Share

Tahimik 3.2

last update Last Updated: 2021-07-09 05:14:01

(Continuation of chapter 3)

Hayami’s POV

Nagtataka akong kinapa-kapa ang laman ng paper bag. Hmm, hindi naman malambot, hindi nga siguro pandesal. Pero bakit parang square? Dahil sa koryusidad ay binuksan ko na ito at nagliwanag ang mga mata ko sa nakita. 

“Oh my God,” bulong ko dahil sa pagkamangha. Limang W*****d books ang nakita ko sa loob nito na nakaplastic pa pare-pareho. Ano bang petsa ngayon? Hindi ko naman birthday pero bakit niya ako binigyan ng libro?

*kringgggggg

Umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa gulat at sa narinig na pagtunog ng bell ng school sabay sabing, “Sh*t, late na ‘ko!”

------------

Ang baho.

Dahil nalate ako kaninang umaga sa klase ay pinarusahan ako ni Madam F* na maglinis ng banyo ng Western! Like, what the f?

Kung mabaho ang inidoro namin sa bahay pwes dito sa Western, 10x ang baho nito kaysa sa amin. Napapangiwi na nga lang ako habang naglilinis. 

May panty liner, napkin, tissue at may panty pang nakasabit kanina sa basurahan. Anong klaseng mga estudyante ba ang nag-aaral sa paaralan na ‘to? Mga dugyot, nasabi ngang mayayaman wala namang kalinisan sa paligid.

Napapahawak na lang ako sa ilong ko habang kinukuskos ang naninilaw na inidoro ng isang cubicle. Kung baga sa ngipin, siguro ay makapal na ang tartar nito at parang hindi nalilinisan. Nasaan ba ang janitress ng Western? Bakit hindi sila ang gumagawa nito?

“Pashneyang amoy. Daig pa ang pusali,” bulong ko na lang. Lumabas na ako ng cubicle habang hawak-hawak ang mahabang brush na pinanglinis ko doon. Napunta ang tingin ko sa pintuan na medyo nakabukas. 

Hindi ako nagkakamali! Si Grayson dumaan!

Ibinato ko ang hawak na brush sa kung saan at kaagad na lumabas ng pinto. Hindi pa nakakalayo si Grayson kaya naabutan ko pa siya at nagulat naman siya sa biglaang pagsulpot ko.

“Hi Gray! Pupunta kang library?” nakangiti kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot kaya alam kong oo ang ibig niyang sabihin.

“Sorry, hindi kita nasabayan kaninang umaga. Tinanghali kasi ako ng gising kaninang umaga.” Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Hala! Nagtatampo ba siya kasi hindi ko siya nasabayan? Ito namang si Gray napaka clingy, kanina lang naman ‘yon eh.

“Gray, sorry. Wag kang maga—"

“Did you fart?” tanong niya na hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko. Kinunutan ko naman siya ng noo dahil sa sinabi niya.

“Fart? Ako uutot sa harapan mo? Grabe ka Gray, hindi naman ako ganun kababoy!” protesta ko naman. Napaka bintangero talaga ng lalaking ‘to. Ako daw nag-fart? Baka nga ‘yong utot niya ang naaamoy niya, sa akin pa niya ibinibintang.

“If no, then why I smell something stinky?” wika nito habang gumagalaw-galaw ang nostrils niya na parang may inaamoy. Nanlaki ang mata ko dahil sa napagtanto. Nakalimutan ko palang maghugas ng kamay kanina!

“W-wala ‘yon. Hehe, Gray naman baka guni-guni mo lang. Tara na nga.” Nauna na akong maglakad sa kanya. Another epic moment Hayami! Strike two ka na kay Gray. 

Si Madam F* naman kasi, bakit sa dami-dami pa ng pwedeng linisin eh ang banyo pa ang napili. Ayaw ko na talagang ma-late next time.

---------

“Chloe may itatanong ako. Maging honest ka sa akin ha.” Vacant namin ngayon kaya naman niyaya ko siyang pumunta dito sa ilalim ng puno ng mangga sa harapan lamang ng building namin. 

Abala siya sa pagnguya ng turon na marami pa ang wrapper kaysa sa saging. 

“Hmm? Ano ‘yon?” tanong niya. Umayos ako ng upo at saka siya tinitigan.

“Pangit ba ‘ko?” Nakita ko kung paano siya nabulunan sa kinakain niya. Ayan, katakawan ng bunot hindi kasi magdahan-dahan. Kaagad ko siyang inabutan ng mineral water na hawak ko at naubos niya iyon lahat. Akala ko nga pati bote ipapasok na niya sa bunganga niya.

“Nambibigla ka naman Mimi,” saad nito.

“Alam mo, ang OA mo. Sagutin mo na lang kasi,” sabi ko sa kanya. 

Tinitigan niya ang pagmumukha ko at parang kinikilatis ito. Hinawakan pa niya ang baba ko at saka iniharap sa kaliwa at kanan. 

“Alam mo Mimi,” saad niya at talagang hindi pa itinuloy ang sasabihin. Pasuspense pa akala mo naman usapang life and death ang itinanong ko.

“Mabait kang bata.” Tinapik ko ang kamay niya at saka ko inilayo ang mukha ko sa kanya. Parang hindi kaibigan. Hindi naman iyon ang tinatanong ko sa kanya ah. Ang layo ng sagot niya sa tanong ko. 

“Chloe naman eh. Ang sabi ng Nanay Honey at Tatay Lando ko, maganda daw ako ‘no!” Sabi ni Nanay at Tatay ako daw ang pinaka magandang babae sa baryo namin. Palagi kaya nila ‘kong sinasali sa Flores de Mayo.

“Ingatan mo ang mata ng mga magulang mo Mimi, sila na lang ang naniniwalang maganda ka,” wika niya at hinawakan pa ang mga kamay ko. 

Sinamaan ko naman siya ng tingin saka ko binawi ang kamay ko sa mamantika niyang kamay.

“Tse!” singhal ko. Tumawa naman siya at saka umayos ng upo. 

“Bakit mo nga pala natanong? Napagtanto mo na ba ang katotohanan sa harap ng salamin?” Humugot ako ng malalim na hininga at saka ko siya tiningnan.

“Bakit parang hindi ako napapansin ni Gray. I mean, napapansin naman niya ‘ko kaso parang wala namang nangyayari sa mga efforts ko sa kanya. Sabay naman kaming lumaki, sabay nag-aral, sabay nagkaisip, magkakilala naman ang mga magulang namin at isa pa, cute naman ako ah,” sabi ko. Sumimangot na lang ako at saka naghihintay ng comment niya.

“Hmm, may naisip ako.” Nakuha niya ang atensyon ko kaya naman nakikinig lamang ako sa mga sasabihin niya.

“Let’s make a plan,” saad niyang muli. 

“Leche plan?” sagot ko naman. Itong kaibigan ko puro na lang pagkain ang nasa isip. Paano naman masosolusyunan ng leche plan ang problema ko kay Gray? At saka may nagtitinda naman sa canteen ‘non, bakit kailangan pa niyang gumawa?

Nagulat ako sa biglang pagbatok niya sa akin. Aba! Nanakit pa.

“T*nga. Plan as in plano. My God Hayami!” Inirapan ko naman siya habang kinakamot ang parteng hinampas niya. Kaya siguro ako nabobobo dahil sa pambabatok ng babaeng ‘to. 

“Oh sige. Ano ba ‘yon?” sabi ko.

Sumilay sa mukha niya ang ngiting parang may binabalak na masama. Minsan din naisip ko kung nagtutulak ba ng droga si Chloe dahil minsan parang may saltik eh. Ang lakas ng amats.

“Kailangan mapaibig natin si Grayson sayo in five different ways,” saad niya. Nakakunot naman ang noo kong tiningnan siya. 

“Paano?” Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya at ibinulong niya sa akin ang sinasabi niya.

Napangiti na din ako dahil sa naiisip niya. Mukhang magugustuhan ko ang plano na ‘to.

Related chapters

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 4.1

    Hayami’s POV“Salamat nga pala sa mga libro. Hindi ko naman birthday pero salamat pa din,” nakangiti kong wika kay Sai habang sabay kaming naglalakad papunta sa classroom.Kanina kasi hindi ko nanaman naabutan si Grayson. Parang manok talaga ang lalaking iyon, ang aga lagi nagigising. Kulang na lang ay tumilaok siya sa umaga.Kaya ang ending mag-isa ko nanamang pumasok. Si Chloe naman hanggang ngayon wala pa. Kung akala niyo palaging maaga ‘yon, nagkakamali kayo.Sa first day lang naman ‘yon palaging excited, ‘yong tipong sarado pa ang gate ng Western ay nag-aabang na agad sa entrance ng school pero kapag tatlong araw na ‘yan sa pagpasok asahan niyong nagbababad pa ‘yan sa bath tub kahit alas syete na ng umaga.“Sus, wala ‘yon. Nalaman ko kasi kay Chloe na mahilig ka daw sa libro kaya naisipan kong bigyan ka,

    Last Updated : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 4.2

    (Contunuation of chapter 4)Hayami’s POV“Mukha ba akong nagjo-joke?” mataray na banggit ni Chloe. Wala nang nagawa ang teacher namin at isinulat na ang pangalan ko sa board.Nag-apir naman kami ni Chloe dahil sa ginawa niya. Ilang segundo na ang lumilipas ngunit wala pa ding nagno-nominate ng iba.Nagkatinginan kami ni Chloe habang parehong nakangiting tagumpay. Nawala lamang ito nang biglang tumayo ang isa sa mga alagad ni Vivian na si Danica habang fine-flex ang matambok niyang pwet.“I nominate Vivian Bueno as Muse!” wika niya.“I am closing the nomination for the Class Muse,” dagdag naman ni Eloisa.Nagsanib pwersa na nga po ang mga mukhang sisiw na binebenta sa fiesta. Nakangisi silang tumingin sa direksyon namin at masama naman ang tingin ni Chloe sa kanila.Tatayo na san

    Last Updated : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 5.1

    Hayami’s POV“Matagal ka na bang binu-bully ng mga babaeng ‘yon?” tanong ni Simon habang sabay kaming kumakain ng ice cream. Nandito kami sa rooftop ng main building at inilibre niya ako ng ice cream kanina.“Naku! Wag mo na ngang isipin ang mga pangit na ‘yon. Wag kang mag-alala, sanay na ‘ko,” saad ko at kumain ng ice cream.Bakit nga ba tinatawag nila ‘tong dirty ice cream? Alam na nga nilang dirty ibebenta pa nila. So kailangan hugasan? Tayo ang mag-aadjust?“Pero Mimi, dapat nirereport mo ‘yan sa principal para maturuan ng leksyon ang tatlong ‘yon.” Tumawa ako ng mapakla dahil sa sinabi niya at saka ko siya tiningnan.Napansin ko ang ice cream niya na malapit nang matunaw, kung wala man siyang balak kainin iyon ay pwede ba ibigay na lang niya sa akin? Sayang naman.

    Last Updated : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 5.2

    (Continuation of chapter 5)Hayami’s POV“Tao po!” Sunod-sunod na kalampag ang ginawa ko sa gate nila Gray. Ang aso nilang si Chukie ay tumahol na nang tumahol simula pa kanina noong makita ako. Pati aso nababaliw sa kagandahan ko.Sorry ka na lang Chukie, sa amo mo lang ako. Hanap ka na lang ng Yakult mo.“Oh Mimi, ikaw pala. Pasok ka hija,” wika ng babaeng nagbukas ng gate at pinapasok ako sa loob. Siya si Tita Violeta, siya ang Mommy ni Grayson. Kilala siya dito sa lugar namin bilang Violet.Magkumare sila ni Nanay at madalas din siyang bumisita sa bahay para humingi ng halaman. Minsan inalok pa nga ni Nanay itong si Tita Violet na i-barter si Gray kapalit ng halaman.“Nasaan po si Gray?” tanong ko. Magkasabay kaming naglakad at siya na ang nagbukas ng main door nila at tumambad sa akin ang napaka gandang bahay nila.

    Last Updated : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 6.1

    Hayami’s POV“Dapat pala nag-noodles na lang ako,” maktol ko habang nakatanaw kay Grayson sa kalayuan. Lunes na ngayon pero hindi pa din ako maka-move on sa nangyari noong Sabado.Bakit hindi ko alam na allergic pala siya sa sibuyas? Ang selan naman ng tiyan ni Gray, kaya pala madalas napapansin kong puro prito ang kinakain niya.“Eh bakit ba sa dami ng pagkain, tinola pa ang naisipan mong iluto?” wika naman ni Chloe na gumagawa ng banner sa isang puting kartolina.Ito ang first day ng campaign ko kaya naman niyaya ko agad si Chloe na gumawa na ng mga gagamitin ko mamaya. Si Simon naman ewan ko kung nasaan. Sabi niya tutulong din daw siya pero hanggang ngayon ay ni anino niya wala akong makita.“Anong ine-expect mong lutuin ko aber? Pritong isda? Fried chicken? Meat loaf? Corfbeef? Fried egg?!” naiinis na usal ko sa kanya. Bak

    Last Updated : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 6.2

    (Continuation of chapter 6)Hayami’s POVNaupo na kami sa isang bakanteng upuan sa may tabing bintana.“Kinausap ko na ang mga teammates ko na grade 10, sinabi ko na iboto ka.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Sai. Ito talagang lalaking ‘to, napaka supportive kahit saan.“Ako naman sinabihan ko na ‘yong mga kakilala ko sa ibang section na iboto ka. OMG sis! I’m so excited na para sa halalan 2015 ng Western!” masiglang banggit ni Chloe habang nakataas pa ang tinidor sa ere.Mabuti na lamang at walang masyadong tao sa canteen at hindi nila nasaksihan ang kabaliwan ni Chloe.“Naku! Maraming salamat talaga sa inyo. Kung wala kayong dalawa mukhang walang boboto sa akin,” saad ko naman habang nakatingin sa kanilang kapwa nakatuon din ang tingin sa akin.“Tss, wala ‘yon,

    Last Updated : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 7.1

    Hayami’s POVBiyernes na ngayon, OMG!Sa loob ng isang linggong campaign, aaminin kong naging mahirap ito. Dumating sa point na gusto ko nang mamigay ng suhol sa mga boboto sa ‘kin pero syempre lumalaban ako ng patas. ‘Di gaya ng iba diyan!Sila Vivian naman, ayun todo pabongga sa bawat campaign. May palibreng milktea, nag-sexy dance pa nga sila. Gusto ko sanang sigawan na school ‘to hindi club at bahay aliwan.Pustahan tayo puro lalaki boboto diyan, kung may babae ‘man siguro ‘yong mga fans niya lang na iniidolo ang kahalayan niya.Sa isang linggo din na ito ay natapos ko na ang tula ko para kay Grayson. Sa tulong ni Simon ay naging maayos ito at syempre hinihingi ko din ang opinion ni Chloe kahit minsan walang kwenta ang mga sinasabi niya.“Oh my God sissy! Kinakabahan na ‘ko sa magiging election m

    Last Updated : 2021-07-09
  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 7.2

    (Continuation of chapter 7)Third Person’s POVKakatapos lamang bumoto ni Simon at inilagay na niya ito sa ballot box. Pagkalabas pa lamang niya ng pintuan ng kanilang silid ay hinanap kaagad ng mga mata niya si Hayami ngunit hindi niya ito makita. Sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya si Chloe na may hawak na Chukie at Bread pan.Naglakad siya papunta sa kinaroroonan nito at napaangat naman ng tingin si Chloe nang makita si Simon.“Hi Sai–"“Hindi mo ba kasama si Mimi?” Nawala ang ngiti ng dalaga dahil sa tanong nito at hindi man lamang pinatapos ang nais niyang sabihin.Pilitin man niyang hindi mainis sa kaibigan ay hindi niya magawa. Sa isip niya, bakit ba lagi na lamang si Mimi ang nais nitong makita.“N-nagbanyo daw,” wika nito. Tumango naman si Simon at tinalikuran na siya. Nais pa sana siyang hab

    Last Updated : 2021-07-09

Latest chapter

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 15

    Hayami's POV"Hoy! Bibig mo baka pasukan ng langaw."Bumalik ako sa ulirat nang bigla akong batukan ni Chloe. Kanina pa pala 'ko tulala sa kawalan habang nandito kami sa loob ng classroom. Vacant kasi namin at hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-recover sa sinabi ni Grayson kaninang umaga."Aray! Namimisikal ka na, ah!" sigaw ko sa kanya.Napatakip naman siya sa magkabila niyang tainga at napangiwi."Ikaw kasi! Kanina ka pa tulala d'yan, parang gagawin ng airport ng mga langaw 'yang bunganga mo dahil kanina pa nakanganga.""Aish! May problema kasi ako, Chloe." Humalumbaba ako sa ibabaw ng desk habang nakatingin sa kanya."Bakit? Anong nangyari?" tanong niya. Alam ko kapag ganito na ang tono ng pananalita ni Chloe, seryoso na siya. Lalo na kapag ganitong lumalaki na ang butas ng ilong niya."Pakiramdam ko kasi

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 14

    Hayami's POV"Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi, ha." Niyakap ko pa si Chloe bago na siya tuluyang sumakay ng tricycle at unti-unting lumiit sa aking paningin ang kanyang sinasakyan.Natapos ang buong maghapon ng saya at tawanan. Idagdag pa ang napaka laking big revelation ko kanina kay Grayson. Yes, napaka laki at big talaga kasi hindi siya nakasagot! Pero, hindi naman talaga siya nagsasalita madalas."Mimi! Pumasok ka na dito at maligo ka na! Amoy araw ka ng bata ka!"Kahit nandito ako sa tabing kalsada ay dinig ko pa din ang boses ni Nanay mula sa loob ng bahay. Dinaig pa talaga ang sound system ng barangay sa sobrang lakas ng volume niya, high pitch eh."Opo 'Nay! Papasok na po!" tugon ko naman.Pagpasok ko ng gate ay akmang isasarado ko na ito nang bigla na lang natanggal sa pagkakakakabit sa semento at matumba sa kalsada. Walanjo! Bumigay na talaga, noon nag

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 13.2

    (Continuation of chapter 13)Hayami's POVMarami pang mga kamag-anak namin ang nagbigay ng regalo sa akin.Ilan sa kanila ay si Lolo Lucas, ang ama ni Tatay. Matanda na ito ngunit nakakalakad pa din. Kanina nga, pagdating niya sa harap ko ay mukhang nag-isip pa kung ibibigay niya 'yong regalo kaya ang ending para kaming nasa tug of war kanina.Nakalimutan niya siguro kung nasaan siya at kung sino ako. Hay buhay, mga matatanda nga naman.Isa pa sa nagbigay ng regalo sa akin ay ang nag-iisang kapatid na babae ni Tatay, si Tita Hanna. May dala pa siyang sanggol kanina habang may nakakapit sa damit niya na limang taong gulang na batang lalaki.Malaki ang agwat ng edad nila ni Tatay kaya naman maganda pa ito at batang-bata. Sa tantsa ko ay nasa edad twenty-nine lamang siya.Noon ay sinabihan pa niya akong pag-aaral ang atupagin para hindi mabunt

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 13.1

    Hayami's POVBuong gabi akong hindi nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Sa lahat ng tao, si Gray talaga ang hindi nakakalimot ng birthday ko. Hindi kagaya ng iba d'yan! Mismong kadugo na, galing sa tiyan, kasama na sa eskwela, hindi pa din naalala!Sabado ngayon, kaarawan ko na at... ni isa sa mga magulang ko ay hindi naalala ang araw ng kapanganakan ko."Siguro, magkukunwari na lang din akong hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito."Malungkot man ay bumangon na ako sa aking higaan at dumiretso na sa may pinto. Pinihit ko na ang doorknob at binuksan na ito."Happy Birthday, Mimi!"Halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan sa labas ng pinto sila Nanay, Tatay, Chloe, at Gray na kapwa malawak ang ngiti ngayong umaga. Tama ba 'tong nakikita ko?S-si Nanay, may hawak na cake na chocolate flavor ata tapos may kandila sa gitna.&n

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 12.2

    (Continuation of chapter 12)Hayami's POVMagkasama kami ngayon ni Chloe dito sa library at hindi ko alam kung anong pinakain sa kanya ng mama niya at biglang nagyayang magbasa daw kami. Mag-aaral na daw siya ng mabuti.Wala namang masyadong tao dito sa library at ang kadalasang mga estudyanteng nakikita ko dito ay mga nakasalamin, at mukhang mga nerd or ipagpalagay na nating mga bookworm na tao."Matagal pa ba 'yan?" bulong ko kay Chloe na naka-focus sa binabasa niyang Science book."Shhh, 'wag mo 'kong istorbohin."Ang sarap pukpokin ng makapal na Merriam Dictionary ang isang 'to. Hay, makahanap na nga lang din ng libro.Tumayo ako at dumiretso sa shelves kung saan nakahilera ang mga novel books. Iniisa-isa ko pa ang bawat libro. Kapansin-pansin din ang mga sapot ng gagamba sa ibang libro, halatang madalang malinisan.

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 12.1

    Hayami's POVMaliwag. Bakit maliwanag? Pawang puti ang naaaninag ko sa paligid. Oh my God! Deads na ba me?!Napasigaw ako at mabilis na bumangon sa aking kinahihigaan at nagulat ako nang unti-unting lumabas sa paningin ko ang mga taong nakatingin sa akin na ani mo'y pinagmamasdan ang isang baliw na babae.Sila Nanay at Tatay pala. At wala ako sa langit, nasa kwarto ko na pala 'ko.Ilang segundo ang lumipas at doon ko na naramdaman ang kirot na nagmumula sa ulo ko. Napahawak ako dito at napapikit ng madiin. Walanjo! Parang sinapok ni Chloe ng sampung beses ang ulo ko sa sakit."Anak! Anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Nanay habang hinahaplos ang ulo ko. Maging si Tatay ay bakas din sa mukha ang pag-aalala."O-okay lang po ako, medyo masakit lang po ang ulo. Ano nga po palang nangyari?" Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 11.2

    (Continuation of chapter 11)Hayami's POVKanina sa klase ay muntik pa 'kong mapalipat ng section. Paano ay akala nila nagkamali ako ng pinasukang classroom. Kung hindi pa sinabi nila Simon at Chloe na ako si Hayami ay hindi pa sila maniniwala.At ngayon ay papunta kami ni Chloe sa library para magbalik ng hiniram naming libro noong nakaraan. Kanina ay kinuwento ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga at maging siya ay hindi din makapaniwala. Parang kinikilig pa nga ang gaga at ani mo'y nakikinig sa isang telenovela kung maka react."Nagbubunga na ang mga pinaghirapan natin, Mimi!""Oo nga eh, aaminin ko noong una ay hindi ako kumbinsido na gagana ang naisip mong kat*ngahan pero ngayon parang gusto kitang sambahin.""Ano ka ba, bestfriend? Syempre tayo-tayo na lang ang magtutulungan. Basta ba tutulungan mo rin ako kay Simon, eh."Napailing

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 11.1

    Hayami's POV"G-gray."Tila ba may naramdaman akong nagsasayaw na paru-paro sa stomach ko. Ilang beses din akong napalunok dahil ang gwapo talaga ni Gray."Bitiwan mo 'ko!" Pilit na hinihila ni Vivian ang kamay niya na hawak-hawak ni Grayson ng mahigpit.Hindi ko man lang kakikitaan ng emosyon ang pagmumukha ni Grayson. Hindi ko ba malaman kung nagagalit ba siya, naiirita, natatawa, natatae, o ewan ko ba. Para siyang aklat ng Chinese, ang hirap basahin."I'll only do that when you say you won't hurt Mimi again," wika niya sa malamig na tono."Hell, no— ouch!"Napahiyaw na lamang si Vivian nang lalong humigpit ang pagkakakapit sa kanya ni Grayson. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko din ang nararamdaman niya. Parang mababali ang payatot niyang kamay kapag hindi pa ito binitawan ni Gray. Diyos ko po! Ayaw kong masangkot sa kr

  • Crush ko si Mr. Tahimik   Tahimik 10.2

    (Continuation of chapter 10)Hayami's POVPara akong baliw habang nakatitig sa salamin at kanina ko pa kinakausap ang sarili ko.Papasok ba 'ko? O hindi?Hanggang ngayon ay kinakabahan pa din ako sa magiging reaksyon ni Gray... at ng mga estudyante sa Western. Pagpasok ko kaya ay magiging campus crush na 'ko?'Wag naman sana, baka hindi ko kayanin lahat ng manliligaw sa 'kin tapos 'yong locker ko mapupuno ng mga chocolates at love letters tapos may nakadikit na sticky note.Pero... may locker ba kami?Kanina ay ginamit ko ang binili namin ni Chloe kahapon na mga sabon at iba't-iba pang skin care daw kuno. Tapos ay ginamit ko din ang mga make-up na binili ni Chloe para sa 'kin.Kahapon pag-uwi ko ay hinabol pa 'ko ng walis tingting ni Nanay dahil sabi niya magnanakaw daw ako. Hindi niya ata ako nakilala.

DMCA.com Protection Status