Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 7 Bakit Hindi Ka Umuwi

Share

Kabanata 7 Bakit Hindi Ka Umuwi

Isinantabi ni Evan ang pag-aalala niya at binuksan ang pinto habang malamig ang kanyang ekspresyon.

“Padalhan siya ng gamot mamayang gabi, at ipaalam sa HR department na bigyan siya ng tatlong araw ng pahinga.”

Pagkatapos, hindi inaasahan niyang idinagdag, “Kumuha ka ng katulong na magluluto at mag-aalaga sa kanya sa mga araw na iyon.”

“Opo, Sir!” Tumango si Reuben at napantingin sa French windows ng restaurant.

Habang inoobserbahan ni Reuben si Daniella na nakaupo sa loob ng restaurant, umoorder ng pagkain habang nakangiti, hindi niya mapigilan makaramdam ng iba’t ibang emosyon sa loob niya.

*

Noong gabi na iyon, hindi bumalik si Caroline sa villa ni Evan. Sa halip, ininom niya ang gamot na ibinigay ni Dr. Wilson at nakatulog sa kama ng ospital hanggang sa natural siyang nagising.

Noong nagising siya, napansin niya na may karayom sa likod ng kamay niya. Nakita ni Katie na nagising si Caroline at agad siyang pinaalalahanan, “Carol, huwag ka malikot. May lagnat ka. Nilagyan ka ni Dr. Wilson ng IV drip.”

Tumango ng mahina si Caroline habang umuupo siya ng maayos.

“Anong problema, anak? Bakit hindi mo sinabi sa akin na may lagnat ka, at bakit ang nipis ng damit mo?” Mahinahong sinermonan ni Katie si Caroline. Nakaramdam ng init si Caroline sa puso niya matapos marinig ang mga salitang iyon na balot ng pag-aalaga.

Nawala ang kunot ng noo niya at mapaglaro niyang tinignan ang ina niya, “Ma, nagugutom ako.”

Tinitigan ng masama ni Katie si Caroline at sinabi, “Dadalhin ng nurse mamaya ang pagkain. Tiisin mo muna. Lagi ka hindi nakakakain sa tamang oras. Dapat mag effort ka na kumain sa tamang oras!”

Noong natapos magsalita si Katie, ang caregiver niya, na si Ms. Hannah, ay pumasok sa kuwarto ng may hawak na thermos.

Matapos mapansin na gising na si Caroline, tumagilid ang ulo niya at nagtanong, “Carol, may dalawang guwapo na lalake sa pinto. Mga kaibigan mo ba sila?”

Nabigla si Caroline. “Kaibigan?”

Nagblangko ang isip ni Caroline ng sumagi sa isip niya ang itsura ni Evan.

Bago pa siya makapagsalita, may mga yabag na lumapit sa pinto.

Pumasok si Reuben at tinawag si Caroline, “Ms. Shenton, lumabas ka muna sandali.”

Tumango si Caroline at maingat na inalis ang karayom mula sa likod ng kamay niya bago umalis ng kama.

Nababalisang sumigaw si Katie, “Carol, anong ginagawa mo?!”

“Ma, ipapaliwanag ko mamaya!”

Pagkatapos, sinundan niya si Reuben palabas ng ward.

Nakita niya si Evan na nakatayo at naninigarilyo. Nakasimangot ang guwapo niyang mukha na tila may kaaway siya.

Naguluhan si Caroline bago niya tinawag ng mahina si Evan, “Mr. Jordan.”

Tinitigan siya ng malamig ni Evan. “Bakit hindi ka umuwi kagabi?”

Yumuko si Caroline at sumagot, “May sakit po ako.”

Suminghal si Evan, “May sakit ka? Kahit pati ang boses mo mukhang naglaho. Bakit hindi mo ako sinabihan?”

Nagsalubong ang mga kilay ni Caroline. “Nakatulog po ako matapos inumin ang gamot. Hindi ko po intensyon na itago ito.”

Habang pinipigilan ang galit niya, lalo naging malamig ang boses ni Evan. “Sigurado ka ba na iyan ang totoo, o sinadya mo ito para mapunta sa tabi ng ibang lalake? Hmm?”

Hindi makapaniwala siyang tumingin kay Evan, “Anong lalake?”

Sumingkit ang mga mata ni Evan habang malamig siyang nakatitig at ngumisi, “Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo?”

“Caroline?”

Bago pa maisip ni Caroline ang iniisip ng misteryoso niyang boss, isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

Sa oras na iyon, bigla naalala ni Caroline ang pag-uusap nila ni Dr. Wilson kahapon. Nangyari ito bago bigla ibinaba ng boss niya ang tawag!

Ang tinutukoy ba ni Evan ay si Dr. Wilson?

Sinulyapan ni Caroline si Scott, na palapit sa kanya, at pagkatapos, kay Evan na mapanghamak na nakatingin sa kanya.

Ito siguro iyon! Kung hindi, bakit siya nandito?

Lumapit si Scott at naobserbahan ang dumudugo na likod ng kamay ni Caroline. Resulta ito ng pagmamadaling pag-alis ng karayom ng hindi pag-aapply ng pressure.

Habang nakasimangot, binalaan niya si Caroline, “Dumudugo ang kamay mo. Base sa oras ng drip mo, hindi pa dapat ito tapos.”

Tumingin pababa si Caroline at nag-apply ng pressure sa dumudugong likod ng kamay niya. “Maraming salamat, Dr. Wilson. Aasikasuhin ko ito.”

Bumuntong hininga si Scott at inilagay ang likod ng kamay niya sa noo ni Caroline.

“Nawala na ang lagnat mo, pero kailangan mo pa din magpahinga.”

Nag-aalala siya na baka magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ni Evan, mabilis na umiwas ng tingin si Caroline. “Naiintindihan ko.”

Ipinasok ni Scott ang kamay niya sa bulsa at humarap kay Evan na mabigat ang paghinga.

Sa magalang at mahinang boses, nagsalita siya, “Sir, kailangan magpahinga ng pasyente. Pakiusap at limitahan ang oras ng pag-uusap.”

Tumingin si Evan kay Scott, mata sa mata. “Bihira ang doktor na nasusukat ang temperatura ng pasyente ng hindi gumagamit ng kahit anong gamit.”

Ngumiti si Scott at sumagot, “Salamat ito sa extensive clinical experience ko. Nakakatipid din ito sa oras at narerespeto nito ang oras ng pasyente para makapagpahinga.”

Binigyan diin ni Scott ang mga salitang “respeto sa oras ng pasyente para makapagpahinga.”

Nakaramdam ng pagkabalisa si Caroline.

Alam niyang nagsasalita para sa kanya si Dr. Wilson, pero hindi niya kilala si Evan.

Ang lahat sa Angelbay City ay kilala ang pagiging walang awa ni Evan. Kapag hindi siya natuwa, maaaring manginig ang buong lungsod sa galit niya.

Kung gagalitin ni Dr. Wilson si Evan, maaari siyang mawalan ng trabaho ano mang oras.

“Dr. Wilson, ito po ang boss ko. Pakiusap, bumalik ka na po sa trabaho. May kailangan pa kaming pag-usapan ng boss ko!” Mabilis na nakielam si Caroline, at binalot niya ng pagmamadali ang boses niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status