si instik dahil nagdidilim na. Panigurado kasing nandoon na ang kanilang magulang. 

Isinarado ko ang pintuan at bumaba sa hagdanan. Namataan ko agad si Alfredo sa kanyang computer at umiinom ng kape. Umupo ako sa swivel chair na nasa tabi nya. Hinarap nya ako at ibinigay sa akin ang brown envelope. 

“Nandyan na ang lahat ng kailangan mong papel para makapasok sa unibersidad.” Ngumiti sya nang makahulugan. 

Ngumiti ako pabalik at kinuha ang envelope. Inilapag ko muna ito sa mahabang mesa na pinaglalagyan ng tatlong computer. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay, tumingin ako sa computer na ginagamit ngayon ni Alfredo. Nakalagay ito ngayon sa isang site kung saan naroon ang bank account ko. Malaki-laki na rin pala ang pera na naipon namin ni Alfredo para sa plano naming ito. Five hundred thousand, kalahating milyon na. 

Nakaka-ipon kami ni Alfredo ng pera dahil sa aming ginagawang trabaho. Again, hindi ito alam ng tatlong baliw na kaibigan ko. Hindi namin masasabing malinis ang trabahong ginagawa namin pero tingin ko ay tama. Dahil ang ninanakawan lang naman namin ng pera ay ang mga masasamang tao. Tulad na lamang ng mga druglord, nagsusupply ng mga drugs at ang mga dealer. Kapag may palitan nang nagaganap sa magkabilang kampo ay saka kami aatake. 

Simple lang ang ginagawa namin, kukunin namin ang pera at iiwanan ang mga droga. Ipapa-alam namin ito sa mga pulisya para mahinto ang mga transaksyon nila. Pinapanatili naming tago ang muka at pagkakakilanlan namin dahil hindi kami pwedeng makilala. 

Alam kong hindi mahihinto ang mga ito dahil maraming galamay ang pinaka-puno, si Don Alejandro ang pinaka puno. Sya ang gumagawa ng mga illegal na gamot, malalakas na droga na bumebenta ng bilyon, pati ang pagbenta ng mga illegal na armas. Hindi ko alam kung ganoon na rin ba ang gawain ng apo nya at 'yun ang kailangan kong malaman. Dapat akong mapalapit sa kanya at ganon din dapat sya sa akin upang mahawakan ko sya sa leeg. Sa ganon ay mapapalapit ako sa pinaka puno upang mai-sagawa ang mga plano. 

Kailangang mahuli sa akto ang pinuno. Dapat kong malaman ang mga bigating galamay nito. Alam ko na ang ibang galaw ng matanda at pinangaralan na ako ni Alfredo tungkol doon dahil nga isa ito sa mga naging tauhan nya dati. Alam kong kulang pa ang kaalamang iyon at ganoon din ang mga impormasyon, dahil hindi ko pa lubos kabisado ang galaw ng matanda. 

Ngunit isa lang ang nasisiguro ko. Dapat nyang pagbayaran ang pagpaslang sa mga magulang ko. Hindi nya matatakasan ang paghihiganting gagawin ko. 

Bumalik lang ako sa reyalidad nang iharap ni Alfredo ang personal information ng apo ni Don Alejandro. 

“Alam mo na ang gagawin mo,” aniya nang tuluyan ko nang kunin sa kamay nya ang mga papel. 

Tumango ako at pinakatitigan ang muka ng magiging misyon ko. Ayon dito sa course nya ay isa syang Criminology. Hmm, kakaiba ang takbo ng utak ng lalaking ito. 

“Ano sa tingin mo?” Nakangising tanong ni Alfredo. Alam na kaagad nya ang tumatakbo sa utak ko. 

“Matalino, papasukin nya ang kampo ng pulisya para maprotektahan ang illegal na gawain ng kaniyang Lolo,” nakangisi kong sabi habang umiiling. 

Ngumisi rin sya at nakitaan ko ng tuwa sa naging konklusyon ko. 

“Zack Salvador, kaunting araw na lang at magkikita na tayo.” Madilim akong tumitig sa papel kung saan naroon ang kaniyang larawan. 

Halos hindi ako nakatulog ng ilang gabi dahil sa pananabik na magkrus na ang landas namin ni Zack Salvador. Hindi na ako makapag hintay na personal syang makilala. Tuwing hindi ako makatulog ay nag eensayo na lang ako ng husto. Ibinubuhos ko ang buong lakas ko habang inaalala ang mga posibleng mangyari kapag nakaharap ko na ang apo ni Don Alejandro. 

Kahit sabihin nating wala syang alam sa pagkamatay ng magulang ko at sa ginawa ng kanyang Lolo ay hindi ko pa rin sya mapapalampas. Apo pa rin sya ng mortal kong kalaban. Dugo pa rin ni Don Alejandro ang nananalaytay sa buong katawan at pagkatao nya. 

Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang galit, pero hindi dapat ako pinapangunahan nito dahil paniguradong ikasisira ito ng plano. Kung ito ang paiiralin ko ay tiyak na papalpak kami. Hindi ako naghintay ng ganito katagal na panahon para lang mapunta sa wala ang lahat ng pinag-hirapan namin ni Alfredo. 

“Omo! Bukas ka na papasok sa university right? Sabay ka na sa amin ha?” halata ang excitement sa tono ng pananalita ni Allison. 

Umagang-umaga ay nandito na naman sila para na naman manggulo, nag-eensayo ako kanina nang datnan nila. Nakapiring ako habang naghahagis ng kutsilyo sa bilog na kahoy, iyon ang target ko. Tuwang tuwa na naman ang mga loka at manghang mangha dahil walang mintis ang mga paghagis ko, saktong sakto sa gitna ng target. 

“Kailangan mo rin ng apartment Sky, mahirap ang uwian. Kung gusto mo ay doon ka na lang sa condo namin ni Allison para libre. What do you think?” Suhestiyon ng nakangiting si Almira. 

“Oo nga Sky, tabi lang ng condo namin si Kio,” sabi ni Allison. 

Kung sa kanila ako makikitira ay tiyak na limitado lang ang magiging bawat galaw ko. Hindi ako makakakilos ng maayos ayon sa gusto at plano ko. 

“May apartment ba na malapit sa eskwelahang iyon?” tanong ko habang inililigpit ang mga kutsilyo na nagamit ko kanina. 

“Aww... Ayaw mo kaming kasama?” nakangusong malungkot na sabi ni Allison. 

Natawa ako saka pinitik ang noo nya. 

“Baliw, nahihiya lang ako sa magulang nyo. Kayo ang ginastusan sa condo na iyon at hindi ako, kaya hindi ako papayag. And isa pa, magkikita naman tayo sa university at pwede naman akong dumalaw sa condo nyo 'di ba?” palusot ko. Alam kong ito ang pinaka effective. 

“Sabi mo 'yan ha?” nakanguso pa ring sabi nya. 

“Yep.” Ngumiti sya, ibig sabihin ay ayos na sa kanila. 

“Pero sa amin ka sasabay bukas ha? Ihahatid ka namin sa apartment na alam namin.” Ngumiti si Almira. 

Napangiwi ako dahil may motor naman ako para makapunta roon. Alam ko na rin naman ang university na 'yun at nakahanap na rin ako ng apartment na malapit don. Pupuntahan ko na lang talaga. 

Hindi naman ako pwedeng tumanggi sa mga 'to. Siguro iiwan ko na lang ang motor ko at hindi na muna gagamitin. Pwede ko lang din naman kasing lakarin ang university dahil malapit nga lang naman kasi talaga roon ang apartment. 

Maiiwan mag-isa si Alfredo rito, pero hindi ako mamimiss nyan dahil dadalawin nya ako paminsan-minsan sa apartment. Isa pa ay may tinatrabaho sya kaya hindi sya masyadong mangungulila na wala ako sa bahay. Hindi ko na rin sya matutulungan sa trabaho dahil iba na ang pagtutuunan ko ng pansin. Ayos lang iyon dahil si Alfredo pa ba? Kayang kaya nya ang sarili nya. Sya ang nagturo sa akin kaya imposibleng hindi nya kayanin ang mga trabaho na naghihintay sa kanya. 

May usapan din kasi kami na palalaguin ang pera sa bank account dahil ibibigay rin namin ang mga matitira para sa mga charity.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status