Share

Tahimik 4.1

last update Huling Na-update: 2021-07-09 05:14:24

Hayami’s POV

“Salamat nga pala sa mga libro. Hindi ko naman birthday pero salamat pa din,” nakangiti kong wika kay Sai habang sabay kaming naglalakad papunta sa classroom. 

Kanina kasi hindi ko nanaman naabutan si Grayson. Parang manok talaga ang lalaking iyon, ang aga lagi nagigising. Kulang na lang ay tumilaok siya sa umaga. 

Kaya ang ending mag-isa ko nanamang pumasok. Si Chloe naman hanggang ngayon wala pa. Kung akala niyo palaging maaga ‘yon, nagkakamali kayo.

Sa first day lang naman ‘yon palaging excited, ‘yong tipong sarado pa ang gate ng Western ay nag-aabang na agad sa entrance ng school pero kapag tatlong araw na ‘yan sa pagpasok asahan niyong nagbababad pa ‘yan sa bath tub kahit alas syete na ng umaga.

“Sus, wala ‘yon. Nalaman ko kasi kay Chloe na mahilig ka daw sa libro kaya naisipan kong bigyan ka,” wika naman niya habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa niya. 

“Bakit mo nga pala ako binigyan? Sale ba ang bookstore?” Tumawa siya ng mahina at saka umiling. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami kaya naman naaamoy ko ang mabango niyang pabango. Malamang pabango nga diba, kung hindi ‘yon mabango edi sana pabaho. Bobo lang Mimi?

“Friendly gift. Siguro pasasalamat dahil naging kaibigan kita.” Nginisian ko siya at saka ko tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin. Aakyat na sana kami ng hagdan nang mapatigil ako sa tapat ng bulletin board sa tabi nito. Napahinto din siya sa paglalakad at tiningnan ang tinitingnan ko.

Nakalagay dito na ngayong araw ang election ng class officers at saka SSG officers.

“If you want to be a part of Supreme Students Government, kindly submit the following information to the principal office. Thank you. Halina at maging bagong taga-paglingkod ng Western Academy.”

Iyan ang nakasulat doon at sa baba ay mayroong nakalagay na name, age, grade, section, adviser and position you want. 

Taray! Parang deworming month lang, puksain ang bulate sa tiyan. 

“Ayus ‘yan ah. Sasali ka ba?” tanong ni Sai habang nakatingin sa akin. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad at umakyat na ng hagdan. 

Ako? Sasali sa SSG? Baka campaign pa lang talo na ‘ko. Kung may boboto man sa akin ay siguradong si Chloe, Simon at si Gray lang, hindi pa sigurado si Gray. 

At saka kung gusto mong maging officer ng SSG, kailangan wala kang bagsak na grades. Eh puro palakol ang grades ko, magsisibak na lang ako ng kahoy kaysa tumakbo.

“Hindi ‘no. Ano ako, baliw? Wag na uy,” saad ko.

“Why not? Mukha ka namang magaling na pinuno ah,” wika naman niya. Sinamaan ko siya ng tingin. 

Hindi ko alam kung bino-boost ba niya ang self-esteem ko o nang-iinsulto lang siya? Kung siya kaya ang patakbuhin ko mula Western hanggang America.

“Gusto mo bang lumayas lahat ng estudyante sa Western Academy? Baka nags-speech pa lang ako sa stage, binabato na nila ‘ko ng itlog at b****a.” Natawa siya ng bahagya at nang makatungtong kami sa pangalawang palapag ng building ay naaaninag ko na ang naglalakad na bunot mula sa kalayuan.

“Chloe!” sigaw ko sa pangalan niya. Napalingon siya sa direskyon ko at lumawak ang ngiti, hindi ko alam kung dahil ba sa pagtawag ko sa kanya o dahil nakita niya si Simon. Kumaway ito sa amin kaya naman iniwan ko na si Sai at pumunta papalapit sa kanya.

“Good morning! Ano, handa ka na ba sa first task mo today?” Humalukipkip ako at taas noon ko siyang tiningnan. 

“I am born to be ready,” sagot ko sa kanya. Tumunog na ang bell sa corridor kaya naman pumasok na kami sa classroom na ngayon ay parang palengke dahil wala pa ang prof namin ngayong umaga. 

---------

“Magkakaroon tayo ng election for class officers. Ang ilan sa inyo ay nakikitaan ko na ng potensyal na maging pinuno. The nomination for Class President in now open,” wika ni Madam F* at nagsimula nang magsulat sa white board ng mga positions.

Ma’am, wala bang 69? Char.

Nagsimula nang magtaasan ng kamay ang mga kaklase ko. Paniguradong ang ino-nominate ng mga iyan ay mga kaibigan nila. 

Tss, naku! Alam na alam ko na ‘yang mga galawang ganyan, minsan may mga pagkakaibigan pang nasisira dahil sa nominate-nominate na ‘yan. 

“I nominate Vivian Bueno as Class President,” wika ni Eloisa at confident na confident pa. Ito namang si Vivian kunwaring hindi pa ine-expect ‘yon pero ang totoo gustong-gusto naman ng gaga. Hindi, hindi ako papayag na siya ang mamumuno sa klase namin! Hindi siya karapat-dapat.

Malakas ang loob kong tumayo kaya naman lahat sila ay nagsitinginan sa akin. Kung makatingin naman ang mga ito, parang ngayon lang nakakita ng maganda. 

“I nominate Grayson Xavier as Class President,” saad ko. Nakita ko ang pagtingin ni Gray sa direksyon ko na nagulat din. Si Vivian naman ay aakalain mong aswang sa paraan ng titig niya sa akin. Paniguradong sina-salvage na ‘ko nito sa isip niya. 

Sinulat ni Ma’am F* ang pangalan ni Grayson at saka Vivian sa white board. Ano ka ngayon babaeng mukhang kamatis ang buhok? Patago akong natawa dahil sa naging reaksyon niya at saka na ako naupong muli sa upuan ko.

“I am closing the nomination for the Class President,” wika ng isa kong kaklase at saka naupo.

Sunod naman ay Vice President, Secretary, Treasurer at ngayon naman ay Muse na ang pinagpipilian. Hinawakan ni Chloe ang braso ko at saka inilapit ang bibig sa aking tainga at may ibinulong.

“Ito na ang fisrt task mo, go na girl. Push mo ‘yan!” Tumango kami pareho at siya na ang nagtaas ng kanyang kamay.

“I nominate Hayami Wavyon as Muse.” Natahimik ang lahat sa loob ng silid na ito habang bakas sa kanilang mga mukha na hindi makapaniwala sa sinabi ni Chloe. May nakakagulat ba doon?

“Uhm, a-are you sure Chloe?” tanong ni Ma’am F*. Tinaasan ko siya ng kilay, grabe Ma’am bastusan? Bastusan? Hindi ba katanggap-tanggap ang hitsura ko sa pagiging muse?

Hindi niyo lang natatanong at hindi naman sa pagmamayabang pero sinasali ako noon ni Nanay sa mga beauty contest sa baryo namin ‘no.

Nakakapag-uwi pa ako ng pera, consolation price nga lang kasi hindi ako nananalo. Bulag kasi ‘yong mga judges.

Kaugnay na kabanata

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 4.2

    (Contunuation of chapter 4)Hayami’s POV“Mukha ba akong nagjo-joke?” mataray na banggit ni Chloe. Wala nang nagawa ang teacher namin at isinulat na ang pangalan ko sa board.Nag-apir naman kami ni Chloe dahil sa ginawa niya. Ilang segundo na ang lumilipas ngunit wala pa ding nagno-nominate ng iba.Nagkatinginan kami ni Chloe habang parehong nakangiting tagumpay. Nawala lamang ito nang biglang tumayo ang isa sa mga alagad ni Vivian na si Danica habang fine-flex ang matambok niyang pwet.“I nominate Vivian Bueno as Muse!” wika niya.“I am closing the nomination for the Class Muse,” dagdag naman ni Eloisa.Nagsanib pwersa na nga po ang mga mukhang sisiw na binebenta sa fiesta. Nakangisi silang tumingin sa direksyon namin at masama naman ang tingin ni Chloe sa kanila.Tatayo na san

    Huling Na-update : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 5.1

    Hayami’s POV“Matagal ka na bang binu-bully ng mga babaeng ‘yon?” tanong ni Simon habang sabay kaming kumakain ng ice cream. Nandito kami sa rooftop ng main building at inilibre niya ako ng ice cream kanina.“Naku! Wag mo na ngang isipin ang mga pangit na ‘yon. Wag kang mag-alala, sanay na ‘ko,” saad ko at kumain ng ice cream.Bakit nga ba tinatawag nila ‘tong dirty ice cream? Alam na nga nilang dirty ibebenta pa nila. So kailangan hugasan? Tayo ang mag-aadjust?“Pero Mimi, dapat nirereport mo ‘yan sa principal para maturuan ng leksyon ang tatlong ‘yon.” Tumawa ako ng mapakla dahil sa sinabi niya at saka ko siya tiningnan.Napansin ko ang ice cream niya na malapit nang matunaw, kung wala man siyang balak kainin iyon ay pwede ba ibigay na lang niya sa akin? Sayang naman.

    Huling Na-update : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 5.2

    (Continuation of chapter 5)Hayami’s POV“Tao po!” Sunod-sunod na kalampag ang ginawa ko sa gate nila Gray. Ang aso nilang si Chukie ay tumahol na nang tumahol simula pa kanina noong makita ako. Pati aso nababaliw sa kagandahan ko.Sorry ka na lang Chukie, sa amo mo lang ako. Hanap ka na lang ng Yakult mo.“Oh Mimi, ikaw pala. Pasok ka hija,” wika ng babaeng nagbukas ng gate at pinapasok ako sa loob. Siya si Tita Violeta, siya ang Mommy ni Grayson. Kilala siya dito sa lugar namin bilang Violet.Magkumare sila ni Nanay at madalas din siyang bumisita sa bahay para humingi ng halaman. Minsan inalok pa nga ni Nanay itong si Tita Violet na i-barter si Gray kapalit ng halaman.“Nasaan po si Gray?” tanong ko. Magkasabay kaming naglakad at siya na ang nagbukas ng main door nila at tumambad sa akin ang napaka gandang bahay nila.

    Huling Na-update : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 6.1

    Hayami’s POV“Dapat pala nag-noodles na lang ako,” maktol ko habang nakatanaw kay Grayson sa kalayuan. Lunes na ngayon pero hindi pa din ako maka-move on sa nangyari noong Sabado.Bakit hindi ko alam na allergic pala siya sa sibuyas? Ang selan naman ng tiyan ni Gray, kaya pala madalas napapansin kong puro prito ang kinakain niya.“Eh bakit ba sa dami ng pagkain, tinola pa ang naisipan mong iluto?” wika naman ni Chloe na gumagawa ng banner sa isang puting kartolina.Ito ang first day ng campaign ko kaya naman niyaya ko agad si Chloe na gumawa na ng mga gagamitin ko mamaya. Si Simon naman ewan ko kung nasaan. Sabi niya tutulong din daw siya pero hanggang ngayon ay ni anino niya wala akong makita.“Anong ine-expect mong lutuin ko aber? Pritong isda? Fried chicken? Meat loaf? Corfbeef? Fried egg?!” naiinis na usal ko sa kanya. Bak

    Huling Na-update : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 6.2

    (Continuation of chapter 6)Hayami’s POVNaupo na kami sa isang bakanteng upuan sa may tabing bintana.“Kinausap ko na ang mga teammates ko na grade 10, sinabi ko na iboto ka.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Sai. Ito talagang lalaking ‘to, napaka supportive kahit saan.“Ako naman sinabihan ko na ‘yong mga kakilala ko sa ibang section na iboto ka. OMG sis! I’m so excited na para sa halalan 2015 ng Western!” masiglang banggit ni Chloe habang nakataas pa ang tinidor sa ere.Mabuti na lamang at walang masyadong tao sa canteen at hindi nila nasaksihan ang kabaliwan ni Chloe.“Naku! Maraming salamat talaga sa inyo. Kung wala kayong dalawa mukhang walang boboto sa akin,” saad ko naman habang nakatingin sa kanilang kapwa nakatuon din ang tingin sa akin.“Tss, wala ‘yon,

    Huling Na-update : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 7.1

    Hayami’s POVBiyernes na ngayon, OMG!Sa loob ng isang linggong campaign, aaminin kong naging mahirap ito. Dumating sa point na gusto ko nang mamigay ng suhol sa mga boboto sa ‘kin pero syempre lumalaban ako ng patas. ‘Di gaya ng iba diyan!Sila Vivian naman, ayun todo pabongga sa bawat campaign. May palibreng milktea, nag-sexy dance pa nga sila. Gusto ko sanang sigawan na school ‘to hindi club at bahay aliwan.Pustahan tayo puro lalaki boboto diyan, kung may babae ‘man siguro ‘yong mga fans niya lang na iniidolo ang kahalayan niya.Sa isang linggo din na ito ay natapos ko na ang tula ko para kay Grayson. Sa tulong ni Simon ay naging maayos ito at syempre hinihingi ko din ang opinion ni Chloe kahit minsan walang kwenta ang mga sinasabi niya.“Oh my God sissy! Kinakabahan na ‘ko sa magiging election m

    Huling Na-update : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 7.2

    (Continuation of chapter 7)Third Person’s POVKakatapos lamang bumoto ni Simon at inilagay na niya ito sa ballot box. Pagkalabas pa lamang niya ng pintuan ng kanilang silid ay hinanap kaagad ng mga mata niya si Hayami ngunit hindi niya ito makita. Sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya si Chloe na may hawak na Chukie at Bread pan.Naglakad siya papunta sa kinaroroonan nito at napaangat naman ng tingin si Chloe nang makita si Simon.“Hi Sai–"“Hindi mo ba kasama si Mimi?” Nawala ang ngiti ng dalaga dahil sa tanong nito at hindi man lamang pinatapos ang nais niyang sabihin.Pilitin man niyang hindi mainis sa kaibigan ay hindi niya magawa. Sa isip niya, bakit ba lagi na lamang si Mimi ang nais nitong makita.“N-nagbanyo daw,” wika nito. Tumango naman si Simon at tinalikuran na siya. Nais pa sana siyang hab

    Huling Na-update : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 8.1

    Hayami's POV"Mimi," tawag sa akin ni Grayson habang ang mga mata niya ay naka-focus lamang sa akin."Gray," sagot ko naman. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ng aking puso ngayon. Sobrang saya ko!"Mahal din kita."Unti-unting naglalapit ang aming mga mukha at dahan-dahan akong pumipikit. Kahit kailan ay hindi ko pinagsisisihan na si Grayson ang minahal ko.Siya lang... habang buhay."Hayami! Gumising ka na!"Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na sigaw ni Nanay na dumagundong sa buong utak ko. Anak ng chismosa naman oh, magki-kiss na sana kami ni Gray!Sa panaginip na nga lang, hindi pa natuloy. Badtrip talaga 'tong si Nanay."Oo na po! Babangon na!" sagot ko naman sa kanya at saka na ako nag-ayos ng aking sarili upang maghanda sa pagpasok sa eskwelahan.

    Huling Na-update : 2021-07-13

Pinakabagong kabanata

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 15

    Hayami's POV"Hoy! Bibig mo baka pasukan ng langaw."Bumalik ako sa ulirat nang bigla akong batukan ni Chloe. Kanina pa pala 'ko tulala sa kawalan habang nandito kami sa loob ng classroom. Vacant kasi namin at hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-recover sa sinabi ni Grayson kaninang umaga."Aray! Namimisikal ka na, ah!" sigaw ko sa kanya.Napatakip naman siya sa magkabila niyang tainga at napangiwi."Ikaw kasi! Kanina ka pa tulala d'yan, parang gagawin ng airport ng mga langaw 'yang bunganga mo dahil kanina pa nakanganga.""Aish! May problema kasi ako, Chloe." Humalumbaba ako sa ibabaw ng desk habang nakatingin sa kanya."Bakit? Anong nangyari?" tanong niya. Alam ko kapag ganito na ang tono ng pananalita ni Chloe, seryoso na siya. Lalo na kapag ganitong lumalaki na ang butas ng ilong niya."Pakiramdam ko kasi

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 14

    Hayami's POV"Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi, ha." Niyakap ko pa si Chloe bago na siya tuluyang sumakay ng tricycle at unti-unting lumiit sa aking paningin ang kanyang sinasakyan.Natapos ang buong maghapon ng saya at tawanan. Idagdag pa ang napaka laking big revelation ko kanina kay Grayson. Yes, napaka laki at big talaga kasi hindi siya nakasagot! Pero, hindi naman talaga siya nagsasalita madalas."Mimi! Pumasok ka na dito at maligo ka na! Amoy araw ka ng bata ka!"Kahit nandito ako sa tabing kalsada ay dinig ko pa din ang boses ni Nanay mula sa loob ng bahay. Dinaig pa talaga ang sound system ng barangay sa sobrang lakas ng volume niya, high pitch eh."Opo 'Nay! Papasok na po!" tugon ko naman.Pagpasok ko ng gate ay akmang isasarado ko na ito nang bigla na lang natanggal sa pagkakakakabit sa semento at matumba sa kalsada. Walanjo! Bumigay na talaga, noon nag

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 13.2

    (Continuation of chapter 13)Hayami's POVMarami pang mga kamag-anak namin ang nagbigay ng regalo sa akin.Ilan sa kanila ay si Lolo Lucas, ang ama ni Tatay. Matanda na ito ngunit nakakalakad pa din. Kanina nga, pagdating niya sa harap ko ay mukhang nag-isip pa kung ibibigay niya 'yong regalo kaya ang ending para kaming nasa tug of war kanina.Nakalimutan niya siguro kung nasaan siya at kung sino ako. Hay buhay, mga matatanda nga naman.Isa pa sa nagbigay ng regalo sa akin ay ang nag-iisang kapatid na babae ni Tatay, si Tita Hanna. May dala pa siyang sanggol kanina habang may nakakapit sa damit niya na limang taong gulang na batang lalaki.Malaki ang agwat ng edad nila ni Tatay kaya naman maganda pa ito at batang-bata. Sa tantsa ko ay nasa edad twenty-nine lamang siya.Noon ay sinabihan pa niya akong pag-aaral ang atupagin para hindi mabunt

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 13.1

    Hayami's POVBuong gabi akong hindi nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Sa lahat ng tao, si Gray talaga ang hindi nakakalimot ng birthday ko. Hindi kagaya ng iba d'yan! Mismong kadugo na, galing sa tiyan, kasama na sa eskwela, hindi pa din naalala!Sabado ngayon, kaarawan ko na at... ni isa sa mga magulang ko ay hindi naalala ang araw ng kapanganakan ko."Siguro, magkukunwari na lang din akong hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito."Malungkot man ay bumangon na ako sa aking higaan at dumiretso na sa may pinto. Pinihit ko na ang doorknob at binuksan na ito."Happy Birthday, Mimi!"Halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan sa labas ng pinto sila Nanay, Tatay, Chloe, at Gray na kapwa malawak ang ngiti ngayong umaga. Tama ba 'tong nakikita ko?S-si Nanay, may hawak na cake na chocolate flavor ata tapos may kandila sa gitna.&n

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 12.2

    (Continuation of chapter 12)Hayami's POVMagkasama kami ngayon ni Chloe dito sa library at hindi ko alam kung anong pinakain sa kanya ng mama niya at biglang nagyayang magbasa daw kami. Mag-aaral na daw siya ng mabuti.Wala namang masyadong tao dito sa library at ang kadalasang mga estudyanteng nakikita ko dito ay mga nakasalamin, at mukhang mga nerd or ipagpalagay na nating mga bookworm na tao."Matagal pa ba 'yan?" bulong ko kay Chloe na naka-focus sa binabasa niyang Science book."Shhh, 'wag mo 'kong istorbohin."Ang sarap pukpokin ng makapal na Merriam Dictionary ang isang 'to. Hay, makahanap na nga lang din ng libro.Tumayo ako at dumiretso sa shelves kung saan nakahilera ang mga novel books. Iniisa-isa ko pa ang bawat libro. Kapansin-pansin din ang mga sapot ng gagamba sa ibang libro, halatang madalang malinisan.

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 12.1

    Hayami's POVMaliwag. Bakit maliwanag? Pawang puti ang naaaninag ko sa paligid. Oh my God! Deads na ba me?!Napasigaw ako at mabilis na bumangon sa aking kinahihigaan at nagulat ako nang unti-unting lumabas sa paningin ko ang mga taong nakatingin sa akin na ani mo'y pinagmamasdan ang isang baliw na babae.Sila Nanay at Tatay pala. At wala ako sa langit, nasa kwarto ko na pala 'ko.Ilang segundo ang lumipas at doon ko na naramdaman ang kirot na nagmumula sa ulo ko. Napahawak ako dito at napapikit ng madiin. Walanjo! Parang sinapok ni Chloe ng sampung beses ang ulo ko sa sakit."Anak! Anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Nanay habang hinahaplos ang ulo ko. Maging si Tatay ay bakas din sa mukha ang pag-aalala."O-okay lang po ako, medyo masakit lang po ang ulo. Ano nga po palang nangyari?" Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 11.2

    (Continuation of chapter 11)Hayami's POVKanina sa klase ay muntik pa 'kong mapalipat ng section. Paano ay akala nila nagkamali ako ng pinasukang classroom. Kung hindi pa sinabi nila Simon at Chloe na ako si Hayami ay hindi pa sila maniniwala.At ngayon ay papunta kami ni Chloe sa library para magbalik ng hiniram naming libro noong nakaraan. Kanina ay kinuwento ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga at maging siya ay hindi din makapaniwala. Parang kinikilig pa nga ang gaga at ani mo'y nakikinig sa isang telenovela kung maka react."Nagbubunga na ang mga pinaghirapan natin, Mimi!""Oo nga eh, aaminin ko noong una ay hindi ako kumbinsido na gagana ang naisip mong kat*ngahan pero ngayon parang gusto kitang sambahin.""Ano ka ba, bestfriend? Syempre tayo-tayo na lang ang magtutulungan. Basta ba tutulungan mo rin ako kay Simon, eh."Napailing

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 11.1

    Hayami's POV"G-gray."Tila ba may naramdaman akong nagsasayaw na paru-paro sa stomach ko. Ilang beses din akong napalunok dahil ang gwapo talaga ni Gray."Bitiwan mo 'ko!" Pilit na hinihila ni Vivian ang kamay niya na hawak-hawak ni Grayson ng mahigpit.Hindi ko man lang kakikitaan ng emosyon ang pagmumukha ni Grayson. Hindi ko ba malaman kung nagagalit ba siya, naiirita, natatawa, natatae, o ewan ko ba. Para siyang aklat ng Chinese, ang hirap basahin."I'll only do that when you say you won't hurt Mimi again," wika niya sa malamig na tono."Hell, no— ouch!"Napahiyaw na lamang si Vivian nang lalong humigpit ang pagkakakapit sa kanya ni Grayson. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko din ang nararamdaman niya. Parang mababali ang payatot niyang kamay kapag hindi pa ito binitawan ni Gray. Diyos ko po! Ayaw kong masangkot sa kr

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 10.2

    (Continuation of chapter 10)Hayami's POVPara akong baliw habang nakatitig sa salamin at kanina ko pa kinakausap ang sarili ko.Papasok ba 'ko? O hindi?Hanggang ngayon ay kinakabahan pa din ako sa magiging reaksyon ni Gray... at ng mga estudyante sa Western. Pagpasok ko kaya ay magiging campus crush na 'ko?'Wag naman sana, baka hindi ko kayanin lahat ng manliligaw sa 'kin tapos 'yong locker ko mapupuno ng mga chocolates at love letters tapos may nakadikit na sticky note.Pero... may locker ba kami?Kanina ay ginamit ko ang binili namin ni Chloe kahapon na mga sabon at iba't-iba pang skin care daw kuno. Tapos ay ginamit ko din ang mga make-up na binili ni Chloe para sa 'kin.Kahapon pag-uwi ko ay hinabol pa 'ko ng walis tingting ni Nanay dahil sabi niya magnanakaw daw ako. Hindi niya ata ako nakilala.

DMCA.com Protection Status