Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 1 Isang Pambihirang Mataas na Komisyon

Share

Trapped in Love
Trapped in Love
Author: Kitty Song

Kabanata 1 Isang Pambihirang Mataas na Komisyon

“Mr. Jordan, dumating na ang resulta. Ang resulta ng gynecological exam ni Miss Shenton ay virgin pa siya at pasok sa lahat ng standards. Malinis siya.” Magalang na ipinaalam ng bodyguard sa lalake sa kabilang linya ang resulta sa tapat ng pinto ng examination room ng ospital.

Yumuko si Caroline Shenton at tumayo sa mataong bahagi ng corridor, habang hindi binibigyan pansin ang mga kakaibang tingin sa kanya ng mga dumadaan.

Bigat na bigat na ang kalooban niya dahil sa mga pasanin niyang may sakit na ina at maraming utang sa sugal na ama. Kaya, ginamit niya ang katawan niya bilang bargaining chip at sumangayon na magpakama kay Evan Jordan.

Matapos ang ilang sandali, narinig mula sa kabilang linya ang malalim at kaakit-akit na boses ni Evan. “Ipadala siya sa Villa Rosa.”

*

Sa Villa Rosa, sa madilim na kuwarto, balot ng kumot si Caroline habang kinakabahan.

Ang lalake na nakatayo sa paanan ng kama ay walang kapantay ang kaguwapuhan habang nakatitig ng malamig sa kanya.

Alam ni Caroline na siya si Evan Jordan—isang lalake na napakamaimpluwensiya sa Angelbay City, matatawag din siyang hari.

Itinaas ni Evan ang kumot na nakatakip sa katawan niya, naisiwalat ang hubad na katawan ni Caroline at kita ang repleksiyon nito sa mga itim na mata ni Evan. Lumapit siya para halikan ng mainit at pasukin ng malalim si Caroline. Isang biglaang sakit ang naramdaman niya sa katawan niya, at pigil na napaungol ang mga labi niya.

Habang kagat niya ang mga labi niya, bumulong si Evan sa tenga niya, “Huwag kang umiyak. Ikaw ang nagdesisyon nito. Tandaan mo, hindi lahat kuwalipikado na makasama ako sa kama…”

Nagising bigla si Caroline at ang mga huling sinambit na salita ni Evan ay malinaw pa rin niyang naririnig sa tenga niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa tabi niya, nakita niya si Evan na natutulog at sa isang sandali, natulala siya.

*

Mabilis na lumipas ang oras, at sa isang kisapmata, tatlong taon na niyang kilala si Evan habang nagtatrabaho siya bilang private secretary niya at kasintahan. Hindi niya inaasahan na mapapanaginipan niya ang unang pagkikita nila kagabi.

Minasahe ni Caroline ang pumipintign niyang ulo at uupo na sana ng marinig niyang tumunog ang phone ni Evan.

Nagising bigla si Evan at kinuha ang phone. “Sagot!” sabi ni Evan, at idinikit ang phone sa tenga niya.

Kahit na ganoon, naririnig pa din ni Caroline ang boses mula sa kabilang linya. “Mr. Jordan, nakumpirma ko na. Hindi siya ang babaeng hinahanap mo.”

Sa isang iglap, lalong nagdilim ang mga mata ni Evan.

Tinignan ni Caroline ang malungkot niyang ekspresyon at nakaramdam siya ng lungkot. Matapos maging kasintahan ni Evan ng tatlong taon, alam niyang may hinahanap siyang babae na minsan ng iniligtas ang buhay niya noong bata pa siya. Kahit na hindi niya alam kung nasaan na ang babaeng ito, namimiss pa din siya ni Evan hanggang sa araw na ito.

Matapos maramdaman na nakatingin si Caroline sa kanya, humarap sa kanya si Evan at sumigaw, “Alis!”

Nanatiling tahimik si Caroline at bumangon mula sa kama, kumikilos na parang walang buhay na manika. Pinulot niya ang mga damit niya sa sahig at nakayapak na naglakad patungo sa guest room.

Pumasok sa banyo si Caroline at binuksan ang shower, hinayaan niyang bumuhos ang tubig sa mukha niya. Nalungkot siya sa manhid na pag-uugali ng lalake, pero alam niyang wala siyang karapatan na makaramdam ng ganito.

Nagagawa lamang niyang manatili sa tabi niya dahil sa pulang nunal sa kanang tenga niya, katulad ng nasa nawawalang babae na hinahanap ni Evan. Sa mga mata ni Evan, isa lang siyang pamalit para sa pag-ibig niyang hindi nasuklian at isang laruan na maaaring kalimutan gamit ang pera.

*

Noong papalabas na si Caroline mula sa banyo, lumabas ng kuwarto si Evan at suot ang perpektong suit. Mukha siyang regal at malayo, mahihirapan umiwas ng tingin ang kahit na sino dahil sa guwapo niyang mukha.

Noong nagkasalubong sila, sinabi ni Caroline ang kadalasan niyang sinasabi, “Maghahanda ako ng almusal.”

Malamig siyang tinignan ni Evan bago bumaba ng hagdan.

Noong inilalabas ni Caroline ang kape at almusal, ang assistant ni Evan, na si Reuben Murphy ay dumating at may dalang itim na medicine bag.

Sinabi niya kay Caroline, “Ms. Shenton, ito ang gamot mo.”

Tumigil sandali si Caroline, iniligay ang mga pagkain sa lamesa at kalmadong sumagot, “Sige.”

Inilabas niya ang puti na pill at ininom ito ng walang ekspresyon. Matapos panoorin si Caroline na inumin ang gamot, nilisan ni Reuben ang villa at naghintay sa labas.

Pagkatapos, lumapit si Caroline kay Evan, na walang pakielam na nakaupo sa sofa, at ipinaalam sa kanya na handa na ang almusal.

Ibinaba ni Evan ang dyaryo at naupo sa hapag kainan, hinigop niya ang kape niya at tamad na tinignan si Caroline.

“Pinili mo na manatili kasama ko. Naaalala mo ba noong sinabi ko sa iyo noon, na kailangan mo alamin kung anong posisyon mo dito at kontrolin ang mga emosyon mo? Lumalabas ang mga emosyon mo,” sagot niya.

Kahit na gaano kagaling si Caroline sa pagtago sa mga emosyon niya, hindi niya ito naitatago ng buo kapag nasa presensiya siya ni Evan.

Naupo si Caroline sa tapat niya at kinuha ang kape niya, nagkukunwari na walang mali. “Masyado kang nag-aalala, Mr. Jordan. Iniisip ko lang ang schedule ngayon at nadistract ng kaunti.”

Ano naman kung malaman niya? Gagawa lang siya ng palusot para itago ito. Ayaw niya itong aminin at hayaan siyang durugin ang natitira niyang pride.

Nanatiling tahimik si Evan, habang may mabigat na malungkot na pakiramdam na bumalot sa hapag kainan.

*

Alas otso ng ipagmaneho ni Reuben Murphy si Evan patungo sa company building, na nakatayo sa gitna ng lungsod, at naglalabas ng aura na kapantay ng reputasyon ng may ari nito bilang top businessman ng Angelbay City.

Noong bababa na si Caroline mula sa sasakyan, naghagis ng dokumento si Evan sa kanya.

“May cocktail party mamayang gabi, umattend ka para sa akin. Kung magagawa mong papirmahin si Deveraux ng kontrata, makakatanggap ka ng 70,000 dollars bilang commission,” utos niya.

Natulala si Caroline sa alok niya. Tinitigan niya ng gulat ang kontrata sa mga kamay niya, na tila bomba ito. Alam niya kung gaano kahirap ang trabaho na ito.

Si Henry Deveraux, ang CEO ng Angelbay City RT Foreign Enterprise, ay bisexual at kilala dahil sa mapangabusong pag-uugali pagdating sa lalake at babae. Ang kahit na sinong magiging puntirya niya ay hindi makakaalis ng walang galos. Ang pupunta ng mag-isa para makipagkita sa kanya ay parang pagpasok mag-isa sa yungib ng leon.

Ngunit, natukso si Caroline sa alok. Ang 70,000 dollar na commission ay sapat na para medical bills ng ina niya at mga utang ng ama niya.

Tinitigan siya ng madiin ni Evan. “Kung hindi mo gusto tanggapin ang alok, puwede ka tumanggi.”

Matapos ang kaunting katahimikan, mahigpit na hinawakan ni Caroline ang kontrata ang sinabi, “Gagawin ko.”

Sa oras na natapos siyang magsalita, napangisi si Evan.

Kahit na walang sinabi si Evan, batid niya ang pagkamuhi sa mga mata niya.

Totoo, para kay Evan, si Caroline ay babaeng mas pinahahalagahan ang pera higit sa kahit ano.

*

Noong kinagabihan, dumating si Caroline sa Indigo Hotel dala ang kontrata, nakasuot siya ng conservative pero eleganteng damit. Habang nasa kalahating oras na biyahe siya, inihanda niya ang isip niya para sa kailangan niyang gawin. Ngunit, sa oras na pumasok siya sa elevator, nagsimula siyang magpanic.

Sapagkat pinili ni Henry na makipagkita sa kanya sa presidential suite, at hindi sa pribadong kuwarto sa ibaba, tulad ng pinagusapan nila kanina. Alam ni Caroline kung anong ibig sabihin nito.

Gusto siyang makasama ni Henry ng buong gabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status