Share

Tahimik 4.2

(Contunuation of chapter 4)

Hayami’s POV

“Mukha ba akong nagjo-joke?” mataray na banggit ni Chloe. Wala nang nagawa ang teacher namin at isinulat na ang pangalan ko sa board. 

Nag-apir naman kami ni Chloe dahil sa ginawa niya. Ilang segundo na ang lumilipas ngunit wala pa ding nagno-nominate ng iba. 

Nagkatinginan kami ni Chloe habang parehong nakangiting tagumpay. Nawala lamang ito nang biglang tumayo ang isa sa mga alagad ni Vivian na si Danica habang fine-flex ang matambok niyang pwet.

“I nominate Vivian Bueno as Muse!” wika niya.

“I am closing the nomination for the Class Muse,” dagdag naman ni Eloisa.

Nagsanib pwersa na nga po ang mga mukhang sisiw na binebenta sa fiesta. Nakangisi silang tumingin sa direksyon namin at masama naman ang tingin ni Chloe sa kanila.

Tatayo na sana siya pero kaagad ko siyang hinila paupo, baka mamaya maubos ang buhok niya sa sabunot ng mga ‘yon. 

Hindi na siya mukhang bunot, bao na ang itatawag ko sa kanya.

“So, ang campaign niyo ay magsisimula sa Monday hanggang Thursday. Ang botohan naman ay magaganap sa Friday. Vote wisely students, thank you for participating.” Lumabas na ng pintuan si Madam F* at saka na tumunog ang bell na nangangahulugang lunch break nanaman.

------------

“Naku! Napipikon na ‘ko sa tatlong sisiw slash Philippine flag na mga babae na ‘yan!” usal ni Chloe na ngayon ay binubuhos ang galit sa kinakaing strawberry cake. 

Naaawa na lang ako sa pagkain niya dahil lusag-lusag na ito dahil sa pagtusok niya dito. Kawawang strawberry cake.

“Relax ka lang Chloe, ang mabuti pa tulungan mo na lang ako sa campaign sa Lunes,” wika ko naman at sumubo ng chocolate cake. 

As usual, nandito nanaman kami sa canteen at hindi ko pa nakikita si Gray na pumasok dito. Nasaan na kaya ‘yon?

“Game ako diyan! Basta pangako ko sayo, tatalunin natin ang Vivian na ‘yon! Mas maganda ka sa kanya tandaan mo ‘yan.” Napailing na lamang ako dahil sa sinabi niya at itinuloy ko na ang pagkain

Mga ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang maramdaman ko ang biglaang pagkulo ng tiyan ko. 

Walangya, panis ba ‘yong cake nila? Bakit hindi nagustuhan ng stomach ko? Napahawak ako sa aking tiyan at dahan-dahang tumayo. Nakuha ko ang atensyon ni Chloe at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

“M-mimi, okay ka lang ba?” tanong niya.

“Tawag ng kalikasan!” Tumakbo ako papalabas ng canteen at tinahak ang daan papuntang girls bathroom na malapit lang naman sa canteen. 

Mabuti nga at hindi nila naisipang ilagay ito sa second floor or matataas na floor, kung hindi naku! Baka lumabas na ang kargada ng tiyan ko sa pathway.

“Excuse me!” Natabig ko pa ang babaeng papasok sana ng isang cubicle ngunit mabuti na lamang ay naunahan ko siya at kaagad akong nakapasok doon. Kasing pangit ng masungit na tindera ang tinda nilang cake na nakaka diarrhea!

May kalahating oras din akong nagwithdraw sa inidoro, pakiramdam ko ay nailabas ko na ang lahat ng kinain ko simula kaninang umaga hanggang kaninang lunch. 

Lumabas na ako ng cubicle at nagulat ako nang makitang walang tao dito. Mukhang hindi nila kinaya ang makapigil-hiningang orasyon ko kanina.

Naghugas na ako ng kamay at saka na lumabas ng CR. Sayang lang ‘yong kinain kong imbutido noong umaga at sopas noong recess. Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko ang tatlong babaeng kontra-bida lagi sa kwento ng buhay ko.

“Ang ganda-ganda ng araw ko, tapos sisirain lang ng isang monkey na katulad mo,” wika ni Vivian habang nakahawak ang isang kamay sa bewang. Jusko naman, hanggang dito dapat naka-pose? Heller, wala namang camera dito.

“At least matalino ‘yong unggoy. Alam mo anong tawag ko sayo? Dikya! Kasi wala kang utak!” sagot ko naman sa kanya habang nakatikom ang mga kamao. Tapang-tapangan lang naman ito kaya ‘wag kayong ma-amaze sa akin. 

“How dare you?! Ugly monkey!” singhal niya sa akin. Kinunutan ko naman siya ng noo at saka ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa. 

Kinikilatis ko ang buong pagkatao niya sa labas. Para lang siyang over ripe na bayabas, maganda sa labas ngunit may bulate na sa kaloob-looban.

“Alam mo, ang chaka ng hair mo. Minsan try mo din ng gray,” komento ko sa buhok niya. Parang na-conscious naman siya at saka hinawak-hawakan ang buhok niya.

“Bagay ba sa ‘kin ang gray?” Ngumiti naman ako at saka lumapit sa kanya at hinawakan din ang kumikinang niyang buhok na nagmukha ng wig dahil sa sobrang tingkad ng kulay nito.

“Oo, tapos lagyan mo ng faded na black sa dulo.” Ngumiti siya at saka tumingin sa mga kaibigan niya. Nawala ang ngiti niya sa labi nang matauhan siya at saka hinawakan ako buhok ko. Kaines! Akala ko mauuto ko siya.

“Basta pangit ka pa din!” Kinaldkad niya ako habang naglalakad siya papunta sa malawak na field ng school. 

Punyemas, may balak ba siyang tangggalin hanggang sa kaisa-isang strand ang buhok ko? Kulang na lang ay pati anit ko tapyasin na niya.

Ang ilang estudyante ay nakukuha na namin ang atensyon dahil sa ginagawa niya. Mga chismosang frog. May sarili naman silang buhay, bakit hindi iyon ang atupagin nila? 

Tutulo na sana ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman nang biglang bitawan ni Vivian ang buhok ko at naramdaman ko ang isang kamay na hinila ako papunta sa kanyang likudan.

“Hindi ako nananakit ng babae pero kung si Hayami ang sasaktan mo, baka makalimutan kong babae ka.” Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Simon pala ito na nakasuot pa ng jersey number 1 at pawisan pa ang mukha niya.

“Ikaw? Bakit mo pinagtatanggol ang babae na ‘yan? Ginayuma ka na din ba ng monkey na ‘yan?!” sigaw ni Vivian habang inaayos ang buhok niyang napunta sa kanyang mukha.

Ngumisi si Simon at saka hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko naman. Napaka dugyot talaga nitong si Sai, baka kung saan-saan na niya inihawak ang kamay niya sasalinan pa ‘ko ng mikrobyo.

“She doesn’t need to charm me anymore, she just got me because of her kindness. And that makes her more beautiful.” Hinila na niya ako papalayo sa tatlong sisiw habang naiwan naman sila doong hindi makapaniwala sa nangyari. 

Ayan, napapaghalata ang mga walang laman ang utak, mukhang hindi nila naintindihan ang English ni Sai. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status