Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 3 Hindi Kuwalipikado para sa Pagtatanong

Share

Kabanata 3 Hindi Kuwalipikado para sa Pagtatanong

Kahit na nahihilo siya, nagawa ni Caroline na kunin ang kontrata mula sa coffee table bago siya tumakas.

Habang nagmamadali, may nakabangga siyang matangkad na tao—isang pamilyar na guwapo at masamang mukha.

Tumulo ang mga luha ni Caroline habang nahihirapan siyang manatiling nakatayo, isinaksak niya sa mga braso ni Evan ang kontrata.

Kahit na nakahawak siya sa damit ni Evan, nanghihina siyang dumulas pababa.

Habang malat ang boses, bumulong si Caroline, “Evan, napapirma ko na ang kontrata. Tandaan mo ang 70,000 dollars na commission…”

Nasalo siya ni Evan bago siya bumagsak. Pagkatapos, lumabas bigla si Henry mula sa suite.

Matapos makita si Evan na buhat si Caroline, nag-utos si Henry, “Ibigay mo sa akin ang babaeng iyan!”

Ang malamig na ugali ni Evan ay mas malong tumindi noong marinig niya ang utos ni Henry.

Si Reuben na malapit lang ay agad na nakielam. Binalaan niya ng mabuti si Henry, “Monsieur Deveraux, babae siya ni Mr. Jordan. Ang lakas ng loob mo na pagtangkaan siya.”

Naging malabo ang pag-iisip ni Henry, at ang mga sumunod na salita niya ay puno ng galit. “Paano ito nangyari? Bakit siya nakipagkita sa akin ng mag-isa kung ganoon?”

Pinaalalahanan siya ni Reuben, “Sa tingin mo ba nagkataon lang na nandito si Mr. Jordan?”

Natanga si Henry na tila natinik siya noong napagtanto niya ang katotohanan sa mga salita ni Reuben.

*

Sa likod ng sasakyan na itim na Maybach, nakahiga si Caroline sa hita ni Evan. Hinihingal siya at bumubulong ng kung ano-ano habang hinihila ang damit ni Evan.

Umepekto na ang droga na ibinigay ni Henry, malinaw ito sa pamumula ng mukha niya.

Madilim sa sasakyan, walang bakas na emosyon sa mga mata ni Evan, pero mahigpit siyang nagtiim-bagang.

Kinuha niya ang kamay ni Caroline at hinawakan ito habang malamig na nag-uutos, “Sabihin sa project manager na tumigil sa pagbibigay ng pera kay Henry para sa collaboration hanggang sa magmakaawa siya at humingi ng kapatawaran.”

Naiintindihan ng mabuti ni Reuben ang intensyon ng boss niya. Alam niya na simula pa lang ito at hindi niya mapapalampas si Henry ng ganoon na lamang.

Kahit na sinabi ni Mr. Jordan na hindi niya gusto si Caroline, agad niyang inutusan si Reuben para sunduin siya sa hotel matapos lisanin ang kumpanya.

Hindi mapigilan ni Reuben na bumuntong hininga ng mahina. Malinaw na may nararamdaman ang boss niya para kay Caroline.

Bigla, nagmakaawa si Caroline habang nanginginig ang boses niya, “Evan, tulungan mo ako. Napakainit…”

Mahigpit ang kapit niya sa damit ni Evan, at hinatak siya papalapit.

Bakas sa boses niya na malinaw ang ibig niyang sabihin. Kahit si Reuben nahiya noong nakita niya ang pinagpapawisan niyang noo at nakalabas na cleavage matapos luwagan ang kwelyo niya mula sa rear view mirror ng sasakyan.

Sumingkit ang mga mata ni Evan at sinuri ang kundisyon ni Caroline. Inutusan niya si Reuben na itigil ang sasakyan at lumabas.

Sumunod si Reuben. Matapos itigil ang sasakyan, mabilis siyang bumaba at naglakad ng sampung metro ang layo. Pagkatapos, tumayo siya habang nakatalikod mula sa sasakyan.

Samantala, ang mga mata ni Evan ay muling nakatitig kay Caroline.

Inupo niya si Caroline sa hita niya at sinuportahan ang likod niya gamit ang isang braso habang ang isa pa ay nakasuporta sa ulo niya. Ang malamig niyang tingin ay lumambot noong lumapit siya para idikit ang malamig niyang mga labi sa mga mainit na labi ni Caroline.

*

Nagising si Caroline sa sumunod na araw habang groggy at masakit ang buong katawan.

Noong naupo siya sa kama, sinuri niya ang paligid at sinubukan na alalahanin kung paano siyang napunta dito kagabi.

Isang pamilyar na malat na boses ang gumulo sa isip niya, “Gising ka na?”

Bigla, naalala niya ang mga nangyari kagabi, at namula siya.

Naalala niya ang engkuwentro kay Evan at kung paano siya tinulungan nito para makatakas, pero kailangan niya ng mga sagot tungkol sa pagbabago ng kontrata.

Kahit na nahihilo siya, ginamit ni Caroline ang buong lakas niya para tumayo at harapin ang walang pakielam na pagtingin ni Evan, “Mr. Jordan, bakit hindi mo ipinaalam sa akin ang pagbabago sa kontrata?”

Sumingkit ang mga mata ni Evan.

Sa mga mata niya, parang hedgehog si Caroline. Kung hindi niya siya aargabyaduhin, magiging masunurin siya sa lahat ng aspeto. Pero hindi siya magdadalawang isip na lumaban kapag nasagad siya.

Malamig siyang pinaalalahanan ni Evan, “Caroline, bilang alalay, wala kang karapatan na kuwestiyunin ang desisyon ng nakatataas sa iyo. Natatandaan mo ba kung anong sinabi ko sa iyo noong unang araw mo dito?”

Natahimik si Caroline, at tinanggap ang punto niya.

Noong ipapaliwanag na dapat ni Evan ang tungkol sa kontrata sa kanya, tumunog ang phone niya.

Sinagot niya ito, at inilagay niya sa speaker mode habang nagdadamit. “Sagot.”

Si Reuben ang nasa kabilang linya, “Mr. Jordan, nakatanggap ang team namin ng mensahe. Isang babae na tugma ang mga detalye sa hinahanap mo ay nakita sa Florencia City. Ipapadala ko agad sa iyo ang impormasyon.”

Tumigil si Evan sa pagbibitones at sumimangot, “Bilisan mo.”

Matapos ibaba ang tawag, humarap si Evan kay Caroline at sinabi, “Dapat alam mo na hindi ito magiging madali. 70,000 dollars nga naman ang commission.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Caroline sa kumot, hindi niya magawang makipagtalo kay Evan. Yumuko siya para maitago ang nararamdaman niya.

Pakiramdam niya nasasakal siya dahil hinahanap pa din ni Evan ang nawawalang babae. Hindi rin siya masaya dahil hindi siya sinabihan tungkol sa pagbabago na naganap sa kontrata.

Pero alam niya na tama si Evan. Bilang alalay, wala siyang karapatan na kuwestiyunin ang nakatataas sa kanya.

Miserable niyang inisip, “Caroline, alam mo dapat ang lugar mo! Gaano ba kahirap sumunod at maging sunod-sunuran?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status