Home / YA / TEEN / Crush ko si Mr. Tahimik / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Crush ko si Mr. Tahimik: Chapter 11 - Chapter 20

31 Chapters

Tahimik 6.1

Hayami’s POV “Dapat pala nag-noodles na lang ako,” maktol ko habang nakatanaw kay Grayson sa kalayuan. Lunes na ngayon pero hindi pa din ako maka-move on sa nangyari noong Sabado.  Bakit hindi ko alam na allergic pala siya sa sibuyas? Ang selan naman ng tiyan ni Gray, kaya pala madalas napapansin kong puro prito ang kinakain niya. “Eh bakit ba sa dami ng pagkain, tinola pa ang naisipan mong iluto?” wika naman ni Chloe na gumagawa ng banner sa isang puting kartolina.  Ito ang first day ng campaign ko kaya naman niyaya ko agad si Chloe na gumawa na ng mga gagamitin ko mamaya. Si Simon naman ewan ko kung nasaan. Sabi niya tutulong din daw siya pero hanggang ngayon ay ni anino niya wala akong makita. “Anong ine-expect mong lutuin ko aber? Pritong isda? Fried chicken? Meat loaf? Corfbeef? Fried egg?!” naiinis na usal ko sa kanya. Bak
last updateLast Updated : 2021-07-09
Read more

Tahimik 6.2

(Continuation of chapter 6)Hayami’s POV Naupo na kami sa isang bakanteng upuan sa may tabing bintana.  “Kinausap ko na ang mga teammates ko na grade 10, sinabi ko na iboto ka.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Sai. Ito talagang lalaking ‘to, napaka supportive kahit saan.  “Ako naman sinabihan ko na ‘yong mga kakilala ko sa ibang section na iboto ka. OMG sis! I’m so excited na para sa halalan 2015 ng Western!” masiglang banggit ni Chloe habang nakataas pa ang tinidor sa ere.  Mabuti na lamang at walang masyadong tao sa canteen at hindi nila nasaksihan ang kabaliwan ni Chloe. “Naku! Maraming salamat talaga sa inyo. Kung wala kayong dalawa mukhang walang boboto sa akin,” saad ko naman habang nakatingin sa kanilang kapwa nakatuon din ang tingin sa akin. “Tss, wala ‘yon,
last updateLast Updated : 2021-07-09
Read more

Tahimik 7.1

Hayami’s POV Biyernes na ngayon, OMG!  Sa loob ng isang linggong campaign, aaminin kong naging mahirap ito. Dumating sa point na gusto ko nang mamigay ng suhol sa mga boboto sa ‘kin pero syempre lumalaban ako ng patas. ‘Di gaya ng iba diyan! Sila Vivian naman, ayun todo pabongga sa bawat campaign. May palibreng milktea, nag-sexy dance pa nga sila. Gusto ko sanang sigawan na school ‘to hindi club at bahay aliwan.  Pustahan tayo puro lalaki boboto diyan, kung may babae ‘man siguro ‘yong mga fans niya lang na iniidolo ang kahalayan niya. Sa isang linggo din na ito ay natapos ko na ang tula ko para kay Grayson. Sa tulong ni Simon ay naging maayos ito at syempre hinihingi ko din ang opinion ni Chloe kahit minsan walang kwenta ang mga sinasabi niya. “Oh my God sissy! Kinakabahan na ‘ko sa magiging election m
last updateLast Updated : 2021-07-09
Read more

Tahimik 7.2

(Continuation of chapter 7)Third Person’s POV Kakatapos lamang bumoto ni Simon at inilagay na niya ito sa ballot box. Pagkalabas pa lamang niya ng pintuan ng kanilang silid ay hinanap kaagad ng mga mata niya si Hayami ngunit hindi niya ito makita. Sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya si Chloe na may hawak na Chukie at Bread pan. Naglakad siya papunta sa kinaroroonan nito at napaangat naman ng tingin si Chloe nang makita si Simon. “Hi Sai–" “Hindi mo ba kasama si Mimi?” Nawala ang ngiti ng dalaga dahil sa tanong nito at hindi man lamang pinatapos ang nais niyang sabihin.  Pilitin man niyang hindi mainis sa kaibigan ay hindi niya magawa. Sa isip niya, bakit ba lagi na lamang si Mimi ang nais nitong makita. “N-nagbanyo daw,” wika nito. Tumango naman si Simon at tinalikuran na siya. Nais pa sana siyang hab
last updateLast Updated : 2021-07-09
Read more

Tahimik 8.1

Hayami's POV "Mimi," tawag sa akin ni Grayson habang ang mga mata niya ay naka-focus lamang sa akin.  "Gray," sagot ko naman. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ng aking puso ngayon. Sobrang saya ko! "Mahal din kita." Unti-unting naglalapit ang aming mga mukha at dahan-dahan akong pumipikit. Kahit kailan ay hindi ko pinagsisisihan na si Grayson ang minahal ko. Siya lang... habang buhay. "Hayami! Gumising ka na!"  Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na sigaw ni Nanay na dumagundong sa buong utak ko. Anak ng chismosa naman oh, magki-kiss na sana kami ni Gray! Sa panaginip na nga lang, hindi pa natuloy. Badtrip talaga 'tong si Nanay. "Oo na po! Babangon na!" sagot ko naman sa kanya at saka na ako nag-ayos ng aking sarili upang maghanda sa pagpasok sa eskwelahan. 
last updateLast Updated : 2021-07-13
Read more

Tahimik 8.2

(Continuation of chapter 8)Hayami's POV Napa-face palm na lamang si Chloe sa sinabi ko. "Jusmeyo marimar, Mimi! Limang daan lang pala ang pera mo edi sana sa divisoria na lang tayo bumili." Pareho kami napaupo sa upuan sa isang food court. Kanina pa talaga ako nagugutom pero 'yong perang para sa pagkain ko, kay Gray ko na lang ilalaan.  "Nasayang lang ang pagod natin," wika niya. "Sorry na kasi. Baka naman may pera ka d'yan oh. Pautang na lang muna, babayaran ko din sa susunod na allowance ko." "Mimi, kahit kalkalin mo ang buong katawan ko hanggang panty wala kang mahuhothot. Ibinayad ko na sa contribution kanina." "May iba ka pa bang naiisip?" Nakabusangot na ang mukha niya at sa tingin ko ay nagtitimpi na lang sa akin. Bigla siyang napalingon sa likuran ko kaya naman tumingin din ako doon. 
last updateLast Updated : 2021-07-13
Read more

Tahimik 9.1

Hayami's POV "Good morning, students. Siguro naman ay aware kayo na malapit na ang buwan ng wika ng Western Academy, right?" Habang nagsasalita si Madam FB sa harapan ay heto ako at tulala habang nakatukod ang braso sa lamesa at nakahalumbaba. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya dahil lutang ako ngayon. Nagustuhan kaya ni Gray 'yong book?  Kung hindi sabihin niya lang, ipapa-refund ko na lang siguro. Aish, isa pa si Simon. Simula kahapon nang mapanood ko siya sa gym na kumanta at sumayaw, hindi pa din nagpaparamdam ngayong umaga.  Si Chloe, hayon at tulog. Aawayin ko sana kanina kaso mukhang napuyat na naman sa walang kwentang bagay kaya pinabayaan ko na.  Kailan ba matatapos ang klase? Nagugutom na 'ko. "At dahil contest ito by section, syempre ang magiging representative ng section natin ay walang iba kundi ang ating
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Tahimik 9.2

(Continuation of chapter 9)Hayami's POV May isang oras din kaming bumyahe dahil may kalayuan ang bahay nila Sai mula sa Western. Nagkwentuhan lang naman kami buong byahe.  Nakarating na kami sa bahay nila. I mean, mansion pala. Grabe ang laki ng bahay nila Sai. Sa may gate pa lamang ay namangha na ako sa ganda ng tirahan niya. Maraming mga halaman sa paligid, mataas at malaki ang kulay puti nilang gate na may nakalagay sa taas na "Welcome to Florez Mansion." Kung oobserbahan mo ang kabuuan ng bahay nila mula sa labas ay masasabi kong gawa talaga ito sa mamahaling mga materyales. Modern house ito. Pinagbuksan ako ng pinto ni Sai at namamangha pa akong pinagmamasdan kung nasaan ako ngayon. Parang palasyo ng Malacañang. "Welcome to my house. Tara sa loob, ipapakilala kita kay Mommy." Magkasabay kaming pumasok sa napaka ga
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Tahimik 9.3

(Continuation of chapter 9) Hayami's POV   Nag-aayos na ako ngayon ng sarili ko para pumunta sa bahay nila Sai. Kahapon sa dinner ay nakapag kwentuhan kami at may mga naitanong din naman si Tita Celine tungkol sa akin.   Ngayon ang unang practice ko para sa pageant. Mabuti na lamang ay mabait ang mommy ni Sai at ipina-cancel lahat ng trabaho niya para maturuan ako.    Naikwento ko na rin kay Nanay at Tatay ang tungkol sa pageant at excited din sila doon lalo na nang sabihin kong ite-train ako ng isang beauty queen. O, pak.   Pagkatapos mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Nanay at saka lumabas na ng bahay. Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko sa 'di kalayuan si Gray na naglalakad habang binabasa ang librong regalo ko.   Wala pa naman 'yong sinabi ni Sai na susundo sa akin. Hehe, puntahan ko lang si Gray saglit. Tumakbo ako papunta sa kanya at nagulat naman siya sa biglang
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Tahimik 9.4

(Continuation of chapter 9)Hayami's POV "Oh my God," wika ni Chloe habang nakaawang ang bibig at pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Nandito na kami ngayon sa backstage ng Western at may dalawang oras pa bago magsimula ang pageant. Gabi din pala ito. "Kung maka-react ka naman akala mo ibang tao ang nasa harapan mo," saad ko. "H-hindi lang ako satisfied girl. Ikaw na ba talaga 'yan? Nagkasakit lang ako tapos biglang glow up ka na?" Oo nga pala, one week ding hindi naka-attend ng class si Chloe dahil nagka dengue daw. Hindi tuloy siya updated sa mga happenings ng life ko. "Tss, dami mong say. Tara na nga, baka nand'yan na sila Simon." Sabay kaming nagtungo sa silid kung saan naroon ang mga contestants at kapwa nag-aayos na ng kanilang sarili. Napalunok ako nang makita ang nga kalaban ko, ang gaganda nila. "Sai!" sigaw ni Chloe
last updateLast Updated : 2021-07-28
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status