Share

Tahimik 1.2

(Continuation of chapter one)

“Mimi!” Pagkapasok pa lamang namin ni Gray sa gate ng Western ay dinig ko na mula sa malayo ang boses ni Chloe na daig pa ang sirena ng bumbero habang tumatakbo papalapit sa amin. At dahil shunga-shunga din ako, nag-ala Don Zoulweta ako papatakbo sa kanya.

“Chloe!” sigaw ko at niyakap namin ng mahigpit ang isa’t-isa. Siya si Chloe Hernandez, ang kilala kong bunot na tinubuan ng ulo este bestfriend ko since first year high school pa lang ako. Palagi kaming magkasama at talagang halos hindi na kami mapaghiwalay. Kakain ng luch at recess magkasama, bibili sa canteen magkasama, magkatabi din kami sa upuan palagi at nililibre niya ako minsan kapag may extra money siya.

For me, Chloe is not just my bestfriend but my sister.

“Na-miss kita,” wika niya at kumalas sa pagkakayakap niya sa akin. Maikli ang napaka cute niyang buhok at halos ka-height ko lamang siya. Sabay na kaming naglakad habang nakapulupot ang mga kamay niya sa braso ko. 

“Nakita mo na ba kung anong section mo?” tanong ko.

“Hindi pa nga eh. Gusto ko sabay tayo.” Patuloy lamang kami sa paglalakad at natatanaw na ang mga estudyante ng Western sa aming gymnasium na halos sumabog na sa dami ng tao. Mukhang marami na agad tao sa school kahit ang aga-aga pa.

Pero pustahan, kapag nasa kalagitnaan na ng school year, panay late na ang mga yan. Syempre sa first day naman talaga excited tayong lahat pero kapag nagtatagal ay tatamadin na talagang pumasok.

Pagkapasok namin ng entrance ng gym ay hinanap kaagad namin ang bulletin board ng grade 10. Ayus nga dito sa Western, kapag unang araw parang halalan 2015 sa dami ng naghahanap ng pangalan sa isang coupon bond. 

“Ang daming tao!” sigaw ni Chloe kahit magkatabi lang kami. Paano ba naman? Ang ingay dito sa loob dahil sa daming tao at naghalo-halo na din ang amoy kahit umaga pa lang. May amoy Johnson, amoy Baby Bench pero kadalasan ay amoy pawis na. Kung hindi ka sanay, paniguradong mamatay ka sa baho.

“Anong sabi mo?!” sigaw ko din sa kanya.

“Ang sabi ko ang daming tao!” sigaw niya kaya na-gets ko na ito. Sa dami ng tao ay aakalain mong evacuation center na ang gym. 

“Maghiwalay tayo!” sigaw ko sa kanya.

“Ano?!” Ay bingi. Kung hindi ko lang kaibigan ‘to, nasampiga ko na siya.

“Mahiwalay tayo sabi ko!” muling sigaw ko at mukhang naintindihan na niya kaya naman nag-ok sign siya at naglakad na kami sa magkaibang direksyon. Ako sa kanan, siya naman sa kaliwa. Nagsisisi na akong hindi ko tinali ang buhok ko, pinagpapawisan na agad ako.

“Excuse me!... Makikiraan!... Sinabi nang makikiraan!...Mga bingi ba kayo?!” Hawi dito, hawi doon. Siksik dito, siksik doon. Parang nasa MRT lang. Nang marating ko ang harapan ay swerte ko at nahanap ko na agad ang grade 10 board. 

Hinanap ko agad ang epilyido ko at nakita ko ito sa section A. Sunod na hinanap ko ay Hernandez at nakitang same section lang kami ni Chloe. Nahagip ng mata ko ang Xavier na epilyido ni Gray na kasunod ko lamang. And same section din kami!

“Success!” Nakalabas na ako sa siksikan na mga tao at nakahinga na ako ng maluwag. Walangya, parang hihimatayin ako doon kung hindi ako agad nakaalis. Ang liit-liit ko na nga iipitin pa nila ‘ko.

“Nasaan na ba si Chloe?” bulong ko at hinahanap ng mata ang pigura ng isang babaeng short hair at may color pink na bag. Sa aking paghahanap sa kanya ay bigla akong may nabangga kaya napahinto ako sa paglalakad.

“Ay, sorry po.” Napunta ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Isang matangkad na lalaking color light brown ang buhok at ang bilugan niyang mga matang nakatitig sa akin.

“Uhm, i-it’s okay,” utal nitong banggit at hindi mawala ang mga titig sa akin. Bakit? May dumi ba ‘ko sa mukha? Baka mamaya may panis na laway pa pala ‘ko.

“Pasensya na. May nakita ka bang babaeng mukhang bunot este ano short hair pala tapos medyo matangkad sa akin at may color pink na bag?” tanong ko habang ine-explain ang bawat sinasabi sa kanya. Napatingin siya sa likudan ko at muling tumingin sa akin na nakangiti.

“You mean, that girl?” wika niya at itinuro ang nasa likudan ko. Kaagad akong lumingon doon at nakita ko si Chloe na mukhang hinahanap din ako. 

“Oo, salamat!” Iniwan ko na siya ngunit nakalimutan kong itanong ang pangalan niya. Hayaan na nga, siguro ay magkikita pa naman kami ulit. Tumakbo ako sa direksyon ni Chloe at nagliwanag ang mga mata nito nang makita ako.

“Pareho tayo ng section.”

“Pareho kami ni Gray ng section,” sabay naming banggit. Naglaho naman ang mga ngiti niya at saka umismid sa akin at humalukipkip. 

“Gray nanaman. Puro ka na lang Gray,” wika nito at parang nagtatampo. 

“Aww, selos ang bestfriend ko? Ano ka ba? Syempre masaya ako na kaklase kita tapos kaklase ko din si Gray, wag ka na magselos,” wika ko sa malambing na boses. Bumuga siya ng malalim na hininga at saka hinawakan ang kamay ko.

“Sige na nga. Mauna na tayo sa classroom para makapwesto tayo sa bandang likod.” Naglakad na kami papalabas ng gym habang unti-unti na ding humuhupa ang mga tao sa loob nito.

----------

“Good morning students. I am Ms. Fiona Beatrix De Guzman and I am your adviser slash English teacher, so it means, English is your first subject everyday. You can call me Madam F* for short,” wika ng aming adviser na nakatayo sa unahan. Ang aga niya nga eh, pagkapasok pa lang namin ay nandito na siya sa loob habang nags-scroll sa f******k.

 Sayang nga at hindi ko katabi si Gray na nasa unahang bahagi at kami naman ni Chloe ay sa pangalawang row mula sa hulihan.

Sa tapat namin ay nandoon ang tatlong mga babaeng kanina pa masama ang tingin sa akin. Ang pangalan nila ay Danica, Eloisa at ang leader nilang si Vivian. Magaganda sila at pare-parehong member ng cheer leading squad. Si Danica blond na mahaba ang buhok, si Eloisa naman short hair na kulay asul ang buhok habang si Vivian ay mahaba din ang buhok na kulay pula. Isang member na lang na yellow hair mukha na silang Philippine flag. 

Sila ang madalas mambully sa akin sa tatlong taon ko dito sa Western at mukhang may balak pa silang dagdagan ulit ng isang taon ang pagpapasakit nila sa akin. Hindi ko ba malaman kung ano bang nagawa ko sa mga asungot na ito at palagi na lang ako ang pinag-iinitan. Ang bait ko nga sa kanila eh.

“So, attendance muna tayo mga anak. Say present if you’re here,” wika niya habang sinusuri ang mga pangalang nakasulat sa isang record book. Nagsimula na siyang magtawag ng epilyido habang ang ilan sa amin ay nagkukwentuhan.

“Hayami Wavyon!” tawag nito.

“Present!” sagot ko naman.

Inabot ng halos kalahating oras ang pagtatawag niya hanggang sa matapos ito. Inilibot niya ang tingin sa amin at mistulang may hinahanap.

“I’m sorry, did I miss something? Who is Simon Florez? The transfer student?” tanong niya. Sakto naman ang pagpasok sa pintuan ng isang lalaking hingal na hingal habang hawak ang bag nito. Teka, siya ‘yong lalaki sa gym kanina. Oo tama nga!

“Present,” wika nito. Nagtama ang paningin naming dalawa at bigla itong ngumiti sa akin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status