(Continuation of chapter 7)
Third Person’s POV
Kakatapos lamang bumoto ni Simon at inilagay na niya ito sa ballot box. Pagkalabas pa lamang niya ng pintuan ng kanilang silid ay hinanap kaagad ng mga mata niya si Hayami ngunit hindi niya ito makita. Sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya si Chloe na may hawak na Chukie at Bread pan.
Naglakad siya papunta sa kinaroroonan nito at napaangat naman ng tingin si Chloe nang makita si Simon.
“Hi Sai–"
“Hindi mo ba kasama si Mimi?” Nawala ang ngiti ng dalaga dahil sa tanong nito at hindi man lamang pinatapos ang nais niyang sabihin.
Pilitin man niyang hindi mainis sa kaibigan ay hindi niya magawa. Sa isip niya, bakit ba lagi na lamang si Mimi ang nais nitong makita.
“N-nagbanyo daw,” wika nito. Tumango naman si Simon at tinalikuran na siya. Nais pa sana siyang hab
Hayami's POV"Mimi," tawag sa akin ni Grayson habang ang mga mata niya ay naka-focus lamang sa akin."Gray," sagot ko naman. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ng aking puso ngayon. Sobrang saya ko!"Mahal din kita."Unti-unting naglalapit ang aming mga mukha at dahan-dahan akong pumipikit. Kahit kailan ay hindi ko pinagsisisihan na si Grayson ang minahal ko.Siya lang... habang buhay."Hayami! Gumising ka na!"Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na sigaw ni Nanay na dumagundong sa buong utak ko. Anak ng chismosa naman oh, magki-kiss na sana kami ni Gray!Sa panaginip na nga lang, hindi pa natuloy. Badtrip talaga 'tong si Nanay."Oo na po! Babangon na!" sagot ko naman sa kanya at saka na ako nag-ayos ng aking sarili upang maghanda sa pagpasok sa eskwelahan.
(Continuation of chapter 8)Hayami's POVNapa-face palm na lamang si Chloe sa sinabi ko."Jusmeyo marimar, Mimi! Limang daan lang pala ang pera mo edi sana sa divisoria na lang tayo bumili."Pareho kami napaupo sa upuan sa isang food court. Kanina pa talaga ako nagugutom pero 'yong perang para sa pagkain ko, kay Gray ko na lang ilalaan."Nasayang lang ang pagod natin," wika niya."Sorry na kasi. Baka naman may pera ka d'yan oh. Pautang na lang muna, babayaran ko din sa susunod na allowance ko.""Mimi, kahit kalkalin mo ang buong katawan ko hanggang panty wala kang mahuhothot. Ibinayad ko na sa contribution kanina.""May iba ka pa bang naiisip?"Nakabusangot na ang mukha niya at sa tingin ko ay nagtitimpi na lang sa akin. Bigla siyang napalingon sa likuran ko kaya naman tumingin din ako doon.
Hayami's POV"Good morning, students. Siguro naman ay aware kayo na malapit na ang buwan ng wika ng Western Academy, right?"Habang nagsasalita si Madam FB sa harapan ay heto ako at tulala habang nakatukod ang braso sa lamesa at nakahalumbaba. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya dahil lutang ako ngayon.Nagustuhan kaya ni Gray 'yong book?Kung hindi sabihin niya lang, ipapa-refund ko na lang siguro. Aish, isa pa si Simon. Simula kahapon nang mapanood ko siya sa gym na kumanta at sumayaw, hindi pa din nagpaparamdam ngayong umaga.Si Chloe, hayon at tulog. Aawayin ko sana kanina kaso mukhang napuyat na naman sa walang kwentang bagay kaya pinabayaan ko na.Kailan ba matatapos ang klase? Nagugutom na 'ko."At dahil contest ito by section, syempre ang magiging representative ng section natin ay walang iba kundi ang ating
(Continuation of chapter 9)Hayami's POVMay isang oras din kaming bumyahe dahil may kalayuan ang bahay nila Sai mula sa Western. Nagkwentuhan lang naman kami buong byahe.Nakarating na kami sa bahay nila. I mean, mansion pala. Grabe ang laki ng bahay nila Sai. Sa may gate pa lamang ay namangha na ako sa ganda ng tirahan niya.Maraming mga halaman sa paligid, mataas at malaki ang kulay puti nilang gate na may nakalagay sa taas na "Welcome to Florez Mansion."Kung oobserbahan mo ang kabuuan ng bahay nila mula sa labas ay masasabi kong gawa talaga ito sa mamahaling mga materyales. Modern house ito.Pinagbuksan ako ng pinto ni Sai at namamangha pa akong pinagmamasdan kung nasaan ako ngayon. Parang palasyo ng Malacañang."Welcome to my house. Tara sa loob, ipapakilala kita kay Mommy."Magkasabay kaming pumasok sa napaka ga
(Continuation of chapter 9) Hayami's POV Nag-aayos na ako ngayon ng sarili ko para pumunta sa bahay nila Sai. Kahapon sa dinner ay nakapag kwentuhan kami at may mga naitanong din naman si Tita Celine tungkol sa akin. Ngayon ang unang practice ko para sa pageant. Mabuti na lamang ay mabait ang mommy ni Sai at ipina-cancel lahat ng trabaho niya para maturuan ako. Naikwento ko na rin kay Nanay at Tatay ang tungkol sa pageant at excited din sila doon lalo na nang sabihin kong ite-train ako ng isang beauty queen. O, pak. Pagkatapos mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Nanay at saka lumabas na ng bahay. Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko sa 'di kalayuan si Gray na naglalakad habang binabasa ang librong regalo ko. Wala pa naman 'yong sinabi ni Sai na susundo sa akin. Hehe, puntahan ko lang si Gray saglit. Tumakbo ako papunta sa kanya at nagulat naman siya sa biglang
(Continuation of chapter 9)Hayami's POV"Oh my God," wika ni Chloe habang nakaawang ang bibig at pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Nandito na kami ngayon sa backstage ng Western at may dalawang oras pa bago magsimula ang pageant. Gabi din pala ito."Kung maka-react ka naman akala mo ibang tao ang nasa harapan mo," saad ko."H-hindi lang ako satisfied girl. Ikaw na ba talaga 'yan? Nagkasakit lang ako tapos biglang glow up ka na?"Oo nga pala, one week ding hindi naka-attend ng class si Chloe dahil nagka dengue daw. Hindi tuloy siya updated sa mga happenings ng life ko."Tss, dami mong say. Tara na nga, baka nand'yan na sila Simon."Sabay kaming nagtungo sa silid kung saan naroon ang mga contestants at kapwa nag-aayos na ng kanilang sarili. Napalunok ako nang makita ang nga kalaban ko, ang gaganda nila."Sai!" sigaw ni Chloe
(Continuation of chapter 9)Hayami's POVNasa harapan ko ngayon ang isang fish bowl na may lamang mga tanong. Nananalangin ako na sana madali lang ang makuha ko.Dumukot na ako sa loob nito at saka ko na ibinigay sa emcee na bakla. Nakasuot siya ng checkered na long sleeves polo, pantalon, at saka sneakers. Ang buhok naman niya ay kulay pink na hanggang tainga.Inabot niya sa akin ang isang mikropono."Magandang gabi, Miss Wavyon.""Magandang gabi.""Ang tanong; kung ikaw ay sasabihan ng 'pangit', anong magiging sagot mo at bakit?"Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niya. Seryoso? Contest ba 'to o insultuhan? Pero sige, dahil ayaw kong masayang lahat ng pinaghirapan ni Tita Celine para sa akin ay sasagutin ko na ito."Unang-una, lahat ng tao ay magaganda at gwapo. Hindi porket maitim ka, pangit k
Hayami's POVSabado na at napaka ganda ng gising ko ngayon. Kahapon ba naman pag-uwi ko ng bahay kahit gabi na ay pinagluto pa 'ko ni Nanay ng menudo, adobo, at saka fried chicken.Tuwang-tuwa sila pareho ni Tatay dahil sa pagkapanalo ko. Aba! At hindi pa satisfied at nagsisigaw pa sa labas eh puro tulog na ang tao. Baka minumura na si Nanay sa isip ng mga kapitbahay namin.Ginawa ko na ang kadalasang ginagawa ko sa umaga at saka na kumain ng agahan. Walang tao sa bahay, siguro ay nagwawalis na naman si Nanay sa labas. Si Tatay naman ay siguro naroon ulit sa tindahan ni Aleng Mahal.Habang kumakain ay bigla na lamang nag-vibrate ang phone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ito at binasa ang text.From: Bunot[Kita tayo mamaya sa mall, girl! Gagawin na natin ang number five sa list natin.]Si Chloe lang pala. Nagtipa ako sa keyboard at saka ko