Home / All / Call Me SKY / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Call Me SKY: Chapter 11 - Chapter 20

35 Chapters

Chapter Eleven

Nagpababa ako sa nadaanan naming karinderya. Nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom, hindi ko na pinababa ang sarili ko sa apartment na tinutuluyan ko dahil wala pa naman akong stocks ng pagkain don para ipagluto ang sarili ko.Nagbayad ako bago bumaba. Mabuti ay may bukas pang karinderya ng mga ganitong oras.Um-order ako ng dalawang magkaibang pares na ulam at tatlong kanin."Ate, pakidamihan po ng sabaw." Umupo ako sa dulong bahagi at hinawakan ang ulo kong kung pumintig ay akala mo sasabog na. Good thing hindi ako nagsu-suka kapag nakakainom.Kinuha ko ang phone ko habang naghihintay ng order. Tinext ko si Alfredo tungkol doon sa impormasyong nalaman ko. Hindi iyon masyadong makakatulong pero ayos na rin kahit papano. Ang kailangan ko kasing impormasyon ay detalyado at 'yung makakatulong sa plano namin ni Alfredo, hindi iyong ganon lang. Oo nga't nasa labas sya ng bansa, ang tanong... Ano ang ginagawa n
last updateLast Updated : 2021-08-24
Read more

Chapter Twelve

Kau-uwi ko lang matapos ang mga nangyari kanina sa daan. Binalaan ko na lang 'yung leader ng mga mukang adik na kapag nakita ko pa silang nananakot para bigyan sila ng pera ay hindi na ako magdadalawang isip na maghukay ng mga libingan nila.Sinabi nilang magbabago na raw sila. Umiyak pa nga ang loko at lumuhod luhod sa harap ko. Pati 'yung mga kasamahan nyang napahirapan ko kanina. Binigyan ko rin ng pera 'yung natanggalan ng ngipin para makapag papustiso sya. Naawa ako eh hehe. 4th year high school pa lang sila at katabi nila ang university namin. Nag fe-feeling gangster daw para matakot ang mga estudyante sa kanila. Sa sobrang feeling nga nila ay nagmuka na silang jejemon. Dati raw kasi silang binu-bully kaya ganon ang ginawa nila. Nananakot sila ng iba para rin magka-pera. Kanya-kanyang diskarte nga naman sa buhay. 'Yun nga lang mali ang kanilang diskarte. Naligo muna ako at nag-shower bago kinuha ang phone
last updateLast Updated : 2021-08-24
Read more

Chapter Thirteen

Nang payapa na ang utak ko ay saka lang ako nagmulat ng mga mata. Sya namang pagpasok ng kagabi pa bumabagabag sa utak ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa at tinignan ang location kung nasaan na ang tracking device.Kumunot ang noo ko nang nasa bahay ito nila Atasha. Hindi na ako nagdalawang isip na patayin ang device at hayaan na lang dahil hindi ko na iyon kakailanganin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtaka o hindi. Kaya mas minabuti kong hindi na muli pang pahanahin 'yung device."What's that?"Tumalon ang cellphone ko sa sahig dahil sa gulat nang bigla na lang may nagsalita. Nakipag agawan ako sa pagpulot ng phone ko dahil balak pulutin iyon ng lalaki. Hindi ko man lang ng ito pinadaplisan daliri nya. Sa sobrang busy ko yata kanina kaka-pindot ay hindi ko na napansin ang bulto nya.Tumingala ako upang makita ko kung sino."I'm sorry, nagulat ba kita?" Ilang ang ngiting ibini
last updateLast Updated : 2021-08-26
Read more

Chapter Fourteen

Masaya akong pumasok sa next subject. Hinatid ulit ako ni Seth sa room at nagpaalam din sya sa aking papasok na rin. Habang nagka-klase ay panay ang ngiti ko. Halos hindi na yata natanggal ang ngiti sa labi ko hanggang sa matapos ang klase at mag tanghali na. Kanina pa inis sa akin si Atasha dahil sa weirdong ngiti na ipinapakita ko. Bawat tingin ko kasi sa kanila ay nakangiti ako o 'di kaya naman ay bumabati ako. Si Zack naman ay pinagtataasan lang ako ng kilay at sinusungitan ako gamit lang ang kanyang muka. "Talaga? Friend mo na si Seth?" hindi makapaniwalang tanong ni Allison at ni Almira. "Waaaahhh! Omo! Swerte mo Sky, pakilala mo kami." Binatukan agad ni Allison si Almira dahil sa sinabi. "Boba! Anong ipakilala? Sila ba? Friend lang sila hindi magjowa." Irap ni Allison sa kapatid. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina. Tuwang tuwa ang mga loka, sinabi nilang isa rin si Seth sa ultimate crush nil
last updateLast Updated : 2021-08-26
Read more

Chapter Fifteen

Saktong paglabas ng tatlong lalaki sa mga lumang locker. Nakangisi silang lahat."Enjoy Sky!" Sigaw nila Jamie mula sa labas hanggang sa hindi ko na marinig ang mga boses nilang nakaka irita."Umpisahan mo na 'yung video brad," utos ng isang lalaki.Hindi ako umatras o natinag man lang nang mapwesto nila ang camera sa isang upuan.Agad nilang hinubad ang mga coat nila hanggang sa sandong puti na lang ang matira.Nag-umpisa na ako sa gagawin ko. Umatras ako at mabilis na nagtungo sa pintuan upang makahingi ng tulong."SETH!" Paulit ulit kong kinalabog ang pintuan kahit na alam kong malabo na may makarinig sa akin."Hawakan nyo bilis!" Agad sinunod ng dalawang lalaki ang inutos sa kanila.Magaling akong artista kaya walang pasubaling tumulo ang mga luha sa mata ko. Kaya kong pagmukhaing kawawa ang sarili ko sa harap nila para masabi nilang m
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more

Chapter Sixteen

"Ano ang problema?" seryoso kong tanong sa kanya. "Balak tayong abutan ng pera," sagot ni Alfredo. "Naayos mo na ba ang lahat?"Ngumisi sya bilang tugon at sinabing, "Kailan ba tayo pumalpak?" Napangiti ako at kinuha sa kanya ang isa pang mataas na kalibre ng baril. Isinukbit ko ito sa balikat ko at nag umpisa na kaming tahakin ang masukal na daan papunta sa isang abandonadong warehouse. "Kapag ibinigay na sa atin ang pera, umpisa na ng gyera," bulong ni Alfredo sakto lang para marinig ko. "Parang baguhan lang ako kung payuhan mo ah?" Parehas kaming natawa sa sinabi ko. "Pinapa-alala ko lang dahil baka nakalimutan mo na." "Kilala mo ako Alfredo, hindi ako nakakalimot." Ngumisi ako ng makahulugan. "Haha oo nga pala." Umiling sya at natawa sa sarili. Wala kaming inaksayang oras. Tuloy tuloy kaming pumasok sa warehouse at matapang naming hinarap ang hindi nalalayo
last updateLast Updated : 2021-08-28
Read more

Chapter Seventeen

Mulat ang mata ko hanggang sa sumikat ang araw. Hindi ko rin nagawang mag-ensayo dahil pakiramdam ko ay pagod ako. Minabuti kong maligo muna, pagkatapos ko ay bumaba na ako upang magluto ng almusal namin ni Alfredo.Nang matapos sa pagluluto ay tinawag ko na si Alfredo para makapag almusal na kami."Hindi ka nag ensayo?" paunang sabi nya bago humigop sa kanyang kape na tinimpla."Hindi," simpleng sagot ko. Ni hindi ako tumingin sa kanya at ramdam ko ang nanunuring titig nya."Himala." Natatawang komento nya.Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain."Sya nga pala, may darating akong bisita," wika nya sa kalagitnaan ng aming pagkain.Kunot noo akong tumingin sa kanya, nagtataka. Ngayon lang kasi ang unang beses na pumayag si Alfredo na may makapunta ritong ibang tao o bisita. Maliban kasi sa tatlo kong kaibigang loko-loko ay wala ng iba pang na
last updateLast Updated : 2021-09-01
Read more

Chapter Eighteen

Hapon na nang umpisahan namin ni Anton ang laban. Sa bakuran namin napili dahil puno naman ng bermuda grass ang paligid. Hindi kami masasaktan sakaling may bumagsak man sa amin.Nanonood lang si Alfredo habang tumutungga na naman ng beer at humihithit ng sigarilyo.Kalmado at tahimik kong inobserbahan muna ang bawat galaw nya bago ako umatake. Habang pinagbibigyan ko syang gawin ang pag-atake sa akin ay panay ilag lang ang ginagawa ko, wala pang tumatamang suntok sa kahit na anong parte ng katawan ko."Why can't you fight back, huh?" Nakangising tanong nya.Ngumisi lang din ako pabalik.Sa sobrang kampante ko yata na hindi nya ako tatamaan at mahuhuli ay roon nya ako nadali. Gamit ang braso nya ay naikuwit nya ito sa leeg ko, nakaposisyon ang isa nyang kamay sa ulo ko at isang maling galaw ko lang ay maari nyang baliin ang leeg ko na syang ikamamatay ko."One wrong move...
last updateLast Updated : 2021-09-08
Read more

Chapter Nineteen

Naka-uwi na kami pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari. Hindi naman pala ganoon kasama ang grupo ng gangster na sinalihan ni Anton, dahil kung sakaling umalis din sya sa puder namin ay bukas pa rin ang mansyon ni Uno para sa kanya. Pinaliwanag ni Anton na oras na nakapatay kami ng isang tauhan ni Uno ay paniguradong patay na sya bago pa man namin sya maabutan doon. Tinanong ko kanina si Uno kung paano kami makakasigurong hindi nya kami papatayin o susundan upang patayin kung tuluyang maka-alis kami sa mansyon. Tinawanan nya lang ako at inilingan. Sinabi nyang 'pag sinabi nya ay matutupad. May isa syang salita kaya iyon ang aming panghawakan. "Grabe! Napagod ako roon."Tignan mo 'tong isang 'to, akala mo pag-aari nya itong bahay. Sobra naman yata ang pagiging feel at home nya? "Hoy, magluto ka. Hindi puwedeng tumira ka rito ng walang ginagawa, dapat ikaw ang taga laba, taga linis ng buong bahay at higit sa lahat.
last updateLast Updated : 2021-09-08
Read more

Chapter Twenty

"Anong kailangan mo?" nagtanong na ako dahil napaka tahimik nya at mukang walang balak magsalita. Kung hindi ko siguro kinapalan ang muka ko upang magtanong ay magtititigan lang kami rito. Tumikhim sya bago nagsalita. "Seth wants you to join us on lunch," napapaos na sabi nya. "Pakisabi hindi na, may kasabay ako." Tumalikod na ako at hindi na hinintay ang sasabihin nya. Pasimple kong binatukan ang sarili nang makalayo dahil tumanggi pa ako! Pabebe ka Sky, inuna mo pa 'yang pride mo kesa sa ebidensyang maaring makalap mo. You're  so stupid! Narinig ko ang pagsunod ng yabag nila Zack at Atasha sa likod ko. "What did you say to her?" rinig kong tanong ni Atasha sa nakakainis na tono. "Nothing," simpleng sagot ni Zack at hindi na dinagdagan. Napangiwi ako at napa-irap sa kawalan nang banggitin nya 'yon. Tsk! Magaling kang bata ka, para hindi magselos 'yang Atasha mo ay kailangan mong magsinun
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status