Share

Tahimik 2.1

Third Person’s POV

Ang mga estudyante ng grade 10, section A kasama ang kanilang adviser sa TLE ay nagtipon-tipon sa isang silid sa Western Academy kung saan gaganapin ang kanilang unang klase. Sa silid na ito ay maraming kagamitang maaaring gamitin sa pagluluto at pagbe-bake.

“Good afternoon students. My name is Clive Saavedra, you can call me Mr. Saavedra but if you’re not comfortable with that, just call me Clive,” pagpapakilala ng kanilang guro na 21 years old pa lamang. Gwapo ang prof nila kaya maraming estudyante ang nahuhumaling sa kanya.

“So for today’s activity, gusto kong gumawa kayo ng sarili ninyong cupcake. Kahit anong flavor ay pwede. Kung gusto niyo, pwede niyo itong lagyan ng design na gusto niyo. Be creative students,” nakangiti nitong wika at naupo sa swivel chair na nandoon sa silid. 

Ang bawat estudyante ay kanya-kanyang kilos na. Ang iba ay mayroong katulong sa paggagawa ngunit ang iba ay mas piniling gawin ito ng mag-isa. Si Mimi ay kasama ang kaniyang kaibigang si Chloe sa paggawa nito habang nagkukwentuhan sa isang tabi.

“Anong flavor ang gagawin mo?” tanong ni Mimi sa kaibigang abala sa pag-aayos ng kanyang gagamitin. Umakto itong nag-iisip habang nakalagay ang hintuturo sa baba.

“Strawberry siguro. Favorite ko kasi ‘yon. Ikaw ba?” sagot niya. Naupo si Mimi sa upuan habang ang mga braso ay nakapatong sa lamesa at ang baba ay nakapatong dito. Sandali siyang lumingon sa direksyon ni Gray na nagsisimula nang maglagay ng harina sa malaking lalagyan. 

“Chocolate,” nakangiti nitong tugon at medyo namumula pa ang mga pisngi at saka binalik ang tingin kay Chloe na naglalagay na din ng harina sa lalagyan.

“Bakit? Favorite mo din ba ‘yon?” nagtatakhang tanong ng kaibigan.

“Favorite ‘yon ni Gray.” Tumayo na siya at kagaya ng ibang kaklase ay nagsimula na din siya sa ginagawa ng iba. ‘Ano kayang pwede kong i-design? Lagyan ko kaya ng heart o kaya naman ay initial na HG,’ wika nito sa kanyang isipan at hindi maalis ang malawak na ngiti sa mga labi.

Nakakunot ang noo ni Chloe habang pinagmamasdan ang kaibigang ngumingiti ng walang dahilan. Minsan ay nawiwirduhan na din ito sa kaibigan kaya hindi niya lubos maisip kung paano ba niya ito napakisamahan. ‘Nababaliw na ata ‘to,’ sabi ni Chloe sa kanyang isip at ibinalik na ang atensyon sa ginagawa.

Walang hilig sa pagluluto o pagb-bake si Mimi. Mahilig lamang siyang kumain ng niluluto ng kanyang Nanay Honey at mas pinipili nitong ituon ang atensyon sa pagbabasa. Isa pa ay wala naman silang oven at ref. Dahil dito ay kinakabahan siya sa kalalabasan ng gagawin niya.

Sa kabilang sulok ng silid ay nandoon si Simon at naghahalo na ng mga sangkap habang nakatingin kay Mimi na nasa malayo. Una pa lamang niyang makita ang dalaga kaninang umaga dahil sa pagkakabangga nito sa kanya ay tila ba na-love at first sight ito sa Ate Mimi niyo! 

‘Bakit ang ganda niya pa din kahit nakatalikod?’ wika nito sa kanyang isipan. Wala siyang kasama sa lamesa na kinalalagyan niya dahil siguro ay wala pa siyang masyadong kakilala sa mga bagong kaklase niya. 

Napagdesisyonan niyang lumipat ng pwesto sa bakanteng lamesa sa tabi ni Mimi. Inayos niya ang kanyang mga kagamitan at naglakad papunta sa tabi ni Hayami na ngayon ay nagbabasag na ng itlog.

Napunta ang tingin ni Gray kay Simon habang papalapit ito sa dalaga. Napaisip siya na kung magkakilala ba ang dalawa. Umiling si Gray at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

“Pwede bang tumabi?” tanong ni Simon. Napunta ang atensyon ng magkaibigang Mimi at Chloe sa kanya at nagkatinginan sila. Napangiti sila pareho at lumingon muli kay Simon na nag-aabang ng sasabihin ng dalawa.

“O-oo naman. Ako nga pala si Hayami. Mimi for short,” tugon ng dalaga.

“Ako naman si Chloe!” masiglang banggit ng kaibigan. 

Natuwa si Simon sa dalawa dahil napaka bait nito sa kanya. Naisip niya na mukhang sila ang magiging unang kaibigan niya.

“Nice to meet you girls, just call me Sai,” banggit nito at sabay-sabay na silang nagpatuloy sa ginagawa. Lahat ng estudyante sa kanilang klase ay sadya namang nag-eenjoy sa kanilang pagb-bake. Natutuwa naman ang kanilang guro dahil nakikita nitong masaya ang kanyang mga estudyante sa kaniyang mga pinapagawa, iniiisip niya na sana bigyan siya nito ng mga cupcakes pagkaluto dahil wala na siyang pera.

Napuno ng kwentuhan ang lamesang kinalalagyan ng tatlo at nagtatawanan pa ang mga ito. 

“So, MVP ka pala ng basketball? Naks naman, sana all!” puri ni Mimi kay Simon.

“Oo, minsan baka gusto ninyong manood ng practice namin sa gymnasium if may time kayo,” tugon nito na kasalukuyan nang naglalagay sa oven ng ginawa nito kasabay si Chloe at Mimi.

“Sige ba! Baka gusto mong sumabay mamaya sa aming lunch para naman makapagkwentuhan pa tayo,” nagagalak na banggit ni Chloe at inilagay na din sa oven ang kanyang mga ginawa. Sabay-sabay silang sinarado ito at napasandal na lamang sa lamesa sa kanilang likudan.

“Kasabay ko ‘yong mga teammates ko mamaya eh. Next time siguro,” tugon ni Simon. Sakto naman ang pagtunog ng bell sa hallway na nangangahulugang lunch break na. Nagsimula nang magsilabasan ang ibang estudyante at ang iba naman ay nagliligpit pa ng mga ginamit kanina.

Nagpaalam na sila Chloe at Mimi sa bagong kaibigan bago lumabas at naiwan ito doon nang nakangiti habang kumakaway. Pakiramdam ng binata ay napalapit na ang loob nito kay Mimi sa maikling panahon pa lamang na magkakilala sila. 

----------

Hayami’s POV

“Ang bait pala ni Simon,” wika ng kaibigan kong kanina pa banggit nang banggit sa pangalan ng lalaki na iyon. Hindi ko na mabilang sa daliri sa kamay at paa kung ilang beses niyang binanggit ang “Simon” sa conversation namin kanina simula nang lumabas kami ng TLE room.

“Oo na! Paulit-ulit? Hindi naman ako bingi Chloe.” Nandito na kami sa canteen at nakapila sa kuhanan ng pagkain. Tatlong tao ang nasa harapan ko bago ako makakuha. Gutom na gutom na ako, ‘yong tipong kakainin na ng big intestine ko ‘yong small intestine ko. Kanina pa din kumukulo ang tiyan ko.

“Nood kaya tayo ng practice nila mamaya?” saad niya at humakbang na ako sa harapan nang mapagtantong ako na pala ang sunod sa pila. 

“Kung gusto mo ikaw na lang. Sasamahan ko si Gray mamaya sa library,” tugon ko sa kanya ang ibinaling ang tingin sa masungit na tinderang naka-net ang buhok at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Akala ko sa mga libro ko lamang makikita ang mga mangkukulam, meron din pala sa totoong buhay.

“Isang chicken sandwich nga po, at saka apple, at saka porchop, samahan niyo na din po ng rice, at saka minute maid, at saka...,” bahagya akong tumigil at nag-isip pa ng susunod na babanggiting pagkain ngunit wala na akong magustuhan sa menu nila.

“Iyon lang po!” Ang masungit na tindera ay inilagay na ang lahat ng binaggit ko sa malaking pinggan na hawak ko at saka na ako umalis sa pila. Pinagmasdan ko si Chloe na umorder ng sopas, orange at mineral water. Naglakad kami ng sabay habang naghahanap ng maaaring maupuan.

“Kay Gray na lang ba umiikot ang makitid mong utak? Buti kinakaya mo ‘no? Kung ako ikaw, naku! Baka nasiraan na ‘ko ng bait sa araw-araw na kasama ko ang lalaking tuod na ‘yon. Ni hindi nga nagsasalita, para namang wala din ako kasama kahit nandyan,” suhestyon ni Chloe. 

Napairap na lamang ako sa kanya. Ang kapal ng mukha! Talagang sa harapan ko pa mismo nilait si Grayson! I mean sa gilid ko pala!

“Palibhasa hindi mo alam ang feeling ng ma-inlove,” wika ko naman. Hindi nakaligtas sa peripheral vision ko ang pamumula ng pisngi niya kasabay ng malawak niyang ngiti. 

“Hoy, hoy, hoy, hoy! Ano yan ha?” wika ko ng mayroong makahulugang tingin. Itong si Chloe may hindi sinasabi sa akin. Alam ko na ‘yang mga ngiti na ‘yan. Ganyan din mamula ang pisngi niya kapag nakikita niya noon ‘yong crush niyang kargador sa nadadaanan naming grocery store. Kilalang-kilala ko na ang babaeng ito kaya wala siyang maitatago sa akin.

“Crush ko si Simon,” bulong niya na medyo hindi ko naman naintindihan dahil parang siya lang ang nakaintindi ng sinabi niya. Ano bang sabi niya? Cinamon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status