Hayami's POV
Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Sa lahat ng tao, si Gray talaga ang hindi nakakalimot ng birthday ko. Hindi kagaya ng iba d'yan! Mismong kadugo na, galing sa tiyan, kasama na sa eskwela, hindi pa din naalala!
Sabado ngayon, kaarawan ko na at... ni isa sa mga magulang ko ay hindi naalala ang araw ng kapanganakan ko.
"Siguro, magkukunwari na lang din akong hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito."
Malungkot man ay bumangon na ako sa aking higaan at dumiretso na sa may pinto. Pinihit ko na ang doorknob at binuksan na ito.
"Happy Birthday, Mimi!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan sa labas ng pinto sila Nanay, Tatay, Chloe, at Gray na kapwa malawak ang ngiti ngayong umaga. Tama ba 'tong nakikita ko?
S-si Nanay, may hawak na cake na chocolate flavor ata tapos may kandila sa gitna.&n
(Continuation of chapter 13)Hayami's POVMarami pang mga kamag-anak namin ang nagbigay ng regalo sa akin.Ilan sa kanila ay si Lolo Lucas, ang ama ni Tatay. Matanda na ito ngunit nakakalakad pa din. Kanina nga, pagdating niya sa harap ko ay mukhang nag-isip pa kung ibibigay niya 'yong regalo kaya ang ending para kaming nasa tug of war kanina.Nakalimutan niya siguro kung nasaan siya at kung sino ako. Hay buhay, mga matatanda nga naman.Isa pa sa nagbigay ng regalo sa akin ay ang nag-iisang kapatid na babae ni Tatay, si Tita Hanna. May dala pa siyang sanggol kanina habang may nakakapit sa damit niya na limang taong gulang na batang lalaki.Malaki ang agwat ng edad nila ni Tatay kaya naman maganda pa ito at batang-bata. Sa tantsa ko ay nasa edad twenty-nine lamang siya.Noon ay sinabihan pa niya akong pag-aaral ang atupagin para hindi mabunt
Hayami's POV"Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi, ha." Niyakap ko pa si Chloe bago na siya tuluyang sumakay ng tricycle at unti-unting lumiit sa aking paningin ang kanyang sinasakyan.Natapos ang buong maghapon ng saya at tawanan. Idagdag pa ang napaka laking big revelation ko kanina kay Grayson. Yes, napaka laki at big talaga kasi hindi siya nakasagot! Pero, hindi naman talaga siya nagsasalita madalas."Mimi! Pumasok ka na dito at maligo ka na! Amoy araw ka ng bata ka!"Kahit nandito ako sa tabing kalsada ay dinig ko pa din ang boses ni Nanay mula sa loob ng bahay. Dinaig pa talaga ang sound system ng barangay sa sobrang lakas ng volume niya, high pitch eh."Opo 'Nay! Papasok na po!" tugon ko naman.Pagpasok ko ng gate ay akmang isasarado ko na ito nang bigla na lang natanggal sa pagkakakakabit sa semento at matumba sa kalsada. Walanjo! Bumigay na talaga, noon nag
Hayami's POV"Hoy! Bibig mo baka pasukan ng langaw."Bumalik ako sa ulirat nang bigla akong batukan ni Chloe. Kanina pa pala 'ko tulala sa kawalan habang nandito kami sa loob ng classroom. Vacant kasi namin at hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-recover sa sinabi ni Grayson kaninang umaga."Aray! Namimisikal ka na, ah!" sigaw ko sa kanya.Napatakip naman siya sa magkabila niyang tainga at napangiwi."Ikaw kasi! Kanina ka pa tulala d'yan, parang gagawin ng airport ng mga langaw 'yang bunganga mo dahil kanina pa nakanganga.""Aish! May problema kasi ako, Chloe." Humalumbaba ako sa ibabaw ng desk habang nakatingin sa kanya."Bakit? Anong nangyari?" tanong niya. Alam ko kapag ganito na ang tono ng pananalita ni Chloe, seryoso na siya. Lalo na kapag ganitong lumalaki na ang butas ng ilong niya."Pakiramdam ko kasi
Hayami’s POV“Good morning, Barangay Maligaya!” sigaw ko mula sa labas ng aming munting tahanan. Isang magandang umaga para sa isang magandang dalagang katulad ko. Ang mga kapit-bahay ay kanya-kanyang kaway sa akin habang napapadaan sa tapat ng aming gate. Umaga pa lamang ngunit ang mga tao sa daan ay madami na gayon na din ang mga sasakyang nagpaparoon at nagpaparito. Isama mo na ang mga high-tech na CCTV ng barangay namin, mga chismosa.Tumakbo ako papunta sa likod-bahay at naabutan kong nagwawalis si Nanay habang nakahawak sa bewang.“Good morning sa napaka ganda kong nanay,” wika ko at niyakap siya mula sa likod niya. Naamoy ko pa ang maasim-asim na pawis niya. Umaga pa lamang pero amoy hapon na siya. Tumawa siya ng mahina at saka ipinagpatuloy ang pagwawalis. Itong si Nanay talaga, sinabihan na ‘wag na ngang masyadong magtrabaho dahil baka magkabali-bali ang mga buto niya ay hindi
(Continuation of chapter one)“Mimi!” Pagkapasok pa lamang namin ni Gray sa gate ng Western ay dinig ko na mula sa malayo ang boses ni Chloe na daig pa ang sirena ng bumbero habang tumatakbo papalapit sa amin. At dahil shunga-shunga din ako, nag-ala Don Zoulweta ako papatakbo sa kanya.“Chloe!” sigaw ko at niyakap namin ng mahigpit ang isa’t-isa. Siya si Chloe Hernandez, ang kilala kong bunot na tinubuan ng ulo este bestfriend ko since first year high school pa lang ako. Palagi kaming magkasama at talagang halos hindi na kami mapaghiwalay. Kakain ng luch at recess magkasama, bibili sa canteen magkasama, magkatabi din kami sa upuan palagi at nililibre niya ako minsan kapag may extra money siya.For me, Chloe is not just my bestfriend but my sister.“Na-miss kita,” wika niya at kumalas sa pagkakayakap niya sa akin. Maikli ang napaka cute niyang buhok at halos k
Third Person’s POVAng mga estudyante ng grade 10, section A kasama ang kanilang adviser sa TLE ay nagtipon-tipon sa isang silid sa Western Academy kung saan gaganapin ang kanilang unang klase. Sa silid na ito ay maraming kagamitang maaaring gamitin sa pagluluto at pagbe-bake.“Good afternoon students. My name is Clive Saavedra, you can call me Mr. Saavedra but if you’re not comfortable with that, just call me Clive,” pagpapakilala ng kanilang guro na 21 years old pa lamang. Gwapo ang prof nila kaya maraming estudyante ang nahuhumaling sa kanya.“So for today’s activity, gusto kong gumawa kayo ng sarili ninyong cupcake. Kahit anong flavor ay pwede. Kung gusto niyo, pwede niyo itong lagyan ng design na gusto niyo. Be creative students,” nakangiti nitong wika at naupo sa swivel chair na nandoon sa silid.Ang bawat estudyante ay kanya-kanyang kilos na. Ang
(Continuation of chapter two)Hayami’s POV“Ano? Ayusin mo ngang magsalita. Mabaho ba hininga mo?” Sinamaan niya ako ng tingin.“Crush ko si Simon. Napaka bingi mo.” Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Magre-react pa sana ako ngunit nahagip ng mata ko si Gray na mag-isang kumakain sa isang table. Doon ako pumunta kaya sumunod na lang si Chloe. Naupo ako sa tabi niya habang nasa harapan namin si Chloe.“Hi Gray! Kanino mo ibibigay ‘yong ginawa mong cupcake?” tanong ko sa kanya. Sandali siyang nag-isip.“Mommy,” tugon nito.“Eh ako? Hulaan mo kung kanino ko ibibigay ‘yong sa akin?” Hinintay ko siyang sumagot. Tumingin siya kay Chloe ngunit nagkibit-balikat lamang ito.Napunta ang tingin niya sa akin at saka ibinalik ang atensyon sa kinakain niyang pritong isda.
Hayami’s POVIt’s Tuesday. So kapag Martes it means may pasok nanaman. Hindi naman sa tinatamad ako pero parang ganun na nga.Nakatihaya pa din ako dito sa kama kong makapigil hininga ang amoy at nagbabasa ng kwento sa cellphone ko. Ngunit habang nagbabasa ay hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa cupcake kahapon. Nagustuhan kaya ni Gray ‘yong lasa?Wala naman akong ibang nilagay doon bukod sa ingredients at gayuma. Pero syempre charot lang, hindi ko na kailangan ng gayuma dahil alam ko namang matagal na akong bet ni Papa Gray nahihiya lang siyang umamin sa akin kasi ang pretty ko masyado.Makatulog na nga lang ulit. Five minutes na lang promise babangon na ‘ko. Unti-unti ko nang ipinikit muli ang mga mata kong puro muta pa at medyo nararamdaman ko na muli ang antok.“Mimi bumangon ka na diyan, tanghali na!”Awt