Home / Other / Call Me SKY / Chapter One

Share

Call Me SKY
Call Me SKY
Author: BlackAddict_17

Chapter One

Miracle’s POV

Pilit kong sinisilip ang mga taong armado na nasa loob ng aking kwarto mula sa pagkakatago ko sa madilim na closet. Hindi ko pa rin lubusang maintindihan ang mga nangyayari. Kanina lamang ay nagi-impake kami ni Mommy ng gamit ko dahil dadalhin daw nila ako sa probinsya kung saan nakatira ang iba naming kamag-anak. Hindi ako pumayag dahil bukod sa ayaw ko, hindi rin sila kasama pag-alis ko.

Maingat naman nilang ipinaliwanag ang katanungang bumabagabag sa akin. Delikado na makasama ko sila dahil nagiging mapanganib na ang trabahong ginagawa nila.

Nasa kalagitnaan pa lang sila kanina ng pagi-impake at ng pag-iyak ko nang bigla na lang may kumalabog sa ibaba dahilan para matigilan sila. Gayundin ako. 

Hindi ko na nagawang sundan ang kanilang pinag-uusapan. Tangi ko na lang naintindihan ay ang pang-huling salitang binitiwan ni Daddy. “They're here.” 

Abala na si Mommy sa mga gadgets. Samantalang si Daddy ay may kausap na sa kanyang cellphone. Siguro ay mga kasamahan niya upang humingi ng back-up. 

Nakita ko ang pagiging busy ni Mommy sa laptop nya, may kung ano siyang ginagawa roon. Ang laptop na iyon ay naka-konekta sa lahat ng CCTV sa loob at labas ng bahay namin, alam ko iyon dahil minsan na itong ipinakita sa akin ng magulang ko. 

Maraming lalaki, pawing nakasuot sila ng itim na kasuotan. Nakikita ko iyon na suot ng mga nagtatrabaho sa matataas na building. Parang handa sa anumang giyera at ngayo'y nakapalibot na sa lahat nang sulok ng bahay namin. Mayroong papunta sa kwarto kung saan naroon kami. 

Muling tumulo ang mga luha ko at nagsimulang kabahan, lalo na nang kumuha si Daddy ng kanilang armas sa cabinet.

May fingerprint nila ito at sila lang ang tanging nakapagbukas. Kinuha nya mula roon ang dalawang baril at ibinigay ang isa kay Mommy. 

“Wala tayong takas,” malungkot na sabi ni Daddy. Napalunok naman si Mommy at binalingan ako ng tingin.

“Baby, I need you to cooperate, 'di ba you want to be like us?” Mommy said with teary eyed, malambing nya itong sinabi. Tumango ako kahit na tumutulo ang luha at sipon ko. 

“Hold this.” Kinuha ko ang ibinigay nya sa aking bag na pinaglagyan ng mga damit ko kanina lamang at mahigpit na niyakap. 

“Now, go to closet. Kahit na anong makita at marinig mo... 'Wag na 'wag kang gagawa ng kahit na anumang ingay, understood?” Naglakad ako papasok habang naka-alalay sya. Lumapit si Daddy. 

“'Yan ang utos ng isang agent and it is a must, para maging mas effective na agent. I love you baby, always remember that.” Hinalikan ako ni Daddy sa noo.

Nagulat ako nang pumatak ang luha sa mga mata nya. Ngayon ko lang sila nakitaan ng ganitong panghihina. 

“Nandito lang kami lagi sa tabi mo, kahit na ano'ng mangyari.” Hinalikan ako ng matagal ni Mommy sa noo. Dinama ko iyong mabuti dahil malakas ang kutob kong iyon na ang huli. 

Bago nya isara ang pinto ng closet ay ibinigay nya sa akin ang isang bagay. Nakalahad na ang kamay ko upang kunin ito nang kumalabog ng malakas ang pintuan. Tinakpan ni Mommy ng mabilis ang bibig ko dahil napasigaw ako sa labis na gulat at takot. Tumulo na naman ang luha ko at tahimik na suminghot.

“Take this.” Inilagay nya mula sa palad ko ang bilog na bagay. Isang relo ngunit kakaiba. 

“Kapag nasa panganib ka, open it and press the red button. May darating agad para tulungan ka, kahit nasaan ka.” Itinuro nya sa akin ang dapat gawin.

Pindutin ko raw ito ng matagal at kapag umilaw, doon ko lang ititigil dahil paniguradong malalaman na kung nasaan ako. May picture namin itong tatlo na malalapad ang ngiti. 

Maingat at mabilis ko itong inilagay sa loob ng bag ko. Tuluyan nang isinarado ni Mommy ang pinto ng closet, kasabay nito ang malakas na pagbagsak ng malaking bagay sa sahig. Dahan-dahan kong inilagay ang dalawa kong kamay sa aking bibig para hindi makalikha ng anumang ingay. 

Sumilip ako at nakita ang natumbang pintuan. Tinutukan kaagad ng mga armadong lalaki sila Mommy ng baril, ganoon din ang ginawa ng magulang ko sa kanila. Ayaw ko mang isipin pero dehado sila. Nasaan na ba kasi ang mga kasamahan nila? Bakit ang tagal dumating?

“Minaliit ko ang kakayahan nyong dalawa. Pero dahil minaliit nyo rin ang kakayahan ko ay naisahan ko kayo.” Humakbang ang lalaking medyo may katandaan na. Nakasoot din ito ng itim na tuxedo at may hithit na tobacco. Pilit kong sinisilip ang kanyang muka pero hindi ko talaga maaninag dahil sa tumatabing na suot nitong sumbrebro.

“Ano ang pakiramdam agents? Nakakatakot ba?” Tumawa ng malakas ang matanda na sinabayan ng kanyang mga tauhan.

Nahagip ng paningin ko ang lalaki sa gilid ng matanda. Nakatutok din ang baril nito sa magulang ko. Nakita ko ang tattoo sa kanan nyang kamay sa likod ng kanyang palad, markang scorpion na kulay pula. 

“Muka ba kaming nasindak? Katunayan nyan ay inasahan na talaga namin ang pagdating mo. Don Alejandro,” sabi ni Daddy at mula rito sa kinaroroonan ko'y kitang kita ko ang ngising ipinakita nya. 

“Kaya pala, saan nyo kaya itinago ang anak nyo?” Nawala ang ngisi sa muka ni Daddy at ngayon naman ay malaking ngisi ang pinakawalan ng matanda na tinawag nyang Don Alejandro. Humithit ito sa kanyang tobacco at ibinuga ang usok nito. 

Umigting ang panga ni Daddy at dumiin ang hawak sa baril na nakatutok sa kalaban. 

“Alfredo, hanapin ang bata at... Patayin.” Ngumisi ang matanda at halos kita na ang iilang gold nitong ngipin.

Sa galit ni Daddy at sa bilis ng mga pangyayari ay nakita ko na lang ang sarili kong tumitili ng malakas at umiiyak. Mula sa pinagtataguan ko ay lumabas ako at tumakbo papunta sa mga magulang kong naliligo na sa sariling dugo. Humagulgol ako ng iyak habang yakap sila, maging ako ay duguan dahil sa pulang likidong dumikit sa akin. 

“Let's move, parating na ang mga FBI.” Naghanda na sila sa pag-alis pagkatapos kong marinig ang sinabi ng kanyang tauhan. 

“Patayin din ang batang iyan. Alfredo, ikaw na ang bahala dyan.” Tinapik ng matanda ang balikat ng lalaking tinawag nyang Alfredo, 'yung lalaking may tattoo na scorpion.

Mas lalo akong pumalahaw sa iyak dahil tingin ko'y hindi rin ako makakaligtas tulad ng nangyari sa magulang ko. Mamamatay rin ako. Binuhat ako ng lalaki nang walang kahirap-hirap, para akong isang sakong bigas. 

“Mommy, Daddy!” Nagpumiglas ako mula sa mahigpit nyang pagkaka-kapit ngunit wala itong naging epekto. 

Humiwalay ng landas sa amin si Don Alejandro kasama ang maraming tauhan. May dalawa pang sumama sa amin upang masiguro ang pagpatay sa akin.

Nagtungo kami sa medyo may kadilimang lugar, malayo na sa bahay namin. Para kaming nasa kagubatan dahil mataas ang mga damo. Lalo akong nakaramdam ng takot nang ibaba ako ng lalaki. P-papatayin din ba nila ako? Kinuha ko sa likuran ang bag ko at niyakap ito.

“Ano pa ang hinihintay mo Alfredo? Patayin mo na 'yang bata!” Sigaw ng isa nyang kasama. 

Nanginig ako sa takot nang itinutok sa akin ang baril. Nagawa ko pa ring magsalita sa kabila ng paghikbi. 

“'Wag po.” Nagmakaawa ako kasabay ng marahas kong pag-iling. Nananalangin na sana’y pakinggan. 

“Putang-” Hindi na pinatapos ni Alfredo ang sasabihin ng kaniyang kasama dahil mabilisan nya itong binaril, ganoon din ang isa pa. 

Mariin akong pumikit at tinakpan ang magkabilang tenga dahil sa nakakarinding putok ng baril. Mas lalo akong nanginig nang magflashback sa aking isip ang nangyari sa magulang ko kanina lamang. 

“Mommy, Daddy...” Umiyak ako ng malakas, kahit sobrang sakit na ng lalamunan ko'y wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. 

“Tayo na 'neng.” Naramdaman ko ang mabigat ngunit maingat na presensya sa harap ko. Tumingala ako upang makita sya. 

Gulat ako nang makitang nakangiti sya, tunay ang ngiting ibinibigay nya. Hindi ako nakaramdam ng ni-katiting na takot. 

“Po?” sumisinok na ani ko. 

“Simula ngayon, ako na ang mag-aalaga sa 'yo.” Naguguluhan man ay sumunod na lang ako sa gusto nya. Tutal ay wala na rin naman akong mapupuntahan. Saan ako titira? Ang bata ko pa para mamuhay mag-isa. 

Sumagi rin sa isip ko na kalaban nga pala sya ng magulang ko. Kakampi sya ng kalaban kaya bakit nya ako kukupkupin? Isa pang gumugulo sa akin, bakit nya pinatay ang mga kasama nya kung tunay syang kakampi ng mga ito? Dapat ay galit ang pinapa-iral ko dahil isa sya sa tauhan ng taong kinamumuhian ko pero hindi. Dahil iniligtas nya ako. 

Utang ko sa kanya ang buhay ko at wala syang ginawa sa magulang ko, ni hindi sya nagpaputok ng baril. Tanging tapat na tauhan lang ni Don Alejandro ang gumawa non. 

Isa siguro sa dahilan kaya nya ako napiling kupkupin ay may malaki syang plano. Pinili nyang tumiwalag kay Don Alejandro para sa akin. 

Tutulungan nya akong maipaghiganti ang namayapang magulang ko laban sa demonyong matandang iyon. 

Itinuring nya akong tunay na anak at ganon din ako sa kanya. Itinuring ko rin syang tunay kong ama. 

Sinanay nya ako upang maging kasing galing ng magulang ko- Mali. Sinanay nya ako upang malampasan ang galing nya pati ng mga magulang ko. Upang sa muling paghaharap namin ni Don Alejandro ay tuluyan ko nang makuha ang hustisyang hinahangad ko. Kamatayan para sa kamatayan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status