Third Person’s POV Ang mga estudyante ng grade 10, section A kasama ang kanilang adviser sa TLE ay nagtipon-tipon sa isang silid sa Western Academy kung saan gaganapin ang kanilang unang klase. Sa silid na ito ay maraming kagamitang maaaring gamitin sa pagluluto at pagbe-bake. “Good afternoon students. My name is Clive Saavedra, you can call me Mr. Saavedra but if you’re not comfortable with that, just call me Clive,” pagpapakilala ng kanilang guro na 21 years old pa lamang. Gwapo ang prof nila kaya maraming estudyante ang nahuhumaling sa kanya. “So for today’s activity, gusto kong gumawa kayo ng sarili ninyong cupcake. Kahit anong flavor ay pwede. Kung gusto niyo, pwede niyo itong lagyan ng design na gusto niyo. Be creative students,” nakangiti nitong wika at naupo sa swivel chair na nandoon sa silid. Ang bawat estudyante ay kanya-kanyang kilos na. Ang
Last Updated : 2021-07-09 Read more