Hayami's POV
"Hoy! Bibig mo baka pasukan ng langaw."
Bumalik ako sa ulirat nang bigla akong batukan ni Chloe. Kanina pa pala 'ko tulala sa kawalan habang nandito kami sa loob ng classroom. Vacant kasi namin at hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-recover sa sinabi ni Grayson kaninang umaga.
"Aray! Namimisikal ka na, ah!" sigaw ko sa kanya.
Napatakip naman siya sa magkabila niyang tainga at napangiwi.
"Ikaw kasi! Kanina ka pa tulala d'yan, parang gagawin ng airport ng mga langaw 'yang bunganga mo dahil kanina pa nakanganga."
"Aish! May problema kasi ako, Chloe." Humalumbaba ako sa ibabaw ng desk habang nakatingin sa kanya.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong niya. Alam ko kapag ganito na ang tono ng pananalita ni Chloe, seryoso na siya. Lalo na kapag ganitong lumalaki na ang butas ng ilong niya.
"Pakiramdam ko kasi
Hayami’s POV“Good morning, Barangay Maligaya!” sigaw ko mula sa labas ng aming munting tahanan. Isang magandang umaga para sa isang magandang dalagang katulad ko. Ang mga kapit-bahay ay kanya-kanyang kaway sa akin habang napapadaan sa tapat ng aming gate. Umaga pa lamang ngunit ang mga tao sa daan ay madami na gayon na din ang mga sasakyang nagpaparoon at nagpaparito. Isama mo na ang mga high-tech na CCTV ng barangay namin, mga chismosa.Tumakbo ako papunta sa likod-bahay at naabutan kong nagwawalis si Nanay habang nakahawak sa bewang.“Good morning sa napaka ganda kong nanay,” wika ko at niyakap siya mula sa likod niya. Naamoy ko pa ang maasim-asim na pawis niya. Umaga pa lamang pero amoy hapon na siya. Tumawa siya ng mahina at saka ipinagpatuloy ang pagwawalis. Itong si Nanay talaga, sinabihan na ‘wag na ngang masyadong magtrabaho dahil baka magkabali-bali ang mga buto niya ay hindi
(Continuation of chapter one)“Mimi!” Pagkapasok pa lamang namin ni Gray sa gate ng Western ay dinig ko na mula sa malayo ang boses ni Chloe na daig pa ang sirena ng bumbero habang tumatakbo papalapit sa amin. At dahil shunga-shunga din ako, nag-ala Don Zoulweta ako papatakbo sa kanya.“Chloe!” sigaw ko at niyakap namin ng mahigpit ang isa’t-isa. Siya si Chloe Hernandez, ang kilala kong bunot na tinubuan ng ulo este bestfriend ko since first year high school pa lang ako. Palagi kaming magkasama at talagang halos hindi na kami mapaghiwalay. Kakain ng luch at recess magkasama, bibili sa canteen magkasama, magkatabi din kami sa upuan palagi at nililibre niya ako minsan kapag may extra money siya.For me, Chloe is not just my bestfriend but my sister.“Na-miss kita,” wika niya at kumalas sa pagkakayakap niya sa akin. Maikli ang napaka cute niyang buhok at halos k
Third Person’s POVAng mga estudyante ng grade 10, section A kasama ang kanilang adviser sa TLE ay nagtipon-tipon sa isang silid sa Western Academy kung saan gaganapin ang kanilang unang klase. Sa silid na ito ay maraming kagamitang maaaring gamitin sa pagluluto at pagbe-bake.“Good afternoon students. My name is Clive Saavedra, you can call me Mr. Saavedra but if you’re not comfortable with that, just call me Clive,” pagpapakilala ng kanilang guro na 21 years old pa lamang. Gwapo ang prof nila kaya maraming estudyante ang nahuhumaling sa kanya.“So for today’s activity, gusto kong gumawa kayo ng sarili ninyong cupcake. Kahit anong flavor ay pwede. Kung gusto niyo, pwede niyo itong lagyan ng design na gusto niyo. Be creative students,” nakangiti nitong wika at naupo sa swivel chair na nandoon sa silid.Ang bawat estudyante ay kanya-kanyang kilos na. Ang
(Continuation of chapter two)Hayami’s POV“Ano? Ayusin mo ngang magsalita. Mabaho ba hininga mo?” Sinamaan niya ako ng tingin.“Crush ko si Simon. Napaka bingi mo.” Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Magre-react pa sana ako ngunit nahagip ng mata ko si Gray na mag-isang kumakain sa isang table. Doon ako pumunta kaya sumunod na lang si Chloe. Naupo ako sa tabi niya habang nasa harapan namin si Chloe.“Hi Gray! Kanino mo ibibigay ‘yong ginawa mong cupcake?” tanong ko sa kanya. Sandali siyang nag-isip.“Mommy,” tugon nito.“Eh ako? Hulaan mo kung kanino ko ibibigay ‘yong sa akin?” Hinintay ko siyang sumagot. Tumingin siya kay Chloe ngunit nagkibit-balikat lamang ito.Napunta ang tingin niya sa akin at saka ibinalik ang atensyon sa kinakain niyang pritong isda.
Hayami’s POVIt’s Tuesday. So kapag Martes it means may pasok nanaman. Hindi naman sa tinatamad ako pero parang ganun na nga.Nakatihaya pa din ako dito sa kama kong makapigil hininga ang amoy at nagbabasa ng kwento sa cellphone ko. Ngunit habang nagbabasa ay hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa cupcake kahapon. Nagustuhan kaya ni Gray ‘yong lasa?Wala naman akong ibang nilagay doon bukod sa ingredients at gayuma. Pero syempre charot lang, hindi ko na kailangan ng gayuma dahil alam ko namang matagal na akong bet ni Papa Gray nahihiya lang siyang umamin sa akin kasi ang pretty ko masyado.Makatulog na nga lang ulit. Five minutes na lang promise babangon na ‘ko. Unti-unti ko nang ipinikit muli ang mga mata kong puro muta pa at medyo nararamdaman ko na muli ang antok.“Mimi bumangon ka na diyan, tanghali na!”Awt
(Continuation of chapter 3)Hayami’s POVNagtataka akong kinapa-kapa ang laman ng paper bag. Hmm, hindi naman malambot, hindi nga siguro pandesal. Pero bakit parang square? Dahil sa koryusidad ay binuksan ko na ito at nagliwanag ang mga mata ko sa nakita.“Oh my God,” bulong ko dahil sa pagkamangha. Limang Wattpad books ang nakita ko sa loob nito na nakaplastic pa pare-pareho. Ano bang petsa ngayon? Hindi ko naman birthday pero bakit niya ako binigyan ng libro?*kringggggggUmakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa gulat at sa narinig na pagtunog ng bell ng school sabay sabing, “Sh*t, late na ‘ko!”------------Ang baho.Dahil nalate ako kaninang umaga sa klase ay pinarusahan ako ni Madam FB na maglinis ng banyo ng Western! Like, what the f?Kung mabaho ang inidoro nami
Hayami’s POV“Salamat nga pala sa mga libro. Hindi ko naman birthday pero salamat pa din,” nakangiti kong wika kay Sai habang sabay kaming naglalakad papunta sa classroom.Kanina kasi hindi ko nanaman naabutan si Grayson. Parang manok talaga ang lalaking iyon, ang aga lagi nagigising. Kulang na lang ay tumilaok siya sa umaga.Kaya ang ending mag-isa ko nanamang pumasok. Si Chloe naman hanggang ngayon wala pa. Kung akala niyo palaging maaga ‘yon, nagkakamali kayo.Sa first day lang naman ‘yon palaging excited, ‘yong tipong sarado pa ang gate ng Western ay nag-aabang na agad sa entrance ng school pero kapag tatlong araw na ‘yan sa pagpasok asahan niyong nagbababad pa ‘yan sa bath tub kahit alas syete na ng umaga.“Sus, wala ‘yon. Nalaman ko kasi kay Chloe na mahilig ka daw sa libro kaya naisipan kong bigyan ka,
(Contunuation of chapter 4)Hayami’s POV“Mukha ba akong nagjo-joke?” mataray na banggit ni Chloe. Wala nang nagawa ang teacher namin at isinulat na ang pangalan ko sa board.Nag-apir naman kami ni Chloe dahil sa ginawa niya. Ilang segundo na ang lumilipas ngunit wala pa ding nagno-nominate ng iba.Nagkatinginan kami ni Chloe habang parehong nakangiting tagumpay. Nawala lamang ito nang biglang tumayo ang isa sa mga alagad ni Vivian na si Danica habang fine-flex ang matambok niyang pwet.“I nominate Vivian Bueno as Muse!” wika niya.“I am closing the nomination for the Class Muse,” dagdag naman ni Eloisa.Nagsanib pwersa na nga po ang mga mukhang sisiw na binebenta sa fiesta. Nakangisi silang tumingin sa direksyon namin at masama naman ang tingin ni Chloe sa kanila.Tatayo na san